ACCEPTANCE AND FRIENDSHIP
VIRGO’S heart was pounding inside her chest as she stepped out from the Castello. Nang masigurong walang nakakita sa paglabas niya, mabilis siyang tumakbo palayo sa Castello Simonides. Habol niya ang hininga habang paulit-ulit na nagdarasal na sana hindi malaman ni Vixor na nakatakas siya.
Oh, God! Please? Let me escape.
Hindi alam ni Virgo kung nasaan siya. Basta ang alam niya, malayo na siya sa Castello. Panay ang lingon niya habang nakapaa lang na tumatakbo. Pakiramdam kasi niya, may sumusunod sa kanya, pero wala naman.
Tumigil lang si Virgo sa pagtakbo nang makarating sa bahagi ng Ragusa na maraming tao. Kabi-kabila ang club mga restaurant and cafés. Hindi katulad sa pinanggalingan niya na madilim at nakasara ang mga bahay at gusali.
Virgo was catching her breath as she walked with her head on the ground. Ayaw niyang magkaroon ng eye contact sa mga nakakasalubong na tao. Nang makakita ng payphone booth, agad siyang pumasok doon.
Mapakla siyang tumawa nang maalalang wala siyang pera para makatawag. At sino ang tatawagan niya? Hindi nga niya maalala ang numero nina Tito Leo at Lea. Kahit ang numero ni Lucien, hindi niya maalala.
Awang-awa si Virgo sa sarili. Napahagulhol siya. “God! Why are you punishing me? Wala naman akong ginawang masama. Bakit ba hinahayaan mo akong magkaganito? Please, answer me.”
Palakas nang palakas ang hikbi ni Virgo habang nakasiksik ang katawan sa loob ng payphone booth. She was crying as she hugged herself.
Bakit ba nangyayari iyon sa kanya? Bakit ba nararanasan niya iyon ngayon?
Napaigtad si Virgo sa gulat nang makarinig ng katok mula sa labas ng payphone booth. Nagtaas siya ng tingin. Napasinghap siya nang makakita ng pulang mga mata. It wasn’t Lucien and not Vixor either.
Oh, God? Please… Not another vampire. Please, no.
Mas isiniksik lalo ni Virgo ang katawan sa gilid ng payphone. “Please… No. Please?” She was sobbing as she begged.
A knock came from her behind. Mabilis siyang lumingon saka malakas na napasinghap. Virgo saw another pair of red eyes, making her shiver in fear. Umusog siya sa gitna ng payphone at mariing ipinikit ang nga mata.
Her body was shaking in fear. Nanlalamig ang katawan niya at pinagpapawisan siya nang malapot. Ayaw niyang tumingin sa labas sa takot na baka nakalapit na sa kanya ang mga bampira.
Virgo squirmed when she heard someone punching the payphone booth. Naririnig niya ang pagkabasag ng salamin na pumapalibot sa booth. She felt it shake and she shivered. Nanginginig ang katawan niya habang hinihintay na saktan siya ng mga lalaking nasa labas ng payphone. Wala siyang laban. She was just human.
Umiiyak na napakagat-labi si Virgo. Tumingin siya sa labas ng payphone. Hope swelled inside her when she saw Vixor standing meters away from her. Matiim itong nakatingin sa kanya. Halata ang galit sa mga mata ng lalaki.
“Help me,” nagmamakaawang sabi niya. “Please?” Hilam ng luha ang mga pisngi niya habang nagmamakaawa. “Please? Parang awa mo na. Please? Maawa ka…”
Vixor’s face softened and he walked towards her. Sa harap niya mismo, Virgo saw how he ripped the heart out of two vampires that were trying to harm her. She saw how they turned to ashes and in that instant, she felt safe.
Umiiyak na tumayo siya. She was still hugging herself.
Duguan ang kamay na lumapit sa kanya sa Vixor. “I told you not to escape, didn’t I? Ang tigas kasi ng ulo mo. Sa tingin mo ba nagbibiro lang ako nang sabihin kong maraming nagkalat na bampira sa mundo? Hindi ka kasi nakikinig, eh.”
Hinawakan siya ni Vixor sa braso gamit ang duguan nitong kamay at walang sabi-sabi siyang pinangko. Everything became blurry as he moved fast towards Castello Simonides. Nakapikit lang siya habang tumatakbo ang lalaki.
And when Vixor stopped, they were already outside the door of Simonides castle. He kicked the door open and then ran so fast again. The next thing Virgo knew, nasa kuwarto na siya at inilalapag nito sa malambot na kama.
Vixor sighed and looked down at her. “`Di ba, sinabi ko na sa `yong huwag kang tatakas? Wala ka namang pupuntahan, eh. Tingnan mo ang nangyari sa `yo.”
Pinahid niya ang luha na nasa mga mata. Nang makita ang dugo sa braso niya, mabilis niyang inilayo ang braso sa mukha. Mariin siyang napapikit sa takot.
