noveltoon logo noveltoon
Favourite Obsession

Chapter 20

Ch. 21 / 35 Apr 08, 2022

HEART IN THE DUMPSTER

TULOG na si Vixor, pero gising pa rin si Virgo. Hindi mawala sa isip niya ang malungkot na mukha ni Lucien habang naglalakad siya kasama si Vixor. She did look back. What she saw made her heart ache. And she didn’t know why.

Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga, saka lumabas sa terasa. She looked back at Vixor first before jumping off the terrace. Pagkatapos, mabilis siyang tumakbo papunta sa direksiyon ng bahay nina Lucien.

Kailangan niyang malaman kung bakit nakakaramdam siya ng sakit at nag-aalala siya para sa lalaki. Baka kinokontrol na naman siya nito. She had to know. Damn it!

Nang makarating sa mansiyon ng mga Kallean, Virgo inhaled the air. When she smelled Lucien’s scent, she followed it. She was guided into a small terrace. Madali lang niyang naakyat ang terasa. Natigilan si Virgo nang makitang bukas iyon, pero wala namang tao sa loob. But she could smell Lucien’s scent everywhere. Dapat nandito siya.

Umupo si Virgo sa gilid ng kama at ipinikit ang mga mata. She let her ear broaden and listen in concentration. Narinig niya ang tunog ng maliliit na insekto. Ang tunog ng mga paniki sa malapit na kuweba. Ang lagaslas ng tubig sa batis na hindi kalayuan sa mansion at ang tunog ng kadena na parang inihahampas sa semento.

Tumayo si Virgo at sinundan ang tunog ng kadena. The sound lead her to the basement of the house. Natutulog na ang lahat ng tao sa mansiyon kaya malaya siyang nakapunta sa basement.

Virgo opened the basement door. A long pathway welcomed her. Nilakad niya ang mahabang pathway hanggang sa makarating sa isa pang pinto. Nang pihitin niya iyon, hindi naka-lock ang pinto. Agad niya iyong itinulak. What she saw inside made her knees weak.

Nakakadena si Lucien. Halatang gustong-gusto nitong kumawala sa pagkakatali sa kadena. His eyes were red and blood was scattered on the floor and in the walls.

Oh, God!

Pumasok si Virgo sa loob ng kuwarto. Agad na napatingin ang mapupulang mata ni Lucien sa kanya. She braced herself. Taas-baba ang dibdib at kinakabahan siya. Alam niyang nararamdaman nito ang nararamdaman niya dahil isa iyon sa mga kakayahan nito.

“Lucien…”

He quickly moved to attack her, but was restrained by the chains on his wrist. Virgo gasped, not in fear, but in pity when Lucien’s wrist bled.

Dapat natutuwa siya na nakikita itong nasasaktan at nagdurusa. Pero hindi niya iyon maramdaman. Virgo wanted to hate the man in front of her, but she couldn’t. Gusto niya itong sumbatan sa ginawa nito, pero walang salita na lumabas sa bibig niya. Ang lalong ikinagulat niya, parang may sariling isip ang mga paa na naglakad palapit sa lalaki na matalim ang mga matang nakatingin sa kanya.

“What happened to you?”

Sa halip na sumagot, inatake siya ni Lucien at ipininid ang katawan niya sa semento. Hindi siya gumalaw. Hindi siya lumaban. Hinayaan niya lang ang lalaki na gawin ang gusto nitong gawin.

Mariing ipinikit ni Virgo ang mga mata nang maramdamang bumaon sa leeg niya ang matatalas na pangil ni Virgo. She gritted her teeth as pain spread through her. Ikinuyom niya ang kamao at kinagat ang pang-ibabang labi para hindi sumigaw sa sobrang sakit.

Minutes later, Lucien let go of her neck and stared at her. Horrified expression was written all over his face.

“V-Virgo… Oh, God!” Mabilis siya nitong binitiwan at umalis sa pagkakadagan sa kanya. “Sorry. Oh, God. I didn’t mean to! Holy fuck! Fuck! Shit!”

Bumangon siya sa pagkakahiga sa semento saka umupo.

