“HMMM, ano ba?!” inis na asik ni Pepper nang maramdaman niyang may yumuyugyog sa kanya habang natutulog pa. Ito ang ayaw na ayaw niya, iyong ginigising siya.
Narinig niya ang boses ni Jaidon. “Pepper, may lakad tayo ngayon, remember?”
“Oh, shit.” Nagmulat siya ng mga mata at halos ibangon naman siya ng asawa. “S-saan nga `yong lakad natin ngayon?”
“Bibisita ako sa Estrella at sabi mo sasama ka sa akin.”
Nagkusot niya ng mga mata, pinigil niya ang sariling magpakita ng inis kahit ang totoo ay inis na inis siya sa loob-loob niya. Jusko, nireregla pa siya’t lahat-lahat!
“Oo nga pala. Nakalimutan ko,” sabi niya na lang, pinigil umikot ang mga mata.
Sa gitna ng paghihikab ay nahalata niya naman ang dismaya sa mukha ng gobernador. Naku, nainis yata? Sorry naman, sa nakalimutan niya talaga, eh.
“Didn’t you make a reminder for that?” parang hindi makapaniwalang tanong nito.
She wrinkled her nose. “Ahmm, no.”
“Pepper…” Halatang nagpipigil itong tuluyang mainis. Nakakabilib talaga ang kontrol ng lalaking ito.
“Sorry,” nahihiyang sabi niya naman. “Next time, ililista ko na lahat ng mga lakad mong kasama ako.”
“Maybe it would also help to have a wake-up alarm?” suhestiyon ni Jaidon.
“Hindi ako nag-a-alarm, eh. Sumasama ang gising ko sa ganoon.”
Tumayo na ito mula sa gilid ng kama, tumingin sa kanya na parang nag-iisip ng sasabihin pero parang biglang binawi ang gustong iparating sa kanya. “Okay, I’ll wait for you in the dining room. Handa na ang almusal kanina pa.” Nahuli niyang napailing ito bago binuksan ang pinto ng kanilang silid saka lumabas mula roon.
She had a feeling that he wanted to tell her to hurry her ass up instead. Bossy rin siguro ito?
Wala talaga sa mood si Pepper na sumama sa lakad ng asawa pero pinilit niya ang sarili. She felt irritated because of her hormones and because she was forced to wake up early. Pero ayaw niyang umurong nang last minute dahil baka mag-away sila ni Jaidon at ayaw niyang mangyari iyon. Isa pa, gusto niyang panindigan talaga na nag-a-adjust siya sa pagiging asawa ng isang politiko. Kaya magdusa siya ngayon.
Well, it wasn’t that bad, she thought. Nakaya naman niyang humarap sa mga opisyales ng bayan ng Estrella kahit wala siya sa mood. Hindi niya masasabing nakipagplastikan lang siya. She really tried to be nice and look presentable.
“Thank you for coming with me, Pepper,” sabi sa kanya ni Jaidon nang paalis na sila sa munisipyo ng Estrella.
“You’re welcome,” nakangiting sabi niya naman pero sa isip ay gusto niyang tumuloy sa mall para tumambay sa food court doon at mag-food trip. And chocolates! Kailangan niya iyon ngayong may dalaw siya para gumanda-ganda ang mood niya. Pero nasabi na niya sa asawa na sasama siya rito sa Kapitolyo.
Hindi naman siguro ito magagalit kung nagbago man siya ng isip ngayon? After all, iyong sa Estrella naman talaga ang importanteng lakad nila ngayon.
She decided to test the water. Parating na sila sa Sta. Inez nang naglakas-loob siyang magsabi kay Jaidon ng totoo.
“You’re not feeling sick, are you?” sita naman nito sa kanya, nagtaka siguro na biglang nagbago na lang ang isip niya.
Umiling si Pepper. “H-hindi. May bibilhin lang ako sa mall,” sabi niya naman.
Again, she saw that repressed disappointment on his face. Or was it annoyance this time? Ayaw na ayaw talaga nitong nasisira ang mga plano nito.
