noveltoon logo noveltoon
Favourite Obsession

Chapter 13

Ch. 14 / 35 Apr 08, 2022

SICILY

“READY the plane!” sigaw ni Vixor nang makapasok siya sa mansiyon nila habang buhat si Virgo. He planned to leave the country with this woman. A punishment for Lucien Kallean.

His mother, Vixxa, gasped when she saw him carrying a woman in his arms. Alam niya kung bakit ito napasinghap. Lahat yata ng tao sa mansiyon na ito ay kilala si Virgo Guano. Who wouldn’t? His twin brother never stopped talking about her. Unfortunately, he was dead now. Thanks to that fucktard Lucien Kallean.

“What is she doing here?” his mother asked, confused. “Please, Vixor, ibalik mo siya sa kanila. Hindi makakabuti sa `yo ang paghihiganti na gusto mo.”

His eyes turned bloodshot red. Biglang umatras ang kanyang ina na parang natakot sa kanya. Hindi parang. Takot naman talaga ito sa kanya.

Vixor laughed sardonically. “Why, Mama? Afraid of me?” He smirked at his mother. “Ikaw ang may gawa sa akin nito. You should be proud. You and Papa. It’s a success.”

Guilt glimmered on his mother’s eyes. But it never made him pity her. He hated his mother.

Nilampasan ni Vixor ang ina. Nagtuloy-tuloy siya sa kuwarto niya. Inihiga niya ang babae sa kanyang kama. Nagtuloy siya sa banyo. He needed to freshen up. He had plans for Lucien and he also had plans for the woman. They were going to pay for his twin brother’s death.

Walang suot na lumabas ng banyo si Vixor. Hindi niya pansin na may babaeng nakahiga sa kanyang kama. Tulog naman, eh. He went to his closet and grabbed a shirt and a pair of faded jeans. And then , he started packing for his and Virgo’s trip.

Tumigil si Vixor sa pag-iimpake nang may kumatok sa labas ng kuwarto niya. By the smell spreading in the air, he already knew that it was his sister.

Pinagbuksan niya ito ng pinto. “Nabili mo na lahat?”

Tumango si Vixen, ang nakababata niyang kapatid na babae. “Here.” May iniabot ito sa kanyang maleta saka sumilip sa loob ng kuwarto. “The Kallean will look for her, you know.”

Vixor nonchalantly shrugged. “Good luck na lang sa kanila.”

He rudely closed the door and continued packing again. It took him five minutes to finish packing. He went to his mini-refrigerator in a corner of his room and grabbed a bottle of blood. Sa halip na gumamit ng baso tulad ng laging sinasabi ng kanyang ina, Vixor drank straight from the bottle. Mas masarap kapag ganoon.

As he drank the blood from the bottle, his eyes darted to the sleeping woman in his bed. Hmm… Maybe a nibble won’t hurt.

Inilapag ni Vixor ang bote sa bedside table at umupo sa gilid ng kama. Hinawakan niya ang kamay ng babae at inamoy ang palad nito.

Hmm… That smells good.

His fangs lengthened.

Just a nibble.

The tip of his fangs were already touching Virgo’s palm when someone knocked on the door.

Fuck you!

Napipilitan siyang tumayo at naglakad papunta sa pinto. He was about to punch the fucking face of the one who knocked when he saw his sister. Again.

“Ano na naman, Vixen?”

Vixen rolled her eyes. “The plane is ready.”

He sighed. “Good.”

Vixor left the door open and carried the woman again. “Dalhin mo ang mga maleta,” utos niya sa kapatid na itinirik muna ang mga mata bago sumunod.

He rolled his eyes when he saw their butler opening a car door. Honestly, mas mabilis pa yata siya sa sasakyan na nasa harap niya. But they were going into a public place where dirty fucking humans were around. Just fucking perfect.

Inokupa ni Vixen ang passenger seat samantalang sila naman ni Virgo sa back seat. Habang tumatakbo ang sasakyan, pasulyap-sulyap si Vixen sa babaeng nasa bisig niya.

“What?” he inquired.

Vixen shrugged. “Sigurado ka ba sa gagawin mo, Kuya?”

He nodded. “I’ve been waiting for Lucien to move and he did. Now, it’s payback time.”

Napailing-iling si Vixen at naaawang tumingin kay Virgo. “Kuya, she’s innocent to all of these. Napasok lang naman siya sa mundo natin dahil kay Kuya Vixon. He was obsessed with her and he died because of it—”

“Still their fault.”

“Kuya—”

“Hindi mo ako mapipigilan, Vixen. Just shut up.”

She sighed and turned to face the dashboard of the car. Siya naman, napatitig sa mukha ng babaeng nasa mga bisig niya.

