noveltoon logo noveltoon
Favourite Obsession

Chapter 29

Ch. 30 / 35 Apr 08, 2022

I’M SORRY

NAKATITIG lang si Lucien sa maputlang mukha ni Virgo. Dalawang araw na ang lumipas mula nang bumalik siya sa tamang pag-iisip. Dalawang araw na siyang nasa tabi lagi ni Virgo. Gusto niyang kapag nagising ang babae, agad siya nitong makita.

Sabi ng mga Wicce, gagaling din si Virgo, magigising din ito. Pero hangga’t hindi niya nakikita ang pagmulat ng mga mata ng babae, hindi siya mapapalagay.

Napatitig si Lucien sa marka na nasa taas ng mayayaman nitong dibdib. He ran his finger over it.

“You actually mated with me in that state I was in.” Lumapat ang mga labi niya sa noo ni Virgo. “Noon, nagdadalawang-isip ako kung mahal mo ba ako o kung kaya mo ba akong mahalin. And now, you’ve proven me your love. I feel unworthy of your love, Virgo. Hindi ko na maalala ang ginawa ko sa `yo. Pero nasisiguro kong nasaktan kita. I’m sorry. I didn’t mean to hurt you. I’m sorry.”

In that deafening silence of the room, a weak whisper filled his ears.

“I-I love y-you, L-Lucien.”

Nahigit niya ang hininga saka bahagyang inilayo ang mukha kay Virgo. Pinakatitigan niya ang mukha nito. She had a small smile on her pale lips. Her eyes were twinkling in happiness as she stared at his.

“Mahal kita, Lucien,” mahinang bulong nito, pero dinig na dinig niya ang sinabi ng babae.

His heart was filled with overwhelming happiness. “I want to say I love you more, pero nahihiya ako. Kasi sa ginawa mo, parang napag-iwanan ang pagmamahal ko.” Lucien chuckled. “I feel like a worthless mate. But I promise, I will do everything to be worthy of your love. Salamat, Virgo. Salamat sa pagmamahal mo. Mahal na mahal din kita. Sobra.”

Virgo smiled and slowly, her hand reached for his face and touched his cheek. “Huwag ka na ulit mawawala, ha? Hindi ko kakayanin kapag may nangyari pang masama sa `yo. Hindi ko kayang mawala ka, Lucien. Kaya kong gawin lahat manatili ka lang sa piling ko.”

“I love you so much, Virgo.”

“Kiss me,” utos nito na agad naman niyang ginawa.

He pressed his lips on Virgo’s soft ones and snaked his tongue in. Kumawala ito sa halik niya saka siya niyakap nang mahigpit.

Napapikit na lang si Lucien nang maramdamang bumaon ang pangil ni Virgo sa leeg niya. In every sip, he could feel Virgo’s hunger and her need to be with him. He didn’t need to reach for her emotion, their emotions were now one.

As Virgo bites him, he could feel her hunger as his own. And it felt new. It felt good.

Virgo’s fangs withdrew from his neck. Nagtama ang mga mata nila, may ngiti sa mga labi nila.

“May utang ka sa akin,” sabi nito.

Tumaas ang isang kilay ni Lucien. “Ako?”

Tumango ito. “Oo. May utang ka.” May kislap ng kapilyahan sa mga mata ni Virgo. “When we mated, all I could feel was pain. I want to erase that memory, Lucien. I want us to be one again. But it should be pleasurable this time.”

That made him grin. “`Yon lang naman pala, eh. Magpagaling ka at ihahatid kita sa rurok ng langit nang paulit-ulit.”

Gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ni Virgo. “Magpapagaling na po. But I’m wondering…” May kislap ng hiya sa mga mata nito. “Ano mo ba ako, Lucien? Am I your girlfriend? Your special someone? Your beloved? Am I your wife? Ano mo ba ako?”

Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ng pinakamamahal na babae. “You are my everything, Virgo. Without you, I will cease to exist. I’ll perish and I’ll die from the inside and out. Para sa akin, we don’t need labels. All we need is each other.”

Hinawakan ni Virgo ang pisngi niya. “I was once a human, Lucien. `Yong mga paniniwala ko noong tao pa ako, nadala ko pa rin ang iba. At isa roon ang tanong ko sa `yo ngayon. I know that we love each other. I know that we’re mated and are now one. But , I still needed label.”

“So human.” Masuyo siyang ngumiti at inilapat ang mga labi sa mga labi ni Virgo. “In our world, being mated means getting married. You’re my wife now, Virgo. And I am your husband.”