“Pepper, I already told you, kung ayaw mo ng mga lakad na ganito ay magsabi ka lang sa akin ng totoo. Hindi naman kita pipilitin,” halatang nagpapakahinahon na sabi ni Jaidon.
“I know that. Biglang nagbago lang talaga ang isip ko. I just… Well, I got bored in Estrella. Napatagal ang pag-uusap n’yo kasi ni Mayor.”
“Okay,” pormal ang mukhang sabi nito.
Mataman naman itong tiningnan ni Pepper. Kapag ganoon ka-stern ang mukha ng asawa ay parang nagtaas na ito ng makapal at matigas na maskara. Mahirap nang arukin ang totoong iniisip o nararamdaman nito. Gusto tuloy niyang bawiin ang mga sinabi pero ayaw na talaga niyang magpunta ng Kapitolyo. Baka doon na siya mapipilitang makipagplastikan sa mga taong kahaharapin at ayaw niyang gawin iyon.
“I mean, wala naman akong importanteng taong kahaharapin doon, `di ba? O, meron ba? Baka nakalimutan ko lang.”
“Wala naman.” Nag-iwas na ito ng tingin sa kanya. “It’s just that my staff is already expecting you to be there. Pero sasabihin ko na lang na nagbago ang isip mo.”
Nahuli niyang napatingin sa kanilang mag-asawa si Anton mula sa rear-view mirror. Parang naramdaman nitong nagkikimkim ng matinding iritasyon ang gobernador.
Naramdaman na rin ni Pepper ang tensiyon pero hindi nagbago ang pasya niya. “S-sorry, Jaidon. Babawi na lang ako sa ibang araw.”
“It’s all right. Don’t worry about it.” Napuna niyang nagtiim ang mga bagang ng asawa. “Gusto mo bang dumiretso na sa mall?”
“Pakihatid na lang ako sa bahay, magpapalit pa kasi ako ng damit. I will take the other car if you don’t mind.”
“That car is yours, Pepper. I already told you.”
Siya naman ang pumormal. “Right.”
Gabi na nang umuwi si Pepper galing sa mall. Maliban sa pag-food trip ay nag-shopping siya at nanood ng sine. Tumunganga rin siya sa café na nasa rooftop ng mall. Mag-a-alas nuwebe na ng gabi nang makarating siya sa bahay, sinalubong naman siya ni Manang Tacing at sinabi niya agad ditong kumain na siya sa labas bago pa nito matanong.
“Late na kumain si Gov kanina, Ma’am Pepper. Parang hinihintay kayo,” sabi pa ng babae.
Napamura siya sa narinig at dali-daling umakyat sa ikawalang palapag ng bahay. Nang hindi niya abutan sa kuwarto ang asawa ay hinanap niya ito sa library, wala rin ito doon, wala rin sa rec room. Sa gym niya ito natagpuan, nagbubuhat ng barbell.
“Hi, handsome!” alanganin ang ngiting bati niya.
“Hey, gorgeous!” sabi naman nito saka ibinaba ang barbell sa rack.
“Sorry, hindi ako tumawag na hindi uuwi for dinner,” sabi ni Pepper habang palapit.
Bumangon ito. “It’s all right.”
“Sabi ni Manang Tacing, late ka raw nag-dinner?”
“Ah, yes. May conference call lang kami nina Daddy at Ninong kanina.”
“O-oh.” Akala pa naman niya ay siya ang dahilan. Mabuti naman, hindi na siya makokonsiyensiya.
Nagpunas ito ng tuwalya sa mukha. “Did you already eat?”
“Yes. Naparami nga ako ng kain.”
Nagpatiuna itong lumabas ng pinto ng gym. “Good.”
Humabol naman siya rito. “Jaidon…”
Bahagya siya nitong liningon. “Yes?”
“Inis ka sa akin, `no?” lakas-loob na tanong niya.
Tuloy-tuloy si Jaidon sa paglalakad papunta sa kanilang kuwarto. “Bakit mo naman nasabi `yan?”
“I… I can feel it somehow.”