Innocent, huh? Pathetic.

“Kailangan mo siyang gisingin,” sabi ni Vixen nang makarating sila sa airport. “Hindi mo siya puwedeng buhatin papasok. People will get suspicious.”

“I will control them—”

“Kuya, you can’t control everyone. Masyadong marami ang tao sa airport.”

Naiinis na bumuga ng hangin si Vixor. He waved his hand over Virgo’s face. The woman came awake, gasping for air. Bago pa ito makapagsalita, he compelled her to shut up.

“Shut the fuck up,” he said with gritted teeth.

The woman’s eyes were sporting fear, anger and confusion. Pilit nitong ibinubuka ang bibig, pero hindi naman nito magawa.

Vixor smirked at the woman. “Can’t talk? Aww… too bad.”

Tumaas ang kamay nito para sampalin siya, pero mabilis niya iyong nasalag.

“Bad move, woman.” His eyes turned red. Vixor roughly gripped her neck, choking her.

Panay ang ubo ng babae. Hindi na ito makahinga dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya sa leeg nito. Nasisiyahan siya na nahihirapan itong huminga. Ilang minuto na lang malalagutan na ng hininga ang babae.

“Kuya! Bitiwan mo siya!” sigaw ni Vixen na nagpagising sa kanya.

Vixor blinked and quickly let go of the woman. Napahawak ang babae sa sariling leeg at walang ingay na humagulhol. Nakikita niya ang bakas ng kamay niya sa leeg nito. He wanted to feel pity or something else, but none. Wala siyang maramdaman.

Hinawakan ni Vixor ang babae sa pulsuhan at hinila palabas ng sasakyan. The moment the woman’s feet touched the airport ground, he encircled his arm around his waist.

“Don’t do anything stupid or I’ll kill you,” bulong niya habang naglalakad sila papunta sa entrance. “Understood?”

Virgo nodded.

“Good.”

Mabilis ang naging kilos ni Vixor. The woman didn’t do anything that will pass as suspicious. Natatakot siguro itong patayin niya. Hindi naman niya ito papatayin… at least not yet.

Nang makasakay sila sa pribado niyang eroplano, inutusan ni Vixor ang babae na umupo. Of course, she didn’t have a choice , but to oblige. And when the plane took off, he let her lose.

The woman gasped again. Mabilis itong tumayo mula sa kinauupuan at tumakbo papunta sa pinto ng eroplano na nakasara.

“Hindi mo mabubuksan `yan,” sabi niya.

The woman snapped her angry eyes at him. “Saan mo ba ako dadalhin? Hindi pa ba sapat na sinira mo na ang buhay ko? Hindi pa ba sapat na pinatay mo na ang mga magulang ko? What do you want from me?”

Tumaas ang kilay ni Vixor. Ano ba ang pinagsasasabi ng babaeng ito?

“Come here,” sabi niya.

Marahas na umiling ang babae.

“Come here!” he shouted, his eyes turning red. “Ayaw mong lumapit sa akin?”

Umiling na naman ito.

“Fine.” Nagkibit-balikat si Vixor. “Sleep then.”

Vixor sighed when the woman instantly lost her consciousness and dropped on the airplane floor.

Thanks hell, it’s silent.

Hinayaan niya lang doon ang babae hanggang makarating sila sa destinasyon.

NAGISING si Virgo na masakit ang katawan. Nakangiwi siyang bumangon at nagmulat ng mga mata. Hindi na siya nagulat nang makitang hindi pamilyar ang kuwarto na kinaroroonan.

Saan kaya ako dinala ng lalaking `yon?

Nang makitang may terasa, agad siyang nagpunta doon at tumingin sa labas. Umawang ang mga labi niya nang makitang wala sila sa Pilipinas. Nasisiguro niya iyon. Ang mga bahay kasi na nakikita niya ay hindi makikita sa Pilipinas.

“Oh, God! Where am I?” pabulong na tanong niya sa sarili.

A hand touched her waist. Hindi siya gumalaw kasi alam niya kung sino iyon. Natatakot siyang lumingon at makita ang pula nitong mga mata. After three years, nakuha na rin nito ang gusto. Pinatay ng lalaki ang mga magulang niya para maisama siya sa lugar na iyon.

Tears were streaming down her eyes. “Ano ba ang kailangan mo sa akin?”

His chin rested on her shoulder, making her stiff. “Welcome to Ragusa, Sicily, omorfos . In Castello Di Simonides to be exact.” He had this raspy and husky voice that made her heart thump in nervousness.

“Dito mo ba ako papatayin?” kinakabahan niyang tanong.

