ABALA sa paghahanda ng kapistahan ng Sinagtala si Jaidon pero ang mga miyembro ng media na dumayo sa kanyang probinsiya ay mas interesado sa kanyang suot na singsing. Isang malapad na ngiti lang ang naging sagot niya sa mga katanungan ng mga ito tungkol sa kanyang personal na buhay.
They would figure it out. Eventually. That was the plan.
And there would be more. So much more. Maghintay lang ang mga ito.
“Nag-announce na ng kandidatura ang mahigpit na kalaban ng daddy mo noon,” balita sa kanya ni Valentin. Dinayo talaga siya nito sa kanyang opisina, mukhang may nakahanda nang plano para sa eleksiyon.
“ Congressman Montero? ”
Iisa lang naman ang kakompetensiya ng daddy niya noon sa eleksiyon. Dalawang beses na natalo si Robert ‘Bob’ Montero at hindi na sumubok sa ikatlong pagkakataon, sa halip ay tumakbo ito sa kongreso at nanalong congressman sa second district ng Sinagtala. Hindi rin siya nito kinalaban noon; ang balita niya ay umurong ang mga supporter nito at lumipat sa kanya. Landslide ang pagkapanalo niya noon, ni hindi na sila naghirap na mangampanya.
“Wala nang iba.”
“He’ll try his luck again, eh?”
“Hindi iyon titigil hangga’t hindi niya nahahawakan ang buong Sinagtala. Gagawa at gagawa iyon ng paraan para manalo. May duda akong sa kanya galing ang balitang ikinasal ka na.”
He shrugged. “I’m not surprised.”
Mukhang nag-ipon muna ng marami at malalakas na armas si Montero bago sumabak uli sa giyera. Good move.
“You have to be prepared, son. Montero wants to play dirty. Sisirain ka niya bago pa man ang campaign period.”
Tinapik ni Jaidon sa balikat ang matanda. “ Don ’t worry, he’ll never succeed. Nandiyan naman kayo, I trust you in this, Ninong.”
Nag-excuse siya kay Valentin nang mag-ring ang kanyang cell phone, nagpaalam naman itong lalabas. Si Pepper ang tumatawag.
“Hey, handsome,” maharot nitong bati sa kanya na sinundan ng hagikgik.
Hindi niya tuloy napigil ang mapahalakhak. “What’s up, gorgeous?”
“Heto, bored na bored na. Wala ka kasi dito.”
“Really? Noong isang araw lang, tumitili ka sa telepono sa sobrang excitement. Parang ayaw mo na ngang umuwi sa Pilipinas.”
“Eh, noong isang araw iyon. Nasa hotel nga lang ako ngayon. Tinamad na akong lumabas. Nabili ko na ang mga gusto kong bilhin, salamat sa credit card mo.”
“Then buy some more. Do everything that you want, Pepper. Maraming magagandang lugar diyan sa Japan na dapat mong pasyalan.”
“Yeah, balak ko ngang pumunta ng Nagoya bukas.”
“See?”
“Pero nami-miss na kasi kita.”
Napangiti si Jaidon. Hindi niya ikakailang nasasabik din siya sa misis. What could he do? He had a very hot wife with killer moves. Sa lahat ng naikama niyang babae, si Pepper ang pinakamagaling gumiling.
“Lalo `yong mga pagse-sex natin, sobrang hinahanap-hanap ko na.”
Muli siyang napahalakhak. “Woman, you are killing me.”
“Are you enjoying your Fleshlight?”
“Not as much.”
“Mas gusto mo pa rin ako?”
“Anong klaseng tanong `yan? Of course I want you more than a fake vagina, Pepper,” natatawa niyang sagot sa asawa.
“Hindi rin ako masyadong nag-e-enjoy sa rabbit dildo ko. Ang weird lang gamitin. I mean, I enjoyed our cyber sex pero iba rin `pag ikaw talaga.”
Yes, he had cyber sex with his wife and he fucking enjoyed it. Nag-umpisa lang iyon sa biruan habang nag-uusap sila sa Skype noong isang gabi…
“Nagmamadali ka yata, Gov? May gagawin ka ba, ha?” biro ni Pepper nang magpaalam na siya rito.
“Maaga akong matutulog dahil madaling-araw pa akong gigising bukas.”
“Matutulog lang talaga? Wala kang gagawing iba?”
Tumawa siya. “Ang kulit mo.”
“ `Di nga. ”
“Well, I’m gonna do something to help me sleep.” He winked at her.
“Can I watch?”
