noveltoon logo noveltoon
Favourite Obsession

Chapter 18

Ch. 19 / 35 Apr 08, 2022

FAMILIAR SCENT

After two years…

VIRGO looked at the beautiful country of Russia as the plane ascended. Dalawang taon din ang inilagi niya sa lugar na ito. Nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan na maasahan. Naging matiwasay ang buhay niya. No heartache, no pain. Just acceptance and happiness.

And now, she was going back to her country. Hindi alam ni Virgo kung ano ang mangyayari sa kanya, pero nasisiguro niyang hindi na mauulit ang nakaraan. Hindi na siya mahina ngayon. She was now strong and can save herself when trouble came. She didn’t need anyone else to be her knight. She was no longer a damsel in distress.

“You okay?” tanong ng boses mula sa katabi niyang upuan.

Tiningnan niya si Vixor na nakatingin sa kanya. “Yeah.” Virgo smiled. “As long as you’re by my side, okay lang ako.”

That made Vixor smile. “Even if you deny it a million times, human Virgo is still in you.”

Inirapan niya ito. “Tigilan mo ako, Vixor. Alalahanin mo, kaya kitang itulak palabas ng eroplanong ito. Mabait lang ako kasi ikaw naman ang kausap ko.”

Mahina itong tumawa. “You’re cute.”

“And you’re starting to annoy me.”

He just chuckled. “Yeah, yeah. Anyway, are you ready to live in the Philippines again?”

Tumango si Virgo. “Oo naman. Tagaroon ako, eh. Kahit naman dalawang taon akong nawala, isa pa rin akong Filipino.”

Hinawakan ni Vixor ang kamay niya. “So, sa bahay ka titira o sa dati mong bahay?”

She squeezed his hand. “Bahala na pagdating natin. Saka ko na iisipin `yon kapag lumapag na ang eroplanong `to.”

“Okay.”

Humilig si Virgo sa balikat ng lalaki at ipinikit ang nga mata. “Inaantok ako,” sabi niya.

Hinaplos ni Vixor ang buhok niya gamit ang isang kamay na hindi niya hawak. “Sleep then, Virgo.”

Napangiti siya. “Yeah. You, too.”

“Mamaya na,” sabi ni Vixor. “Ikaw muna ang matulog. Babantayan muna kita. Baka kung mapaano ka.”

Virgo grinned playfully. “Sinabihan na kitang bawal kang magkagusto sa akin, eh.”

“Para namang kaya kong pigilan `to.”

“Kaya mo `yan.” She tilted her head up and gave him a kiss on the corner of his lips. “Goodnight, Vixor.”

“Good night, babe.”

Virgo closed her eyes again and this time, she slept.

Medyo matagal ang biyahe. Nang makarating ang eroplanong sinasakyan nila sa Pilipinas, parang may kakaibang emosyon siyang naramdaman, pero ipinagsawalang bahala niya iyon. Hindi niya iyon dapat maramdaman.

Virgo stepped out from the airplane and inhaled the air. Napapikit siya nang maramdamang nanubig ang bagang niya nang makaamoy ng mabangong halimuyak ng dugo.

“That tastes good,” komento si Vixor na nasa likuran niya.

Her fangs started to retract. “Yeah.”

Tuluyan na siyang bumaba sa eroplano. Sabay silang naglakad palabas ng exit. May naghihintay na sasakyan na naghatid sa kanila sa mansiyon ng mga Simonides.

“So, saan ka muna titira?” tanong ni Vixor nang nasa loob na sila ng sasakyan.

Virgo looked outside the car window. “Sa bahay n’yo muna,” she decided. “Doon muna ako.”

Pinagsalikop ni Vixor ang kamay nila. “You’re more than welcome in our house.”

She smiled. “Thanks.”

Nang makarating sa mansiyon ng mga Simonides, agad siyang ngumiti nang makita si Vixen. Sa dalawang taon niyang pamamalagi sa Russia, panay ang bisita sa kanya si Vixen. She helped her transition. When she changed, Vixor and Vixen were there for her. Inasikaso siya ng dalawa at inalagaan na para bang isa siyang kapamilya.

