SEARCHING
MATAAS na ang sikat ng araw, pero wala pa rin kahit anino ni Lucien. Huminga nang malalim si Virgo para pakalmahin ang sarili. Hindi man niya aminin, pero nag-aalala siya sa lalaki. Hindi ito katulad niya na kayang tumagal sa araw.
Nagpalit ng leather jeans at halter shirt si Virgo saka lumabas sa bahay para hanapin si Lucien. Kagabi pa ito umalis. Nag-aalala na siya. Damn it!
Virgo ran towards the forest. She sniffed the air as she run, but no scent of Lucien. Hanggang sa makarating siya sa dulo ng kagubatan, hindi niya maamoy ang lalaki.
Lahat ng kagubatan na puwedeng puntahan ni Lucien, wala roon ang lalaki. Umabot na siya sa kabilang bayan, pero hindi niya maamoy ang pamilyar na mabangong amoy nito. She had already bitten him, so she should be able to smell him from far away. But no, there was no Lucien. Damn it!
Bumalik sa alaala ni Virgo ang panaginip niya na namatay si Lucien. Her heart pounded in fear. Hindi ordinaryong bampira si Lucien. He was strong and she knew he can protect himself.
But where could he be now?
“Lucien…” sabi niya habang nakatingala sa araw at nakapikit ang mga mata. “Please, be safe.”
Virgo sighed and ran back towards the Kallean Mansion. Malayo pa siya sa mansiyon, may nakikita na siyang isang bulto ng lalaki na nakatayo sa labas ng pinto.
Sa isiping si Lucien iyon, mabilis siyang tumakbo palapit. Pero nang pumasok sa isip niya na walang tattoo si Lucien na magbibigay dito ng kakayahan para labanan ang araw, bumagal ang takbo niya.
This time, Virgo was just meters away from the man standing outside the door of Kallean mansion. Panay ang tingin ng lalaki sa mga nakasarang bintana ng mansiyon ng mga Kallean. Para bang may binabalak itong masama. The Kalleans were now sleeping and she was the only one who was awake.
“Sino ka?” tanong niya sa lalaki na nakatalikod sa kanya. “Ano’ng ginagawa mo rito?”
Nakita ni Virgo na natigilan ang lalaki bago ito dahan-dahang umikot paharap sa kanya. Humakbang siya paatras nang makitang pula ang mga mata ng lalaki. Kasintangkad ito ni Vixor at parehas ang pangangatawan ng dalawa kaya naman nasisiguro niyang malakas ito. But what made her step back was the devilish smirk on his lips.
Nagtaasan ang mga balahibo ni Virgo nang maglakad ito palapit. The man had blood and dirt all over his shirt. Madumi at walang sapin ang paa nito. Sumisilip din ang matatalim nitong pangil sa mga labi.
Nararamdaman ni Virgo ang masama nitong aura. Hindi niya mapigilan ang takot na nararamdaman. Somehow, deep down inside her, she knew this man. Pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.
Virgo wanted to move. She wanted to run away as fast as she could. But an invisible force was holding her in place. Fear ruled her being. And when the man stopped in front of her, her hands were shaking.
“Virgo…” Her name came out from his mouth like a caress. “Well, well, well… So, it’s true that you are now under the protection of the Kallean Family.” His evil smirk widened. “That’s good. Akala ko, mananatili ka sa Simonides mansion. You do have a brain after all. You did not disappoint me at all.”
She gulped. “W-who are you?” Virgo wanted to cringe away when the man touched her chin, but she couldn’t move. Damn it!
“Hmm…” Inilapit ng lalaki ang mukha sa leeg niya. Humugot ito ng malalim na buntong-hininga. “Damn, woman. You still smell good as before.”
Still?
“K-kilala mo ako?”
Mahinang tumawa ang lalaki saka pinakawalan ang baba niya. “Of course. I am after all the reason why you are now a bloodsucker.”
Naguluhan si Virgo sa sinabi nito. “Ano? Hindi kita maintindihan.”
“I know.” He still had that devilish smirk as he tapped the tip of her nose. “Anyway, nagpunta lang ako rito para kumustahin ka. And of course, to say hi. It’s been a long time, Virgo. It’s nice to see you again looking pretty as always.” The man leaned in and kissed her on the forehead. “See you soon.”
And in the blink of an eye, he was gone. She can move again.
Mabilis na pumasok si Virgo sa bahay ng mga Kallean at nagpunta sa kuwarto ni Lucien. Nanginginig pa rin ang kamay niya habang nakahiga sa kama at yakap ang sarili.
