noveltoon logo noveltoon
Favourite Obsession

Chapter 17

Ch. 18 / 35 Apr 08, 2022

A ROGUE’S KISS

NASA rooftop si Vixor ng Castello Simonides habang kausap sa telepono si Vixen. She was updating him on what was happening in the Kallean household. Hindi naman niya yata kailangang malaman. He could guess.

“Lucien went on a rampage. He was looking for Virgo. Parang nalaman na nila na nawawala siya,” sabi ni Vixen sa kabilang linya. “The last time I heard, Lucien is killing every rogue in sight. He is mad, Vixor. At alam mo kung ano’ng kayang gawin ng galit na bampira.”

He sighed. “Bahala siya sa buhay niya. Magwala siya kung gusto niya. Pero hindi ko ibabalik sa kanya si Virgo.”

Bumuntong-hininga si Vixen. “Kuya, ano’ng gagawin mo kapag pumunta rito si Lucien sa bahay, `tapos sabihin ni Daddy ang totoo sa kanila?”

“Dad won’t do that,” nakatiim-bagang na sagot niya. “Malaki pa ang utang-na-loob niya sa akin.”

Vixen blew a breath. “Kuya, ibalik mo na si Virgo rito.”

“Ayoko. May pangako pa akong dapat tuparin.”

“Kuya naman, eh. Please, ibalik mo na rito si Virgo. Kawawa naman siya. Wala naman siyang alam sa atin, eh,” sabi ni Vixen na nagmamakaawa. “Kuya, alam ko ang kasunduan ng ama ni Virgo at ni Daddy. Pero patay na si Kuya Vixon. Tama na. Itigil na natin `to.”

Vixor sighed as he stood on the edge of the Castello Simonides rooftop. “Ayoko.” He looked down and saw Virgo in the garden. Kasama nito si Arietta.

Mag-iisang buwan na rin sa Castello ang babae. Natutuwa siya na parang hindi na ito masyadong umiiyak kapag gabi. Medyo kalmado na rin ito kapag kasama siya. Pero hindi naman yata mawawala agad-agad ang takot sa puso nito.

Virgo got scared when he was drinking blood. Kaya naman hindi na siya umiinom ng kahit na anong kulay-pula na likido sa harap nito. Alam niyang ayaw siya nitong makatabi sa kama kaya sa sahig siya natutulog. At ang pinakaayaw nito sa lahat, ang banggitin niya ang pangalan ni Lucien.

Ayaw niyang matakot ang babae sa kanya. He wanted her to trust him. Kaya naman ginagawa niya ang lahat para hindi ito matakot.

“Kailan mo ba siya balak iuwi?” tanong ni Vixen.

Sa halip na sagutin, pinatay ni Vixor ang tawag. Napangiti siya nang makitang nakikipag-agawan si Virgo kay Arietta sa pagdidilig ng halaman sa hardin.

Tumalon siya mula sa rooftop pababa sa hardin. When his foot touched the ground, it made a booming sound. Mabilis na napalingon si Virgo sa gawi niya.

“Ano’ng ginagawa mo rito? Umalis ka nga,” pagtataboy nito.

Vixor just chuckled and walked towards her. Tumigil siya sa tabi ni Virgo. Inagaw niya ang pandilig sa halaman na hawak nito at ibinalik iyon kay Arietta.

“Hindi ba, sinabi ko sa `yo kanina na ayaw kong pakalat-kalat ka sa Castello?” Pinatalim niya ang mga mata. “Dapat kasama mo ngayon si Thomas at nag-aaral kang mag-piano.”

Iningusan siya ni Virgo. “I already know how to play the piano, dimwit. Kaya nga pinaalis agad ako ni Thomas, eh.”

“And your tango, rumba and salsa lessons? Kumusta na?”

Inirapan siya ni Virgo. Pumitas ito ng isang tangkay ng pulang rosas. “Ano ba ang problema mo? Nasa labas ako. Ang ibig sabihin n’on, tapos ko na ang pinagpagawa mo. I already know how to tango, rumba and salsa. Alam ko kung paano tumugtog ng piano at gitara. Ano pa?”