Virgo heard Vixor sigh and then , he left. Iminulat niya ang mga mata. Nakita niyang naglalakad pabalik sa kanya ang lalaki. May dala itong maliit na plangganita na may lamang tubig at pamunas.
He sat on the space beside her. Then , Vixor started cleaning her arm that was covered with blood. Walang imik na pinunasan nito ang braso niya. Siya naman, napatitig sa guwapong mukha nito. Akala niya noon, masama ito. Pero sa mga araw na lumipas na nakasama niya ang lalaki, napatunayan niyang hindi naman pala ito ganoon kasama. Medyo lang.
Yes, Vixor attacked her neck and hurt her. Pero ito rin ang nagmulat sa mga mata niya tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa mga kauri nito. He had a soft side that often came out. Vixor let her feel pain and every emotion that Lucien tried to hide inside of her.
“Thank you,” sabi niya habang nakatingin dito.
Makikita ang gulat sa mukha ni Vixor dahil sa sinabi niya. He looked so cute with his shocked face as he looked at her.
“Nasapian ka yata ng masamang espirito,” sabi nito nang makabawi sa pagkagulat. “Bakit ka nagpapasalamat sa akin? I kidnapped you. I attacked you. I held you prisoner here. You have nothing to thank me for.”
Nag-iwas ng tingin si Virgo. “You saved me. Sapat na `yon para pasalamatan kita.” Nang ibalik niya ang tingin sa lalaki, nakangiti ito habang pinupunasan ang braso niya. “Bakit ka nangingiti riyan?” mataray niyang tanong.
Vixor looked at her. “Okay pala ang ganito, `no? `Yong mabait ka at medyo mabait din ako.”
Napangiti siya sa sinabi nito. “Medyo okay nga.”
Mahina itong napatawa saka hinawakan ang kamay niya. Para bang nakikipagkamay ito. “Friends?”
Matiim niyang tinitigan ang mukha ni Vixor. This man was a monster. Makikipagkaibigan ba siya rito?
“Friends,” sabi niya.
Ano pa ba ang magagawa niya kundi ang makipagkaibigan dito? Wala siyang ibang malalapitan kundi si Vixor. And now, as she thought about what happened to her in the payphone booth, na-realize niyang wala talaga siyang kalaban-laban sa mga gustong manakit sa kanya.
She was tired of being scared of those who tried to kill her. Pagod na siyang matakot. Pagod na siyang laging maging sunud-sunuran. Pagod na pagod na siyang umiyak dahil naaawa siya sa sarili. Pagod na pagod na siyang maging tao na hindi kayang ipagtanggol ang sarili. Pagod na pagod na siya. Ayaw na niya.
“Vixor?”
“Yeah?”
“Can you turn me into a vampire now?”
He stilled and looked at her, frowning. “What? Akala ko ba ayaw mo?”
Her face saddened. “Nakakapagod nang maging mahina. Nakakapagod nang umasa sa iba para sa kaligtasan ko. Nakakapagod na. Ayoko na.”
Vixor’s hand reached out to dry her tears. “Huwag ka nang umiyak. Hindi bagay sa `yo.”
“Okay.” She forced herself to smile. “Can I sleep now?”
He nodded and let go of her now clean arm. “Sure. I’ll sleep on the floor.”
Natigilan si Virgo. “Bakit?”
“Because I know you don’t want to sleep in the same bed with me,” sagot nito saka umalis sa kama.
Nakatingin lang siya sa lalaki habang naglalatag ito ng comforter sa sahig. And then , he lay there and slept. Siya naman, nagkumot hanggang leeg at pinilit ang sarili na makatulog. And before she lost her consciousness, she heard Vixor’s voice.
“Good night, Virgo.”
“LUCIEN! Where the hell are you going?” malakas ang boses na tanong ng kanyang ama habang naglalakad siya pababa sa hagdan. Nakasabit sa likod niya ang mahabang espada.
Tumigil si Lucien sa pagbaba sa hagdan at nilingon ang ama na nasa puno ng hagdan. “Hahanapin ko si Virgo.”
His father sighed. “You’re so obsessed in finding that woman. Lucien, may sariling buhay ka naman na dapat asikasuhin.”
Nagbaba siya ng tingin. “Ano’ng buhay pa ang aasikasuhin ko kung si Virgo nga hindi ko mahanap?” Ikinuyom niya ang kamao. “Dad, si Virgo ang buhay ko. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Dalawang linggo pa nga lang siyang nawawala, para na akong mababaliw sa kaiisip sa kanya. I can’t concentrate on anything. I just can’t!”
Bumaba ang ama niya sa hagdan at inakbayan siya. “Son, hindi natin alam kung nasaan si Virgo. Halos gabi-gabi, hinahanap mo siya. Pero kahit ang pamilya niya, walang nakakaalam kung nasaan siya.”
