DEAL WITH SIMONIDES
NAGISING si Virgo na parang may nakayakap sa kanya. Iminulat niya ang mga mata. Nakita niya ang braso ni Vixor na nasa baywang niya. Halos magkadikit na ang mga katawan nila.
Oh, God! No!
Kapag itinulak niya ang lalaki, baka bigla na lang siya nitong patayin. Kaya naman dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakayakap ng braso nito sa kanya.
Please, don’t wake up. Please?
“Sorry about that,” biglang sabi ng nakapikit na si Vixor. Mabilis nitong tinanggal ang braso sa baywang niya saka siya tinalikuran.
Nakahinga nang maluwang si Virgo nang nagkaroon ng distansiya ang katawan nila.
Bumangon siya at naglakad papunta sa terrace. Sumisilip na ang haring-araw sa kalangitan. Nakakapanindig-balahibo sa ganda ang Ragusa, Sicily, mula sa terasa na kinatatayuan niya.
The sun started to shine. It made the ocean surrounding the island look like a sparkling diamond. It was breathtaking. And the house below looked old, but it held a classic beauty.
“Sicily is beautiful. Yeah?” sabi ng boses sa tabi niya.
Mabilis niyang tiningnan ang katabi. She hoped that Vixor will burn because of the sun. Pero nang makita niya ito, nakatingin pa ang lalaki sa araw. He was giving the sun a middle finger.
“B-bakit hindi ka pa n-nasusunog?” nagtatakang tanong niya.
Vixor smirked annoyingly at her. “Sorry to disappoint you, honey, but the sun doesn’t scare me. Those are for losers. We, royalties, have our very own protection.” Ipinakita nito ang singsing na tattoo sa daliri. “See? So I can put my middle finger in the air and say fuck you, sun.”
Nag-iwas ng tingin si Virgo. Damn it! Iyon na nga lang ang paraan para makatakas siya. May proteksiyon naman pala ang lalaki. Nakakainis! Paano siya makakatakas? Kung makatakas man siya, ano ang gagawin niya? Saan siya pupunta? Saan niya kukunin ang pera na ibabayad para makabalik sa Pilipinas? Wala ang cell phone niya kaya hindi niya matatawagan ang tito niya o kaya naman ang pinsang si Lea. Hindi rin niya memorize ang number ng mga ito.
What to do? I don’t know what to do.
“Halika. Mag-agahan na tayo,” sabi ng katabi niyang lalaki. “Kagabi ka pa hindi kumakain, eh.”
“Why do you care?” puno ng pait ang boses na tanong ni Virgo. “Gusto mo nga akong patayin, `di ba? Ano naman ngayon kung hindi ako kumain?”
“Kasi may plano ako sa `yo, Virgo. Kaya kakain ka.”
Hinawakan siya ni Vixor sa pulsuhan. Hinila siya palabas ng kuwarto. Hindi siya nagpumiglas o sumubok na agawin ang kamay. Hinayaan niya lang ang lalaki na hilahin siya.
“Sit,” sabi ni Vixor nang makarating sila sa hapag-kainan.
Virgo sat silently.
“Eat up.”
Agad na sinunod ni Virgo ang sinabi nito. Ayaw niyang makipagtalo kasi mapapagod lang siya. Kahit naman yata ano ang gawin niya, wala siyang takas sa mga kamay nito.
Napatingin siya kay Vixor na iniinom ang pulang likido na laman ng high ball glass na hawak nito. She bet it was blood. Human blood.
Ilang tao na kaya ang napatay ng lalaking ito?
Oh, God. She was getting scared again. Pero mabuti na ang natatakot siya kaysa naman kontrolin ang nararamdaman niya at bigyan siya ng pekeng emosyon.
“Relax, Virgo, and eat up,” sabi ni Vixor.
She felt instantly relaxed. What the hell? Was he controlling her like what Lucien did to her? Ano ang susunod nitong ipaparamdam sa kanya? Na in love siya rito? Like what Lucien did? Fuck this!
“I have a request,” sabi niya habang kumportableng kumakain.
Inilapag ni Vixor ang baso na hawak at ipinatong ang mga braso sa ibabaw ng mesa saka tumingin sa kanya. “What is that?”
Humugot siya ng malalim na hininga. “Alam kong papatayin mo ako. Kaya sana mapagbigyan mo ang hiling ko.”
“Stop beating around the bush and fucking tell me already.” Irritation filled his baritone voice.
Tumingin si Virgo sa lalaki. “Can you please stop controlling my emotions? Lucien already did that to me. Kaya please lang, tama na. Napapagod na ako na maramdaman ang mga pekeng emosyon na pilit n’yong ipinaparamdam sa akin. Please? Tama na. I want to be me, to feel my own emotion, until the day you finally decide to kill me.” Tumingin siya sa mga mata nito. “That’s my request. Can you grant it?”
