BITE
NAPATITIG si Virgo sa pinto ng kuwarto ni Lucien pagkatapos bumaba ang tingin sa IV na nakatusok sa pulsuhan niya.
Low blood?
Hindi naman siya low blood. Pero iyon daw ang dahilan kung bakit siya nahimatay.
Napatingin siya kay Lucien na mahimbing na natutulog sa kama. Actually, magkatabi sila ng lalaki. Ito nakahiga, siya naman nakaupo. Kaya nga ang puso niya, walang tigil sa pagtibok nang malakas at mabilis.
Her eyes settled on Lucien’s lips. Bahagyang nakaawang ang manipis nitong mga labi. His lips look ed so sexy. So delectable.
Napalunok si Virgo. Tulog naman siguro ito, `di ba?
Itinukod niya ang isang kamay na walang IV na nakatusok at dumukwang sa lalaki. Inilapit niya ang mukha sa mukha nito. Habang palapit nang palapit ang mukha niya, mas gumuguwapo ang lalaki. Mas nagiging kabigha-bighani ang taglay nitong kakisigan.
Her lips were just an inch away from his when Lucien’s eyes popped open. Napasinghap siya sa gulat at lalayo na sana nang hawakan ni Lucien ang mukha niya.
“Lucien—”
“Do you want to kiss me, Virgo?”
Namula ang mga pisngi niya sa tanong nito. “A-ano?”
“Gusto mo ba akong halikan?” ulit nitong tanong.
Napalunok si Virgo. Honesty coated her being. She felt like she wanted to be honest. “Oo. Gusto kitang halikan.”
Lucien grinned, his eyes showing delight. “Talaga?”
Tumango siya. “Oo.”
Lucien raised his head to kiss her lips. And when their lips met, Virgo felt her stomach flutter. She felt her body tingle. Naramdaman niyang ipinalibot ng lalaki ang braso sa baywang niya at hinapit siya palapit sa katawan nito.
Hindi naghiwalay ang mga labi nila. They kissed each other hungrily. Kinakagat-kagat pa niya ang mga labi ni Lucien na dahilan ng pag-ungol nito.
“Oooh, Virgo…” daing ni Lucien. Hinalikan na naman nito ang mga labi niya.
They kissed torridly and hungrily. Sinisipsip ng lalaki ang kanyang dila. Nararamdaman niyang nababasa na ang parteng iyon ng katawan niya. She was wet. She wanted more than a kiss.
Oh, God! What’s happening to me?
Virgo straddled Lucien’s waist and rubbed her covered core against his groin.
“Oooh, yeah…” ungol ni Lucien.
Mas nag-init ang katawan ni Virgo nang maramdamang matigas na ang pagkalalaki nito. Wala na siyang pakialam sa dapat niyang gawin. Wala na sa isip niya na boss niya si Lucien at hindi dapat siya nakikipaghalikan dito.
Lucien gripped her thighs and then ground his hips against her.
“Oooh…” ungol niya.
Lumapat ang dalawang kamay ni Lucien sa magkabilang baywang niya. Gumapang iyon pataas… papunta sa mayayaman niyang dibdib na natatakpan ng bra.
Mabilis na tinanggal ni Lucien ang pagkaka-hook ng bra. Then , he hungrily took her little beads inside his mouth, making her moan loudly.
“Aaah!” malakas niyang ungol habang inilalapit ang mayayamang dibdib sa lalaki. “Lucien… Oooh…”
Habang nilalaro ng dila ng lalaki ang nipple niya, ang kamay naman nito ay marahang nagmamasahe sa dibdib niya na lalong nagpapabasa sa kanyang pagkababae.
Hinawakan ni Lucien ang laylayan ng suot niyang pang-itaas. Huhubarin na sana nito iyon nang biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto.
“Lucien?” A manly raspy voice called out.
Lucien was catching his breath. “Yes, Dad?”
Nanlaki ang mga mata ni Virgo. Dad? Ang ama nito?
She quickly unstraddled Lucien’s waist and sat on the bed. Ibinalik niya ulit sa pagkaka-hook ang bra at pulang-pula ang mga pisngi na mapamura sa isip. She couldn’t believe she did that with Lucien.
“Control, Lucien,” sabi ng ama nito.
Lucien blew a loud breath. “Yes, Dad.”
Bumangon ang lalaki sa pagkakahiga at niyakap siya mula sa tagiliran. He rested his chin on her shoulder. His breath was fanning her neck.
“Virgo?”
“Hmm?”
“Can I bite you?”
Kunot-noong tiningnan ni Virgo ang lalaki ng matiim na nakatitig sa kanya. “Ano?”
Lucien smiled. “Nothing.”
“Is it really nothing?” Humarap siya rito at pinakatitigan sa mga mata. “Bakit mo naman ako gustong kagatin?”
Lucien grinned. “Nanggigigil kasi ako sa `yo, eh.”
Umawang ang mga labi niya. “A-ano?”
Mas lumapad ang ngisi sa mga labi nito. Amusement danced in his eyes. “Wala. Ang ganda mo.”
