noveltoon logo noveltoon
The Governor's Wife

Chapter 5

Ch. 6 / 37 Nov 28, 2025

PASULYAP-SULYAP si Pepper kay Jaidon habang kumakain sila ng tanghalian. Kaharap nila sa mesa ang kanyang ama na halos wala pa ring imik. Ang bodyguard ni Jaidon na si Anton ay nagpumilit na guwardiyahan ang pinto kaya hinatiran na lang ito doon ng pagkain.

She was being fascinated by the governor’s calmness amidst this chaos. Kung tutuusin ay mas malaking kahihiyan dito ang eskandalong kinasasangkutan nila dahil isa itong pulitiko. Isa lang naman ito sa mga pinaka-popular na politician sa Pilipinas. Governor Jaidon Silvanus was even tagged as one of the most eligible bachelors in the country. Marami nang kilalang babae ang na-link dito; mga anak-mayaman at celebrities. `Tapos biglang ngayon ay mababalitang girlfriend nito ang babaeng kaulayaw nito sa video scandal. Isang babaeng hindi kilala sa lipunan.

Napaparami tuloy siya ng subo ng pagkain.

“Kailan kayo magpapakasal?”

Nagkatinginan sina Pepper at Jaidon sa tanong na iyon ni Fernan. Pati si Mica na kasalo nila sa pagkain ay natigil sa ere ang kutsarang isusubo sana nito.

“Sa lalong madaling panahon po,” nakangiting sagot ni Jaidon.

“Hindi ako nag-aambisyon ng engrandeng kasal para sa anak ko. Ang gusto ko lang ay maging legal ang ugnayan ninyo. Ayoko ng kahihiyan. Matanda na ako at wala akong maipagmamalaking kayamanan kundi dignidad lamang, gusto kong baunin `yan hanggang sa kabilang-buhay.”

“Kung okay lang po sa inyong sa civil muna kami magpakasal para mas madali ang preparasyon. Saka na lang planuhin ang sa simbahan.”

Juskolord. Gigil na ininom ni Pepper ang isang basong tubig, dire-diretso. Hanggang sa naubo siya at lumabas ang likido sa kanyang ilong.

Hinaplos-halos ni Jaidon ang kanyang likod habang nagpupunas siya ng mukha. “`You okay?” mabining tanong pa nito.

Napatango na lang siya.

Nang matapos silang kumain ay niyaya niya sa kanyang kuwarto si Jaidon para solo silang makapag-usap. Sa hallway ay narinig niya ang kanyang amang may kausap sa telepono. Siguradong ang kanyang Mama iyon, ibinabalita na dito ang tungkol sa kasalan. Napahinga naman siya nang maluwag dahil hindi na tunog galit ang boses ng kanyang ama, parang natutuwa at excited na ito.

“Bakit napunta sa kasalan ang lahat?” tulirong sabi ni Pepper kay Jaidon at naglalakad na paroon at parito. “Natakot ka ba sa tatay ko? Hanggang salita lang naman `yon pagdating sa sindakan, wala sa lahi namin ang mamamatay-tao, Gov!”

“Ayaw mo ba?”

Natigil siya sa paglalakad at hinarap si Jaidon na nakaupo sa gilid ng kanyang kama. “Ganyan ka ba talaga? Magdedeklara ka muna ng gusto mong mangyari `tapos saka ka magtatanong? Ni hindi man lang ako nakapiyok! `Maryosep ka.”

Tumayo naman ito at lumapit sa kanya. Kinuha nito ang kanan niyang kamay at ikinulong iyon sa mga palad nito. “Okay, then I’m asking you now. Will you marry me?”

Ilang beses siyang napakurap saka lumunok. Hindi naman natinag ang gobernador, diretso ang tingin sa kanya, naghihintay ng kasagutan. Positibong kasagutan. Dahil mukhang desidido talaga itong kumbinsihin siya, wala sa hitsura nito ngayon ang uuwing bigo.

“S-seryoso ka talaga? O baka front lang ito sa press?” naitanong ni Pepper.

Samantalang ang kausap ay hindi man lang kumurap nang tingnan niya sa mga mata. “I’m serious, Pepper. Let’s get married.”

“W-why? S-saka, bakit ako?”

“Naisip kong panahon na para mag-asawa ako. At naisip ko ring iyon lang ang magiging paraan para makabawi ka sa pamilya mo. I saw the pain in your father’s eyes, the same pain that I saw from my father.”

Bakit nga naman hindi? Sa huwes lang naman sila papakasal, hindi ba? Hindi sa harapan ng Diyos ang kanilang magiging sumpaan. Uso naman ang annulment at mabilis ang proseso kung maraming pera at magaling ang abogado. She could just quit anytime if it didn’t work.