“ Pepper! ”
“What? Asawa na kita. Gusto kitang mapanood. Sue me.”
“Okay. You can watch me only if you’re naked.”
Tumili ito nang mahaba. “ Pervert! ” saka tumatawang sabi nito.
Tumawa rin siya. “Mas pervert ka. Ikaw itong gustong panoorin ako.”
“Sige.”
Namilog tuloy ang mga mata niya. “Sige, pumapayag ka?”
Tumango si Pepp er, inumpisahang kalasin isa-isa ang mga butones ng pyjama top habang maharot na nakatingin sa kanya. Damn, he really married a very naughty woman.
“Hmm, maybe next time I’ll wear my sexy pink negligee,” mapanuksong sabi pa nito.
Napamura si Jaidon nang tumambad ang dibdib ng asawa. “Hey, I don’t wanna have all the fun. I want you to pleasure yourself, too, Pepper.”
She playfully licked her fingers before she rolled one of her taut nipples. “You like that, huh?” pang-aakit pa nito na dinilaan ang upper lip.
“Fuck, yes.”
“Tell me anything you want me to do, Governor.”
And the next scenes between them were too smutty they could be used in porn videos…
“Gusto ko totoo. Mas gusto ko `yong sa iyo. Mas gusto ko kasi `yong tinatrabaho mo ako,” sabi pa ni Pepper kay Jaidon na pumutol sa maiinit na mga eksenang nag-flashback sa kanyang isip.
Pinigil ni Jaidon ang matawa uli nang malakas sa kabila ng nararamdamang pag-iinit dahil sa mahahalay na alaala. Baka marinig siya sa labas ng opisina at magtaka ang kanyang staff. He was not really the laughing kind. Bibihira lang siya kung tumawa, madalas ay mahina pa. Kay Pepper lang yata siya natutong humalakhak nang malakas.
Nawiwili na ba siya sa kanyang asawa nang hindi niya namamalayan? That fast, huh?
Narinig niyang nag-beep ang cell phone niya. Nang tingnan niya ang screen niyon ay may incoming call. Sa Estados Unidos ang area code.
“Pepper, I have an incoming call. Tawagan uli kita mamaya, okay?”
“Okay.”
Napatda si Jaidon nang sumagot ang pangalawang caller. Hindi niya malilimutan ang boses na iyon.
“K-Karina?”
MAHIGIT isang linggo na si Pepper sa Japan. Nasa Nagoya siya ngayon at namamasyal sa Tokugawa Art Museum. Napakarami na niyang napamili at excited na rin siyang mag-post ng mga picture sa kanyang Facebook at Instagram accounts pero naka-deactivate pa pala ang mga iyon mula nang kumalat ang video scandal nila ni Jaidon. Hindi niya alam kung bubuksan pa ang mga iyon dahil ayaw niya ng atensiyon mula sa mga taong hindi kilala, ayaw niyang intrigahin pa siya. Pero sayang at hindi siya makapagpasikat sa mga kaibigan at kamag-anak na narating na rin niya sa wakas ang lugar na pinakaaasam. Hindi lang iyon, wala ring problema sa kanya ang pera at sobrang naninibago siya roon. Puwede na siyang gumastos nang gumastos na hindi nag-aalalang mapagalitan ng mga magulang. Ang sarap ng buhay niya!
Gusto niyang mamangha. Nang dahil sa isang gabing iyon ay nabago nang tuluyan ang kanyang buhay. Heto at may asawa na siya.
May asawa nga siya, pero wala naman sa piling niya ngayon. Nakakalungkot din palang namamasyal na mag-isa. For the first time in her life, she felt bored in strolling alone. Samantalang noon ay halos ayaw na niyang umuwi ng bahay kung gumagala siyang mag-isa.
Posible bang nasasanay na siya talaga sa presensiya ni Jaidon sa buhay niya kahit kailan lang naman sila nito ikinasal? Parang ang OA namang isipin iyon.
Ah, posible ding nami-miss lang niya ang makipag-sex dito. What could she do? She was dumbfounded by that lust so intense. Hindi niya inakalang makakaramdam siya ng ganoon katinding pagnanasa na pinupunan ni Jaidon. She married a sex god.
Masisisi ba niya ang sarili kung halos mamilipit siya ngayon sa pagkasabik sa kanyang asawa? Kung bakit pumayag pa siyang magpaiwan sa Japan. Tigang tuloy ang beauty niya ngayon.
Pagbalik ni Pepper sa hotel na tinutuluyan ay tinawagan siya ni Linny.
