noveltoon logo noveltoon
Favourite Obsession

Chapter 23

Ch. 24 / 35 Apr 08, 2022

VAMPIRE TEARS

VIRGO’S breathing was ragged. She was contented and satisfied. And… she wanted more. Pero alam niyang hindi tama ang ginawa niya. She shouldn’t have bitten Lucien. Oh, God! Ano na lang ang iisipin nito?

Nararamdaman niya ang pagtaas-baba ng dibdib ni Lucien habang magkadikit pa rin ang katawan nila. Nakadikit din ang mga labi niya sa leeg nito.

“Get off, Virgo,” parang hinihingal na sabi ni Lucien. “Before I rip off your clothes and take you here and now.”

Napalunok siya. What Lucien said turned her on.

Dahan-dahan niyang tiningnan ang lalaki. “Kinokontrol mo ba ang emosyon ko, Lucien?”

His face saddened. “Kapag sinabi ko bang hindi, maniniwala ka?”

Itinikom ni Virgo ang bibig at tinitigan ang lalaki. Two years had passed since their bodies got close like this. She missed those cuddles and kisses. And if she was just being honest to herself, aaminin niyang gusto niyang maramdaman ulit iyon. But she was afraid. Laging pumapasok sa isip niya ang pagkontrol ni Lucien sa emosyon niya. She was afraid that it will happen again.

Virgo rested her head on Lucien’s shoulder. “Kapag lumalapit ako sa `yo, natatakot ako na baka kinokontrol mo na naman ang emosyon ko. Alam kong malalaman ko kapag ginawa mo `yon, pero natatakot pa rin ako.”

“Virgo, I’m sorry for what I did. Ayoko lang na mapahamak ka. Masyado kitang mahal, eh.” Hinawakan nito ang ulo niya at hinaplos ang kanyang buhok. “Mahal na mahal kita, Virgo. Sa nakalipas na dalawang taon, ikaw lang ang laman ng puso ko. Ikaw lang ang minahal ko nang ganito. Kaya kahit masakit at nahihirapan ako, kung masaya ka sa piling ni Vixor, hahayaan kita sa kanya. Gusto kong maging masaya ka. Gusto kong ngumingiti ka kahit hindi ako ang dahilan ng mga ngiti mo.”

Nararamdaman ni Virgo ang sakit sa likod ng pagpaparaya ni Lucien. She wanted to hug him and kiss him. But her fear was stopping her, killing any soft emotion she had for Lucien.

“Niloko mo ako, eh,” sabi niya. “Pinagkatiwalaan kita noon, Lucien, pero niloloko mo lang pala ako. I thought I loved you—”

“I love you, Virgo,” putol nito sa sasabihin niya. “Alam kong niloko kita. Isa `yong pagkakamali. Pinagsisisihan ko na `yon nang sobra-sobra. I suffered for two years. My heart had been ripped off every day for two years. Tuwing umaalis ako at hinahanap ka, sa pagbalik ko na wala ka, dinudurog n’on ang puso ko. I have loved you from the very first time I saw you. I thought you’d feel the same way, too. Pero niloloko ko lang ang sarili ko kasi hindi mo naman talaga ako kayang mahalin.”

Virgo shook her head. “No, Lucien. Kaya kitang mahalin. Ang punto ko, niloko mo ako. Pinaniwala mo ako sa mga kasinungalingan. Pati ang emosyon ko, pinakialaman mo.”

“Wala akong ibang masasabi kundi sorry dahil nagawa ko `yon. Mahal na mahal lang talaga kita. Nasabik akong mahalin mo rin ako.”

Virgo pulled away and looked at Lucien. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita ang likido na tumutulo sa mga mata nito.

“Lucien…” She touched the tears that were falling from his eyes. “Don’t.”

Mariin nitong ipinikit ang mga mata. “I’m sorry. I’m so sorry, Virgo. I’m sorry.”

Lucien kept on chanting ‘‘I’m sorry’’ like it was a prayer that can salvage his vampire soul.

“I’m sorry, Virgo. I’m so sorry. Please forgive me. I’m so sorry.” Kinagat nito ang pang-ibabang labi at tinakpan ng braso ang mga mata. “Patawarin mo ako, Virgo. Hindi ko na ulit gagawin `yon. Please, parang awa mo na. Mahalin mo naman ako kahit kaunti lang. Kahit kaunting pagmamahal lang, okay na sa akin.”

