noveltoon logo noveltoon
Favourite Obsession

Chapter 31

Ch. 32 / 35 Apr 08, 2022

ALIVE AND PISSED OFF

NAKAUPO sila ni Lucien sa malaking tipak ng bato nang biglang magdatingan ang napakaraming rogue. Mahigpit siyang napakapit sa kamay ng asawa. Good thing, they were now dressed.

“Stay still,” sabi ni Lucien. Pula na ang mga mata nito at handang lumaban para sa kaligtasan nila. “I won’t let anything happen to you.”

Same here. Hindi siya papayag na may mangyaring masama sa pinakamamahal niyang lalaki.

Tumayo si Lucien. Sa isang-kisap mata, umatake ito sa mga rogue na tanging kamay lang ang gamit. Mas magiging madali sana kung may gamit silang espada.

“Tumakbo ka na, Virgo!” sigaw ni Lucien habang abala sa pakikipaglaban.

Instead of running, she leaped from the rock to the horde of rogues surrounding Lucien and started ripping their hearts and throats out. Her eyes were red. Unfeeling. She killed.

Vixor trained her to fight when they were in Russia. Ginamit niya ang lahat ng natutunan sa pakikipaglaban ngayon. Virgo moved fast and lethal. Ganoon din naman si Lucien na halos hindi na niya makita sa sobrang bilis ng bawat galaw.

Hinihingal na lumayo pansamantala si Virgo sa laban. Kahit gaano pa karami ang napapatay nilang rogue, may dumaragdag sa bawat namamatay. No, they’d end up dead if this continued to go on.

“Lucien…” She moved to Lucien’s side. “Kailangan na nating umalis. Parami sila nang parami.”

Virgo can see defiance in Lucien’s eyes. Akala niya, hindi ito makikinig sa kanya. Kaya nagulat siya na pinagsalikop nito ang kamay nila saka siya hinila patakbo, palayo sa lugar na iyon.

As they ran, rogues ran after them. They were growling and salivating as they chased them. Magkahawak-kamay silang tumakbo. Para silang nakalutang sa hangin habang mabilis na tumatakbo. Malakas ang kabog ng puso niya at habol ang hininga, pero hindi siya tumigil.

“Hurry, Virgo!” Lucien shouted.

But their running feet came into a halt when rogues blocked their way. Babalik sana sila sa pinanggalingan nang makitang nandoon din ang mga rogue at handa silang patayin.

“Wala tayong ibang choice,” sabi ni Lucien. “We have to fight our way out.”

Humigpit ang pagkakahawak ni Virgo sa kamay nito. “I love you, Lucien.”

“I love you, too, Virgo.”

Handa na silang lumaban nang bigla na lang may nahulog mula sa itaas at ekspertong umapak ang mga paa sa lupa. Nagulat siya. Virgo knew this man. Was he the leader of these rogues?

May iniabot itong espada kay Lucien. “Here. Have fun.” Then , Xon gave her a bow and arrow. “Have fun, too. Don’t get yourself killed.”

Tinanggap ni Virgo ang bow at arrow saka nagtanong. “Ano’ng ginagawa mo rito?”

“Well, I’m here to save you.” Pagkasabi niyon, mabilis nitong inatake ang mga rogue.

Xon slashed here and there. Kapag hindi niya sinasaksak ang puso, pinupugutan nito ng ulo ng mga rogue na lumalapit. Tumulong na rin si Lucien.

Nang hindi pa rin nila maramdaman na nababawasan ang mga rogue, the three of them decided to run.

“Run towards the south!” sigaw ni Xon. “Nakaparada ang sasakyan ko roon.”

They didn’t answer, they just followed what Xon said. Ilang metro pa lang ang layo nila nang may biglang sumabog na parang bomba.

Malakas na sumipol si Xon at malakas na tumawa. “I love C4. That will give us a headstart.”

Virgo was thankful. Nararamdaman na niyang makakaligtas sila ni Lucien.

Nang makarating sila sa dulo ng kagubatan, agad nilang nakita ang sasakyan na sinasabi ni Xon. Nandoon na ang lalaki at binubuhay ang makina ng sasakyan.

“Hop in, lovebirds,” sabi nito na pinatakbo na ang sasakyan.

In one quick move, she and Lucien entered Xon’s customized owner-type jeep in the back seat. The car had a freaking booster. Darn! It was so fast. Blurry na ang nadadaanan nila sa sobrang bilis niyon.