Doon na ito tumigil sa paglakad. Bumuntong-hininga ito saka walang sabi-sabing hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya sa mga labi. Ngumiti lang ito sa kanya pagkatapos siyang maalab na hinalikan saka parang wala lang na ipinagpatuloy ang paglalakad.
“Naku, Gov!” Humagikgik si Pepper na sumunod sa asawa. “Kung ganyan ka makahalik kung naiinis ka sa akin, baka palagi kitang inisin, makita mo!”
ANIM na linggo. Halos hindi namalayan ni Pepper ang paglipas ng mga araw. Akalain mo, nakatagal na pala siya ng halos dalawang buwan na may asawa!
Heto siya ngayon, kasama ni Jaidon sa pag-attend ng mass graduation ceremony ng Sinagtala State University. Napapadalas siyang isinasama ng lalaki sa mga dinadaluhan nitong mga pagtitipon. Bawat isa sa mga iyon ay sinisiguro niyang presentable ang hitsura niya sa madla kaya todo-ayos siya at piling-pili ang mga kasuotan. Natututo na rin siyang makiharap sa mga opisyales ng gobyerno. Ganito na ang buhay niya ngayon, kailangan niyang masanay.
Pero hindi niya pa rin maiaalis ang boredom minsan. Anong magagawa niya? Sanay nga siyang tumunganga at walang ginagawa pero nababato rin naman siya sa pag-upo ng maraming oras.
Makaraan ang dalawang oras na pag-upo sa pinakaunang hilera ng mga upuan na nasa ibaba ng entablado ay tumayo siya. Nilapitan niya si Anton na tuwid na tuwid ang tayo sa bandang kaliwang dulo ng stage.
“Gutom ka na ba, Anton? Tara, bili tayo ng merienda,” yaya niya.
“Hindi pa ako nagugutom, Ma’am. Hindi ko puwedeng iwan si Boss.”
Napasimangot si Pepper. “Siya, ako na lang ang bibili. Anong gusto mong pagkain?”
“Mamaya na lang ako kakain, Ma’am.”
“ Sigurado ka? ”
Sunod-sunod ang pagtango ng bodyguard. Kinibitan niya ito ng mga balikat saka siya lumayo sa quadrangle ng unibersidad. Nakahanap naman siya ng nagbebenta ng pagkain doon at bumili siya ng isang lata ng Coke at ensaymada. Umupo siya sa isang bench sa silong ng acacia at doon kumain.
Hanggang sa mapansin niyang pinagtitinginan siya ng mga tao. Kaloka, kilala na yata siya ng madla bilang asawa ng gobernador. Ang ganda pa kasi ng suot niyang kulay abong pencil dress. Niliitan niya tuloy ang mga pagsubo ng ensaymada.
Pabalik na si Pepper sa kanyang upuan nang may isang lalaking teenager na lumapit sa kanya. May hawak itong isang kahon na naka-gift wrap. Para daw kay gobernador. Tinanggap niya iyon at nagpasalamat. Pero hindi na siya nakabalik sa kanyang upuan nang lapitan siya ni Anton. Palinga-linga ito, parang naalerto pati buhok sa ulo.
“Ma’am, akin na `yang kahon, ” sabi nito sa kanya.
“Hawakan ko na lang, hindi naman mabigat,” sabi niya naman dito.
“ Hindi n ’yo dapat basta-basta tinanggap `yan, Ma’am,” sabi pa nito, luminga-linga uli.
Hindi niya napigilan ang magtaray. “At bakit naman? Regalo daw ito para sa asawa ko, alangan namang tanggihan ko?”
“ Protocol lang, Ma ’am. Pasensiya na pero kailangan n’yong ibigay sa akin `yan.”
“Ayoko nga!”
Naghilahan sila ni Anton sa kahon.
“Ma’ am, huwag kayong makulit! ”
Pinandilatan niya ito ng paningin. “Aba, ako pa itong makulit?! Bakit ba kasi big deal para sa iyo ang kahon na ito?”
“ Baka kung ano ang laman, kailangang ma-check. ”
“Anong laman, bomba?”
Sa gulat nilang dalawa ay may biglang sumigaw ng “bomba” mula sa kanyang likuran.
“ Bomba! Bomba! ”
“May bomba?!”
