RETURN
NANG pumasok si Virgo sa opisina, laking gulat niya nang makita ang Tito Leo niya sa loob ng CEO Office. Nasaan si Lucien? Iyon agad ang unang pumasok sa isip niya nang makita ang tito niya.
“Tito?” paninigurado niya.
Her uncle looked up at her. “Oh! Hello there, Virgo.” Ngumiti ito. “Kumusta ka na? `Buti naman at hindi ka tinanggal sa trabaho.”
“Ikaw ang kumusta, Tito?” balik-tanong niya. “Saan po kayo nagpunta? Nag-alala po sa inyo si Lea.”
Her uncle just smiled. “May convention akong pinuntahan,” simpleng sagot nito.
“Ano’ng nangyari kay Lu—Sir Lucien?” tanong niya na hindi nakapagpigil.
Her uncle shrugged. “Hindi ko alam. Bakit mo naitanong?”
“Wala naman po. Sige po, magtatrabaho na ako.”
Isinara ni Virgo ang pinto ng opisina ng CEO at nagpunta sa mesa niya. Naguguluhan siya nang makaupo.
Nasaan si Lucien? Bakit ang tito na niya ulit ang CEO? Wala namang sinabi si Lucien kagabi noong ihatid siya sa bahay niya. Wala ba talaga siyang halaga sa lalaki para hindi magsabi na hindi na ito ang CEO? At iyong nangyari sa kanila, ano iyon? Isang biro lang?
Parang dinurog ang puso ni Virgo sa sobrang sakit. Biniro lang ba siya ni Lucien? Was that all a lie, too?
Mabuti na lang pala at hindi niya ibinigay ang pagkababae niya kagabi. At the back of her mind, alam niyang mangyayari iyon kaya hindi siya bumigay. Wala silang relasyon si Lucien kaya sino siya para tanungin ang pagkawala nito?
They just kissed and… touched.
Oh, God.
Huminga siya nang malalim at inihanda ang sarili na harapin ang buong araw. Parang biglang sumama ang pakiramdam niya. Naiinis siya kasi may ganoong epekto si Lucien sa kanya.
“Virgo,” tawag ng tito niya.
Tumingin siya sa pinto ng CEO’s office kung saan nanggaling ang boses. “Yes po, Tito?”
A smile appeared on his lips. “Nag-agahan ka na ba? Kung hindi pa, mag-order ka na. Ako na lang ang magbabayad.”
Tumango si Virgo. “Okay po.”
“O, sige. Huwag magpapagutom.” Pagkasabi niyon, bumalik ito sa loob ng opisina.
Sa ilang araw na si Lucien ang boss niya, nasanay na si Virgo hindi ito lumalabas sa opisina. Laging madilim sa loob. Pero ngayon, nakabukas lahat ng kurtina at sobrang liwanag. Nakakapanibago.
Nang dumating ang uwian, walang buhay na umuwi si Virgo. Ipinarada niya ang sasakyan sa labas ng bahay. Twilight was coming. Wala na ang araw sa kalangitan, pero maliwanag pa rin. She went inside her house with a heavy feeling. Pakiramdam niya, magkakasakit siya.
Virgo was already in the middle of the staircase when she heard a knock on the door. Mabilis siyang naglakad pabalik sa pinto at binuksan iyon. Her eyes widened in shock when she saw the man that’d been occupying her mind the whole day.
“Lucien…”
He instantly hugged her and roughly pinned on the nearest wall. And in an instant, his lips were kissing and nipping hers.
Virgo moaned at the rough touch of Lucien’s lips. Parang sabik na sabik ang lalaki sa kanya. He kissed her deeply, roughly and passionately at the same time. Ganoon din naman siya. Inilagay niya sa halik ang nararamdaman. Her need and desire for him. The depression she felt earlier when she didn’t see him. Virgo put all that in the kiss.
Ang mga kamay ni Lucien ay naglakbay sa bawat parte ng katawan niya. And when his hand reached her thighs, he gripped them and pulled her up. Virgo instantly wrapped her legs around his waist.
Lalong lumalim ang halikan nila. She was shamelessly rubbing her covered mound against his crotch, making Lucien moan. As their kiss intensified, his hand were on her breast, palming and massaging them, making her moan in pleasure.
Lucien’s lips moved down to her neck. His tongue was licking, nipping and sucking her skin, making her moan loudly.
“Oooh…” Virgo fisted a handful of his hair when he scrapped his teeth against her neck.
Nagtayuan ang balahibo niya sa ginawa nito. Parang mas dumadagdag pa iyon sa masarap na sensasyong nararamdaman. And then, a sharp thing pierced her skin, making her so wet and needy. Wala siyang naramdamang sakit. Kasalungat ang nararamdaman ni Virgo nang mga sandaling iyon. She wanted Lucien to fill her, own her and claim her. In that moment, as he sucked her neck, Virgo wanted to surrender and let Lucien take all of her.