Virgo gathered him in her loving arms. “I love you, Lucien, my beloved husband.”

“I love you, too, Virgo, my beloved wife. Thank you. Salamat at minahal mo ako. Salamat at hindi mo ako sinukuan. At salamat dahil ginawa mo ang lahat, hindi lang ako makalimutan.”

“Kaya kong gawin lahat para sa `yo, Lucien. Ganoon kita kamahal. And if I have to do what I did just so we could mate, I’ll do it in a heartbeat.”

Tuluyan niyang kinubabawan ang asawa. Pero nang umigik ito, mabilis siyang umalis sa pagkakakubabaw at nag-aalalang tumingin sa pinakamamahal niya.

“Ayos ka lang?”

Nakangiwing tumango si Virgo. “My broken rib still hurts.”

Pinagsalikop niya ang kamay nila saka kinuha ang sakit na nararamdaman nito. Hindi lang siya basta-basta nakakaramdam at nakakaimpluwensiya ng emosyon. Kaya rin niyang kunin ang emosyon na nararamdaman nito at angkinin iyon.

“Ito lang ang kaya kong gawin para sa `yo,” sabi niya.

Napalitan ng gulat ang nakangiwi nitong ekspresyon. “What did you do?”

“Sa akin muna ang sakit na nararamdaman mo—”

“No, give it back.” Humigpit ang hawak ni Virgo sa kamay niya. “Ibalik mo sa akin ang sakit—”

“Ayoko. Mas doble ang sakit kapag nakikita kong nasasaktan ka.”

Lumambot ang mukha ni Virgo. “Lucien…”

“Mahal na mahal kita, Virgo. Let me endure this pain for you. Alam kong mas sobra pa ang naranasan mong sakit dahil sa akin.”

She sighed. “Sige na nga. Sa `yo na `yan.” Virgo patted the space beside her. “Higa ka rito, `tapos yakapin mo ako. Gusto kong maramdaman na nandito ka at hindi ito isang panaginip lang.”

Lucien quickly obliged and cuddled Virgo until they fell asleep.

MAHIMBING ang tulog ni Lucien. Virgo traced the line of his nose with a sweet smile on her lips. Sa wakas, maayos na ang lagay nito. Natutuwa siya at bumalik na ito sa dating Lucien. Ang Lucien na mahal na mahal siya. It made her heart swoon in happiness.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang maramdamang parang nagdidikit ang nabali niyang buto. Nakita niyang nalukot sa sakit ang mukha ng asawa. Ito ang nakakaramdam sa sakit na dapat ay nararamdaman niya ngayon.

Niyakap niya nang mahigpit si Lucien at inilapat ang mga labi sa mga labi nito.

“I love you, Lucien,” bulong niya sa mga labi nito saka inilapat ulit ang mga labi sa mga labi nito.

Nang makitang hindi na mukhang nasasaktan ang asawa, nakahinga na siya nang maluwag. Mamaya, pagkagising nito, tatanungin niya si Lucien kung saan ito dinala ng mga hayup na kumuha rito.

Nakailang buntong-hininga si Virgo bago pumikit. Hindi niya alam na nakatulog pala siya. Namalayan lang niya nang magising na may humahalik sa gilid ng mga labi niya.

Virgo opened her eyes and smiled when she saw Lucien.

“Nasa sala si Vixor. Gusto tayong makausap,” sabi ni Lucien habang hinahalikan pa rin ang pisngi at ang gilid ng mga labi niya.

Nag-isang linya ang mga kilay ni Virgo. “What for? Kung balak ka na naman niyang isali sa mga kalokohan niya, I swear, Lucien, kapag pumayag ka, mag-aaway talaga tayo.”

He just smiled. “Hindi ako papayag nang walang pahintulot galing sa `yo.”

“Good.” Masaya siyang binibigyan ng halaga ni Lucien ang desisyon niya. “Mahal kita kaya hindi kita basta-basta ipapahiram kay Vixor. Kakatayin ko siya kapag may nangyaring masama ulit sa `yo.”

Bumangon si Virgo saka nagbihis. Magaan na ang katawan niya, wala na siyang nararamdamang sakit. Bigla niyang naalala na ang sakit pala na dapat niyang naramdaman ay na kay Lucien ngayon.

Virgo looked at him. “Masakit ba?”

Umiling ito. “Hindi na.”

“Thank heavens.”

Habang nagpapalit ng damit, nakatingin sa nakahubad niyang katawan si Lucien. Lihim siyang napangiti nang maging pula ang mga mata nito.

“Horny?”

