AWARD-WINNING ILLUSIONIST
“I FAKED my death,” Vixon said.
He snorted. “No shock, Sherlock.” Puno ng sarkasmo ang boses ni Vixor habang nakataas ang isang kilay sa kakambal. “Alam kong pineke mo ang pagkamatay mo. Kaya nga nasa harap kita ngayon. Ang gusto kong malaman, kung bakit mo ginawa `yon.”
Vixon sighed and sat on the floor. “I got fed up of it all. The killing, our fucked-up parents, the force marriage to Virgo, stalking Virgo even when I wanted to stalk someone else. I was sick of it all. Hindi ko nga alam kung bakit gustong-gusto nilang makuha si Virgo. Oh, yeah, I do know. Anyway, I was sick of pretending to be someone else just to please our parents. And I want out. Ayoko na. Alam kong hindi magiging madali ang binabalak kong pag-alis sa poder ng mga magulang natin.
“That night, when I killed Virgo’s parents, I was pissed off. Something happened that night. Something personal, na kahit sa `yo, hindi ko sasabihin. That’s for me to keep. Galit ako nang gabing `yon. Kilala mo ako kapag galit, walang sinasanto. I followed Virgo, dadalhin ko na sana siya sa bahay dahil `yon ang napagkasunduan. But shit happens. The parents pissed me off, nadagdagan ang galit na nararamdaman ko. And voila, I killed two humans. That night, I became an animal. An animal that cannot be tamed.
“And then Lucien came, acting like a hero, saving the damsel in distress. When I saw him, I saw my way out from this fucking life.” Mahina itong tumawa. “Illusion. Best power I have.”
Vixor gaped. May kapangyarihan itong ganoon? Hell! Ngayon lang niya nalaman. “Illusion? Lahat `yon ay ilusyon lang? Ang pagkamatay mo? Lahat-lahat?”
Tumango ito. “Lucien wounded, bit me and nearly ripped out my throat, that’s all. The rest was an illusion.” Vixon chuckled. “Best illusion ever. I deserve an Oscar award for that one.”
Vixor laughed sardonically. “Well-played, brother. Well-played.” He dramatically clapped his hands. “So, saan ka nagpunta habang nagluluksa kami sa pagkamatay mo?”
His twin smirked. “Oh, here and there.”
Bigla siyang kinabahan sa sagot nito. His stomach dropped at the thought in his mind. “Huwag mong sabihin sa akin na ikaw ang pinuno ng mga rogue na pumapasok sa bahay at pinapatay lahat ng nakatira?”
Itinirik ni Vixon ang mga mata. “I admit , I killed humans these past few years. Pero katulad mo, ayokong masira ang treaty natin sa mga tao. Hell, I wanna roam around free.”
“Whatever.” Huminga siya nang malalim. “It was all a lie then.” Nagtagis ang bagang niya. “Not nice.”
“Vixor, sa ating dalawa, ikaw ang Mr. Nice Vampire.” Tumayo ito saka naglakad palapit sa kanya. “Can I stay here?”
Nagkibit-balikat siya. “Sure. Pero kapag may pinatay ka kahit isa sa mga tauhan o kakilala ko, I swear, Vixon, papatayin kita. I won’t hesitate to decapitate you. And I’ll assure you, there will be no illusion involved.”
Tumango si Vixon. “Okay. Got it.”
His face darkened. He left Vixon to fend for himself. Wala siya sa mood makipagplastikan sa kakambal niyang inakala niyang patay na. And it turned out, buhay naman pala ang hinayupak at niloko lang sila.
Vixor could still remember the tears on Vixen’s face. The impassive look of GK and his parents’ sorrow. Pagkatapos lahat pala ng iyon, isang malaking kasinungalingan. Mapakla siyang natawa.
“Why is my family so fucked up?” tanong niya sa hangin bago tinawagan si Virgo para ipaalam ang tungkol kay Vixon. She deserved to know everything.
HUMINGA nang malalim si Virgo habang kausap si Vixor sa telepono. He told him everything there was to know about Vixon and why he was alive.
Her anger rose up again.
I’m going to kill him!
Hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa ni Vixon sa mga magulang niya.