“Bomba daw!”
“Bomba! Sasabog na!”
“Takbo!”
Hanggang sa nagkagulo sa quadrangle, nagpulasan ang mga tao. Ang ilang mga panauhin sa entablado ay nagsitalon mula roon. Maliksi naman siyang nahila ni Anton sa isang sulok para makalayo sa nagtatakbuhang mga tao. Narinig ni Pepper na tinatawag ni Jaidon ang kanyang pangalan bago lumayo sa kanya si Anton para lapitan ang amo nito.
Nabalita uli si Pepper Genaro-Silvanus sa national news.
PAUWI na sila galing Sinagtala State University at mahahalatang kanina pa kinikimkim ni Jaidon ang inis. Hindi tuloy mapakali si Pepper sa kinauupuan at lalo siyang naligalig nang tumawag sa kanyang mister ang ama nito.
“I already took care of it, Dad,” hilot-hilot ang sentidong sabi ni Jaidon sa ama. “I got everything under control.”
Napakalakas ng boses ng matanda at narinig tuloy ni Pepper ang ibang pinagsasabi nito sa anak. Kesyo pagsabihan daw siya ni Jaidon, bakit daw kasi kailangang isama siya sa mga lakad nito.
Aba, aba, aba! Siya ang solong sinisisi?
Lumakas na rin ang boses ni Jaidon. “I don’t give a shit, all right? The media can go fuck themselves!”
Nagkatinginan sina Pepper at Anton mula sa rearview mirror. Napailing ang bodyguard.
“ Putang-ina, ” narinig niyang mahina pero mariing mura ni Jaidon pagkatapos makipag-usap sa ama.
Pagdating nila sa bahay ay mabibilis ang mga hakbang ng gobernador na naunang umakyat sa kanilang kuwarto. Pagpasok roon ay pabalibag nitong isinara ang pinto na halos nagpayanig sa buong bahay.
Doon na hindi nakatiis si Pepper. “Will you calm down?”
“ Pepper, don ’t start,” nagpapakahinahong banta nito sa kanya.
Pero sumige pa rin siya. “Wala namang bomba talaga, `di ba? Dapat nga magpasalamat ka.”
Kumumpas sa ere ang mga kamay ng gobernador. “Magpasalamat? Saan ako magpapasalamat? Nagkagulo sa graduation, Pepper!” Dumadagundong ang boses nito, labas ang mga litid nito sa leeg.
Napaatras si Pepper mula sa asawa, hindi inaasahan ang pagtaas ng boses nito sa kanya. He looked mad and frustrated.
“Wala namang nasaktan, saka natuloy rin naman ang ceremony. Makasigaw naman kasi ng bomba ang aleng iyon. Siya `yong may kasalanan, eh. Ang OA kasi!” nakangusong sabi ni Pepper sabay halukipkip at bagsak ng upo sa kama.
“Kahit na! Paano kung bomba talaga iyon?”
Tumaas na rin ang boses niya. “Binuksan ko na nga, `di ba? Hopia ang laman ng kahon, hopia. HOPIA! Paanong sasabog ang hopia? Paki-explain!”
“Hindi ka dapat basta-basta tumatanggap ng regalo `pag hindi mo kilala ang nagbigay. Tinawag mo muna dapat si Anton!”
“Paano ko tatawagin si Anton, eh, ayaw iwan ang kinatatayuan niya? Daig pa niya ang rebulto ni Rizal na nakatirik doon! Nagmagandang-loob lang naman akong tanggapin ang regalo para sa iyo. Que grabedad!”
“But why didn’t you listen to him? Kinukuha niya sa iyo ang kahon pero ayaw mong ibigay. Why did you have to be so stubborn?”
Nakikita niya ngayon ang ibang parte ng pagkatao nitong hindi niya alam na nag-e-exist. Marunong din pala itong sumigaw. At sa galit nitong anyo ay puwede na niyang isiping may sapi ito ng pitong demonyo. He was raging and he looked like he was ready to raise hell at that very moment.
“W-well, akala ko kasi exaggerated lang siya.”