Umingos si Virgo. “Ako? Maganda? Mukha nga akong manang—”
“Hindi ka mukhang manang sa akin,” sabi ni Lucien. “Kahit naman nang may malapad kang eyeglasses, maganda ka pa rin sa paningin ko. Lalo ngayon na hindi mo na suot ang eyeglasses mo.”
Mabilis na humawak ang kamay ni Virgo papunta sa gilid ng mga mata niya. Nang walang makapang eyeglasses, napasinghap siya. “Oh, no!” Mabilis niyang itinago ang mukha. “Huwag kang tumingin sa akin.”
Lucien cupped her face and forced her to look up. Nang magtama ang mga mata nila, puno ng katanungan ang kislap ng mga mata nito.
“Why?” tanong ni Lucien sa boses na naguguluhan. “Why are you afraid to show the world who you really are?”
Her eyes held vulnerability as she spoke. “Nawala ang mga magulang ko dahil sa kagandahang taglay ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ng lalaking `yon. Dahil daw maganda ako at mabango ang dugo kaya niya ginawa `yon sa mga magulang ko.” Napahikbi siya. “That monster mutilated the body of my parents. I can’t forget that.”
“Natatakot ka ba na bumalik ang lalaking `yon?”
Umiiyak na tumango si Virgo. “Natatakot ako, Lucien—”
“Don’t be,” sabi nito. “Wala na siya. Patay na,” sabi nito sa siguradong boses.
Hindi na lang siya umimik saka tahimik na umiyak. Hindi nito naiintindihan. Nararamdaman niyang buhay pa ang lalaking iyon. Nararamdaman niya iyon sa mga gabing nag-iisa lang siya sa bahay niya. Nararamdaman niyang may nakamasid sa kanya. And those red eyes that she saw staring back at her from the terrace of her room. That was months ago, pero naaalala pa rin niya. Iyon ang mga mata ng lalaking pumatay sa mga magulang niya.
“You don’t know what happened to me,” sabi niya.
“I do know.”
She frowned at Lucien. “What?”
“Wala. Huwag ka nang umiyak.” Tinuyo nito ang mga luha niya. “Nandito naman ako, eh. Hindi ko hahayaang mangyari ulit `yon sa `yo.”
Mapait siyang ngumiti. “That was sweet of you, Lucien. Pero problema ko `yon, hindi sa `yo para akuin mo.”
He caressed her cheek. “I like you, Virgo. Gusto kita kaya aakuin ko ang problema mo sa ayaw mo at sa gusto.”
Her heart hammered inside her chest. Gusto?
Lucien likes me?
What? For real? Baka naman nagbibiro lang ito—
Virgo’s thought was cut off when Lucien’s lips touched hers. Hinayaan na lang niyang matangay ang sarili. Saka na niya iisipin kung gusto ba talaga siya nito o baka naman binibiro lang siya.
Naghiwalay ang mga labi nila nang may marinig na naman silang katok.
“Kuya Lucien, kakain na raw,” sabi ng isang babae na sa palagay niya ay si Lashka.
“Coming,” malakas ang boses na sabi ni Lucien.
“Okay. And Dad said control.”
Lucien sighed and leaned in to her neck. Aatras sana si Virgo nang pigilan siya nito sa balikat. He rubbed the tip of his nose against the side of her neck. Nakikiliti siya kaya naman pilit siyang umaatras, pero hindi siya pinapayagan ng lalaki.
“Lucien—” Napaigtad si Virgo nang may bumaon na kung anong bagay sa leeg niya. She felt it. She waited for the pain to spread through her, but no. Nothing. She felt absolutely no pain at all.
She moaned when Lucien’s tongue licked her neck and then , he pulled away. Satisfaction glinted in his eyes.
“Delicious,” sabi nito saka hinawakan ang kamay niya na may nakatusok na IV.
Namangha si Virgo nang makitang ekspertong tinanggal ni Lucien ang pagkakatusok ng IV sa pulsuhan niya. Parang normal na gawain nito ang magtanggal ng IV. Pagkatapos tanggalin ang pagkakatusok ng IV sa kamay niya, umalis ang lalaki sa kama at inilahad ang kamay sa kanya.
“Come. Kakain na tayo.”
Virgo sighed and accepted Lucien’s hand. Pinagsalikop nito ang kamay nila. Aagawin sana niya ang kamay na hawak nito, pero mas humigpit lang ang hawak ng lalaki.
Humarap sa kanya si Lucien. Ipinalibot nito ang braso sa baywang niya pagkatapos ay hinapit siya palapit sa katawan nito.
“Lucien—”
“I want to hold your hand,” sabi nito na matiim na nakatingin sa mga mata niya. “Please, Virgo. Let me hold your hand.”
Dahil sa mabilis na tibok ng puso, wala sa sarili siyang napatango. “Okay.”
VIRGO was thinking that dinner with Lucien’s family will be very normal. Pero nagkakamali siya. Dahil habang kasalo niyang kumakain ang pamilya ni Lucien, walang imik ang mga ito. Si Lashka, panay lang ang ngiti sa kanya. Ang iba namang mga kapatid ni Lucien, hindi tumitingin sa direksiyon niya.
