noveltoon logo noveltoon
Favourite Obsession

Chapter 6

Ch. 7 / 35 Apr 08, 2022

LIE

HE LIED. That necklace wasn’t a dream-catcher. Ang kuwintas na iyon ay isa sa mga vampire heirloom na pag-aari ng pamilya niya. It can tamper the sweet smell of Virgo’s blood from spreading into the air. Ibinigay iyon ng ama sa kanya dahil ayaw nitong maubos ang pagtitimpi niya na hindi kagatin bigla ang leeg ni Virgo.

His family was one of the most feared and respected in the vampire community. His father would do anything to keep it that way. Naiintindihan naman ni Lucien ang ama. He was once feared and respected. Hanggang sa mangyari ang gabing iyon. Ang gabi na bumago sa kanya.

“Lucien, kakain ka ba ng lunch?” narinig niyang tanong ni Virgo nang pumasok ito sa opisina niya habang siya ay abala sa harap ng laptop.

Nasisiyahan siya dahil wala nang “sir” na nakakabit sa pangalan niya. At wala na ring “ho” at “po.”

I think our relationship is improving.

“Hindi ako nagugutom,” sabi niya. I’m thirsty though.

Kumakain lang si Lucien kapag gabi at kasalo ang pamilya niya. It was not a must for them to eat. Hanggang nakakainom sila ng dugo, ayos na sila. Eating human food was like a luxury. Not really a need.

“Ganoon ba?” May paghihinayang sa boses ni Virgo. “Sige. Ako na lang ang kakain n’on.”

Nag-angat ng tingin si Lucien. Nakita niyang bagsak ang mga balikat ng babae habang naglalakad papunta sa pinto.

“Bakit nanghihinayang ka?” hindi niya mapigilang tanong kay Virgo na agad na humarap sa kanya.

“Ano?” Malalaki ang mga mata nito. She looked shocked that he knew what she was feeling.

Lucien did that to people. Minsan kasi, napakanormal na para sa kanya na pakiramdaman ang mga taong nasa paligid niya at itanong kung bakit nito nararamdaman ang emosyon na iyon.

“Sabi ko, ‘bakit ka nanghihinayang?’” ulit niya.

“Ahm…” Kinagat ni Virgo ang pang-ibabang labi na parang nahihiya. “Kasi, ano, eh. Ahm… I cooked caldereta for you. Pasasalamat ko sa ibinigay mong kuwintas noong isang araw.”

That made Lucien smile. Kaya pala ito nanghihinayang nang sabihin niyang busog siya. Ipinagluto siya ni Virgo. He felt like an asshole.

Tumayo siya at naglakad palapit sa babae. Napapangiti si Lucien dahil hindi na ito nakakaramdam ng pagkailang. At natutuwa siya na nakakausap na niya si Virgo nang hindi na niya kailangan pang pigilan ang paghinga.

She looked up at him. Her eyes captivated him. Again. Gustong-gusto niyang tanggalin ang eyeglass na suot ni Virgo para makita ang kagandahang taglay na pilit nitong itinatago.

“Lucien…” sabi nito sa pangalan niya habang nakatingin sa mga mata niya.

He could feel it. The desire in her eyes. Nararamdaman niya ang atraksiyon na nararamdaman ni Virgo para sa kanya. But that was not what he wanted. He wanted more than attraction from her. Iba ang gusto niyang makuha mula sa babae.

“Hindi naman ako ganoon kagutom. Medyo lang,” sabi niya habang unti-unting bumababa ang bibig sa leeg nito. “Puwede naman sigurong tikman ko.” One inch and his fangs would be touching Virgo’s neck. Nagwawala na ang lahat ng parte ng katawan ni Lucien. Gusto niyang ibaon ang mga pangil sa leeg nito, pero hindi niya ginawa.

Tumayo siya nang tuwid at ngumiti sa babae na pigil ang hininga. “Sabay tayong kumain. Dalhin mo rito ang niluto mo. I want to taste it.”

Umaliwalas ang mukha ni Virgo. Parang nawala lahat ng problema niya dahil sa tuwang nakapinta sa mukha ng babae dahil lang pumayag siyang kainin ang luto nito.