Bumagsak ang mga balikat ni Lucien. “I need to see her, Dad. I can feel the monster inside of me trying to come out. Kapag hindi ko pa siya mahanap at makita sa loob ng isang buwan, I’ll lose myself. I will become the monster you hunt.”
“No. Hindi ako papayag.”
Lucien shrugged. “Then let me find her. Please?”
Bumuntong-hininga ang ama niya. “Fine. Isama mo si Lucan.”
Tumango siya at patuloy na naglakad palabas ng pinto. Palabas sa bahay nila. And when he was finally out, his eyes turned red. He ran fast towards the dark forest. Lucien really needed to see Virgo. He missed her. He needed to talk to her. At kung kailangan niyang magmakaawa para lang tanggapin siya ulit nito, gagawin niya iyon.
Mahal na mahal niya ang babae. Gagawin niya ang lahat mahalin lang din siya nito.
NAGISING si Vixor. Para bang may mga matang nakatingin sa kanya. When he opened his eyes, he saw Virgo looming over him.
Kinunutan niya ito ng noo. “Yeah? Need anything?”
Virgo smiled, making his already dead heart slightly thump. “Nakahanda na raw ang breakfast.”
“Oh.” Mabilis siyang bumangon at mabilis na tinupi ang comforter na inilatag sa sahig. Itinabi niya iyon. “Let’s go. Kumain na tayo.”
Umalis si Virgo sa kama. Sabay silang naglakad palabas ng kuwarto. As they walked on the hallway towards the dining table, they were silent until Virgo spoke.
“Can you turn me now?”
Vixor froze. That again. Ano ba ang nasa isip ng babae at pumayag ito sa gusto niya? Was she playing with him? Was she bluffing?
Ayaw niyang basahin ang laman ng isip ni Virgo. He could, but he wouldn’t dare. He would not pry on her brain. Wala siyang karapatan na panghimasukan ang personal nitong pag-iisip. He was a monster, but it was crossing the respect line.
“Yes, I will turn you,” sabi niya. “Pero hindi pa ngayon. You need to know everything about my kind before I turn you.”
“Like what?”
“Everything.”
“Anong everything?” naguguluhang tanong ni Virgo.
Nararamdaman ni Vixor na desidido talaga itong maging katulad niya.
“I’ll tell you at the dining table.”
Walang pasabing niyakap niya ang babae at mabilis na naglakad papunta sa kusina. He liked the feeling of Virgo’s body pressed against his.
God! It was making him horny. For fuck’s sake! Hindi puwede! Hindi niya iyon puwedeng maramdaman dito. Ayaw niyang maramdaman iyon. Hindi siya papayag.
HABANG nag-aagahan sila ni Vixor, ipinaliwanag nito ang mga dapat niyang malaman. Panay lang ang tango ni Virgo. Wala siyang pakialam sa ibang bagay. Ang kailangan, maging bampira siya. Sisiguruhin niyang wala nang makakapanakit sa kanya. Wala nang puwedeng kumontrol sa emosyon niya. She needed to be a vampire in order to save herself from being a prey on this dark and dangerous world.
“So, payag ka?” tanong ni Vixor.
Tumango siya. “Oo, payag ako.’’
“Great.” He smiled. “Mag-uumpisa ka bukas ng umaga hanggang sa gabi.”
Tumango ulit si Virgo. “Okay.”
“Good.”
Natapos ang agahan na ang mga gagawin lang niya ang pinag-usapan nila ni Vixor. Kaya naman laking gulat niya nang bigla itong nagyaya na mamasyal.
“Bakit mo naman ako niyayayang mamasyal?” nagtatakang tanong niya.
Vixor shrugged. “I want you to familiarize yourself with the place. Alam kong ang nasa isip mo ay ang makatakas sa poder ko. Ayos lang `yon. Kaya nga kailangan alam mo ang pasikot-sikot sa buong Ragusa. Para makatakas ka nang mabilis. That would be my challenge to you.”
Tumango si Virgo. “Okay.”
Inilahad ni Vixor ang kamay sa kanya. “Take my hand.”
“Bakit?” naguguluhang tanong niya.
Biglang nagdilim ang mukha nito. “Just take it.”
“O-okay.” Tinanggap niya ang kamay nito.
He intertwined their hands and then pulled her out of the Castello. Magkahawak-kamay sila habang namamasyal sa buong Ragusa. Virgo actually felt good while holding Vixor’s hand. She felt comfortable. She felt safe.
“Vixor?”
“Yeah?”
“Kinokontrol mo ba ang emosyon ko ngayon?” tanong niya.
He frowned. “Nope. When I told you that I grant your request not to control your emotion, I was serious, Virgo. Bakit? Ano ba ang nararamdaman mo?”
Nag-iwas siya ng tingin at lihim na napangiti. “Nothing. I’m just asking.”