noveltoon logo noveltoon
Favourite Obsession

Chapter 7

Ch. 8 / 35 Apr 08, 2022

REASON

LUCIEN deposited Virgo on his bed. Nang mawalan ito ng malay kanina sa banyo, nangamba ang buong pagkatao niya. He panicked. Sa sobrang panic na nararamdaman, tinawagan niya si Lucan para tulungan siyang dalhin sa bahay nila si Virgo. Mabuti na lang at walang tao sa loob ng gusali maliban sa mga security guard na kino-control naman ni Lucan kaya nailabas nila nang maayos si Virgo.

Kaya si Lucan ang tinawagan niya, eh. His ability to control someone physically and mentally always came in handy. Medyo magkapareho ng kakayahan sina Lashka at Lucan. Pero si Lashka, kaya lang impluwensiyahan ang isang tao na gawin ang gusto nitong gawin. Kapag nagawa na ng taong iyon ang ipinag-uutos ni Lashka, tapos na. One deed at a time. Pero iba si Lucan. He can really control someone physically and mentally for as long as he wanted to control them. It was one reason why their family was feared. Each and every one of the Kallean Family had an ability that gave nightmares to their enemies.

Napatitig si Lucien sa mukha ni Virgo. Maputlang-maputla ang babae. Nag-aalala siya. May nakakabit ditong IV. Sinasalinan ito ng dugo kapalit ng dugo na kinuha niya mula rito.

Why couldn’t he rein his hunger? His need to taste her? Was that his rogue side coming out? No way!

“How much blood have you drunk from her, little brother?” tanong ni Lucan na nakaupo sa gilid ng kama niya kung saan nakahiga si Virgo.

Lucien sighed. “Six, seven, no, eight gulps?” hindi siguradong sagot niya. “Hindi ko alam. I got carried away.”

Napailing-iling ang nakakatanda niyang kapatid. “Ibinigay na nga sa `yo ni Daddy ang kuwintas para hindi ka makapag-isip na inumin ang dugo niya, pero wala naman palang kuwenta `yon.”

“We were in the bathroom. I remember our first meeting in Lea’s birthday, her cousin.”

Iyon agad ang pumasok sa isip ni Lucien nang pumasok si Virgo sa loob ng banyo habang hinuhugasan niya ang lunch box. At noong magkayakap sila, naalala niya ang masarap na lasa ng dugo nito. Kung paano niya noon ginusto na matikman ulit ang babae. He was lost in his memories. When he blinked, Lucien found his fangs buried on Virgo’s neck. He was enjoying the delicious taste of her blood travelling down his throat.

“Ano’ng gagawin mo sa kanya ngayon?” tanong ni Lucan na pumutol sa pag-iisip niya. “Kapag nagising siya, anong gagawin mo? Ano’ng sasabihin mo sa kanya? Malapit nang umuwi sina Daddy at Mommy.”

Lucien combed his hair through his hand in so much frustration. “I want to keep her here with me.”

Mahinang tumawa si Lucan. “That you can’t do, little brother. Not until she accepts you and says the ritual mating vow. Kapag hindi pa n’yo nagagawa `yon, hindi mo siya puwedeng patirahin dito sa bahay. That’s the rule.”

Inihilamos niya ang mga palad sa mukha. “Ano’ng gagawin ko ngayon?” tanong niya habang pabalik-balik na naglalakad.

Lucan sighed and stood up. “Hintayin natin si Daddy.” Tinapik nito ang balikat niya. “Be ready to be scolded, little brother.”

Napatigil si Lucien sa paglalakad. “I’m not ready.”

Nagkibit-balikat ito. “Kaya mo `yan. Panindigan mo ang ginawa mo.”

He took a deep breath and exhaled loudly. “Kaya ko `to.”

Nang makalabas si Lucan sa kuwarto, minuto lang ang binilang niya bago pumasok ang ama. Nakatiim-bagang ito habang nakatitig sa maputlang mukha ni Virgo.

“Dad—”

“I gave you the necklace for a reason, Lucien!” sigaw nito na ikinaigtad niya. “Bakit kailangan mo `tong gawin? Paano kung hindi mo napigilan at napatay mo ang batang `to? Kung totoo nga ang nararamdaman mo para sa babaeng `to, leash your fangs, Lucien. Dahil mapapatay mo siya!”

Nanghihina siyang napaupo sa gilid ng kama. Tama ang mga sinabi ng ama. He could have killed her if he didn’t stop. Looking at Virgo now, he wanted to choke himself. Nasa ganoon itong kalagayan dahil sa kanya.

“I’m sorry, Dad,” puno ng pagsisisi na sabi niya.

His father sighed. “Huwag ka sa akin humingi ng tawad.” Itinuro nito ang babae na nasa kama. “Sa kanya ka humingi ng tawad.”