“So, your name is Virgo,” sabi ng ama ni Lucien.
Tumingin siya sa lalaki saka tumango. “Opo. Virgo Guano.”
Tumango-tango ang lalaki. “I hope you are enjoying your food, Virgo,” sabi ng lalaki, pero nakatingin naman sa katabi niyang si Lucien.
Napatingin si Virgo sa pinggan niya na marami pa ang laman. “Thank you po.”
Nahihiya talaga siyang makipagtitigan sa kapamilya ni Lucien. Bakit naman kasi dinala siya rito ng lalaki? Ang sarap suntukin ng guwapo nitong mukha.
Halos hindi malunok ni Virgo ang kinakain niya. Pero pilit niyang inubos ang pagkain. After dinner, Lucien drove her home.
Habang nakasakay si Virgo sa sasakyan nitong Ferrari, wala siyang imik. It was so dark outside and she was scared. Kaya ayaw niyang lumalabas kapag gabi, eh. Natatakot siya na maulit ang nangyari.
Si Lucien ang bumasag sa katahimikan.
“Galit ka ba, Virgo? Kanina ka pa walang imik.”
She glanced at Lucien. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?”
“Ang alin?”
“Na ikaw `yong lalaki sa CR three years ago.” Nagsalubong ang mga kilay niya nang ma-realize na parang may mali. “And how did you know it was me? Madilim sa loob ng CR.”
Lucien sighed heavily and parked the car on the side of the road. Humarap ito at magsasalita na sana nang may kumatok sa pinto ng passenger side door.
Sa isiping baka pulis ang kumatok at ti-ticket-an sila dahil sa maling pagpa-park ng sasakyan, tumingin siya sa bintana. Virgo’s eyes widened. She shrieked in utter horror when her eyes settled on a man with blood dripping from his mouth and had bloody red eyes. Mabilis siyang humarap kay Lucien saka yumakap.
Lucien instantly wrapped his arms around her. Panay ang hagulnol niya sa sobrang takot sa nakita. Nanginginig at nanlalamig ang buong katawan niya. Virgo knew those eyes.
“Oh, my God! Oh, my God!” takot na takot at paulit-ulit niyang sabi habang nanginginig ang katawan na yakap ni Lucien.
LUCIEN stared back at the owner of the red eyes outside the passenger door. Siniguro niyang mapula rin ang mga mata niya. Kitang-kita niya ang dugo na tumutulo mula sa mga labi nito.
Fresh kill.
Habang yakap si Virgo, nararamdaman niya ang takot nito. Ang kagustuhan nitong tumakas. Ang kagustuhan nitong yakapin niya ito nang mahigpit para maramdaman na safe ito sa kanya. And that was what he did. Virgo’s body was quivering in fear. So he took the matter into his own hands.
Inilapit niya ang bibig sa tainga ni Virgo saka bumulong. “Sleep.”
Agad na nawalan ng malay ang katawan ng babae. Inayos muna niya ang pagkakaupo nito sa passenger seat saka lumabas ng sasakyan.
The rogue was hissing and groaning at him as Lucien walked. Mabilis ang sunod na kilos ng rogue. Nasa likuran agad niya ito, pero mas mabilis siya. Bago pa nito mahawakan ang leeg niya, nasakal na ni Lucien ang leeg nito. Ibinaon niya ang mga pangil sa leeg ng rogue.
There were two ways to kill a rogue. The easy kill was you use a sword. Kailangang ibaon ang espada sa puso mismo ng rogue para mamatay ito at maging abo na lang. Of course, decapitating a rogue was also a safe and easy kill. Pero kapag wala kang sandata at desperado kang mabuhay o iligtas ang buhay ng isang tao, you have to rip off the rogue’s throat using your sharp and long fangs.
Like what he was doing now. It was the easiest way to kill a rogue vampire. Yet deadly. One gulp of rogue blood in a vampire’s stomach can change him or her. Hindi iyon isang magandang pagbabago. Lucien would know. Kasi iyon ang nangyari sa kanya tatlong taon na ang nakararaan.
Rogue’s blood was deadly. Kaya nga nagpapasalamat ang vampire community na walang isip ang mga rogue. Wala silang isip na magparami. Ang nasa isip lang nila, kung paano makakainom ng dugo at makakapatay ng tao. Iyon lang at wala nang iba.
But Lucien was different from the rest of the rogues. Paano siya naging iba? Dahil tumitibok ang puso niya para sa isang babae.
Binitiwan niya ang leeg ng rogue. He ripped out the rogue’s throat and he fucking enjoyed it. Segundo lang ang lumipas, unti-unti itong naging abo.
Lucien’s front clothe was filled with blood. Bumalik siya sa loob ng kotse at pinatakbo iyon papunta sa bahay ni Virgo. Wala pa ring malay ang babae. Mananatili itong walang malay hanggang sa makabalik siya sa bahay nila.
Virgo can’t see him like this.