“Uy, loka. Have you been reading the news?”
Ugh. Mula nang ma-experience niya ang maibalita sa mga diyaryo, TV at Internet ay na-trauma na siyang umalam ng mga balita sa Pilipinas.
“Anong balita?” malamya niyang tanong dito. “Nasa Japan pa ako, wala akong balita sa mga kaganapan sa atin. ”
“Headline ka uli. Kalat na ang balitang kasal na kayo ni Governor Jaidon Silvanus.”
“Eh, di maganda. I told you, wala naman sa plano naming itago iyon. Kusa na lang malalaman ng madla. Hayaan mo nga ang mga `yan.”
“Kaso hinahanap ka sa Sinagtala. Bakit daw wala ka doon. May nang-iintriga pang itinatago ka raw ng asawa mo kasi baka magkalat ka na naman sa media at makasira ng image niya. Meron pang nagsabing baka raw buntis ka kaya pinakasalan ka agad; may mga naniniwala ring hindi totoo ang kasal ninyo ni Jaidon kaya hindi kayo magkasama ngayon.”
Umusok ang ilong at bumbunan ni Pepper. “ Sino ang mga nagbalita niyan at sasapakin ko nang left and right?”
“Ewan ko. Basta kung ano-anong espekulasyon ang kumakalat. Alam mo naman ang panahon ngayon, hindi na reliable ang source ng mga balita. Kahit sino na lang puwede nang magbalita ngayon. Patrending-trending, viral-viral, ganern.”
“Mga gagong `yon, ah!”
“Kinalkal na pati personal na buhay mo, bru. College dropout ka daw, walang trabaho—”
“Wala silang pakialam!” tili niya. “Ang kakapal ng mga `yan. Sila ba nagpapalamon sa akin?”
Kahit kailan ay hindi ikinahiya ni Pepper ang buhay niya. It was her choice to stop studying. At sa trabaho naman, well, hindi pa niya alam ang gustong gawin talaga sa buhay niya. Bakit ba? Humihingi ba siya ng pera sa mga letseeng taong `yan?
“Ayun lang, parang nagsa-suffer kasi ang image ni Jaidon. Parang hindi raw siya nakapag-asawa ng matinong babae, baka makaapekto ka raw sa kanya sa re-election at matalo siya,” sabi pa ni Linny.
“Aba, wala silang magagawa kung ako ang gusto niyang pakasalan. Dami talagang pakialamera sa Pilipinas! Kaya hindi umuunlad ang bansa natin, eh.”
“Loka. Dapat anticipated mo na `yan. Sikat na politiko sa bansa ang asawa mo, ano? `Tapos nag-announce pa ng pagtakbo uli sa eleksiyon, natural na iintrigahin `yan ng mga makakalaban niya.”
Ugh. Gusto na tuloy niya umuwi.
“`Tapos, may interview `yong ex ni Gov, si Wanda. Tinanong kung ano daw masasabi niya sa pagpapakasal n’yo ni Jaidon. No comment daw, pero tumawa siya. Medyo sintunado lang ang tunog ng tawa, teh. Parang iba ang dating, eh. May meaning ba.”
Lalong naghuramentado ang cells sa katawan ni Pepper. “Pinagtatawanan niya ako, ganern? Bitter lang
siya, bitter! `Chura lang ng Wanda na `yan. Maganda nga, peke naman ang boobs. Retokadang palaka. Tse!”
Tumawa si Linny. “Bakit pala nasa Japan ka pa at nakauwi na ng Pilipinas si Jaidon?” mayamaya ay usisa nito.
“Nagkasundo kaming maiwan muna ako dito. Nabitin ako sa one week lang na bakasyon namin,” nagkakamot ng ilong na sagot dito ni Pepper.
“Pumayag ka naman?” bulalas nito.
“Bakit naman hindi, aber? Alam mo namang mga bata pa lang tayo noon, ambisyon ko nang mag-Land of the Rising Sun, ano? Heto na `yon, Linita, heto na ang pangarap kong bituin! Palalampasin ko ba naman?”
“Pero iba na ang buhay mo ngayon, gaga. May asawa ka na. Dapat i-set mo na ang priorities mo sa buhay. Hindi na puwede `yang hayahay na lifestyle mo. Isa pa, gobernador ang asawa mo. Mag-adjust ka na.”
Napanguso si Pepper. “Well, Jaidon said I can still do anything that I want. Hindi niya naman ako pinag-a-adjust.”
“Siyempre sa una lang `yan, pero be realistic naman, Pipay.”