“Maraming namamatay sa maling akala, Pepper. Wala akong pakialam kung mag-eskandalo ka man lagi sa harapan ng media. I just don’t want other people to get hurt.”
“Why are you even mad at me now? Tapos na ang nangyari. Move on na tayo.”
“Move on? Easy for you to say!”
Nilakasan pa niya ang volume ng boses. “Ano pa nga ba ang dapat nating gawin, ha?!”
“Do not yell at me,” mababa pero matiim na sabi ni Jaidon, yumuko at inilapit ang mukha sa kanya.
Hindi niya ibinaba ang boses, hindi siya nagpa-intimidate dito. “You yelled at me first!” asik niya sa asawa sabay tayo.
Tuloy-tuloy si Pepper na bumaba mula sa ikalawang palapag ng bahay.
NAGTUNGO si Pepper sa hardin, sa tabi ng lagoon, para sumagap ng sariwang hangin. Baka sakaling mawala ang inis niya at hindi na niya maisip na batukan ang asawa.
Great. She just had her first marital fight. `Eto siguro `yong sinasabi nilang “honeymoon is over”. Nag-uumpisa nang mag-away ang mga mag-asawa, nag-uumpisa nang madiskubre ang mga kapintasan ng bawat isa.
At naku, sasabayan pa ng tawag ng kaibigan niya!
“Wala ka na bang ibang ginawa kundi tumambay sa Facebook?” inis niyang sita kay Linny nang ibalita nito sa kanyang sikat na naman siya sa social media.
“Hoy, Pipay! Oo, tinawag kitang Pipay dahil hindi bagay sa iyo ang pangalan mong Pepper ngayon. Ang katrabaho ko ang nagbalita sa akin ng ginawa mong kalokohan, ano?”
Umikot ang eyeballs ni Pepper. “Hindi ko naman alam na may nerbiyosang aleng makakarinig ng usapan namin ni Anton, `no? Hindi naman ako sumisigaw that time. And I was just being sarcastic about the bomb. Geez!”
“Hindi mo dapat sinasabi ang salitang iyan sa publiko, tange!” gigil na sabi ni Linny.
“Oo na, ako nang may kasalanan. What’s new, pussycat?”
“Akala ko ba mag-a-adjust ka na sa pagiging asawa ng gobernador?” sermon pa ng kaibigan.
Halos umusok ang nostrils niya sa inis. “Kaya nga ako nandoon sa graduation ceremony na iyon, `di ba? Sinasamahan ko ang asawa ko!”
“Kailangan mo’ng baguhin `yang attitude mo—”
“Ay, instant lang? Agad-agad na mababago, ganoon? In six weeks, good girl na agad si Pepper Genaro-Silvanus? Milagro na ang hinihingi mo, Linita. Mag-novena ka muna, gaga!”
“Jusko, Pipaaaay! Wala ka talagang kupas!”
“Saka na nga tayo mag-usap. Mainit ang ulo ko.”
Pinatay ni Pepper ang Smartphone dahil sigurado siyang susunod na tatawag ang kanyang pamilya at sermon overload na naman ang aabutin niya mula sa mga ito.
May tatlong minuto siyang nakatayo’t nakatanghod sa kawalan nang lapitan siya roon ni Anton.
“Sorry, Ma’am,” paghingi nito ng paumanhin sa kanya. “May kasalanan din ako sa nangyari kanina. Hindi ko kayo dapat pinilit nang ganoon.”
Inirapan niya lang ito.
“Istrikto kasi si Sir Manuel pagdating sa pagtanggap ng mga regalo mula nang muntik nang madisgrasya ang tatay niya. May nagbigay noon ng isang kahon kay Vice, bomba ang laman. `Buti na lang hindi sumabog agad nang buksan ang kahon, may panahon pang na-detonate.”
Natapik ni Pepper ang noo. Now she remembered. Nasa news nga noon ang pangyayaring iyon sa Lolo ni Jaidon. Pero matagal na `yon, nasa high school pa lang siya nang mapabalita iyon.
“Umiiwas lang tayo sa disgrasya, Ma’am. Kaya next time sana, makinig na kayo sa akin,” pakiusap pa ni Anton.