Mataman siyang tinitigan ni Vixor. His eyes held no emotion whatsoever. Nakatingin lang ito na para bang hinuhulaan ang laman ng isip niya.
And then , he spoke. “Request granted. In return, you will not try to escape,” sabi nito sa walang emosyong boses. “Dahil sa oras na sinubukan mong tumakas, hindi ka na sa kuwarto matutulog. Pamilyar ka naman siguro sa tinatawag nilang kulungan. Doon kita patutulugin kapag nagkataon. And it’s not like you can escape. We are in an island, Virgo. And I have connections everywhere. So , don’t try to escape. Because you’ll just piss me off real bad.”
Kinuha ni Vixor ang baso na may lamang pulang likido saka tumayo at iniwan siya sa hapag-kainan.
A lone tear fell from her eyes. Her parents were dead. The man she thought she loved fooled her. And now, nasa kamay siya ng lalaking pumatay sa mga magulang niya. And God only knew what he will do with her. She was scared and she felt so alone and lonely.
Nawalan na siya ng ganang kumain. Tumayo si Virgo. Ililigpit na sana niya ang kinainan nang biglang may lumapit na babae.
“Let me, Madame,” sabi nito. Her eyes were brown and she looked okay. Parang mabait ang bukas ng mukha nito.
“Thank you,” sabi niya saka naglakad palabas ng kusina.
Nang makalapit sa malapad at mataas na pinto, itutulak sana iyon ni Virgo nang kusa iyong bumukas. The heavy accentuated door opened, showing Vixor outside.
“You can’t open that with your human strength,” sabi nito saka naunang maglakad.
Mabilis niyang sinundan ang lalaki. Napakalaki ng Castello na iyon. Sigurado si Virgo na mawawala siya. Baka kung saan pa siya makarating. Who knows what this monster was hiding inside this castle?
Biglang tumigil ang lalaki sa harap ng isang malapad at mataas na pinto. He raised his hand and then flicked it. Like a remote control, the door opened. Pumasok ito roon kaya pumasok din siya.
The inside of the room made Virgo halt. It was a very wide ballroom. Sa gilid niyon ay mayroong terasa na nakaharap sa karagatan ng Sicily. The floor of the room had an intricate design that really caught her eyes. And the walls were dark, yet it had something that captured her attention. Tribal designs. Parang iyong tattoo na nasa likod ni Lucien.
Marahas niyang ipinilig ang ulo. No! She will not think of him. Lucien fooled her!
“This is the grand hall,” sabi ni Vixor. “Dito noon ginaganap ang mga pagtitipon ng mga kauri namin. Pero ngayon, madalang na lang.”
Nilingon ni Virgo ang lalaki na nakatayo sa kulay-itim na platform habang nakatingin sa kanya.
“Noon? Ilang taon ka na ba?” tanong niya.
“I’m old.”
“You don’t look old to me.”
“That’s because I’m a vampire, honey. We don’t age, but we die.” Bumaba ito sa platform at naglakad palapit sa kanya. “I am already four hundred and fifty seven years old and counting. Your precious Lucien is the same age as mine.”
Nairita si Virgo nang marinig ang pangalan ni Lucien. “He is not my precious.”
Vixor smirked. “Oo nga pala. Niloko ka niya. He controlled you and that hurts you so much.” Puno ng sarkasmo ang boses nito. “Bakit ba ganoon kayong mga tao? Kaunting pananakit lang sa inyo, umaayaw na? `Yong iba, nagpapakamatay pa. Bakit hindi kayo lumaban? Mga duwag.”
Tumalim ang mga mata ni Virgo at malakas na sinampal ang lalaki. “Ang galing mong magsalita. Pagkatapos mong walang labang patayin ang mga magulang ko? Sino ngayon ang duwag?”
Nagulat siya nang biglang sakalin ni Vixor ang leeg niya. Malakas siya nitong isinandal sa pinakamalapit na dingding. Her back hurt. He was still gripping her neck. She was chocking to death.
“V-Vixor…”
Umubo si Virgo dahil hindi siya makahinga. Pilit niyang tinatanggal ang kamay nito sa leeg niya. Pero masyado itong malakas para sa kanya.
Pagkalipas ng ilang minuto, nagdidilim na ang paningin niya. Hindi siya makahinga. Nanghihina na ang katawan niya. She couldn’t fight to free herself.
Virgo was about to lose her consciousness when Vixor let go of her neck. But he was still pinning her body on the wall. Nanghihina siyang napaubo.
“Huwag mo akong gagalitin, Virgo,” Vixor whispered to her ear. “Hindi ako si Lucien na kinikimkim ang galit para lang hindi ka masaktan.” She felt his arm surrounding her waist. “And because you slapped me, you’ll be punished, honey.”