“Virgo,” sabi ni Vixor sa kabilang linya. “Kung gusto mong patayin si Vixon, go. Hindi kita pipigilan. Basta alalahanin mo, kapag may nangyaring masama sa `yo, isipin mo si Lucien at ang mangyayari sa kanya kapag namatay ka. Vixon is out of your league when it comes to fighting. So beware.”
Humugot siya ng malalim na hininga. “I hate him, Vixor. Pinatay niya ang mga magulang ko. Pagbabayaran niya `yon.”
Vixor sighed. “Okay. Wala na akong sinabi. Just be careful. Hindi pa rin ako sigurado kung kakampi o kaaway natin ang kakambal ko. Vixon is very unpredictable. I can’t figure him out.”
Hindi sumagot si Virgo. Pinatay niya ang tawag at bumalik sa kama, sa tabi ng asawa niya.
“Hey, baby,” Lucien murmured and imprisoned her in a tight embrace. “Sino’ng kausap mo?”
“Hindi ka nakinig sa usapan?”
“Nope.”
Ngumiti si Virgo. “So, hindi ka nakinig dahil?”
“It might be personal.” Hinalikan siya sa leeg ni Lucien. “Saka kung ano man `yon, I’m sure sasabihin mo sa akin kung kailangan kong malaman.”
Mas lumapad ang ngiti niya. “Aww. My husband. So sweet.”
“Yeah. I’m sweet.” Kinubabawan siya ni Lucien saka nag-umpisang halikan ang leeg niya pababa sa dibdib.
“Si Vixor ang tumawag para ipaalam na nasa HQ n’yo raw si Vixon.”
Lucien stilled, anger visible on his face. “Ano? Pinapasok niya ang hayup na `yon sa HQ?”
“Oo.”
“Fuck!” Nahiga ito sa tabi niya, nagtatagis ang mga bagang. “I need to see Vixor. Now.”
Bumangon si Lucien saka nagbihis. Virgo followed him.
“Sasama ako,” sabi niya. “Hindi ko hahayaang mag-isa kang pumunta roon, Lucien.”
Nilingon siya ng asawa. Nakita siguro nito sa mga mata niya ang kagustuhan niyang sumama.
He extended his hand. “Come on.”
“Thanks.” Tinanggap niya ang kamay ni Lucien. Sabay silang lumabas ng mansiyon ng mga Kallean.
NANG makarating sina Virgo at Lucien sa HQ na tinutukoy ni Vixor, malakas na kumatok si Lucien sa pinto. It was after five knocks that someone opened the door.
Vixon…
Hindi kayang pigilan ni Virgo ang galit na nararamdaman. Malakas na sinipa niya si Vixon dahilan para tumilapon ang katawan nito.
“I’m going to kill you!” sigaw niya. Aatakihin sana niya si Vixon nang makitang bumaba si Vixor sa hagdan.
Niyakap siya ni Lucien mula sa likuran. “Tama na, Virgo. Relax.”
Mahinang tumawa si Vixon. “Yeah. Chill, Virgo.” Tumayo ito at iniinat ang mga braso. “Dapat kang mag-ingat. If you die, Lucien will just not lose a wife, but also a child.” Bumaba ang tingin nito sa tiyan niya. “Congratulations.”
Malalaki ang mga mata na hinawakan ni Virgo ang tiyan. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Buntis ka,” sabi ni Vixon.
“What?” Hindi makapaniwalang tumawa siya. “No. We just did it. Imposible naman `yon.”
“Welcome to our world, Virgo,” nakangising sabi ni Vixon. “Get used to the impossible.”
Lumapit sa kanya si Vixor saka inilapat ang kamay sa tiyan niya. “May laman nga, pero hindi pa masyadong developed. Hindi pa siya malakas para maramdaman mo. Vixon could feel it though. It was one of his many skills.” He smiled at her. “A vampire easily gets pregnant, especially if you are fertile. Unlike humans, hours lang ang bibilangin para malaman kung buntis ka o hindi. After a sexual intercourse, count four to six hours.”
Umiling si Virgo. “No… I can’t—” Natigil siya sa pagsasalita. As if on cue, naramdaman niya ang isa pang pintig ng puso sa loob niya maliban sa kanya. “Oh, God! I felt it!” She could hear two heartbeats. Hers and her… child.
“H-hindi ako makapaniwala.” Humarap siya kay Lucien. “Lucien! I’m pregnant!”
Masayang ngumiti ang asawa. Mahigpit siya nitong niyakap bago pinakawalan.