Isa pa, makakabawi na rin siya sa kahihiyan, mawawala na ang sakit na bigay niya sa kanyang pamilya. Ang pasaway na Genaro ay ikakasal na, lalagay na sa tahimik. Aalis na siya sa kanilang bahay, magkakaroon ng sariling buhay. Bagong buhay.

Wow. Nag-iisip din pala siya.

“Do you want me to persuade you first?” pilyong tanong pa ng gobernador. “Alam mo namang nagkakasundo tayo sa isang bagay. ”

Hinila ni Pepper ang kamay. Baka kung saan na naman mapunta ang usapan nila ng lalaking ito! Kung bakit napakadali niyang nadadarang pagdating dito.

“Oo na. Papakasal na ako sa iyo.”

“PIPAAAY! Jusko, Pipay Pasaway! Nababaliw ka na bang talaga?! O nasasapian ka ng masamang espiritu? Ipapa-exorcise na kitang bruha kaaa!”

Inilayo ni Pepper mula sa tainga ang kanyang cell phone sa takot na mabasag ang kanyang eardrum sa lakas ng boses ni Linny.

“Loka, pumayag na ako. Kailangan ko nang panindigan `to,” matigas namang sabi niya dito.

“ Kasal na ito, gaga. KASAL! ” sigaw uli ng kaibigan.

“I know.”

“You know nothing, Pipay Genaro!”

“Puwede ba, Linita, huwag mo na akong tatawagin sa palayaw na `yan. Magiging asawa na ako ng pinakaguwapong gobernador sa Pilipinas, `no? `Di na bagay ang Pipay sa akin.”

“ Aba ’t seryoso ka nga talaga?”

“Oo sabi. Ang kulit mo. Ikaw na lang ang hindi naniniwala at tumata nggi . Buong pamilya ko, tanggap na.”

Nag-usap-silang mag-anak noong isang gabi at nagkasundong ang pagpapakasal nga kay Jaidon ang pinakamainam na gawin. Naniwala rin ang mga itong may relasyon na sila ng gobernador at itinago lang nila iyon sa publiko. Sapat nang ebidensiya ang paglalampungan nila sa video na may ugnayan nga sila, nakunan din ng press ang pag-uusap nila sa party at ang kanilang pagsasayaw. Isa pa, palagi siyang umaalis ng bahay, magandang dahilan iyon para mag-isip ang kanyang ama na palihim siyang nakikipagkita kay Jaidon. Not to mention that she was invited to his father’s birthday party.

Kung alam lang ng kanyang pamilya ang dahilan ng pag-attend niya sa pagtitipon na iyon.

Gagong Radley. Ni hindi man lang siya tinawagan.

Maybe this would be for the best after all, kailangan na niyang ibaon sa limot ang pagsintang pururot niya sa kababata.

“ Nandito na ito, Linny. Kung hindi umubra `di maghihiwalay kami, ganoon lang kasimple. ”

Mukhang nahimasmasan na ito nang muling magsalita. “`Sabagay, baka diyan ka na nga magtino sa buhay. Marriage changes everything, `no? Kita mo naman ako, `di na lumalabas ng bahay.”

“`Di ka lumalabas ng bahay kasi istrikto `yang mister mo!” nakanguso naman niyang banat. “Hindi ka na nga nauuwi dito. Kailan pa `yong huling nagkita tayo?” pagtatampo niya.

“Gosh. `Di ko na rin maalala, parang six-seven months ago? Oo nga, ganoon na rin pala katagal noong nagpunta ka dito at hindi man lang tayo masyadong nakapag-bonding dahil busy ako sa trabaho. Hayaan mo, try kong umuwi sa Mahal na Araw kung papayag si Ted. Kamusta pala ang barkada? Alam na nila ang papasukin mong kabaliwan?”

“Oo. Alam mo naman ang mga iyon, nuknukan din ng pagkatsismoso.”

Lumabas si Pepper mula sa kanyang kuwarto nang matapos silang mag-usap ni Linny. Nabungaran niya sa salas ang kanyang ama, may binabasa sa iPad nito.

“`Morning, Papa,” bati niya dito.

Tinanguan lang siya ni Fernan, ni hindi iniangat ang mukha mula sa iPad. Bumuntong-hininga na lang siya at tumuloy sa kusina.

Ilang araw na rin na tipid at malabnaw kung kausapin siya ng ama. Iniiwasan niya namang kulitin ito. Ayaw na niyang magalit ito sa kanya at mauwi na naman sila sa pagtatalo. Kailangan niyang itama ang maling nagawa niya at ang pagpapakasal kay Jaidon ang tanging naiisip niyang paraan. Isa pa, iyon din ang gustong mangyari ng kanyang Papa na sinuportahan ng kanyang buong pamilya. Alam na rin ng kanyang maternal grandparents na nasa ibang probinsiya ang pagpapakasal niya. Ang biyudong Lolo niya naman sa ama na nasa California ay kinailangan pa niyang pigilan sa plano nitong pag-uwi para sa kasal. Sinabi na lang niya dito na hintayin na ang church wedding, na hindi niya alam kung kailan mangyayari. O kung mangyayari ba talaga.

