noveltoon logo noveltoon
Favourite Obsession

Chapter 34

Ch. 35 / 35 Apr 08, 2022
Prev Next

LITTLE GIRL

Two months later…

“DAD, MAAYOS ang lagay namin ni Virgo. You don’t need to worry. We’re fine,” sabi ni Lucien sa ama na nasa kabilang linya.

“Okay. Mag-ingat kayo riyan,” sabi ng ama niya. “Wala pa akong balita sa royal family. Ang laging uma-attend sa mga meeting ay si Prinsesa Vixen, kaya naman wala akong maibibigay na impormasyon sa `yo.”

“Ayos lang, Daddy. Safe kami, `yan ang importante.”

“Sige, paalam na.”

“Sige. Ingat kayo riyan.”

“Kayo rin.”

Nang mawala ang ama sa kabilang linya, umupo si Lucien sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Virgo. Alam niyang nag-aalala ang pamilya niya sa kalagayan nila. But they were really fine. They had been in Fyn’s cave for more than two months now. They were well-protected.

Kung noon, nagdududa pa siya kay Vixon, ngayon hindi na. That man did everything to protect Virgo. Pati na rin si Vixor at ang iba pa nilang kasamahan sa kuwebang iyon. Kaya hanggang maaari, ayaw ng mga ito na makipaglaban siya. Baka raw may mangyaring masama sa kanya at hindi kayanin ni Virgo, maapektuhan ang ipinagbubuntis nito.

But it was his fight, too. Kaya naman makikipaglaban siya para sa kaligtasan ng asawa at magiging anak niya.

For two months, they took refuge in Fyn’s cave. And now, they were welcoming the next month. So far, walang rogue na nagtatagumpay na pasukin ang kuweba.

Kinabahan si Lucien nang makitang kumislot si Virgo. Napahawak ito sa bilog na bilog nitong tiyan. Palaki nang palaki ang tiyan nito sa bawat linggo. And if their calculation was right, manganganak na ang asawa sa susunod na linggo. Sana maging maayos ang lahat.

“Lucien…”

Mabilis na hinawakan niya ang kamay ng asawa. “Ano `yon? You want food? Blood? What do you want?” sunod-sunod niyang tanong.

Virgo smiled at him. “Feeling ko, manganganak na ako.”

Hinaplos niya ang noo nito na puno ng pawis. “Ayos lang. Nandito ako—”

The alarm buzzed. Umaatake na naman ang mga rogues.

Virgo gasped in fear. “Nandito na naman sila?” kinakabahang tanong nito habang mahigpit na nakakapit sa kamay niya.

Lucien kissed Virgo on the lips. “I’ll keep you safe.”

Tumango ang asawa. “Mag-ingat ka, okay?”

“I promise.”

Lumabas si Lucien sa kuwarto nilang mag-asawa at mabilis na naglakad papunta sa war room para kumuha ng espada. Kailangan niyang protektahan ang mag-ina niya. He was willing to do everything, even to die, just to keep them safe.

BUMANGON si Virgo sa pagkakahiga at dahan-dahang naglakad palabas sa kuwarto. Pupuntahan niya si Fyn. Nararamdaman niya, malapit na siyang manganak. Kailangan niya ng tulong.

Naririnig ni Virgo ang mabibilis na yabag ng paa ng mga kasama sa kuweba na handang isakripisyo ang mga buhay maprotektahan lang siya. Kaya kailangang maayos ang maging lagay ng anak niya.

“Fyn,” tawag niya. Sana marinig siya. “Fyn… tulong,” sabi niya habang nakasandal sa pader at naglalakad. “Fyn…”

Bumaba ang tingin ni Virgo sa mga hita niya. Nanlamig ang buo niyang katawan nang makitang may dugo na dumadaloy roon.

“Oh, my holy.” Napahawak siya sa bibig sa kabang nararamdaman. “Fyn! Fyn! Lucien! Help me! Lucien!” Tumigil na siya sa paglalakad. “Tulong! Lucien! Manganganak na ako! Lucien!”

Virgo heard a whooshing sound in the air. Sa isang kisap-mata nasa harap na niya si Vixon.

“T-tulungan mo ako…” Mahina ang boses niya.

“Fuck!” Vixon hissed under his breath and slowly picked her up. Then , he ran towards the clinic. Nasa loob din iyon ng kuweba. They had complete facilities.

“Fyn! Manganganak na siya!” sigaw ni Vixon habang dahan-dahan siyang inihihiga sa hospital bed. “Ano’ng gagawin ko? Should I call Lucien? Fuck! I’m a genius vampire, but this is beyond me. Fuck it! Fuck it!”

“Relax, Vixon,” sabi ni Fyn.

Bumuga ng hangin si Vixon. “Thank goodness you are here and you heard me.”

“Imposibleng hindi kita marinig. Kahit yata mga rogue sa labas, naririnig ka,” sagot ni Fyn.

“Whatever. Tatawagin ko si Lucien—”

“No time.” Hinawakan ni Fyn ang gilid ng tiyan ni Virgo at kinausap siya. “Umire ka. Ilagay mo lahat ng lakas sa tiyan mo, saka ka umire. Next week ka pa dapat manganganak. Pero parang excited lumabas ang anak mo.”