Nang nasa kalsada na sila, binuksan ni Xon ang isang malaking leather bag. Nanlaki ang mga mata ni Virgo nang makitang puno iyon ng iba’t ibang klase ng baril.

“Who the fuck are you?” tanong ni Lucien.

Xon kept on driving. “I’m Xon. Short for Vixon Mikhael Simonides.”

Nanlaki ang mga mata ni Virgo. Oh, God. Parang ilog na dumaloy ang alaala ng pagkamatay ng mga magulang sa isip niya. The way Vixon had mutilated her parents’ bodies. Umakyat ang dugo sa ulo niya. She wanted to kill the man who was driving the customized owner-type jeep. Ikinuyom niya ang kamao habang ang pula niyang mga mata ay nakatingin sa leeg ng walang pusong halimaw na pumatay sa kanyang mga magulang.

“B-buhay ka?” Panic was on the edge of Lucien’s voice.

“Yes, I’m alive and I’m fucking pissed off.” Then , Vixon chuckled. “But don’t tell Vixor. It’s going to be a mind-blowing surprise—”

Vixon stopped talking when Lucien quickly picked up a riffle and put it over Vixon’s head. “Itigil mo ang sasakyan bago ko pasabugin ang bungo mo. I won’t let you hurt the woman that I love—”

“Fuck you, Kallean,” Vixon said, then laughed. “Kung gusto kong patayin si Virgo, matagal na. Ilang beses na kaming nagkita.”

“What?” Tumingin sa kanya si Lucien. “Totoo ba?”

“Lucien…” Mahigpit ang pagkakuyom ng kamao ni Virgo. “Ikaw na ang bahala sa manibela.”

Naguguluhang tumingin sa kanya si Lucien. “Ano?”

Inagaw niya ang espada ng asawa na ibinigay ni Vixon kanina saka mabilis na itinarak sa puso ng hayup na pumatay sa mga magulang niya. Nabitawan ni Vixon ang manibela.

“What the—”

“That’s for killing my parents!” galit na sabi niya.

Bago pa ito nakabawi, Virgo pushed him off the car. She smirked when she saw Vixon rolling on the road with a sword in his heart.

“Para `yan sa mga magulang ko,” nagtatagis ang bagang na sabi niya.

Lucien controlled the steering wheel as she sat on the passenger seat. Nakakuyom pa rin ang kamao niya. Kahit siguro ilang beses niyang saksakin ang puso ni Vixon, hindi mawawala ang sakit ng pagkamatay ng mga magulang niya.

Natigilan si Virgo nang maramdaman ang kamay ng asawa sa nakakuyom niyang kamao.

“Ayos ka lang?” tanong nito habang mabilis na nagmamaneho papunta sa bahay nila.

“Magiging okay rin ako,” sabi niya habang kinokontrol na mabawasan ang galit na nararamdaman.

Hindi na nagsalita si Lucien. Magkahawak lang ang kamay nila hanggang sa makarating sa Kallean Mansion. Nang makapasok sila sa loob ng bahay, gising ang lahat ng nakatira doon. Well, it was night. For vampires, it was like daylight.

“Oh, hell! Kuya Lucien! Ano’ng nangyari?” Lashka asked with a gasp when she saw their bloody clothes.

Inakbayan siya ni Lucien. “Mamaya ko na ikukuwento. Magpapahinga muna kami.”

“Pero, Kuya…”

Walang nagawa ang pamilya ni Lucien kundi ang hayaan silang magpahinga. Mamaya na ang interrogation. Virgo wanted to be clean first. May mga tilamsik ng dugo sa damit nila ni Lucien. She wanted to bathe and sleep while hugging Lucien. She wanted to rest for a little while.

“YOUR highness.” The rogue hunter bowed in front of him. “We have information for you.”

Vixor sighed heavily. “Ano `yon?”

“Inimbestigahan po namin ang sinasabi n’yong pagkawala ng maraming bampira sa mga bahay nila. It’s confirmed. May kumi-kidnap po sa kanila. Nang sundan namin kung saan, nakarating po kami sa bundok Arayat. Sa likod po n’on ay may napakalaking kuweba. Doon dinadala ang mga kinukuhang bampira. Pumasok kami at nakita naming kumukuha sila ng dugo sa isang rogue at isinasaksak nila iyon sa mga kini-kidnap nilang bampira. And in just a matter of minutes, they were transformed into rogues.”

“Nakita mo ba kung sino ang gumagawa n’on?” tanong ni Vixor sa pinuno ng mga tagatugis na inutusan niya.