“How about your lesson before bedtime?”

“Oh. That? Nagkaroon ako ng test kagabi. I aced it.” May pagmamalaki sa boses ng babae. “Ano pa ang ipapagawa mo, kamahalan?” Puno ng sarkasmo ang boses nito.

Ever since Virgo learned he was a prince, she kept on calling him kamahalan. Nakakatuwa noong una, pero ngayon, nakakairita na.

“Stop calling me that,” naiinis na sabi niya. “Or I will—”

“What? Sasaktan mo ako? Papatayin? Babalatan nang buhay o sasakmalin ang leeg ko?” Humalukipkip si Virgo. “Mamimili ka na kung ano’ng ipananakot mo sa akin. O kaya mag-isip ka ng bago para naman matakot ako.”

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pinakalma ang sarili.

Sa isang buwan na nagdaan, nalaman ni Virgo na panay lang siya panakot, hindi naman niya gagawin. Kaya mula noon, kahit anong panakot ang sabihin niya, walang epekto iyon sa babae. He was just bluffing and she knew it.

Pagmulat ng mga mata, tamang-tama na ang mapupula nitong mga labi ang natitigan ng mga mata niya.

“Ano na?”

Vixor smirked. “I’ll kiss you.” Hinawakan niya ito sa baba at itinaas ang mukha. “How’s that, honey?”

Nagulat si Virgo. Makikita ang pangamba sa mga mata nito.

Vixor chuckled. “Chill, Virgo. I’m just kidding.”

Tinabig nito ang kamay niya at nagmamartsang naglakad papasok sa Castello.

“Hey, Virgo!” pahabol niyang sigaw. “Your royal etiquette lesson is about to start.”

“Curse you, idiot vampire!” sigaw nito bago makapasok sa loob.

Mabilis niyang hinabol ang babae. Naabutan naman niya ito sa hagdanan.

“I’m serious, Virgo,” sabi niya. “You agreed to do this, remember?”

Naiinis na bumaba ito sa hagdan at naglakad papunta sa grand hall kung saan naghihintay si Charlotta. Ang babae ang magtuturo kay Virgo ng tamang asal.

Naiiling na napapangiti si Vixor. Para namang may magbabago sa asal ni Virgo.

PAGOD na pagod si Virgo nang matapos ang pag-aaral niya sa araw na iyon. Who knew learning to become a vampire was hard? O talagang torturer lang si Vixor kaya pinahihirapan siya?

Lahat na yata ng sayaw, itinuro sa kanya. Lahat ng klase ng instrumento, alam na niya kung paano gamitin. Ngayon, pag-uugali at tamang paggalaw naman ang itinuturo sa kanya. Can this get any harder? Urgh!

Nahiga si Virgo sa kama saka bumuga ng hangin. Nakatitig siya sa mataas na kisame nang bigla niyang naalala ang mga magulang. And then , Lucien’s handsome face flashed through her mind.

Marahas siyang napailing. Isinara na niya kung ano man ang namagitan sa kanila ni Lucien. Kung matatawag ngang ganoon ang pagkontrol nito sa emosyon niya. Virgo could still remember the kisses they shared. She felt nothing. Isang pekeng emosyon ang naramdaman niya. Iyon ang ikinagagalit niya. Malaki ang utang-na-loob niya kay Lucien, pero wala itong karapatan na pakialaman ang emosyon niya at kontrolin iyon.

He had no right… at all.

Virgo was dragged out from her reverie when a hand touched her cheek. Nang tingnan niya kung sino ang may-ari ng kamay na iyon, nakita niya si Vixor na nakaupo sa ulunan niya. Pinapahid nito ang luha na hindi niya namalayang tumulo na pala sa gilid ng mga mata niya.

“Bakit umiiyak ka na naman?” tanong nito habang tinutuyo ang luha niya.