Nalukot ang mukha ni Virgo sa sakit nang maramdamang parang pinupunit ang tiyan niya. And then , she felt her baby move. Malakas siyang umire.

“Umire ka pa,” sabi ni Fyn na dinidiinan ang gilid ng tiyan niya. “Isa pa.”

Nararamdaman niyang nawawalan na siya ng lakas. Ang mga hita niya ay parang naninigas. Pero kahit ganoon, pinilit niyang umire hanggang sa maramdaman niyang malapit nang lumabas ang anak niya.

“Vixon! Catch the baby!” sigaw ni Fyn kay Vixon.

Nagpa-panic na tumayo si Vixon sa paanan niya. Hindi ito makatingin sa pagkababae niya.

“I… Ahm, I can’t look.” Namumula ang mga pisngi nito. “Papatayin ako ni Lucien—”

“Just look, damn it!” naiinis na sigaw ni Virgo nang maramdamang malapit nang lumabas ang bata. “Lalabas na siya!”

Sapilitang tumingin si Vixon sa pagkababae niya. Isang malakas na ire pa ang pinakawalan niya. Virgo felt her baby slide down. When she heard the baby’s first cry, all the pain disappeared and was replaced by peacefulness and happiness.

Bago pa niya mahawakan ang anak, naramdaman niyang nawawalan siya ng malay. And when she was sucked into unconsciousness, Virgo could only think of her newborn child.

My baby.

VIXON just looked at the bloody baby in his arms. She was a newborn, yet , she can already open her eyes. They were gray.

“So, this is the most powerful vampire?” natatawang tanong niya kay Fyn na nililinis ang katawan ni Virgo. “Napakadali mong patayin, baby girl.”

Fyn chuckled. “Dapat maging masaya ka. Pinrotektahan mo ang batang `yan.”

Napangiti siya at hinaplos ang pisngi ng bata. The baby blinked, then chuckled. Vixon actually felt at peace and calm. Never in his life did he feel at peace and calm. That was why he envied those vampires who can sleep good at night, because he couldn’t. There were too many vampires who would love to have their heads detached from their bodies.

Inihiga niya si baby girl sa tabi ni Virgo. “Tatawagin ko lang ang daddy mo, little girl.”

The baby answered him by gripping his index finger way to strong.

Napailing-iling si Vixon na napapangiti. “You’re very strong for a baby. Nice.” He felt happy talking to this little fella. “I like you.”

The little girl laughed. So cute. The little girl stretched out her hands and wiggled them. Vixon chuckled. “Yeah, yeah. You’re happy. I’m leaving, little girl.”

Fyn laughed a little. “Sige. Papuntahin mo rito at nang makita niya ang kanyang mag-ina.”

Quickly, he ran towards the exit and dove into the water and then he swam. Vixon resurface in the large lake. Patago siyang umahon sa lawa at mabilis na nilapitan si Lucien na abala sa pakikipaglaban.

“It’s a baby girl,” bulong niya kay Lucien na tumigil sa pakikipaglaban.

“N-nanganak na siya?” Namimilog ang mga mata nito.

Tumango siya. “Yeah. Go. Ako na ang bahala rito. Nasa clinic siya.”

Lucien didn’t have to be told twice. He quickly dove into the lake.

Vixon faced his enemies, tons of rogues, a cunning smirk on his lips. “You’re all gonna die, bastards.”

“VIRGO!” Mabilis na pumasok si Lucien sa loob ng clinic. Nagtama ang mga mata nila ng munting anghel na nakahiga sa tabi ni Virgo. His baby stretched her arms at him and smiled.

“Baby.” Mabilis siyang lumapit sa anak na nasa tabi ni Virgo at hinaplos ang pisngi nito. “Hey, my princess.”

His baby gripped his hands way too strong.

Mahina siyang natawa. “Malakas ka, ah. Cool.”

“The most powerful vampire is your baby,” sabi ni Fyn na nagpupunas ng sahig. “You should be proud, Lucien.”

He smiled. “I am.” Hinalikan niya sa noo ang asawa na halata ang pagod sa mukha at bumulong sa tainga nito. “I love you, Virgo.”

Hinaplos niya ang buhok ni Virgo saka ibinalik ang atensiyon sa kanyang anak.

“Hey, little princess,” sabi niya na nakangiti. “Thank you for coming into our world.”

His princess just smiled, and then chuckled afterwards.

Hindi kayang ipaliwanag ni Lucien ang kasiyahang nararamdaman habang nakatingin sa anak at sa babaeng mahal niya. His family was complete now. Pero ngayong nanganak na si Virgo, nararamdaman niyang mas mapapalaban sila lagi. The king and queen will not stop sending rogues until they got what they wanted, his little angel.

But he won’t let them. Lalaban siya ng patayan, hanggang sa huling patak ng dugo niya, mailigtas lang sa kapahamakan ang asawa at anak niya.

Bring it on, fuckers. I’m ready to die for my family.

Wakas