“Pepper, sabi,” diin niya.
Tumawa uli ang kaibigan. “O, devah? Maka-Pepper ka diyan! Ikaw nga diyan, ayaw mo nang tawagin ka namin sa wa class mong palayaw dahil sabi mo nga asawa mo na ngayon si Jaidon.”
“So, kailangan ko na ring magbago, ganern? ”
“Hindi naman sa magbago talaga.” Tumawa uli si Linny. “Saka parang wala ka namang pag-asang magbago, eh.”
“ Gaga. ”
“Basta mag-adjust ka lang. Kaya mo `yan.”
Hindi niya namalayang nakakuyom na ang isang palad niya. “Kaya ko talaga. Watch me.”
NAKASUOT ng bulaklaking bestida si Pepper nang magpunta sa capitol building. Hindi niya tinanggal ang suot na oversized sunglasses hanggang sa makaakyat sa third floor kung nasaan ang opisina ni Jaidon.
Bahagya pa siyang nainis nang parang elevator na tumaas-baba sa kanyang kabuuan ang mga mata ng babaeng isa sa personal staff ng governor’s office. Secretary ang posisyong nabasa niya sa ibaba ng pangalan nito sa nameplate sa mesa. Nasa treinta siguro ang edad nito; mapustora at maganda.
“May appointment po ba kayo, Ma’ am? ” sita pa nito nang sabihin niyang gusto niyang makita si Jaidon.
“No. Pero kilala niya ako.”
“Your name po?”
Natuwa siya nang hindi siya nito mamukhaan. Nakatulong talaga ang pagtatago niya sa media. Isa pa, wala siguro ng matinong latest picture o video na naipalabas ang press tungkol sa kanya. Medyo madilim `yong makeout session nila noon ni Jaidon, galit naman siya noong nilabas niya ang mga reporter sa kanilang bahay. Isa pa ay nagbago siya ng hairstyle mula sa Japan. Now her hair was an inverted layered bob with a chestnut base color; and red and honey highlights.
Pinigil ni Pepper ang mainis sa sekretarya. “Hindi ba puwedeng papasukin mo na lang ako? I’m assuring you, I won’t get you in trouble, Miss.” Surprise dapat ang pagpunta niya roon. Kung sasabihin niya sa babaeng ito kung sino siya pagkatapos ipapaalam nito sa gobernador, `di palpak na ang plano niya.
May lumabas na matangkad na babae mula sa pinto ng opisina ng chief of staff. Mukhang nasa late thirties na ito pero sexy, may hitsura din; o baka pinaganda lang ng makapal na palitada nito sa mukha.
“Yes?” mataray ding sita nito sa kanya at isa pang may elevator eyes.
“I am here to see the governor, please,” pigil ang pagtataray na sagot dito ni Pepper.
“I’m his executive assistant—”
“And I’m his wife,” kumawala na ang pasensiyang sabi ni Pepper.
Mabilis pa sa alas-kuwatrong nagkumahog ang dalawang babae nang namaywang si Pepper. Napatayo pa ang sekretarya habang hindi magkandatutong mag-dial sa intercom. Kung ano-ano na yata ang napipindot.
“Ihahatid ko na kayo sa loob, Ma ’am,” napapahiyang sabi sa kanya ng executive assistant at akmang bubuksan ang pinto ng opisina ni Jaidon.
“ Don ’t bother.” Mabilis niyang binalingan ang sekretarya na akmang magsasalita na sa intercom. “Papasok na lang ako sa loob, Miss. Salamat.”
Mag-isa si Jaidon sa opisina nito nang abutan doon ni Pepper. Maluwang ang silid, coffee brown ang kulay ng mga muwebles. May aquarium na built-in sa dingding na naglalaman ng isang malaking pulang arowana. Naalala niya ang nabasa niya tungkol sa isdang iyon, bihira lang daw ang ganoong kulay ng arowana at pahirapan sa pagbili. Hindi niya ma-imagine tuloy ang presyo.
“ P-Pepper?! ” Napatayo ang gobernador mula sa swivel chair.
“I’m home!” masayang bati niya at mabilis na lumapit sa lalaki.
Sinalubong naman siya ni Jaidon ng mabilis na halik sa bibig. “ Hindi mo sinabing uuwi ka na, ” parang gulat pa ring sabi nito.
“ Surprise, surprise! ” pinasiglang sabi niya. Na-bad trip talaga siya sa dalawang babaeng iyon!