“I’m sorry—” Lucien frowned. “What are you doing here anyway?”

Virgo sighed. “May itatanong lang sana ako kaya nagpunta ako rito. Wala ka sa kuwarto mo kaya hinanap kita. And I found you here. Anyway…” She took a deep breath. “Kinokontrol mo ba ako kanina nang palabas na ako sa financial firm n’yo?”

Lucien frowned and sat on the floor, adjacent to her. “Hindi. Bakit mo naitanong?”

Nagkibit-balikat siya. “Wala lang. It seems to me that controlling people is your hubby. Just wondering if you are controlling me. I wouldn’t know, right?”

A small sad smile appeared on his lips. “You’ll know. You’re a vampire now. Aware ka na sa nangyayari sa paligid mo, lalong-lalo na sa `yo.”

Naka-indian sit siya habang nakaharap kay Lucien. “So, bakit ka nakatali riyan?”

“My rogue side is coming out again,” pagkukuwento nito. “I need to leash myself.”

“But you’re okay now.”

Lucien shrugged. “You’re here.”

Napatitig siya sa lalaki. “Ano naman ang kinalaman n’on sa akin?”

“You tamed me, Virgo. Ikaw lang ang may kayang gawin `yon.”

Tumango-tango siya. “Pero niloko mo pa rin ako. Pinaglaruan mo ang emosyon ko.” Tumayo siya at naglakad palabas ng basement. “I’ll be taking my leave now.”

Nasa pinto na siya nang marinig na magsalita si Lucien.

“Can you stay for a little while?”

Nilingon ni Virgo ang lalaki. “Bakit naman ako mananatili rito? Baka hanapin ako ni Vixor.”

Mapait itong ngumiti. “Masaya ka ba sa kanya?”

Tumango si Virgo. “Oo. He keeps me safe.”

Sumandal ito sa semento at matiim na tumingin sa kanya. “I can do that. I did kill someone for you. Ipinapaalala ko lang, baka nakakalimutan mo.”

Nagbaba siya ng tingin. Isinasampal ba ni Lucien sa mukha niya ang ginawa nito noon para sa kanya?

“Ano’ng gusto mong bayad sa utang-na-loob ko sa `yo?” matapang niyang tanong.

Lucien had a small smile on his lips, yet it felt like he was grinning. “Halika. Lumapit ka rito. Ipapakita ko sa `yo kung ano’ng gusto kong kabayaran.”

Virgo frowned. “Ano ba kasi? Sabihin mo na lang.”

Tinanggal ni Lucien ang kadena sa magkabilang pulso gamit ang susi na nasa bulsa nito saka tumayo at naglakad palapit sa kanya. When he reached her, he gripped her waist and pinned her on the door.

Napasinghap si Virgo nang lumapat ang mga labi nito sa leeg niya. Alam niyang babaon ang mga pangil ng lalaki sa leeg niya kaya malakas niya itong itinulak.

Tumama si Lucien sa pader ng basement. Napangiti siya sa taglay na lakas. Hindi na siya nito puwedeng kayan-kayanin. She was not the old Virgo who would cry when she was afraid. Nagbago na siya. Vixor didn’t train her to fight for nothing.

Galit na nilapitan niya si Lucien at sinakal ito sa leeg. He didn’t fight back. He just let her.

“Sa susunod na atakihin mo ako nang ganoon, I will carved out your heart and throw it in the dumpster,” she said in a menacing voice.

“You already did that, Virgo,” parang walang pakialam na sabi ni Lucien. “Itinapon mo na ang puso ko nang iwan mo ako two years ago. I love you, Virgo. Pero iniwan mo ako at sumama sa iba.”

Iningusan niya ang lalaki. Inalis niya ang pagkakasakal sa leeg nito. “Niloko mo ako, Lucien. Wala kang karapatang magreklamo kasi ikaw ang unang nanloko. You controlled me and my feelings for you. Kalokohan lang pala ang pagmamahal ko para sa `yo.”

With the speed of lightning, she left the Kallean Mansion and returned to Simonides with a confused head and heart.