That guy… Those red eyes… That devious smirk…
Who is he? Bakit niya ako kilala? Isa na naman ba siya sa mga mananakit sa akin?
Kinagat ni Virgo ang pang-ibabang labi. “Lucien, please, umuwi ka na,” bulong niya sa hangin habang pinapakalma ang sarili. “Please… I need you…”
Pero kahit pa siguro isigaw niya ang pangalan ni Lucien, kahit anino nito ay hindi darating. And she was alone in his room, trembling in fear as she prayed for Lucien to come home.
“Lucien…” Mahigpit niyang niyakap ang sarili. “I’m scared.”
SUMILIP si Lucien sa labas ng bintana ng compound na nagsisilbing headquarters ng mga rogue hunters. Mahina siyang napamura nang makitang may araw pa rin. He was worried. Nangako siya kay Virgo na uuwi agad. But here he was, stuck in this fucking compound that served as their headquarters.
Ayaw niyang magalit na naman sa kanya si Virgo. Nagkakaayos pa lang sila. Gusto na niya ulit itong nakasama.
Bakit naman kasi nagpadala siya sa prinsipe na iyon? Wala rin namang nangyari sa lakad nila na naging dahilan kung bakit hindi siya nakauwi.
“Chill, Lucien. She’ll be fine. Malakas si Virgo. Kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya,” sabi ng boses sa likuran niya.
Marahas niyang nilingon ang nagsalita saka tiningnan nang masama. “Kasalanan mo `to, eh. Why did I even listen to you?”
His highness, Vixor, shrugged. “Because I’m a prince. It’s a royalty thing.”
Tumalim ang mga mata niya. “Hindi na ako pupunta rito bukas.”
“At bakit?” Nagsalubong ang mga kilay nito. “Dahil kay Virgo?” Vixor tsked. “Baka nakakalimutan mo, Lucien, ginagawa mo `to para sa kanya.”
Nag-iwas siya ng tingin. “We’ve been looking for days, your highness. Pero wala pa rin tayong makitang bakas nila.”
“Makakakita rin tayo.” Umupo ito sa pang-isahang sofa na nasa gilid at ipinikit ang mga mata. “Kailangan nating pigilan ang mga nangyayari ngayon. The government already sent a message to my family. If the rogue didn’t stop killing humans, then it will be the government who will kill us. Humans and vampires have a peace treaty. Those idiot rascals are breaking it. We have to do something. Humans are weak, but we still need them to survive. It’s a give-and-take process.
“Kailangan nating mahuli kung sino man ang rogue na nakakayang pumasok sa isang bahay at pinapatay lahat ng nakatira. We, vampires, cannot enter a home without permission. Rogues have no rational thought or whatsoever. They are dirty and smelly. Ang nasa isip lang nila, pumatay at uminom ng dugo. Kaya kailangan nating mahuli kung sino ang namumuno sa kanila. Marami na ang namamatay. Nararamdaman kong ang pinuno nila ay isang rogue na katulad nating dalawa. After this shit, ang mga magulang ko naman ang haharapin natin.”
Huminga siya nang malalim. “Ilan ba ang pinag-eksperimentuhan ng mga magulang mo? Do you know the exact number?”
Umiling ang kausap. “No. Ang alam ko lang, marami. And we all have the same strengths and power. That’s the scary part. Dalawa lang tayo laban sa kanila.”
Bumuga siya ng hangin saka naglakad papunta sa terasa sa loob ng compound. Tumingin si Lucien sa ibaba kung saan nandoon ang ibang miyembro ng hunters na handang tumulong sa kanila. All in all, they were ten. Kayang-kaya nilang gawan ng paraan ang mga nangyayari ngayon na may kinalaman sa rogue na kaparehas nila ni Vixor.
Lucien remembered the same problem like this two years ago. His father sent him to look for a rogue who could enter someone’s house. Ilang bahay rin ang pinasok ng rogue at marami din ang namatay. Wala silang nahuli ni Lucan. Bigla na lang tumigil ang kaganapan kaya tumigil din sila sa paghahanap. Lalo na siya na sa mga panahong iyon ay hinahanap si Virgo.
Mariin siyang napapikit nang maalala kung bakit nawala si Virgo.
“I have a question, your highness,” Lucien said through his gritted teeth.
“What?”
“Did you two kiss?”
Ilang minutong nawalan ng imik si Vixor. Lucien didn’t need to elaborate. Alam niyang naintindihan nito ang tanong niya.