Mabilis siyang lumabas sa sasakyan at niyakap si Vixen. “Hey,” nakangiting sabi niya.

Vixen giggled and hugged her. “You’re here. I can’t believe it!”

“Better believe it,” sabi ni Vixor na nasa likuran niya. Inakbayan siya ng lalaki.

Vixor guided her towards the entrance of the mansion. Nasa pintuan ang mag-asawang Simonides. Parang hinihintay ng mga ito ang pagdating nila.

She met Vixor’s parents a year ago when they visited her in Russia. Just like Vixen, Vixor’s parents were good to her. Hindi alam ni Virgo kung bakit, pero napakabait ng mga ito sa kanya. Maybe because they were the one who were responsible for her parents’ death. Pero wala na iyon sa kanya. Okay na siya. Hindi na siya nasasaktan sa mga nangyari sa nakaraan.

Wala na. Virgo had already moved on. And now, she was happy. Happy to be with Simonides family.

“Hello po,” magalang niyang bati sa mag-asawang Simonides.

“Hello rin sa `yo, hija,” nakangiting bati ni Tito Vently.

Tita Alleyah hugged her. “Welcome to our simple abode, Virgo. We’re happy to have you.”

“Thank you po,” nakangiting sagot ni Virgo.

She smiled as Vixor guided her inside the mansion. Nasa baywang niya ang braso nito.

“Magpapahinga muna kami, Mommy,” sabi ni Vixor.

Napatingin ang babae sa kanya. “Same room?”

Nakangiti siyang tumango. “Opo.”

Tumaas ang kilay ng mommy ni Vixor. “Sharing a room? Hmm… May dapat ba kaming malaman?”

She chuckled. “Hindi kasi ako nakakatulog kapag wala si Vixor,” pag-amin niya.

“Yeah, Mom. So , back off,” naiiritang sabi naman ni Vixor.

Virgo always had nightmares and all those morbid and scary stuff. They won’t go away. Pero kapag katabi niya si Vixor, ang himbing lagi ng tulog niya. Kaya naman lagi silang magkatabi sa kama.

“O, sige,” sabi ng mommy ni Vixor. “Go. Magpahinga na kayo.”

Parehas silang ngumiti ni Vixor bago nagpunta sa kuwarto ng lalaki. Pero hindi pa sila nakakahiga nang pumasok si Vixen sa kuwarto.

“Hey!” Vixen said. “May welcome party pala mamayang gabi. Ako ang nag-organize. So, you are both welcome.” Pagkasabi niyon, lumabas na ito sa kuwarto nila.

Nagkatinginan sila ni Vixor. “Welcome—”

“Party?” pagtatapos niya sa sasabihin nito.

He shrugged, then lay on the bed. “Mamaya mo na `yan isipin. Halika rito. I want to cuddle.”

Mabilis siyang nahiga at yumakap kay Vixor. Ginawa niyang unan ang braso nito. Tumatama ang hininga niya sa leeg ng lalaki. Iyon lagi ang posisyon nila sa kama.

“Magpahinga ka na, Virgo. You need your strength for the party tonight,” sabi ni Vixor.

Ipinikit niya ang mga mata at nagpahinga na. Mamaya na niya iisipin kung ano ang gagawin para hindi siya makasali sa welcome party.

LUCIEN stepped out from the car and stared at the Simonides Mansion. Huminga siya nang malalim at naglakad papunta sa pinto, kasabay ng mga kapatid at mga magulang niya.

Ayaw niyang um-attend sa welcome party ni Vixor Mikhael Simonides. Hindi naman niya ito personal na kilala. Bakit naman niya ito iwe-welcome? But he and his family didn’t have a choice. They were invited by the royal family and they couldn’t say no.

Nang makapasok sa loob ng mansiyon, agad silang sinalubong ng isang babae at inalalayan papunta sa napakalaking grand hall ng mansiyon.

“Lucien.” Boses ng kanyang ama. “Smile, will you?”