“Oooh…” daing niya nang lumayo si Lucien sa leeg niya para titigan siya nang matiim. “Lucien…”
He softly cupped her face. “God! I miss you so much.” Lucien kissed her again. “Not seeing you… not smelling you. It’s a fucking torture.” Hinalikan siya nito sa buong mukha na para bang sabik na sabik talaga sa kanya. “I miss you, Virgo. I fucking miss you, baby.”
Niyakap siya nito nang mahigpit. Ganoon din naman siya. “Na-miss din kita, Lucien.”
Lucien chuckled. “Yeah? You miss me, too, honey?”
Tumango siya. “Oo.”
Naglakad ito papunta sa sofa. Habang siya, nakapulupot pa rin ang mga binti sa baywang nito. Umupo ang lalaki sa sofa. Siya naman, sa kandungan nito.
Habang nakaupo at hinahaplos ni Lucien ang gilid ng baywang niya, hinahalik-halikan naman ni Virgo ang leeg nito saka kinagat.
Lucien chuckled. “That would be better if your fangs can pierce my neck.”
Siya naman ang natawa. “I’m not a vampire, moron.” Virgo joked and rested her head on his shoulder.
Tumaas ang kamay ni Lucien papunta sa hook ng bra niya. Parang nilaro-laro iyon ng mga daliri nito.
“Do you believe in vampires, Virgo?” tanong nito.
The memory of that night three years ago flashed through her eyes. That killer. His red eyes. The blood on his chin, hands, clothes. And then those sharp teeth…
Marahan siyang umiling. “Hindi. They’re just myth,” tanggi niya.
“Oh, okay.” Lucien sounded disappointed, then he took a deep breath. “What if you found out that they are real? Paano kung may makita kang isa? Hindi lang basta nakita, nakausap mo pa. Example, ako. What if you found out that I am a vampire? Ano’ng gagawin mo?”
“I’ll run as fast as I can,” Virgo answered honestly.
Lucien went rigid. “Tatakbo ka? Paano kung habulin kita? Hindi mo man lang ba pakikinggan ang paliwanag ko? Hindi mo man lang ba susubukang intindihin kung ano ako?”
Umayos siya sa pagkakaupo sa hita ng lalaki saka tumingin sa mga mata nito. “Saan ba nanggagaling ang mga tanong mo?”
Nag-iwas ng tingin si Lucien. “Nothing. Just curious.”
“Okay.” Humilig siya uli sa balikat nito. “Bakit pala si Tito Leo na ulit ang CEO?”
Inililis pababa si Lucien ang damit niya saka hinalikan ang kanyang balikat. “May ipinapagawa lang si Daddy sa akin.”
“So, hindi ka na babalik sa pagiging CEO?” tanong niya. Ang gusto talaga niyang itanong ay kung makikita pa ba niya ito sa opisina.
“Hindi na.” Ang leeg naman niya ang hinalikan ni Lucien.
“Ganoon ba?”
“Yes.”
Sadness coated her being. “H-hindi na kita makikita?”
Napasinghap si Virgo nang bigla siyang ihiga ng lalaki sa sofa saka kinubabawan.
“Lucien—”
He captured her lips. “You’ll see me every night. Pagkauwi mo rito sa bahay mo, nasa labas na ako, naghihintay sa `yo.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “I can’t bear not to see you every day. Mababaliw ako, Virgo.”
Her heart melted. “Talaga? Magiging busy ka ba?”
“Kind of.”
“Ano ba ang gagawin mo?”
“I’m gonna hunt someone.”
Her eyes widened. “What?”
Lucien smiled. “May ipinapahanap lang si Daddy sa akin.”
“Ah. Sino ba ang—”
“Lucan is here,” biglang sabi ni Lucien na nakatingin sa nakabukas na bintana katabi ng pinto.
Virgo looked at him, baffled. “Ha? Teka, paano mo nalaman na nandito siya? At b-bakit siya nandito?”
Sa halip na sumagot, umalis sa pagkakakubabaw sa kanya si Lucien. Naglakad ito papunta sa pinto at binuksan iyon.
Napasinghap si Virgo nang bigla na lang niyang nakita si Lucan na nakatayo roon. Sigurado siyang wala roon ang lalaki nang buksan ni Lucien ang pinto.
Bumangon siya sa pagkakahiga sa sofa at naglakad palapit sa magkapatid na pabulong na nag-uusap.
“Halika na. Mag-umpisa na tayo,” narinig niyang sabi ni Lucan nang makalapit siya.
Lucien turned to her and hugged her tight. “I’ll see you tomorrow. Close all the windows and all the doors. Kapag may nag-doorbell o kumatok na dis-oras na ng gabi, `wag mong bubuksan kahit ako pa `yon.”