“Nag-iisip pa ako kung dito nga kita papatayin,” may bahid ng ngiti nitong sabi. “Ahm, it will take days, I think.”

“Pahihirapan mo ba ako?” tanong niya na kinakabahan pa rin. “Would you mutilate me like you did to my parents?”

“Mutilate?”

Virgo gasped when she felt a lip touch the back of her ear. She stiffened.

“You smell so good.” His voice was husky, sexy… seductive. “Anong klaseng dugo ba ang mayroon ka? I want to taste it.”

Hindi siya gumalaw at mariing ipinikit ang mga mata. Hinintay niyang makaramdam ng sakit, pero wala.

The man behind her chuckled. “Don’t sweat it, omorfos . I’m not biting you.”

That made her sigh in relief. “A-ano ba talaga ang gagawin mo sa akin? Bakit mo ako dinala rito? Please, tell me.”

The man sighed. “Turn around and look at me.”

Dahan-dahan siyang humarap dito. Napakurap-kurap si Virgo nang makitang hindi pula ang mga mata nito tulad ng una niya itong makita. They were not scary red. They were tantalizing electric blue.

“Y-your eyes…”

The man rolled his eyes. “Yeah. Well, sorry to disappoint you, omorfos . They don’t stay red.”

Virgo’s eyes started examining the face of the man. He was handsome. He had this bad boy kind of face and aura.

The man smiled, showing his fangs. Bigla siyang natauhan. Oo nga at guwapo ito, pero isa namang halimaw.

Bigla niyang naalala si Lucien. Those sad eyes. Marahas niyang ipinilig ang ulo. Niloko siya nito. He lied and manipulated her. Hindi niya dapat iniisip ang lalaking iyon. Wala itong ginawa mula nang magkakilala sila kundi lokohin siya at paniwalain sa isang kasinungalingan.

Tinalikuran ni Virgo ang lalaki at bumalik sa dating posisyon kanina. She stared at the dark sky. Kasindilim niyon ang buhay niya. Una, namatay ang mga magulang niya. Nang sinubukan niyang mag-move on at harapin ang buhay kahit may takot sa puso niya, nakilala niya si Lucien. She though he was her savior, a salvation that she needed. But it was a lie. Lucien was a lie.

Hindi alam ni Virgo kung ilang minuto siyang nakatayo roon. Namalayan na lang niya na mag-isa na lang siya sa terrace. Nakahinga siya nang maluwang at bumalik sa loob ng kuwarto. Napatigil siya sa paglalakad nang makitang may nakahiga sa kama.

Her mouth dropped open. Hell no! No!

“I don’t rape humans,” sabi ng lalaki na akala niya ay tulog. Gising pala ito habang nakadapa sa kama. “I just drink their blood.”

Napalunok si Virgo. “Sa sofa na lang ako.” Naglakad siya papunta sa malapit na sofa. Pero napatigil din nang magsalita ang lalaki.

“Be a good girl and sleep in this bed. Or I would drag you to this bed and tie you up. Pumili ka.”

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kama saka nahiga. Siniguro niyang malaki ang distansiya niya sa lalaki. Nasa gilid na siya ng kama at nakaharap siya rito. Baka bigla siyang atakihin ng lalaki habang nakatalikod siya.

Nakadapa pa rin ang lalaki. Ang mukha nito ay nakaharap sa kanya. His eyes were close, but his fangs were peeking in between his lips. Napalunok siya. Kinain na naman ng takot ang puso niya.

Virgo was wary to close her eyes. Ayaw niyang matulog. Baka patayin siya ng lalaking ito kapag nakatulog siya.

“Sleep, woman. Don’t worry.” Tumaas ang gilid ng mga labi nito. “Bukas ko na pag-iisipan kung papatayin kita o hindi. Kaya ipikit mo na ang mga mata mo. Baka magbago pa ang isip ko at patayin kita ngayon.”

Her heart thumped in fear. “O-okay.”

“Okay.” He sighed. “Damn! That flight is tiring. Goodnight, Virgo.”

Hindi siya nagsalita.

“Where’s my good night, Virgo?”

Ibinuka niya ang bibig. “G-good night.”

“Kulang pa. Wala ang pangalan ko.”

“H-hindi ko alam ang pangalan mo,” kinakabahan niyang sabi.

“Vixor,” sabi nito pagkalipas nang ilang minuto. “My name is Vixor.”

“G-good night, V-Vixor.”

“Yeah. Let’s sleep.”

Kahit nagsabi na itong matutulog sila, hindi makatulog si Virgo. Kakagising lang niya, eh. Hindi pa siya inaantok—

“Virgo?”

“Y-yeah?”

“Sleep.”

The next thing she knew, she was already fast asleep and dead to the world.