Nag-aalmusal si Pepper nang marinig niyang tinawag ni Mica ang kanyang pangalan at bago pa siya nakatayo sa mesa ay lumapit na ito kabuntot ang isang matangkad na lalaking may hawak na isang malaking bouquet ng red roses.

“J-Jaidon?!”

Nataranta tuloy siya, mabilis na napasuklay sa buhok ang mga kamay at pinadaan ang mga palad sa suot niyang maluwang na T-shirt.

“Good morning,” bati ng gobernador sa kanya.

Atubiling tinanggap niya ang mga bulaklak.

Hindi nakaligtas sa kanya ang kilig ni Mica, napakagat pa ito sa mga kuko. “ Gusto n ’yo ng kape, Gov?” tanong nito sa bisita sa naiipit na boses.

“Yes, please. Thank you,” sagot naman ni Jaidon saka umupo sa kanyang harapan.

Mabilis na nagsalin sa tasa ng kape mula sa coffeemaker ang kasambahay. “Toasted bread, Gov? Gusto n’yo ng butter?” sabi pa nito nang ilapag ang kape sa harap ni Jaidon.

“I ’ll manage, thank you,” nakangiting sabi naman ng lalaki dito at dumampot ng isang piraso ng tinapay sa plato sa gitna ng mesa.

“Mica, iwanan mo muna kami,” pakiusap naman ni Pepper sa kasambahay.

Ngingiti-ngiting umalis sa dining room si Mica.

“Ganyan ka ba talaga pag nagpupunta ka dito? Hindi ka pa kumakain?” sita niya kay Jaidon habang ngumunguya ito ng tinapay.

“What? I like eating here. At home agad ang pakiramdam ko dito sa bahay n’yo,” sagot naman nito na sinabayan pa ng kindat.

Ugh. Malandi rin pala ang lalaking ito. But “flirt” would be the last word used to describe the young governor. In fact, sa mga napanood niyang interview dito na kasama ang mga babaeng na-link dito noon ay medyo mellow at reserved ang dating nito, ang mga babaeng involved dito ang pa-obvious na romantic at clingy kahit sa harap ng mga camera. She even thought that Jaidon was a bit stern and boring.

“`Yong bodyguard mo, baka hindi pa nag-aalmusal,” sabi niya na lang at inubos ang kanyang kape.

“Kumain na siya kanina. Hindi `yan nakakalabas ng bahay na hindi naghi-heavy breakfast.” Pagkuwa’y bahagya itong sumimangot. “`Buti pa si Anton naiisip mo.”

“ Ang OA mo pala! ” umiikot ang eyeballs na banat ni Pepper.

“ Labas tayo pagkatapos nating kumain. ”

Tinaasan niya ito ng kilay. “ Labas as in … date?”

“Ang bilis mo pala. Date agad? Hindi ba puwedeng niyayaya lang kitang lumabas dahil mas makakapag-usap tayo kung tayong dalawa lang?”

Hinampas niya ito sa braso.

“JAIDON, ipinapauna ko na, ha? Ayoko ng mga interview. Ayokong makipag-usap sa media. Ikaw na ang bahalang sumagot sa mga tanong nila.”

Nag-ayos si Pepper kanina bago umalis ng bahay kasama ang gobernador. Ang round skirt na above the knee ang haba ang napili niyang isuot. Ngayon lang niya iyon isinuot, pasalubong pa sa kanya iyon ni Ginger noong nakaraang taon na umuwi ito ng Pilipinas. Gusto niyang maging presentable naman na kasama ni Jaidon. Baka pagkamalan pa siyang bodyguard nito kapag nagpantalon siya at iyong paborito niyang Adidas Gazelle ang isuot niya.

Umakbay kay Pepper si Jaidon habang magkatabi sila sa likod ng BMW. “I know. Ako nang bahala.”

Mahina niya naman itong siniko bagama’t hindi niya kayang itatwa ang naramdaman niyang pagdapo ng kiliti at init sa kanyang katawan.

It was official. She was lusting over this young governor.

“Nakakahiya sa bodyguard mo,” bulong niya dito.

Bumulong naman ito pabalik. “ Don ’t worry about him,” he whispered against her ear.

She was instantly on fire. Hindi na tuloy siya mapakali.

“S-saan ba tayo pupunta? Baka sundan na naman tayo ng press,” sabi niya na lang na pilit pinapakaswal ang boses.

“I want us to be alone. Marami tayong dapat pag-usapan.”