Fear spread through her. “Tinatakot mo naman ako, Lucien, eh.”
He just smiled at her. “See yah, Virgo.”
“Ahm, okay.”
Hinintay ni Virgo na may marinig na paalis na sasakyan, pero wala siyang narinig. Did they look for that person on foot?
Napailing-iling siya nang ma-weirdo-han sa sariling katanungan. Napakaimposible naman kasi. Kung maghahanap ka ng tao, gagamit ka ng sasakyan.
Isinara ni Virgo ang pinto at ini-lock. Sinunod niya ang sabi ni Lucien. Pati ang mga bintana, isara din niya.
Hindi na siya naghapunan. Dumeretso na siya sa kuwarto. Pagkatapos magbihis, pinuntahan niya ang pinto ng terrace para isara. Ganoon na lang ang takot niya nang makita ang pamilyar na mukha ng lalaking pumatay sa mga magulang niya. Nakatayo ito sa railing ng terrace at nakatingin sa kanya.
Nanginginig ang katawan ni Virgo sa takot nang makita ang mapupula nitong mga mata. Hindi tulad ng una niya itong nakita, wala itong dugo sa kahit na anong parte ng katawan. But she could see his fangs peaking on his thinned lips.
Then , he started walking towards her.
“Oh, God!” Nabitiwan ni Virgo ang pinto sa terrace saka umatras. “No… No… Please?” Tears streamed down her eyes. “Huwag kang lalapit sa akin. Huwag… Please don’t. No…”
Tumigil lang ito sa paglalakad nang makalapit sa pinto ng terrace. Parang may pumipigil ditong makapasok sa loob. Galit na pinagsusuntok ng lalaki ang hamba ng pinto. Pero hindi iyon nasira. His fist just bounced back.
“Fuck!” His bloodshot red eyes held fury in their depths as he looked at her. “I’ll be back, Virgo Guano. And even your precious Lucien Kallean cannot protect you from me.” He sneered at her, making her crazy with fear. His fangs were on show.
Virgo was trembling. She didn’t believe in vampires… but she did now. Ayaw lang niyang aminin sa sarili na may mga ganoong uri ng nilalang sa mundo. Mga nilalang na kayang-kayang pumatay ng tao nang hindi man lang nakakaramdam ng konsiyensiya.
Mabilis na naglakad palayo ang lalaki. Nang makarating ito sa railing ng terrace, tumalon ito sa ibaba. Pilit siyang tumayo kahit nanginginig ang mga tuhod saka isinara ang pinto na papuntang terrace. Virgo went to her bed with a trembling body.
Buhay siya! Buhay ang lalaking `yon!
NAPATIGIL sa pagtakbo nang mabilis si Lucien nang makaramdam ng kakaiba. Napalingon siya sa direksiyon ng bahay ni Virgo.
“What happened?” tanong ni Lucan na tumigil rin sa pagtakbo.
He looked at his older brother. “Something is off.” Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka nakiramdam. “Hindi mo ba maramdaman?”
Lucan looked at the dark clouds in the sky. “I can feel it in my gut.”
Napakislot si Lucien nang bigla niyang maramdaman ang emosyon ni Virgo. Alam niyang sa babae iyon dahil tinatawag nito ang pangalan niya. Now that he had drank her blood, madali na lang niyang maramdaman ang nararamdaman ng babae kahit pa malayo ito.
Lucien turned to the direction of Virgo’s house and ran so fast, only his kind could see him.
Madali siyang nakarating sa bahay ni Virgo. Lucien hastily climbed the terrace. Nang makarating sa taas, natigilan siya. Hindi lang ang mabangong amoy ng dugo ni Virgo ang naamoy niya. There was something different. Someone had been here.
Mabilis siyang lumapit sa pinto ng terrace. Agad niyang nakita si Virgo na nanginginig sa takot.
Using his ability to move things, tinanggal ni Lucien ang pagkaka-lock ng pinto. Pumasok siya sa loob. He saw Virgo trembling.
Mabilis niyang tinanggal ang pagkaka-strap ng espada sa likod niya. Niyakap niya ang babae.
“L-Lucien?” Nanginginig ang boses nito.
“Virgo…” He hugged her so tight. “Nandito ako.”
“N-nandito s-siya,” umiiyak na sabi nito. “N-nandito siya. B-buhay ang l-lalaking `yon.” Her fear was suffocating him. “B-babalik s-siya.”
Napatitig si Lucien sa kapatid na nasa labas lang ng terrace. Nakatingin ito sa kanya. “Look for him.”
Lucan nodded and jumped off from the terrace. Niyakap naman niya nang mahigpit ang babaeng nanginginig sa takot.
Holy hell! What was happening? Hindi puwedeng bumalik ang lalaking kinatatakutan ni Virgo. Matagal na niya itong pinatay kaya napakaimposible niyon.