“`Buti nga hindi ikaw ang napagalitan ng masungit mong boss.”
“Stressed lang `yon, Ma’am. Lalamig din ang ulo niya.”
Ugh. Inis pa rin siya. Kung pupuwede lang sigurong tumiris ang talim ng mga mata at galit na boses ni Jaidon ay pisak na pisak na siya ngayon.
“Pero alam n’yo, sa halos tatlong taon kong paninilbihan kay Gov, hindi ko pa siya nakitang talagang nagalit, ni hindi ko nga narinig na nagmura `yan nang brutal. Kaya kahit ako kanina, medyo natakot din sa kanya.”
Oh, nice. So siya lang pala ang nagpalabas ng galit ni Governor Jaidon Silvanus?
“Nasaan na pala `yong hopia?” naalala niyang itanong kay Anton.
“Nilagay ko sa kusina, Ma’am.”
Naglakad na siya pabalik sa bahay. “Tara, kainin natin ang letseng hopiang `yan nang makaganti tayo.”
Nilantakan nga nila ni Anton ang kahon ng special hopia na may assorted flavor. `Buti na lang at lumitaw `yong estudyanteng nagbigay sa kanya niyon kundi ay itatapon na talaga iyon ni Anton. Scholar pala ni Jaidon ang nagbigay, pasasalamat daw sa gobernador.
Pagbalik ni Pepper sa master’s bedroom ay inabutan niyang gising pa si Jaidon. Tiningnan niya ito nang masama nang sulyapan siya mula sa binabasa sa hawak nitong Samsung tablet. Blangko naman ang mukha ng asawa.
Pagkatapos niyang linisin ang mukha at magsepilyo ay hinanap niya sa walk-in closet ang mga pinamili niya sa adult store sa Japan.
Isinuot niya ang isang napakaliit na pulang negligee na naghe-hello na pati kaluluwa niya sa nipis ng tela. Nagsuot din siya ng lacy black thongs.
Muntik matawa si Pepper nang makita niya ang reaksiyon ni Jaidon pagkakita sa kanyang lumabas mula sa closet. Laglag-panga ang gobernador. Sadya niya namang binagalan ang lakad, hinilot-hilot ang batok para magmukhang mas kaakit-akit ang imahe niya.
That’s right, Gov. Maglaway ka ngayon!
“I know what you’re doing, Pepper,” mayamaya ay nonchalant na sabi nito, ibinalik ang mga mata sa tablet. “You’re seducing me with your outfit, and then you’ll refuse when I will ask for sex. Nice try.”
Buset. Sayang pala ang effort niya!
Doble karma pa yata ang umatake kay Pepper dahil paggising niya kinabukasan ay nakita niyang hubo’t hubad na lumabas mula sa banyo si Jaidon.
“`Morning,” kaswal lang na bati nito sa kanya habang nagkukusot ng tuwalya sa ulo.
Hindi niya napigilan ang mapalunok habang tinititigan ang katawan ng kanyang asawa na parang nililok ng isang magaling na iskultor. Kung ganito ba naman ang makikita mo kada umaga ay mapapa-“hu u” ka na lang sa almusal. She wanted to eat him instead! She wanted to devour him, piece by piece… Specially that big chunk of meat dangling in between his muscular legs. Delicious!
But her husband seemed too oblivious to her restlessness. O, baka sinasadya lang nitong tuksuhin siya? Gumanti sa ginawa niyang pagdadamit ng negligee kagabi?
“Sa labas na ako mag-aalmusal. Baka gabihin din ako ng uwi,” paalam ni Jaidon saka ito pumasok sa walk-in closet.
Naisubsob na lang ni Pepper ang nag-iinit na mukha sa unan.
TATLONG araw nang halos hindi nagpapansinan sina Jaidon at Pepper. Madalas ay tulog na siya kung tatabi ito sa kama at paggising niya naman ay nakaalis na ito papuntang Kapitolyo. Lagi din ito sa gym room at sa rec room naman siya madalas magbabad. Umiiwas siguro itong mag-away sila uli, o kaya pinapalamig muna nito ang ulo niya? Ewan niya! Sa totoo lang ay nahihirapan siyang ispelengin ang lalaking ito.