“Halika na, umuwi na tayo.” Hinawakan ni Lucien ang kamay niya. “You’ll be safe in the house—”
“There’s no place on earth that you can call safe. Lalo na at si Virgo ang pinag-uusapan natin dito.”
Sabay silang tumingin ni Lucien sa gawi ni Vixon.
“Ano’ng ibig mong sabihin?” Puno ng pag-aalala ang boses ng asawa niya habang mahigpit na hawak ang kanyang kamay. “I can make her safe.”
Vixon smirked. “You wish you could make her safe. Pero alam mo rin na hindi mo kayang gawin `yon.”
Napahawak si Virgo sa braso ng asawa nang lumapit sa kanila si Vixon.
Vixon gave her a penetrating stare. “Pinipilit ng mga magulang ko noon na maging asawa kita at maanakan. I wondered why. You’re a human and weak. And then, I overheard Mom and Dad talking one night. Apparently, you have a very special DNA, Virgo. And if it is combined with mine, a rogue, we could create a very powerful offspring. More powerful than any vampire ever existed in this fucking world. `Yon ang gusto ng mga magulang ko. Pero hindi natupad `yon kasi napagdesisyunan kong mamatay.
“Pero bago ako mamatay, Lucien attacked me and had a free taste of my blood. And it transformed him into a rogue. A rogue like me. At ngayon, buntis ka na. With your DNA plus Lucien’s rogue DNA.” Umiling-iling ito. “Ipagdasal mo na lang na sana hindi nila pag-interesan ang magiging anak mo. Sana nga. For all of our sake.”
Lucien embraced her. “Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa `yo. I’ll keep you safe, my love.”
“You will need all the help you can get to protect Virgo,” sabi ni Vixon na nakatingin kay Lucien. “And I volunteer.”
“Wala akong tiwala sa `yo,” sabi ni Lucien. Pinakawalan siya nito saka itinago sa likuran na para bang pinoprotektahan siya. “Paano ako nakakasiguro na totoo ang mga pinagsasasabi mo? Na hindi ka isang kaaway? For all we know, you are working for your parents.”
Vixon rolled his eyes. “Fine. Bahala ka. Wala kang tiwala sa akin? Okay, eh, di wala.” Binuksan nito ang blinds ng bintana. Madilim na sa labas. “Look outside. Rogues are everywhere. Nandito sila para kunin si Virgo.” Humarap ito sa kanila. “So, I’m asking you again. Do you need my help or not?”
Huminga nang malalim si Virgo. Oras na para kalimutan ang nakaraan. Gagawin niya iyon para sa kanyang anak.
“Help us,” sabi niya sa mahinang boses, pero sapat na para marinig ni Vixon. “And if I deliver my baby safely with your aid and protection, then maybe , I’ll forgive you.”
Ngumisi si Vixon. “Magaling.” Bumaling ito kay Vixor. “Well, brother, ano’ng desisyon mo?”
Nagkibit-balikat si Vixor. “Let’s get out and kill those rogues.”
“Good idea.”
Umalis si Vixor para kumuha ng sandata, naiwan silang tatlo.
“May tanong ako, Vixon,” sabi ni Lucien.
“Yep?”
“Magkamukha kayo ni Vixor, hindi ba?”
“Oo. Bakit?”
“Bakit hindi kayo magkamukha ngayon?”
Vixon chuckled. “That is called illusion. And hey, I like this new face better. I look so hot, humans melt all the time.”
Napailing-iling na lang si Virgo. Pero natigilan siya nang maramdamang may kamay na humawak sa tiyan niya.
“I’ll keep you two safe,” sabi ng asawa niya saka inilabas ang cell phone sa bulsa. “Tatawagan ko sina Daddy. Kailangan nilang malaman ang nangyayari.” Bahagyang lumayo si Lucien habang nakikipag-usap sa ama.
Vixon then took a step closer to her and handed her a small dagger.
“Take it,” sabi nito. “It’s a very special dagger, made for a special vampire like you.”
Tinanggap niya iyon. “Thanks.”
“Ingatan mo ang sarili mo. Nine weeks from now, manganganak ka na. Be a good mother and protect your unborn child.”
Tumango si Virgo.
“Good girl.” Vixon smiled then went out.
She heard a war cry and then she smelled bad. Lots of blood.