He groaned. At the same time, his eyes turned red. “Bakit naman ako ngingiti? I don’t have a freaking reason to do that.”

His father sighed. “Please, Lucien. Cooperate.”

Hindi siya umimik at nagbaba lang ng tingin. Ayaw niyang makipagtalo sa ama. Ayaw niyang maungkat na naman ang nangyari kay Virgo. It had been two years since she disappeared without a trace. And up until now, hindi pa rin ito nakikita. Naniniwala siyang buhay pa ang babae. Pero ang ama niya, naniniwalang wala na si Virgo at dapat na niya itong kalimutan.

Pero kahit ano ang gawin ni Lucien, his heart only beat for Virgo and Virgo alone. He was hopelessly in love and obsessed with her. And that scared his father. Hanggang ngayon, hinahanap pa rin niya si Virgo. Hindi naman siya tumigil sa paghahanap dito.

Hanggang sa magsimula ang party, nakatungo lang si Lucien at umiinom ng alak. Vixor was welcomed by the visitors. They looked happy that the freaking prince was back. Annoying!

Vixor’s face reminded him of the rogue vampire he killed to save Virgo. Magkamukhang-magkamukha ang dalawa. He felt nauseous. Lalo niyang nami-miss si Virgo.

Naiinis na lumabas sa grand hall si Lucien at nagpunta sa mahabang terasa na nakakonekta sa hall. He inhaled the air and stilled when a very familiar scent invaded his nostrils. Mabilis niyang hinanap ang pinanggalingan ng mabangong amoy. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang babaeng nakatayo sa gilid ng railing ng terasa.

“Virgo…”

Hindi siya puwedeng magkamali. It was her! The scent of the blood… It was her!

Hahakbang sana si Lucien palapit sa kinaroroonan ng babae nang bigla itong nawala na parang bula.

Nanlaki ang mga mata niya at patakbong nilapitan ang kinaroroonan ng babae kanina. The scent still lingered in the air. It was her. Hindi siya puwedeng nagkamali. Si Virgo iyon. Hinding-hindi niya makakalimutan ang amoy ng dugo nito na gustong-gusto niyang tikman noon. He couldn’t forget the blood that made him obsessed with her.

But Virgo was not there. No one was. Baka nag-iilusyon lang siya na nakita at naamoy ang babae. It was just a figment of his fucking imagination.

Mapakla siyang tumawa. “Kahit talaga ano’ng gawin ko, mahal ko pa rin siya.”

Inihilamos ni Lucien ang dalawang kamay sa mukha. Naiinis siyang umalis sa balkonahe. Bumalik siya sa grand hall na nasa isip ang maglasing. Nababaliw na naman siya.

HAWAK ni Virgo ang bibig para hindi gumawa ng kahit na anong ingay nang lumapit sa kinaroroonan niya si Lucien. When she saw him, she panicked.

Two years. Two years had passed since Virgo last saw him. He couldn’t control her now. But there was something inside her that she couldn’t explain. Iba ang pakiramdam na makita ang lalaking akala niya ay minahal niya.

Lucien was just an inch away from her. Naaamoy niya ang hininga nito at ang kakaibang amoy ng dugo nito. He smelled like Vixor, but more delicious and more salivating. It was making her fangs come out from hiding.

Mapaklang tumawa si Lucien habang may malungkot na kislap sa mga mata. “Hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya.”

Hindi alam ni Virgo kung sino ang tinutukoy ng lalaki. Napakalungkot ng mukha nito, pero naiinis namang pumasok sa grand hall. Nakahinga siya nang maluwang dahil hindi siya nito nakita kahit na halos ilang dangkal na lang ang pagitan nilang dalawa.

Virgo went invisible so he wouldn’t see her. It was one of the skills she had when she turned. And it came in handy sometimes. Like now.

Nang masigurong wala na si Lucien, Virgo went visible and hurriedly left the balcony. Kasama sana siya sa iwe-welcome, pero ayaw niya. Si Vixor naman ang kilala, eh, hindi siya. Ayaw niyang mapunta sa kanya ang atensiyon ng mga bampira sa loob.