“Masakit pa rin,” sabi niya na ngayon ay humihikbi na. “Ang sakit-sakit. Akala ko, mahal ko siya. Akala ko, si Lucien na ang lalaking magpaparanas sa akin ng sobrang kaligayahan. Akala ko, hindi niya ako lolokohin. Ang dami kong akala.” Mapait siyang napangiti. “Mga akala na peke pala. Ang sakit-sakit nang malaman ko na niloloko niya ako. Na kasinungalingan lang pala ang lahat. Matatanggap ko naman kung ano at sino siya. Kaya kong tanggapin na isa siyang bampira. Pero ang hindi kayang tanggapin ng puso ko, `yon ay ang panloloko niya. `Yon ang sobrang masakit. Parang dinudurog ang puso ko sa sakit.”

Nasa ulunan pa rin niya si Vixor. Nakayuko ito sa kanya habang tinutuyo ang luha niya.

“Pain can be cured by a kiss, you know,” sabi nito.

Napatitig si Virgo sa lalaki. Napatingin siya sa mga labi nito. “Kiss me then. Make me forget, Vixor. Because my heart cannot take another heartache anymore.”

Virgo saw Vixor’s face lean closer to hers. Ipinikit niya ang mga mata at iniwang nakaawang ang mga labi.

She waited.

And then , his lips pressed against hers. Kasabay niyon ang medyo malapot na likido na pumasok sa bibig niya. When she gulped the liquid, her throat burned.

Nagulat si Virgo at hinawakan ang leeg na parang sinusunog. Ang pakiramdam na iyon ay napunta sa tiyan niya bago biglang nawala.

She looked at Vixor. “A-ano `yon?”

Vixor gathered her in his arms and whispered on her ear. “Hold on. Your’re about to turn.”

“T-turn?”

“Yeah.” Vixor smiled. “Just hold on. I’m here.”

And then , it began. Pain ripped through every muscle and every vein in her body. Her head felt like it was exploding in so much pain. Her hands and legs were shaking violently. And Virgo felt like Satan’s minion was torturing every corner of her stomach. Iyong pakiramdam na parang sinusunog ang laman niya at hindi na lang sa leeg at tiyan. Every part of her body was burning. Sumisigaw siya sa sobrang sakit na nararamdaman. Hindi niya alam kung saan kakapit at kung may isisigaw pa siya sa sobrang sakit na kumakain sa buo niyang pagkatao.

Vixor was still holding her in his arms as she spasmed and convulsed in pain. Virgo was shouting as excruciating pain sipped through her nerves. Parang sinusunog ang katawan niya. Hindi niya kaya ang sakit na nararamdaman. She felt her body weakening. And then , she lost her consciousness.

NAPATITIG si Vixor sa magandang mukha ni Virgo. Nakikita na niya ang pagbabago sa bawat segundong lumilipas. Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang maramdamang lumalabas ang mga pangil niya.

Virgo’s blood just became sweeter and sweeter. Mas pabango nang pabango ang dugo na taglay nito. Kaya naman binitiwan niya ang babae. Tumakbo siya papunta sa terasa para pakalmahin ang sarili.

Vixor froze when he saw rogues trying to enter the Simonides Castello. “Crap!” Parang hindi lang siya ang nakaamoy sa mabangong dugo ni Virgo.

They had humans in the Castello. Alam niyang hindi makakapasok ang mga rogue na pilit na pumapasok, pero kailangan niyang makasiguro.

Virgo was in danger.

Mabilis siyang lumabas sa kuwarto. “Arietta!”

In the blink of an eye, Arietta was on his side. “Yes, your highness?”

“Ready the plane,” sabi niya.

“The plane is ready, your highness,” sabi nito. “Should I pack your things?”

“No. You’re coming with us.” Bumalik siya sa kuwarto at pinangko si Virgo. “She needs you when she has fully turned.”

Mabilis ang sunod nilang naging kilos. Kasama si Arietta, nakalabas sila sa Castello papunta sa kinalalagyan ng pribadong eroplano ng pamilya niya. Habang paalis ang eroplano, isa lang ang nasa isip ni Vixor. And that was Virgo’s safety.