“Sige, kukunin ko,” masayang sabi nito saka mabilis na lumabas sa opisina niya.

Huminga siya nang malalim at napatingin sa glass wall na tinakpan niya ng makapal na kurtina. Kung hindi lang siya masusunog kapag tinanggal ang kurtina, ginawa na niya. He will not instantly turn into a crispy vampire, but he will not risk it. It will take five to ten minutes to kill a vampire using the sunlight. But it still fucking hurt every time the sun touched their skin.

Nang pumasok si Virgo dala ang dalawang lunch box, inalalayan niya ito sa mahabang sofa. Inilapag nito ang pagkain sa round table. Kumuha ito ng kutsara at baso na may lamang tubig.

“There.” Nginitian siya nito. “Kain na.”

Napatitig si Lucien sa leeg nito. How I wish.

Hinawakan niya ang kutsara at kumuha ng pagkain. The delicious taste of the food exploded inside his mouth. Nginuya niya ang pagkain. Masasabi niyang masarap magluto ang babae.

“Masarap,” komento siya habang tumatango-tango. Tiningnan niya si Virgo na nakaupo sa tabi niya. “Masarap ka palang magluto.”

Tipid itong ngumiti. “Talaga? Nasarapan ka?”

Tumango si Lucien habang kumukuha na naman ng pagkain. “Salamat at ipinagluto mo ako ng lunch.”

Bumaba ang tingin nito sa kuwintas na ibinigay niya. “You gave me a necklace, Lucien. Hindi pa nga sapat ang niluto ko.”

Nakonsiyensiya siya sa pagsisinungaling tungkol sa kuwintas. “Nanaginip ka pa ba ng masama?” Nakahinga siya nang maluwang nang umiling si Virgo.

“Hindi na.” Mahina itong natawa. “Gumagana pala ang necklace na `to.”

Lucien looked at the necklace. And then , his eyes darted to the side of her neck. Parang may sariling isip ang katawan niya na dumukwang palapit kay Virgo. His lips touched her neck, eliciting a moan from her sexy lips.

“L-Lucien…” Tumikhim ito, pero hindi naman siya pinatigil sa ginagawa. “A-ano’ng ginagawa mo?”

Naririnig niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito. He could hear her blood rushing through her veins. Lucien was tempted to sink his fangs on her neck. Mabuti na lang at humarap sa kanya ang babae dahilan para maglapat ang mga labi nila.

They both stilled at the contact. Magkalapat lang ang mga labi nila, pero walang gumalaw sa kanila. Pero nang makita niyang pumikit ang mga mata ni Virgo, he assumed that she wanted the kiss, too.

Banayad niyang hinalikan ang babae. Lucien was trying to read what she was feeling at the moment, but her emotion was in chaos. Magulo at halo-halo ang nararamdaman ni Virgo. Hindi niya maintindihan kung natutuwa ito sa halik na pinagsasaluhan nila o nagsisisi na humarap ito at nagtama ang mga labi nila.

Lucien snaked his tongue inside Virgo’s mouth and deepened the kiss. Hinawakan niya ang pisngi nito at mas pinalalim ang halik. Napaungol siya nang lumaban ng halik at yumakap sa leeg niya ang babae.

“Oooh, Lucien…” ungol ni Virgo sa pangalan niya nang gumapang ang mga halik niya pababa sa leeg nito. “Uhm…”

His hands were now moving to her breasts which he dreamed of touching every freaking night. Nang mapunta ang kamay ni Lucien sa mayayaman nitong dibdib, napakapit sa balikat niya si Virgo at napaungol.

“Lucien… Oooh…” daing nito nang gumapang ang mga labi niya pabalik sa mga labi nito.

They kissed. They sucked each other’s lips. Para silang mga uhaw at tanging ang mga labi ng isa’t isa ang makakaalis sa uhaw na nararamdaman.

Nang maghiwalay ang mga labi nila, nagkatitigan sila. Mapupungay ang mga mata ni Virgo habang nakatitig sa mga mata niya.