Nagbaba ng tingin ang pinuno ng mga tagatugis. “Kamahalan, isang kahangalan ang nakita ko. Wala iyong katotohanan—”

“It was my parents, tama ba ako?”

Nawalan ng imik ang mga hunter na nasa harap niya. Gusto niyang matawa. Sino nga ba ang mag-aakala na ang mga magulang niya ang may pakana ng lahat?

Nagbulag-bulagan noon si Vixor at sinunod ang kagustuhan ng mga ito, pero tama na. Isa lang si Virgo sa mga naging biktima ng pinaggagagawa ng mga magulang niya. He saw how Virgo break down as she cried every time she remembered her parents. At naaawa siya sa mga inosenteng nilalang na nagiging biktima ng mga magulang niya.

Ilan na ba ang naging biktima?

Laging si Vixon ang ginagawang dahilan ng mga ito. Pero ipina-realize ni Virgo na wala na ang kapatid niya at kailangan niyang mamuhay nang tama. Bilang prinsipe ng lahi nila, kailangan niyang pangalagaan ang nasasakupan. Virgo made him realize that. She made him realize lots of things. Things that he overlooked when he was still avenging Vixon’s death. Saka lang niya naisip na puro kalokohan ang pinaggagagawa niya noon. At oras na ngayon para bumawi.

“Wala pang alam ang ibang kalahi natin,” sabi ng pinuno ng rogue hunter. “Ano’ng gagawin namin, kamahalan?”

Tumayo si Vixor at sumilip sa labas ng compound. Malapit nang mawala ang araw sa kalangitan.

“Summon the head of the Kallean Family. He is the head of all the rogue hunters here in Asia. Kailangan ko siyang makausap kung kailan natin susugurin ang kuweba na `yon.”

Vixor heard muffled murmurs of shock. Nakakagulat ba ang desisyon niya?

“Go. Now,” sabi niya sa matigas na boses.

“Yes, sire.”

The hunters left. Vixor was left alone in the compound. Naglalakad siya pabalik sa upuan nang may marinig na katok sa pinto ng compound. Natigilan siya. He smelled the air. The owner of the knock had a wound. But whoever outside the door didn’t smell human to him.

Kinuha ni Vixor ang espada sa lalagyan saka huminga nang malalim. Mapapasabak na naman sila sa laban. Napakaaga pa.

He briskly walked towards the door and opened it with a sword in his hand, ready to kill the person or vampire outside the door.

Pero nawala sa isip ni Vixor na patayin ang kumakatok sa pinto. Nawalan siya ng lakas na itaas ang espada para pugutan ng ulo ang nasa harap niyang bampira.

“Hey, brother. Kumusta?”

“Vixon…” Bumaba ang tingin niya sa puso nito na may nakatarak na mahabang espada. “What the hell?”

Vixon chuckled. “Yeah, yeah. Want to help me?”

In a swift movement, he embedded his sword on Vixon’s stomach.

“Fuck!” Blood spurted from his twin’s mouth. “What was that for?”

“That’s for making Vixen cry.” Hinugot niya ang espada saka isinaksak ulit sa gilid ng tiyan nito. “And that is for making me crazy over your death.”

Tumawa si Vixon na nauwi sa ngiwi. “`Love you, too, brother.”

Napailing-iling siya saka niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.

“GK is back,” imporma niya.

Natigilan si Vixon sa pagpasok sa compound saka bahagyang napangiti. “So, our dear sister is back?”

“Yes. At ngayong buhay ka naman pala, please lang, Vixon, nakikiusap ako sa `yo. Tigilan mo na siya. Kapatid natin siya.”

Vixon smirked at him with his bloody red eyes. “Hindi ko siya kapatid. At sa pagkakataong ito, magtatagumpay na ako sa binabalak ko.”

Napailing-iling na lang si Vixor. Ang tigas talaga ng ulo ng kakambal niya. Oh, well, mas matigas din naman ang ulo ni Gladys Kimberly Cabelara Simonides, GK for short.

“Sino ba ang sumaksak sa `yo?” tanong niya nang tuluyan na itong nakapasok sa loob ng compound.

“Si Virgo.”

Vixor smirked. “`Buti nga sa `yo. Hindi pa sapat `yan.”

Vixon raised his middle finger at him. “Fuck off.”

He raised his middle finger, too. “Fuck you, too.” Bumalik siya sa upuan kanina. “Anyway, bakit buhay ka? What happened?”

“That, my brother…” Hinugot nito ang espada na nasa puso nito. “Is a very long story.”

Vixor gave his twin a penetrating look. “Trust me, I have time.”