Mabilis ang mga galaw ni Virgo habang papasok sa kabahayan. She was about to stealthy enter the kitchen to grab a bottle of blood when she heard a familiar voice.

“Virgo?”

Kinuha muna niya ang bote ng dugo na nasa refrigerator bago humarap sa taong tumawag sa pangalan niya. Virgo smiled at the vampire in front of her. “Hi, Lashka.”

Halata ang gulat sa mukha nito. “W-what are you doing here?”

She shrugged and opened the bottle and drank the blood. Kitang-kita niya kung paanong nanlaki ang mga mata nito nang makita ang ginawa niya.

“It couldn’t be…”

Virgo just smiled and walked pass Lashka. Habang naglalakad, panay ang inom niya sa dugo na nasa bote. It didn’t taste good. It was like a meat, but it tasted like tofu. Awful and distasteful.

Nang nakapasok sa kuwarto nila ni Vixor, hinubad ni Virgo ang suot na kulay-pulang low back dress at nagpalit ng simple denim jeans at black T-shirt. Pagkatapos, binuksan niya ang terasa ng kuwarto ni Vixor at tumalon mula roon. Virgo landed on the ground gracefully. Habang naglalakad palabas ng gate, tinawagan niya si Vixor.

“Hey! What’s up?” tanong ni Vixor. “Bored ka na ba sa kuwarto? Bumaba ka kaya rito.”

“I’m off to my house. Babalik din ako agad.”

Ilang segundong nawalan ng imik ang nasa kabilang linya. “Do you need me right now, Virgo? I could ditch the party.”

That made her smile. “Nah. Mag-enjoy ka na lang diyan. Babalik din naman ako agad. May kukunin lang ako sa bahay ko.”

“Sure about that, Virgo?”

She nodded. “Yes. See yah later.”

“Okay. See yah, Virgo. Take care.”

“I will. Enjoy.”

Vixor chuckled. “I will.”

Pinatay niya ang tawag. Sa halip na pumara ng taxi, tinakbo lang ni Virgo ang distansiya mula sa bahay nina Vixor papunta sa bahay niya. Mas mabilis naman siya kaysa sa taxi o sa kahit anong sasakyan.

LUCIEN went back on the terrace. Wala na roon ang amoy ni Virgo. He felt like laughing at his heartache. Two years had passed and she can still hurt him like this.

Love was like a vampire. It sucked!

Natigilan si Lucien habang nakadungaw sa ibaba ng terasa nang makakita ng babaeng naglalakad palabas sa Simonides mansion. He narrowed his eyes on the woman. Pero nawala ang focus niya sa babae nang marinig na may nagsalita sa kanyang tabi.

“Hey! What’s up?” sabi ng katabi niya na napag-alaman niyang si Vixor. “Bored ka na ba sa kuwarto? Bumaba ka kaya rito.”

Lucien looked at the man who held the same face of the man he killed for Virgo.

Ilang segundong nawalan ng imik ang lalaki. “Do you need me right now, Virgo? I could ditch the party.”

His heart pounded. Virgo? It couldn’t be. Baka kapangalan lang.

“Sure about that, Virgo?”

No. Kapangalan lang siguro.

“Okay. See yah, Virgo. Take care.”

Nagbaba siya ng tingin habang nakakunot ang noo. Imposible! Kapangalan lang iyon ni Virgo. Siguradong hindi lalapit si Virgo sa lalaking kamukha ng pumatay sa mga magulang nito.

Lalong kumunot ang noo niya nang mabilis na lumapit sa kanya si Lashka.

“Kuya Lucien!” She stopped in front of him, her breathing ragged. “Nakita ko si Virgo! She’s here! In this mansion!”

Mabilis siyang napatingin kay Vixor na nahuli niyang nakatingin sa kanya habang may munting ngiti sa mga labi.

“Hope you’re enjoying the party, Lucien,” sabi ni Vixor.

Naiwan siyang nag-iisip. Information from two years ago were now bombarding his mind.

May kinalaman ba si Vixor sa bigla ng pagkawala ni Virgo?