Virgo’s eyes watered and a tear fell to her cheek. She could feel Lucien’s pain in every word that he said. And she felt suffocated. Pakiramdam niya, napakakitid ng utak niya. Sarili lang lagi ang inisiip niya. Seeing Lucien cry as he begged for her to love him even just a little, her heart contracted in pain.

Ayaw niyang makitang ganito si Lucien. Gusto niya itong yakapin at sabihing maayos na ang lahat. Pero alam niya sa sarili na may takot pa rin sa puso niya. Natatakot pa rin siya na kontrolin ni Lucien. Natatakot siyang masaktan. Kahit isa na siyang bampira ngayon, duwag pa rin siya. Duwag pa rin kapag alam niyang masasaktan siya.

“Lucien…” Hinaplos niya ang pisngi nito. “I’m sorry.” Tinanggal niya ang pagkakatakip ng braso ng lalaki sa sariling mga mata. Siya na ang tumuyo sa mga luha nito gamit ang laylayan ng damit. “Don’t cry. Sshh…” Nginitian niya ito. “I’m not worth your tears, Lucien. So don’t cry.”

Hinawakan nito ang pisngi niya, hinaplos ang mga labi niya. “Alam kong natatakot ka. Naiintindihan ko kung bakit. Pero sana huwag mong kalimutan na mahal na mahal kita. Sana hayaan mo akong mahalin ka, kahit sa malayo lang. Ayos na sa akin `yon. Sana maging masaya ka kay Vixor—”

“Baliw!” Virgo cut him off. “Wala kaming relasyon ni Vixor. That’s eeww. He’s like a brother, a very trusted friend and an ally.”

Napatitig sa kanya si Lucien. Para bang gulat na gulat ito at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

“What?” Lucien asked in confusion. “H-hindi kayo?”

“Hindi.”

He gave out a sigh. Then , Lucien rolled her over unto the bed. Ito naman ngayon ang nakakubabaw sa kanya.

“Lucien! Get off!”

“No.”

“Anong no? Sipain kita, gusto mo?”

“Eh, di sipain mo.” Lumapat ang mga labi nito sa leeg niya. Napakapit si Virgo sa balikat ng lalaki nang bumaon ang matatalim nitong mga pangil.

“Lucien!” she gasped. “Oooh…”

Ilang minutong nakabaon ang mga pangil ng lalaki sa leeg niya bago nito pinakawalan ang leeg niya. Niyakap siya nito nang mahigpit.

“I miss you.”

Habang nakayakap si Lucien, napakasarap sa pakiramdam. Virgo felt okay and complete. She felt calm and contented. Nararamdaman niya ang pagmamahal nito na pilit niyang itinatanggi.

Slowly, her hand enveloped Lucien in a hug. Naramdaman niyang natigilan ang lalaki sa pagsagot niya ng yakap dito.

“You’re controlling me again,” sabi niya habang nakangiti.

Kumawala ito sa pagkakayakap niya. “What? Of course not! Nararamdaman mo ba na kinokontrol kita?”

“Oo kaya,” nakangiti niyang sagot. “I miss you, too. See? You’re controlling me.”

Kinunutan siya ng noo ni Lucien. “Hindi ko gagawin `yon.”

Mahina siyang natawa. “Na-miss din kita.”

“Hindi kita kinokontrol.”

Niyakap niya nang mahigpit ang lalaki. “Alam ko, Lucien. Alam ko.”

MAHIMBING ang tulog ni Virgo nang umagang iyon habang katabi si Lucien. Nakaunan siya sa braso ng lalaki. Nakayakap naman ito sa baywang niya.

What happened in the morning was like an eye opener for her. Iyong takot nandoon pa rin sa puso niya. Pero ngayon, napagdesisyunan niyang bigyan ng pagkakataon ang sarili na patawarin si Lucien. Siguro, nakatulong sa pagpapatawad niya ang pag-iyak nito kaninang umaga. Vampires were not humans who cried over the smallest things. When a vampire cried, he or she was really in pain.