Hindi sa bahay ni Jaidon sa kapitolyo o sa isang restaurant ang destinasyon nila kundi sa bayan ng Estrella, sa isang kubling parte ng Rio Delfino. Naiwan si Anton sa labas ng kotse na nagmamanman sa paligid at inakay naman ni Jaidon si Pepper papunta sa kasukalan.

“There, alone at last,” nakangising sabi nito nang makarating sila sa gitna ng kakahuyan.

Lagaslas ng tubig mula sa ilog at huni ng mga ibon na lang ang naririnig niya sa paligid.

Lumunok si Pepper bago nagsalita. “ A-ano pala ng sabi ng Daddy mo? Payag ba siya sa kasal?” tanong niya sa gobernador, pilit na sinusupil ang kiliti at init na libong beses na ang intensidad sa kanya ngayong nagsosolo na sila nito.

“Nagulat din siya sa desisyon ko, masyadong mabilis daw.”

“Duh! Mabilis naman talaga.”

“Nakapagbitaw na ako ng salita sa Papa mo. Bilang lalaki ay hindi ko iyon babawiin.”

Sa gitna ng pagkawindang sa mga nangyari sa kanya nitong mga nagdaang araw ay hindi niya naiwasan ang humanga sa binata. May isang salita ito, may paninindigan at hindi basta-basta nabubuwag iyon. Hindi ito takot sa responsibilidad at pagbabago ng estado sa buhay. Bihira na lang ang lalaking ganoon sa mundo ngayon, in fact ay wala yata siyang kakilala.

“K-kailan ang kasal?” naitanong niya.

“I was thinking of the eleventh of next month. Tamang-tamang nasa honeymoon tayo sa Valentine. Saan mo gustong mag-honeymoon?”

Mabilis siyang napakurap-kurap at muling lumunok. “H-honeymoon?”

“ Yes. ” Hinapit siya nito sa baywang. “Puwede tayong mag-abroad kung gusto mo. Pero sandali lang tayo, marami na kasi akong commitment na kailangang harapin.”

“Sa Japan, hindi pa ako nakakapunta doon. ”

“Okay lang sa iyo ang isang linggo?”

Tumango si Pepper, kumakabog ang dibdib. Magkalapat ang mga katawan nila ng lalaki at hindi na matahimik ang katawang lupa niyang anumang oras ay baka literal nang magliyab.

“O-oo.”

“Good.”

Akmang hahalikan siya nito nang magsalita siya uli. Natigil tuloy ang bibig nito nang may isang dangkal mula sa kanyang bibig. “Paano kung tatanungin ka kung paano naging tayo? Na wala namang alam ang ibang tao tungkol sa atin dati?”

“Everything has been planned. May mga nakahanda na akong sagot sa naka-schedule kong press conference sa Sabado. Even my dad thinks that I have been going out with you. Hindi lahat ng oras ay kasama ko ang bodyguard ko, Pepper. Lalo `pag personal ang mga lakad ko. Marunong din akong tumakas at magtago ng sekreto.”

“Eh, bakit kasama mo si Anton ngayon?”

He sniggered, his arm tightening around her small waist. “You really want us to be alone, don’t you?”

“I-ikaw kaya nagsabi niyan,” sabi niya naman, hindi na naitago ang pagkataranta.

Napasinghap siya nang humaplos ang kamay ng lalaki sa kanyang leeg. “You look flushed.”

“M-mainit lang ang araw.” Nagpalusot pa siya!

“It’s only nine o’clock. Saka nasa kakahuyan tayo ngayon.” Namamaos na ang boses nito.

Hindi na pumalag si Pepper nang siilin siya ni Jaidon ng halik. Hindi siya magpapakaipokrita, hinihintay niya

naman talaga iyon. At pinananabikan nang husto. The problem though was that… now she was wanting more than just a hot kiss.

Namayani na ang pagnanasa sa kanyang sistema dahil kusa niyang ipinasok ang dila sa loob ng bibig ng kahalikan. He groaned in his throat before he suckled her tongue. Sinamahan niya ito sa pag-ungol nang pumisil ang mga kamay nito sa magkabilang umbok ng kanyang puwet.

“J-Jaidon,” she whimpered when his mouth left hers.

“I can’t stop, Pepper.”

Nakita niya ang pagtiim ng mga ngipin nito at ang paglabas ng ugat sa leeg. He was trying desperately to restrain his lust. Mahina itong nagmura. Hinihintay niyang bitiwan siya nito pero alam niyang ayaw nitong gawin.

“I want to fuck you right here, right now,” hanggang nahihirapang deklara nito.

Wala ni katiting na pagpipigil sa katawan ni Pepper. Iyon din ang hinihintay niyang mangyari. “Then fuck me, Governor,” puno ng init na alok niya dito at iginiling ang katawan. “Now.”