Lumunok si Lucien habang nakatingin sa mayayaman niyang dibdib. “Y-yeah.”

Natatawang bumalik siya sa kama saka kumandong sa mga hita ng asawa. Wala siyang suot kahit isang damit habang nakaupo sa mga hita nito. Nararamdaman niya ang pagkalalaki nito na buhay na buhay sa loob ng suot nitong pantalon.

“Lucien…” Napunta ang bibig niya sa tainga nito at dinilaan ang gilid niyon. “Uhm…”

He audibly gulped. “Virgo…” Napunta ang mga kamay nito sa maliit niyang baywang saka bumaba sa mga hita niya, pumipisil.

The tips of Lucien’s fangs were scrapping the skin on her shoulder. Nararamdaman niyang ibabaon na nito iyon nang may magsalita sa labas ng pinto ng kuwarto.

“Lucien, mamaya na `yan. Kakausapin muna kayo ng prinsipe,” sabi ng ama ni Lucien.

Malutong na napamura si Lucien saka inihilig ang ulo sa balikat niya. Mayamaya, mahina itong napatawa. “We really don’t have privacy in this freaking house,” sabi nito. “Parang kailangan kitang dalhin sa gitna ng kagubatan para lang maangkin nang walang istorbo.”

Lucien’s words sent excitement to every nerve of Virgo’s body. Naramdaman niyang nabasa ang sentro ng pagkababae niya. She felt it tingle and throb.

“Gusto ko `yan.” Nanunudyo at nang-aakit ang ngiti sa mga labi ni Virgo. “Kailan mo ako balak dalhin sa kagubatan?”

“As soon as we get rid of Vixor.”

Mahina siyang natawa saka umalis sa pagkakaupo sa mga hita ni Lucien. Tuluyan na siyang nagbihis. Nang makalabas sila sa kuwarto, agad silang nagpunta sa sala para kausapin si Vixor.

“Sino ang gumawa n’on sa `yo?” Iyon agad ang unang tanong na lumabas sa bibig ni Vixor.

Lucien sighed. “Wala akong nakitang mukha. I was shot by an arrow. I was unconscious. Nang magising ako, nasa loob na ako ng isang kuweba. I always passed out. I had earplugs on my ear to not hear a word they were saying. Ang hindi ko makakalimutang ginawa nila sa akin ay nang tanggalin nila ang tattoo sa likod ko. They carved out my skin. It was hellish pain. And after that, I couldn’t remember a thing. Nagising na ako rito sa basement.”

Pinisil niya ang kamay ni Lucien. His hands were shaking. Virgo could feel that the pain still lingered in his mind. Nakakaawa naman ito.

“Wala akong maalala pagkatapos nilang tanggalin ang tattoo sa likod ko. I assumed that I became the monster that I really am.”

Hinalikan niya ang likod ng kamay ni Lucien para iparamdam na kahit ano pa ang mangyari, hinding-hindi niya ito iiwan.

Vixor sighed. “Wala rin pala tayong lead kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito. Kung ang mga magulang ko man `yon, hindi naman lumalabas sa bahay ang mga `yon. Sino kaya ang inuutusan nila?”

Napailing-iling ang ama ni Lucien. “We won’t assume. False accusation is considered high treason to the royal family. Baka may makarinig sa inyo, makulong pa kayo at mapatawan ng kamatayan.”

Nawalan silang lahat ng imik. Tama ang ama ni Lucien. Isang kasalanan na akusahan ang royal family ng kung ano-ano kung wala namang pruweba.

Tumayo si Vixor. “Sige, aalis na muna ako.” Tumingin ito sa kanya. “Can I take Lucien with me? I need him to—”

“No. Magpapahinga pa siya,” sabi niya sa iba pang sasabihin ni Vixor.

Vixor sighed again. “Please, Virgo. Kailangan ko ng katulong—”

“Let him rest for a while, Vixor.” Nakikiusap ang boses niya. “Kapag nakapagpahinga na siya nang mabuti, hahayaan ko siyang tulungan ka.”

Walang nagawa si Vixor kundi ang tumango. “Okay.”

“Okay.”

Umalis si Vixor.

Mahinang natawa si Lucien. “You actually said no to Prince Vixor.”

Umingos siya. “Shit kasi siya. Nagpapahinga ka pa nga, pagtatrabahuhin ka agad.”

Hinalikan siya ni Lucien sa mga labi. “I love how you talk back to that prince.”

Virgo grinned. “Sanay na akong sagutin ang prinsipe na `yon”

Lucien just shook his head. “Halata nga.”