Virgo was dragged out from her reverie when she felt Lucien getting up.

“Saan ka pupunta?” tanong niya.

Lucien stilled, then spoke. “I have a mission.”

“Iiwan mo ako?” tanong niya habang masamang nakatingin sa likod nito.

Nakangiting bumaling sa kanya si Lucien. “Virgo, hindi kita kayang iwan. Isiksik mo `yan sa isip mo. May pupuntahan lang akong importante.”

Nakasimangot na bumangon siya at inihilig ang ulo sa likod ni Lucien. Nakahubad pa rin ang lalaki kaya naman malaya niyang nahahawakan ang tattoo nito sa likod.

“Hmm…” Lucien’s body arched as he groaned when he felt her fingers trailing on his tribal tattoo. “Virgo, you’re making me horny.”

Mabilis niyang itinigil ang ginagawa at bumalik sa pagkakahiga sa kama. Dumapa naman si Lucien sa kama, nakaharap ang mukha sa kanya.

“I have to go somewhere to make sure that nothing bad will happen to you.”

Kumunot ang noo ni Virgo. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

“May nakarating na balita sa akin na gagamitin ka ng mga Simonides. At hindi ako papayag na gawin nila `yon sa `yo.”

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “`Yon ang dahilan kung bakit umalis ako sa bahay nila. Narinig kong nag-uusap sina Vixor at ang kanyang ina. She wanted to use me to hurt you. Si Vixor, panay ang hindi sa mga plano ng kanyang ina. Natakot akong manatili roon. Baka pag-eksperimentuhan din nila ako. Ayokong mag-isa kaya tumakbo ako papunta rito. Ikaw lang ang matatakbuhan ko.”

Lucien gave her a soft smile. “And I’ll keep you safe. Always. I promise.”

Virgo smiled back. “Salamat.”

Mas lumapad pa ang ngiti ni Lucien dahil sa pasasalamat niya. Then , he quickly leaned to her and captured her lips in one hot fiery kiss. Then , he pulled away.

“Good evening, by the way,” sabi ni Lucien saka umalis sa kama.

Naiwan naman siyang natitigilan dahil sa ginawa nitong paghalik sa mga labi niya. It felt like everything that happened to them in the past that she tried to forget came back. Those kisses and cuddles and their hot moments. Virgo welcomed those memories. She liked the kiss that they shared seconds ago.

Napatitig siya kay Lucien na nagbibihis na.

Am I falling for this man? For real this time? No controlling? No lies?

Virgo sighed. Malalaman niya ang kasagutan sa araw na lilipas na kasama niya ito.

“Mag-ingat ka,” sabi niya.

Lucien stilled and faced her. “Nag-aalala ka sa akin?” May nanunundyong ngiti sa mga labi nito. “Don’t worry. I’m a rogue hunter. This is what I do best.”

Inirapan niya ito. “Ewan ko sa `yo. Basta umuwi ka agad. Matutulog lang ako buong magdamag. Kapag nagising ako mamayang bukang-liwayway na wala ka pa, `yang espadang dala mo, `yan ang ikakatay ko sa `yo.”

Mahinang tumawa si Lucien. Lumapit ito sa kanya saka dumukwang at hinalikan ang noo niya. “Mag-iingat ako,” sabi nito saka siya hinalikan sa tungki ng ilong.

“No wounds,” seryosong sabi niya. “Not even scratch.”

“Yes, my lady.” Ang pisngi naman niya ang hinalikan ni Lucien.

“Good. And don’t forget, mamaya pag-uwi mo, bilhan mo ako ng donut.” She grinned. “Okay?”

Lucien chuckled and dropped three sweet kisses on her lips. “I will, my lady.”

Sa hindi malamang dahilan, kinikilig si Virgo kapag tinatawag siya nitong my lady.

“Sige na. Umalis ka na,” pagtataboy niya sa lalaki. “Umuwi ka agad, ha?”

Tumango ito at pinisil ang tungki ng ilong niya. “I’ll be back.”

Nang makaalis si Lucien, umayos siya ng higa at natulog ulit. And because she was alone, no Vixor or Lucien to calm her, her sleep was plagued with nightmares. A dream full of war, blood, death, war against Simonides, Vixor’s blood and Lucien’s death.