“Kiss? Me and Virgo?” Vixor chuckled. “On the cheeks, yeah. But the lips, no. Kahit naman close kaming dalawa, nararamdaman ko pa rin ang pader na namamagitan sa amin. Why do you think I didn’t make a move on her? `Cause I know that deep down, kahit hindi niya maamin sa sarili, she wants you and not me.”
Parang nabunutan ng tinik si Lucien sa narinig. But there was one question he was dreading to ask, but he had to.
“When you turned her…” Tumikhim siya. “Did you bite her?”
“No.”
Lucien let out a shaky chuckle. “Akala ko—”
“Puwede ba, Kallean? Alam ko naman kung saan ako dapat lumugar,” sabi ni Vixor.
Lucien’s expression grimed. “She’s mine, your highness. Not even your family can take her away from me again.”
“I’m not planning to. But my mother is planning something devious for Virgo. You should watch out.”
Vixor descended on the stairs towards the first floor of the compound. Lucien followed.
“Your highness.” All of the hunters bowed their heads when Vixor neared them.
Lucien rolled his eyes.
“There are ten of us. Tonight, we will divide into five. By pairs,” sabi ni Vixor. “Hindi tayo titigil sa paghahanap sa kanila. Nararamdaman kong mamayang gabi, lalabas sila. Kailangan nating mahuli ang pinuno ng mga rogues.”
Tumango si Xandorz, isa sa mga magagaling na hunter na hawak ng ama niya. “Paano ang dalawang rogue na nakakadena sa kulungan?” tanong nito.
Nagkatinginan sila ni Vixor. Walang alam ang mga kasama nila na isa rin sila nito sa mga rogue. Hindi puwedeng malaman ng mga ito. Hindi na kasi makikinig ang mga ito sa kanila. Instead, they will hunt them down.
“We’ll take care of them,” sabi ni Vixor.
Tumango si Lucien bilang pagsang-ayon. “Kami na ang bahala sa kanila.”
“Sa ngayon, magpahinga muna kayo,” sabi ng prinsipe saka naglakad papunta sa kuwarto nito sa compound.
Nag-alisan naman ang mga rogue hunters at nagpunta sa kanya-kanyang kuwarto. Lucien was left alone with nothing to do. Damn it! He should be with Virgo now, cuddling.
Nagsalubong ang mga kilay niya nang bumalik si Vixor sa kinatatayuan niya. May iniabot itong malapad at makapal na coat.
“Wear that. I’m taking you home,” sabi nito.
Nagulat siya. “I’ll burn.”
“That’s what the freaking coat is for, genius, to not let the sun burn you.” Napailing-iling ang prinsipe na puno ng sarkasmo ang boses. “We need to get you a tattoo, so you can freely walk under the sun.”
“Para lang `yan sa mga royalties.”
“Fuck the royalties. You’re getting a tattoo.”
Napailing-iling na lang si Lucien habang sinusundan ang prinsipe na walang pinakikinggang iba kundi ang sarili.
Binuksan ni Vixor ang pinto ng compound. Mabilis siyang napaatras dahil nasilaw ang mga mata niya sa sikat ng araw. His eyes couldn’t take too much brightness. Pero para kay Vixor, wala lang rito ang sikat ng araw.
“That’s my car.” May itinuro ito sa labas ng bahay, pero hindi niya masyadong makita. “Tumakbo ka papunta roon.” May iniabot itong malapad na payong. “Go.”
Lucien glared at Vixor. “No! I don’t trust you—”
“So do I.”
He gritted his teeth. “I’m not running under the sun—”
“Kahit para kay Virgo?” tanong nito. “My car is free from the sun, so chill and go.”
Huminga siya nang malalim saka isinuot ang coat at nagpayong. Then , Lucien ran towards the car. Habang tumatakbo at nararamdaman niyang nag-uumpisang humapdi ang balat niya, iniisip niya si Virgo. Ginagawa niya iyon para makauwi at makapiling ang babae.
It felt like forever when he reached Vixor’s car. Mabilis siyang sumakay. Habang nag-aayos ng upo, sumakay rin doon ang prinsipe. Binuhay nito ang makina ng sasakyan. Nakangiti ito habang pinatatakbo iyon palayo sa compound.
“I’m taking you to the Ancient Wicce.”
Kunot ang noong humarap siya kay Vixor. “Ancient what?”
“Ancient Wicce. Sila ang nag-tattoo sa akin noon at kay Virgo para hindi kami maapektuhan ng araw. They are old hags. Humans call then witches. You’ll survive.”
Hindi na nagkomento pa si Lucien. Wala rin naman siyang magagawa. Saka, para naman kay Virgo ang gagawin niya. Hanggang para kay Virgo, gagawin at kakayanin niya lahat.