VIRGO was busy accepting calls when Tito Vently walked to her table. “Virgo, go to Kallean household. Sabihin mong kailangang nandoon sila sa gagawing pagtitipon ngayong Sabado. Hindi ko sila makontak. Baka mahuli sila sa balita dahil aalis sila papuntang Visaya para sa nagkalat na rogue.”

“Copy.” Agad siyang tumayo at sinunod ang ipinag-uutos ni Tito Vently.

Ayaw niyang bumalik sa mansion ng mga Kallean. Pero trabaho naman ito, eh. She couldn’t say no. Kailangan niyang isantabi ang nararamdaman para sa trabaho. Nakakahiya. Binigyan na nga siya ng trabaho, hindi pa niya inaayos.

Nang pasakay na sa sasakyan si Virgo, nakatanggap siya ng mensahe galing kay Vixor.

Let’s lunch out?

Napangiti siya at agad na ni-reply-an ang lalaki.

Can’t. I have something to do. How `bout dinner?

Mabilis ang sagot ni Vixor sa mensahe niya.

Sure thing. I’ll pick you up at five.

Hindi na siya nag-reply at tuluyan nang pumasok sa sasakyan. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan papunta sa mansiyon ng mga Kallean. Nang makarating doon, Virgo went out of her car and knocked on the door. Bumukas naman agad iyon.

Malakas na kumabog ang puso niya nang makita si Lucien. He was wearing a suit and tie. He looked downright handsome.

Napalunok siya. “Lucien…”

He looked at her intently. “Virgo…” Mas niluwagan pa nito ang pagkakabukas sa pinto. “Come in.”

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago pumasok sa kabahayan. “I’m looking for the head of the house. May ipinapasabi sa kanya si Mr. Simonides.”

Tumaas ang isang kilay ni Lucien. “Kailan ka pa naging messenger?”

Hindi niya pinansin ang sinabi ng lalaki. Tinaasan niya lang ito ng kilay. “Siya ang gusto kong makausap, hindi ikaw.”

“Wala siya rito.” Umupo si Lucien sa mahabang sofa at itinuro ang pang-isahang sofa na kaharap nito. “Have a seat. Parating na si Daddy. Maghintay ka na lang.”

“Okay.” Umupo si Virgo sa itinuro nitong upuan. “Matagal pa ba siya?”

Lucien shrugged. “Malay ko. Paano ko naman malalaman? Nagkausap ba kami?”

Napakurap-kurap siya sa matalim na boses ng lalaki. Kagabi okay naman sila, ah. Pagkatapos ngayon, biglang nag-iba. Ano ang nangyari?

“Nagtatanong lang naman ako.”

“Nagtatanong?” Lucien smirked annoyingly. “Ako, marami akong tanong sa `yo. Sasagutin mo ba?”

Tumaas ang kilay niya. “Anong katanungan?”

“Bakit ka sumama kay Vixor?”

“He kidnapped me and brought me to Sicily,” sagot niya. No need to lie. “And then, I came to realize that I needed him to survive. He turned me with my consent and he brought me to Russia. We stayed there and now I’m here.”

Lucien sighed and looked away. “I look for you for two years. I prayed that nothing bad happened to you.” Ibinalik nito ang tingin sa kanya. “Salamat naman at walang nangyaring masama sa `yo. Salamat at kaya mo nang ipagtanggol ang sarili mo. I’m happy for you.”

Matiim niyang tinitigan ang lalaki. Masaya raw ito para sa kanya, pero makikita sa mukha nito ang kalungkutan.

Something tugged her heart. Gusto niyang lapitan ang lalaki, yakapin at sabihing huwag na itong malungkot. Pero pinigilan ni Virgo ang sarili. Baka kinokontrol na naman nito ang emosyon niya. Wala naman kasing dahilan para maramdaman niya iyon. She bet he was just controlling her emotion again.

Virgo sighed and silently thanked God when Mr. Kallean, the head of the household, entered the house. Mabilis siyang tumayo at lumapit dito. Kailangan niyang masabi ang pakay para makaalis agad. She could feel Lucien’s gaze burning a hole in her back. Hindi siya mapakali, eh.