Marahas siyang bumuga ng hangin at mapaklang tumawa. His eyes turned bloody red. “Hindi ako nagsisisi, Dad. Kaya wala akong karapatang humingi ng tawad sa kanya. I enjoyed every drop of her blood. I think it’s coming out… The rogue side of me is coming out again.”

In the blink of an eye, his father was gripping his chin. His father’s eyes were pitch-black as he stared at his red eyes. Nasasaktan siya dahil malakas ang pagkakahawak nito sa baba niya, pero hindi siya makawala.

“Dad—”

“Look at her!” His father forced him to look at Virgo. “Tingnan mo ang babaeng `yan at sabihin mong lumalabas na `yang halimaw na pinakatatago mo.”

Nang matitigan niya ang magandang mukha ni Virgo. Agad na bumalik sa dati ang kulay ng mga mata ni Lucien. Agad na nagtago sa kaibuturan niya ang halimaw na pilit na lumalabas kanina. The monster inside him was growling. It wanted to go out. But not to kill Virgo, but to do… something. He was not sure what was that. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa babae. Only Virgo can tame the rogue side of him.

His father let go of him.

“It really worked.” May pagkamangha sa boses ng ama niya.

Binalingan ni Lucien ang ama na umiiling-iling habang nakatingin kay Virgo. “Ano’ng ibig mong sabihin, Dad?”

Umatras ang ama niya papunta sa sofa saka umupo roon. “When you went rogue after that incident three years ago, hindi na ako umasa na babalik ka pa. Your mother and your siblings never stopped hoping. But I did. I stopped hoping that my son, Lucien, will be back again. Nang umuwi ka rito sa bahay na pula ang mga mata at puno ng dugo ang damit, alam ko na agad ang nangyari sa `yo. I knew what you have become. Hindi kita kayang saktan, lalo naman ang patayin. Kaya naman ikinadena kita at ikinulong sa basement. We treated you as a part of the family after what happened. Pero hindi ko na kinaya na pati ang `yong ina na nag-aalala lang sa `yo ay sinaktan mo—”

“Hindi ko naman `yon sinasadya—”

“Alam namin `yon. The one who hurt your mother is the rogue side of you. We get that. We understand that. Okay na sana ang lahat. Patuloy ka naming itatago sa mata ng mga kalahi natin. Pero nakatakas ka sa kulungan mo. We went looking for you, Lucien. And we found you in the terrace of that house, looking at the woman who was sleeping peacefully on her bed. What I saw in your eyes that night gave me hope. That somehow, my son will return to us. And you did return.”

Hindi makapagsalita si Lucien habang nakatingin sa mga mata ng ama na malayo ang tingin at parang inaalala ang nangyari noon.

“Alam mo ba kung ano’ng nakita ko sa mga mata mo nang gabing `yon na nagbigay sa akin ng pag-asa?” tanong nito pagkalipas ng mahabang katahimikan.

Tumikhim siya. “Ano?”

“I saw conscience, Lucien. Rogue doesn’t have conscience.”

Napunta ang tingin ni Lucien kay Virgo na wala pa ring malay. “She’s the reason, huh?”

“Oo.” Humugot ng malalim na hininga ang ama niya. “Siya ang dahilan. So, when Lucan told me that he saw your eyes turn red again when you got mad at the bar weeks ago, nakipag-deal ako sa `yo. Pero ang dahilan talaga kaya kita ginawang CEO ng Kallean Financial Firm ay ang makita mo lagi ang babaeng naging dahilan kung bakit nakokontrol mo ang sarili mo. I sent you there, so you could romance her and make her accept who you are. Sa tingin ko kasi, kapag kasama mo siya araw-araw at tanggap ka niya, wala nang dahilan para hindi mo ma-control ang halimaw sa loob mo. Pero sa ginawa mo ngayon, nag-iisip na ako kung tatanggalin na kita sa posisyon mo at hahayaan ko na lang na bumalik ka sa dati.”

Nakaramdam agad ng pagtutol si Lucien nang marinig ang huling sinabi ng ama. “No. Give me another chance, Dad.”

Matiim siyang tinitigan ng ama. “A chance? To what? To kill her?”

Mabilis siyang umiling. “No. Hindi ko `yon kayang gawin kay Virgo.”

His father sighed and pushed himself up. Naglakad ito papunta sa pinto. Nang hahakbang na ito palabas, nagsalita ito. “One chance, Lucien. Blow it and I’m sending you to Russia.”

Nang sumara ang pinto ng kuwarto, pinakatitigan niya si Virgo. Iniisip ni Lucien kung ano ang paraan na puwede niyang gawin para magawa ang pinaplano niya. He sighed when no plan came to his mind. Kaya minabuti niyang maligo na lang muna bago mag-isip.