Jaidon looked happy to see her, but for some reason, he didn’t look so very pleased. Baka ayaw nito ng sino-sorpresa? Come to think of it, baka nga may mga inaasahan itong bisita ngayon, o kaya maraming appointments.
Kung bakit bigla-bigla na lang siyang nakaisip na umuwi.
“Ang babagsik ng dalawang guardia sibil mo,” sumbong ni Pepper, hindi bumibitaw sa batok ng asawa. “Ayun tuloy, napilitan akong sabihing asawa kita para papasukin ako dito.”
She never thought she had missed her husband so much until now. Lalo na ang mabango at preskong amoy nito; at ang matigas nitong dibdib at malalakas na braso. Nagkakagulo na tuloy ang mga himaymay ng katawan niya.
Tumawa si Jaidon. “ Sinusunod lang nila ang protocol. ”
“ Saka `di mo sinasabing sexy pala ang mga babaeng staff mo. ”
Hinapit siya nito sa baywang. Oh, Good Lord. She had missed this embrace, too.
“Mas sexy ka sa kanila.”
Ngumuso siya. “ Hmm, sabi mo lang `yan. ”
“Nagseselos ka? I can replace them anytime, you know? Palitan ko sila ng mas matatanda, `yong baro’t saya ang outfit saka nakabakya, gusto mo?”
Natawa tuloy siya. “Hindi ako selosa, Gov.”
“You didn’t tell me you were gonna cut your hair,” mayamaya ay puna nito, saglit na pinadaan ang mga daliri sa kanyang buhok.
“Bigla ko lang naisipan. Ayaw mo ba?” Saka naisip ni Pepper na puro may mahahabang buhok pala ang mga babaeng romantically involved noon sa gobernador.
“No, no. I like it. It looks…”
Ngumuso siya. “Looks what? Ayaw mo lang yata sa short hair.”
“It looks badass, Pepper. And it looks nice on you.”
Badass, huh? “Pero mas prefer mo ang long hair?”
“I do like long hair in women, but not necessarily that I prefer it.”
“ Parang alam ko kung bakit. ” Doon siya ngumiti nang pilya. “May nahihila ka kasi during sex.”
Tumawa si Jaidon. “Puwede ko pa rin namang hilahin ang buhok mo kahit maiksi.”
Muli siya nitong hinalikan sa bibig, sa pagkakataong iyon ay nagtagal na roon ang mga labi nito. Hindi niya napigilang mapaungol nang lumalim ang halik. Doon na niya pinakawalan ang uhaw at mapusok na nagpalitan sila ng galaw ng mga labi at dila.
Ikiniskis niya ang katawan sa asawa. She felt her breasts and pussy aching like hell. Nangungulila din ang mga iyon. They needed to be touched so bad.
Bahagyang gumalaw ang isang kamay ni Jaidon, umangat para damhin sana ang isang dibdib ni Pepper pero itiniklop nito ang mga daliri at ibinalik sa kanyang baywang ang kamay. Iniisip siguro nitong nasa opisina silang dalawa sa panahong iyon.
Pepper groaned in frustration. At gusto niyang magsisigaw sa inis nang tumunog ang intercom.
Halata ring nabitin si Jaidon dahil ayaw nitong bumitiw.
“Sagutin mo na, baka importante. Sa CR lang ako,” sabi niya nang makita ang isang maliit na pinto na katabi ng isang nakapasong burgundy ficus tree.
She didn’t want to pee. That was not the urge that she felt on her genitals. Nagpunta siya sa banyo para punasan ang nabasa niyang pagkababae.
Hindi naman naisagawa agad ni Pepper ang balak gawin sa banyo nang makita sa salamin ang kanyang imahen. She was flushed in her neck and face. Ang mga mata niya ay namumungay at nakaawang ang kanyang bibig. She was an image of a woman in lust. Kakatwa palang makita ang sarili sa ganoong ayos pero hindi niya naman maitatangging nagbibigay din iyon sa kanya ng kakaibang kasiyahan. Discovering her sensuality was one of the best adventures ever.
Hindi niya alam kung nakalimutan niyang i-lock ang pinto ng banyo dahil walang paalam na pumasok doon si Jaidon.
“W-what are you doing?” nanlalaki ang mga matang sita niya.
“Sorry, hindi na ako makapaghintay, at alam kong ikaw din,” parang nahihirapang sabi nito at isinara ang pinto at sinigurong naka-lock. “I was turned on by that kiss, too.” Pumuwesto ito sa kanyang likuran at hinalikan nito ang kanyang batok.