“Lucien…”

Lucien breathed out. “Virgo…”

Namula ang mga pisngi nito saka nagbaba ng tingin. Kinagat ng babae ang pang-ibabang labi at bumalik sa dating posisyon na nakaharap sa center table kung saan nandoon ang pagkain.

“Sorry,” sabi nito. Puno ng pagsisisi ang boses nito.

Natigilan at napakunot-noo si Lucien. “Bakit ka nagso-sorry?”

“Hindi dapat ako nakipaghalikan sa `yo,” sagot ni Virgo saka mabilis na tumayo at lumabas ng opisina niya.

Napatitig na lang si Lucien sa pintong nilabasan nito. Napahawak siya sa mga labi. A smile crept into his lips when he remembered the kiss they shared.

Kaunti na lang. Makakapasok din ako.

And he only had two months and three weeks to do it.

GUSTONG kutusan ni Virgo ang sarili nang makalabas sa opisina ni Lucien. What was wrong with her? Bakit ba niya hinayaang halikan siya ni Lucien? At bakit niya sinagot ang halik ng lalaki?

She was attracted to Lucien, she admitted that. Pero isang kahihiyan ang ginawa niya ngayon. How could she kiss her boss? Baka nagsisisi ito ngayon dahil isang manang ang hinalikan nito. Nakakahiya!

Virgo was scolding herself when the door to Lucien’s office opened. Dahan-dahan siyang lumingon sa pinto. Nakita niya roon ang lalaking kanina pa nasa kanyang isip.

“Lucien…” sabi niya.

He looked at her intently. “I enjoyed the kiss, Virgo.”

Umawang ang mga labi niya. “A-ano?”

Lumabas ng opisina ang lalaki. Mariin nitong ipinikit ang mga mata nang mapatingin sa sikat ng araw na tumatama sa glass wall.

“Damn you, sun,” Lucien hissed angrily at the sunlight and went back to his office after staring at her for a couple of minutes.

Napapantastikuhang napatingin si Virgo sa glass wall na natatamaan ng sikat ng araw. Kailangan ba niyang pasalamatan ang araw? Parang lumalabas kasi na dahil sa araw, hindi lumapit sa kanya si Lucien.

Her boss just got weirder and weirder every freaking day.

Umupo si Virgo sa mesa at nag-umpisang magtrabaho. Mamaya na niya kukunin ang lunch box niya na nasa loob pa rin ng opisina ni Lucien.

NANG dumating ang uwian, marahang kumatok si Virgo sa opisina ni Lucien saka iyon binuksan. Kukunin niya ang lunch box.

Nang hindi niya nakita si Lucien at ang lunch box sa loob ng opisina, pumasok siya at hinanap ang lalaki. Baka umuwi na. Pero imposible. Malalaman niya kung umuwi na ang lalaki. Dadaan naman ito sa mesa niya bago makarating sa elevator na maghahatid dito sa ibaba.

Napaigtad at napasinghap si Virgo nang makarinig ng ingay mula sa loob ng banyo. Sa isiping baka nandoon si Lucien, mabilis siyang pumasok sa banyo.

Virgo was welcomed by the darkness. Hindi niya alam kung nasaan ang switch ng ilaw. Takot siya sa dilim kaya naman lalabas na sana siya sa banyo nang biglang sumara ang pinto niyon.

She gasped in horror. “Oh, no!” Kahit ano ang gawin niyang pihit sa doorknob, hindi iyon mabuksan.

“Oh, God!” Nanginginig at nanlalamig na ang buong katawan niya habang pilit na binubuksan ang pinto. Virgo was crying as fear of the darkness spread through her. Nanghihina ang mga tuhod niya. Takot na takot siya.

“Please… Open up…” umiiyak na pagmamakaawa niya. “Please?” Napahagulhol siya at binitiwan ang doorknob. Napadausdos siya at umupo sa sahig habang yakap ang dalawang binti.

Walang ingay siyang umiiyak at pilit na nilalabanan ang takot na kumakain sa buong pagkatao niya. Pakiramdam niya, may hahawak sa kanya at lalabas ang lalaking pumatay sa mga magulang niya. She was shaking in so much fear and she was silently sobbing.