Nang lumabas siya sa banyo, naka-faded denim jeans na siya at naka-muscle shirt. Humiga siya sa tabi ni Virgo at patagilid na humarap sa babae. Napatitig siya sa leeg nito na kinagat niya. There was neither wound nor trace that someone had bitten her. Thanks to his tongue. One flick of his tongue on a wound and the wound will heal. Hindi alam ni Lucien kung ano ang mayroon sa dila nilang mga bampira. Basta isinasara nila ang sugat na gawa ng mga pangil nila gamit ang dila.

Ipinikit ni Lucien ang mga mata para magpahinga. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

DAHAN-DAHANG nagmulat ng mga mata si Virgo. Parang may pumukpok sa ulo niya dahil masakit iyon. Parang umiikot ang paningin niya.

When Virgo opened her eyes, she saw a midnight- black ceiling. Agad na inatake ng kakaibang kaba at pangamba ang pagkatao niya.

Hindi ito ang kuwarto ko!

Inilibot niya ang tingin sa kabuunan ng kuwarto. Tumigil iyon nang mahagip ang guwapong mukha ng boss niya na mahimbing na natutulog sa tabi kanyang tabi.

Napatitig na lang si Virgo sa guwapong mukha ni Lucien. Hahaplusin sana niya ang pisngi nito nang mapansing parang may nakakabit sa kanyang pulsuhan . Nang tingnan niya kung ano iyon, nanlaki ang mga mata niya nang makitang may nakatusok doon. Parang sinasalinan siya ng dugo.

Huhugutin sana ni Virgo ang bagay na nasa pulsuhan nang may kamay na pumigil sa kanya. When she turned to see who stopped her, nagtama ang mga mata nila ni Lucien.

“Lucien…”

His other hand was supporting his weight, so he wouldn’t crash her. The other one was stopping her hand from pulling out the IV from her wrist. Dahil sa pagpigil nito, halos nakapatong na sa katawan niya si Lucien. His one leg was resting in between her slightly parted legs. She could smell Lucien’s intoxicating breath. Tanging ang kamay na lang nito na nakatukod sa kama ang nagbibigay ng space sa katawan nila para hindi magkadikit.

“Virgo,” sabi ni Lucien. “Huwag mong tanggalin. You need blood.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. “At bakit?”

Nag-iwas ito ng tingin. “Kasi nahimatay ka kanina dahil mababa ang dugo mo.”

Lalong kumunot ang noo niya. “Ano?”

“Ahm…” Lucien pushed himself up and sat on the bed. “Sabi ng doktor, low blood ka raw.”

“Low blood?”

“Oo.”

“At sino naman ang doktor na nagsabi n’on?” naguguluhang tanong niya. “I feel okay. I don’t need blood—”

“Sure you do,” putol ni Lucien sa iba pa niyang sasabihin.

Makikipag-argumento pa sana si Virgo na hindi siya kailangang salinan ng dugo nang mapatingin siya sa matitipuno nitong braso. Lihim siyang napalunok. Nag-iba na naman ang nasa isip niya. Biglang nawala ang pagsasalin sa kanya ng dugo. Ang tanging nasa isip lang niya ay kung may abs din ba ang lalaki dahil matitipuno naman ang braso nito.

“Done admiring my well-toned arms?”

Napakurap-kurap siya nang marinig ang tanong ni Lucien. She dragged her eyes to Lucien’s gray eyes. “Ano?”

He smirked. “Done admiring my well-toned arms?”

Nagulat si Virgo at nagbaba ng tingin nang maramdamang namula ang mga pisngi niya sa tanong nito. “Shit!” she hissed under her breath.

“Well, Virgo?”

Nag-isip siya ng paraan para maiba ang usapan nila. Napunta ang tingin niya sa pulsuhan na may IV na nakakabit.

“Teka, nasa ospital ba tayo?” tanong niya na hindi pa rin makatingin nang deretso sa lalaki.

“Are you changing the topic?”

“Yes. Is it working?”

“Nah. But to answer your question, no. Wala tayo sa ospital. Nasa bahay ko tayo.”

Malalaki ang mga mata na napatitig si Virgo sa mukha ng lalaking nakangiti. Halos mahulog ang mga panga niya sa narinig.

“What? Nasa bahay mo tayo? Nababaliw ka na ba?” sigaw niya sa sobrang gulat na nararamdaman.

Amusement danced on Lucien’s eyes. “Nababaliw? Nope. Nababaliw sa `yo? Oo.”

Virgo gaped at Lucien. “Ano’ng sabi mo?”

“Sabi ko ang ganda mo, bingi nga lang.” Lucien smirked and winked at her. Virgo’s heart just freaked out.