Dala-dala tuloy ni Pepper ang inis hanggang sa pictorial nilang mag-asawa. Kailangan daw ng bagong mga larawan ni Jaidon na idi-display sa Capitol building at ibibigay sa mga media.
Sa bahay nito ginanap ang pictorial. Sa salas, library at garden ang venue. May ilang taga-media rin na pinahintulutang magpunta. May professional hair and make-up artist na umalalay sa kanila at mayroon ding taga-ayos ng kanilang mga kasuotan. Kasama ang mga ito ni Cole Alonte, isang sikat na photographer sa bansa.
“Tumawa ka daw,” bulong ni Jaidon kay Pepper nang sa hardin na sila kinukuhanan ng mga litrato. Nakayakap ito sa kanya mula sa kanyang likuran.
Casual outfits na ang suot nila at hindi na pormal ang mga pose. Naka-chiffon maxi dress siya na tube top, kulay puti na may pastel floral prints; naka-denim pants naman si Jaidon at light green shirt.
Nagtimpi siyang lingunin ito at irapan nang matalim pa sa balisong. Baka makunan pa ng camera. “Hindi ako makatawa, sorry.” Ngumiti lang siya nang matipid sa photographer habang hawak siya sa baywang ng asawa.
Buset. Nami-miss pala niyang hawakan siya ni Jaidon!
“C’mon, Pepper. I’m tired. Gusto ko nang matapos ito,” inip pang hikayat nito.
“`Di palayasin mo na sila nang matapos na ang kalokohang ito!”
“Gusto mo bang mag-away tayo dito?” parang hamon naman nito.
“Oo. Kaya kitang awayin ngayon pero may hiya pa ako sa katawan. Suwerte mo.”
“Nobody’s stopping you, sweetheart.”
Aba ’t naghahamon nga! Sampolan niya kaya ito nang mag-trending na naman sila?
Nilingon ni Pepper si Jaidon para irapan sana pero nagulat siya sa matamis na ngiti nitong sumalubong sa kanya.
“Amazing. Nakakangiti’t nakakatawa ka kahit naiinip ka na pala at inis ka pa sa akin. Politiko ka nga, Gov. Plastic!” Hindi niya napigilan na sabihin dito.
Ngayon niya napatunayan na kahit gaano pa sabihing malinis ang ibang politiko ay mayroon pa ring common denominator ang mga ito. Magaling magpanggap ang mga lekat.
Tumawa si Jaidon. “`Di maging plastic ka rin.”
Nagbago sila ng puwesto, magkaharap sila ngayon at nakayakap ang isang kamay niya sa leeg nito.
“Hindi ako politiko, `no?” Pinilit niyang ngumiti sa camera. Hindi naman matatawag na plastic ang pilit, hindi ba? Tunay pa ring ngiti iyon, pilit nga lang.
“Asawa ka ng isang politiko.”
“Magkaiba `yon. Wala akong sweldo, ikaw meron.”
Inilapit nito ang mukha sa kanyang leeg. “Susuwelduhan kita.”
Pinanginigan ng katawan si Pepper nang idampi ni Jaidon ang bibig sa sensitibong balat ng leeg niya. Nananamantala ang loko. Palibhasa ay sinabihan sila ng photographer na mag-pose lang doon nang natural, naglalambingan at mukhang masaya.
“M-mahal ang talent fee ko, baka mamulubi ka at dumukot sa kaban ng bayan,” sabi niyang sinusupil ang tensiyon. “Ayoko nga ng bayad na… n-na galing sa corruption. ”
“I can pay you with my own money.”
Hindi niya naiwasan ang mapakagat-labi dahil sa sumisidhing tensiyon. Grabe lang, kahit galit siya sa lalaking ito ay tinatablan pa rin siya ng mga hawak nito sa kanya!
“I can feel you trembling, wife,” biglang bulong ni Jaidon sa tainga niya at sunod na humalik sa puno niyon.
“Nanginginig ako sa inis sa iyo!” mahinang asik niya naman.