“Lucien…” tawag niya. “Help me. P-please…” Virgo’s stomach twisted when she heard footsteps inside the bathroom.

“W-who’s t-there?” nanginginig ang boses na tanong niya.

Walang sumagot, pero patuloy lang ang mga yabag na naririnig niya. At ang mga yabag na iyon ay palapit sa kanya.

Pigil ni Virgo ang paghinga nang tumigil ang mga yabag na naririnig sa mismong harap niya. And then , she felt a hand caress her cheek. Parang nakakakita ang may-ari ng kamay na iyon sa dilim. Walang pag-aalinlangan ang paghaplos ng kamay nito sa pisngi niya. And then , the hand started drying her tears.

Virgo was frozen in place. She couldn’t move. She couldn’t even breathe.

“Breathe, Virgo,” sabi ng baritonong boses na pamilyar na pamilyar sa kanya.

Not because it was the voice of her boss, but because it was the voice of the stranger in the bathroom in Lea’s house. Medyo iba ang tunog ng boses ni Lucien kapag nasa loob ng banyo.

Hindi niya makakalimutan ang boses na iyon. Iyong boses na iyon ang lagi niyang naririnig sa panaginip niya sa tatlong taon na nagdaan. Lagi siyang binibigyan ng lakas ng loob ng boses na iyon na labanan ang halimaw sa panaginip niya. In her dreams, Virgo wanted to see the owner of that voice, but she couldn’t. And now, she heard it again. For real this time.

“Lucien?” Her voice was trembling.

“Yes?”

Virgo sobbed in relief. Itinaas niya ang kamay at nangapa sa dilim. Nang makapa ang kuwelyo sa suot na suit ni Lucien, ipinalibot niya ang mga braso sa leeg nito. Mahigpit niyang niyakap ang lalaki.

“Pasensiya na,” sabi ni Lucien. Niyakap din siya nito. “Natakot yata kita.”

Virgo sighed. “Ano’ng ginagawa mo rito sa banyo?”

“Hinugasan ko ang lunch box.”

“Nang wala man lang ilaw?” napapantastikuhang tanong niya.

Lucien chuckled. “It’s okay. I can manage in the dark.” Hinaplos nito ang likod niya. “How about you? You’re quivering in fear. You okay?”

Tumango si Virgo. “Oo. Puwede bang lumabas na tayo sa banyo na `to?”

He chuckled again. “Hindi ka pa rin pala nagbabago. Takot ka pa rin pala sa dilim.”

Natigilan siya sa narinig. “Ano’ng ibig mong sabihin—”

“I told you, you’ll see me again, Virgo,” dagdag ni Lucien na lalong dumadagdag sa hinala niya. Baka ito nga ang lalaking kasama niyang na-stuck sa bathroom ng bahay nina Lea. “Do you remember me now?”

Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap sa lalaki. Pinagapang niya ang kamay mula sa leeg papunta sa pisngi nito.

“Ikaw `yon? Paano mo nalaman na ako `yon? Kung kilala mo naman pala ako, bakit hindi ka agad nagsabi? Bakit—”

Lucien pinned her on the wall. His lips were on her neck in an instant. Napasinghap si Virgo nang maramdamang kinagat ni Lucien ang leeg niya. May bumaon doon na matalim na bagay. Inihanda niya ang sarili na masaktan, pero kakaibang sensasyon ang naramdaman niya. Napaungol siya nang mag-umpisang gumalaw ang mga labi at dila ng lalaki na parang may sinisipsip.

“Oooh…” daing ni Virgo.

Kakaiba ang sarap na hatid ng ginagawa ni Lucien sa leeg niya. Nararamdaman niyang mabilis na nababasa ang pagkababae niya. It was soaking her panties and she was really turned on.

Lucien pulled away after a couple of minutes and licked something off her neck.

“God! I missed that.” Lucien groaned in appreciation and hugged her so tight. “Please accept me, Virgo.”

Wala nang lakas si Virgo na magtanong kay Lucien kung ano ang pinagsasasabi nito. Namimigat na ang talukap ng mga mata at nanghihina na ang mga tuhod niya.

“Lucien…” sabi niya bago nawalan ng malay.