And inside of that very silent grand hall, fangs pierced her skin, embedding their sharpness to her neck.
Virgo shouted in excruciating pain. Sobrang sakit ang nararamdaman niya. Tears were streaming down her eyes. Panay pa rin ang sigaw niya sa sobrang sakit na nararamdaman habang ang mga pangil ni Vixor ay nakabaon sa leeg niya. When she was about to lose her consciousness, the pain disappeared and was replaced by a tingling sensation inside her stomach. She could feel her mound pooling, soaking her panties.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata para kontrolin ang nararamdaman. No! This couldn’t be. No! Please, no.
Umiiyak si Virgo nang pakawalan ng lalaki ang leeg niya. Nanghihinang napadausdos siya ng upo at napahagulhol.
“Bakit n’yo ba ginagawa `to sa akin?” umiiyak niyang tanong. “Wala naman akong ginawang masama sa inyo. Please, tama na.”
Vixor gripped each side of her shoulder and pulled her up. Hinawakan at iniangat nito ang mukha niya para magtama ang mga mata nila. Fear sipped through her when she saw his red eyes, his lips with her blood dripping down his chin.
“Look at me, Virgo.”
She did. She was scared.
“I’m doing this for your own good.” Vixor sneered. “Sa tingin mo, kakayanin mong mabuhay sa mundo nang mag-isa? Hindi lang ako at si Lucien ang mga bampira sa mundong `to. Marami kami. At kapag naamoy nila ang mabangong halimuyak ng dugo mo, kung ano man ang nararanasan mo ngayon, mas sobra pa roon ang gagawin nila. So stop being scared and start being brave. Tanggapin mo ang katotohanan na halimaw ang kasama mo sa Castello na ito. Tanggapin mo na hindi perpekto ang mundong ginagalawan mo.”
Habang nag-uunahang tumulo ang mga luha, nagsalita si Virgo sa nanginginig na boses. “Hindi perpekto ang mundo ko. Mula nang patayin mo ang mga magulang ko, gumuho na ang pag-asa ko ng isang perpektong buhay. You took away my family, my life and now my freedom—”
“I didn’t!” sigaw nito. His eyes were full of anger and… pity? “Vixon did those things, not me. My twin brother killed your parents, not me!” Vixor was mad. His eyes were scary bloodshot red.
Nagulat si Virgo. Tumigil ang mga luha niya. “H-hindi ikaw ang l-lalaking `yon?”
“No. It wasn’t me.” Pinakawalan nito ang mukha niya. Sigurado siyang ang emosyon sa mga mata nito ay awa. Naaawa ang lalaki sa kanya. “It was Vixon. He was obsessed with you. He made me promise that if he didn’t succeed in making you his, I will not let anyone own you.”
Pagak siyang tumawa. “Is that it? Kaya dinala mo ako rito para lang sa pesteng pangako na `yan? Ano ako? Isang bagay na puwedeng n’yong angkinin at dalhin kahit saan n’yo gustuhin?”
“No.” Vixor stepped back. “Hindi lang `yan ang ipinapangako sa akin ng kakambal ko. There are three. That’s the first one. The second is to kill Lucien Kallean. And the third…” Ngumisi ito. “Hindi ka pa handa para marinig ang ikatlo.”
Umiiyak na naman si Virgo dahil naaawa siya sa sarili. “Please, tama na. Ayoko na. Ayoko nang maging laruan n’yo.”
Vixor smiled coldly. It sent a shiver down her spine. “Sana inisip ng mga magulang mo ang magiging kalagayan mo bago sila nakipagkasundo sa ama ko. Sa tingin mo, saan galing ang kayamanan na nakukuha mo mula noong bata ka pa? Saan galing ang pera na ginawang puhunan ng mga magulang mo? It came from us… from the Simonides. From my family. Your father promised that if his wife gives birth to a baby girl, her daughter will be mated to Vixon. Kapalit n’on ay ang kayamanan na kinagisnan mo. But your father didn’t do the end of the bargain. He wanted to keep you away from us. So , that night happened.”
Virgo was in shell shock. No! Her parents wouldn’t do that to her. Hindi makikipag-deal ang mga magulang niya sa mga halimaw. Hindi!
“Hindi totoo `yan!” sigaw niya. Hindi siya naniniwala.
Vixor just shrugged. “Wala akong pakialam kung naniniwala ka o hindi. You should talk to my father. Nasa kanya pa ang kasulatan na pinirmahan ng mga magulang mo.” Pagkasabi niyon, tumakbo ito papunta sa terasa saka tumalon.
Napasinghap si Virgo sa nakita. Nanghihina siyang napadausdos uli ng upo.
Hindi… Hindi totoo ang pinagsasasabi ng lalaking iyon. Hindi. Hindi iyon magagawa ng mga magulang niya.