“Really?” Humigpit ang hawak nito sa kanyang baywang.
Gagong ito, ramdam na ramdam yata ang pagiging tigang niya! Nakuuu, kung wala lang sila sa harap ng camera ay dadakutin niya ito sa etits at hahagurin doon hanggang sa manigas saka niya iiwanan sa ere!
Muli niya itong inasikan. “Panalo talaga ang acting mo, Gov! Parang tunay ang lambing mo sa akin. Pang-Oscar’ s. ”
“I’m not acting.”
Tumawa si Pepper. “Really, huh?”
Mukhang seryoso naman ang kumag. “ Yes. ”
“How could you even look at me like that?” mahina niyang nasabi dito nang nakatitig ito sa kanya nang mabuti.
Sumilay ang maliit na ngiti sa bibig nito. “Like what?” mabining usisa ni Jaidon na parang nagulat pa sa kanyang tanong. Hindi ba ito aware na nakatitig na sa kanya nang parang tagos sa kaluluwa?
Sinalubong niya rin nang mataman ang tingin nito. “L-like you’re…”
His gaze… she felt like drowning in it. Helplessly.
Nawala ang ngiti ni Jaidon, parang mas lumalim pa ang tingin sa kanya. But his eyes—with their sincere warmth… he seemed to be trying so hard to pull up a guard but was failing miserably.
“Like… I’m in love with you?” saka mahinang tanong nito.
“L-love? ” Doon na nagbaba ng tingin si Pepper, tumingin siya sa maliit na mabatong waterfall na dumadaloy sa lagoon. “You don’t even like me, Jaidon,” usal niyang mas mahina pa sa bulong.
Totoo naman, hindi ba? Saang aspeto lang ba siya gusto ng kanyang magaling na asawa? Sa sex, hanggang doon lang. Asa pa siya sa love.
Wait, anong asa? Hindi siya umaasa, utang-na-loob!
Napasinghap siya nang masuyong hinawakan ni Jaidon ang kanyang baba at itaas iyon.
“I like you, Pepper,” usal nito.
Napapikit siya nang ibaba nito ang bibig sa kanya para gawaran siya ng isang halik.
If this sweet kiss was still a part of his charade, then he was doing a damn good job. And double-damn her for giving in so easily!
Nang tanghalian na ay mabilis na kumain si Pepper at nag-excuse na sa mga kasalo sa hapag-kainan. Nagdahilan siyang masakit ang kanyang ulo kahit ang totoo ay wala lang siyang ganang makisalamuha pa sa mga ito nang mas matagal. Hindi na niya kayang magmukhang masaya dahil sa loob-loob ay may ngitngit siya sa kanyang asawa. Ngitngit na lalong nagatungan ng kanyang pagkasabik dito.
Nang balakin ni Jaidon na ihatid siya sa kanilang kuwarto ay pinigilan niya ito bago nila maakyat ang hagdanan. “Hindi ka pa tapos kumain, bumalik ka na roon,” pagtataboy niya sa lalaki. “Please, Jaidon. I wanna be alone. Quota na ako sa pakikipag-inisan sa iyo sa araw na ito,” giit pa niya nang hindi ito tuminag saka walang lingon na nilayasan.
Nahiga si Pepper sa kama matapos niyang linisin ang makeup sa mukha at makapagbihis ng pambahay. Nang marinig niyang umikot ang doorknob ay ipinikit niya ang mga mata at nagkunwaring tulog. Narinig niyang maingat na lumapit sa kama si Jaidon pero agad ring lumayo. Nang sinilip niya ito ay nakita niyang pumasok ito ng banyo. Muli siyang pumikit nang lumabas ito mula roon at lumapit uli sa kama. Naupo ito sa gilid, sa kanyang tabi. She heard him sigh softly and then she felt him move closer to her and lightly kiss her temple, careful not to wake her up.
Nakangiti siyang nagmulat ng mga mata nang narinig niyang sumara na ang pinto. Nakita niya rin sa ibabaw ng bedside table na mayroong isang baso ng tubig doon at maliit na bote ng Ibuprofen.