noveltoon logo noveltoon
Favourite Obsession

Chapter 9

Ch. 10 / 35 Apr 08, 2022

HUNTER

VIRGO groaned as she came awake. Nang magmulat siya ng mga mata, kadiliman ang sumalubong sa paningin niya.

Gabi pa pala.

Ipinikit niya ang mga mata at tumagilid ng higa. Matutulog sana ulit siya nang naramdamang may braso na yumakap sa baywang niya. Handa na siyang sumigaw ng rape nang may tumakip na kamay sa kanyang bibig.

“Sshh… It’s me, Lucien.”

Nakahinga siya nang maluwang nang marinig ang boses ng lalaki.

“Gising ka?” pabulong niyang tanong nang tanggalin nito ang pagkakatakip ng kamay sa bibig niya. “Bakit ang dilim? Teka, paano mo ba nalaman na sisigaw ako? Why are you even awake? And why are you here in my room?”

Lucien chuckled. “So many questions.” He clucked his tongue and then , she felt his lips behind her ears. “Una, madilim kasi ayoko sa liwanag. Pangalawa, naramdaman kong gumalaw ka kaya nag-assume ako na gising ka na. Nag-iba rin ang paghinga mo. Pangatlo, paano ako makakatulog niyan kung katabi ko ang babaeng gusto ko? And lastly, you are in my room, babe.”

Nanlaki ang mga mata ni Virgo. Humarap siya sa lalaki. “Ano?”

“Sshh… Quiet, please.”

“Anong quiet? Bakit mo ako dinala rito? The last time I remember, I saw a man with red eyes—” Hindi niya itinuloy ang sasabihin dahil inatake ng takot ang buo niyang pagkatao.

Isiniksik ni Virgo ang katawan dito. Nagpapasalamat siya na nasa tabi niya ang lalaki. Lalong dumadagdag sa takot niya ang madilim na kapaligiran. Wala siyang makita kahit kaunting liwanag man lang. Nasa isip niya, bigla na lang may hihila sa paa niya at makikita ang lalaking pumatay sa kanyang mga magulang.

Niyakap ni Lucien ang nanginginig niyang katawan. “Sshh… Huwag kang matakot,” sabi nito. “`Yong nakita mong lalaki kanina, naka-costume lang `yon. Lumabas nga ako ng sasakyan para kausapin. `Tapos pagbalik ko, tulog ka na. Inihatid kita sa bahay mo, pero nakasara.”

“Nasa bag ko lang ang susi. Sana kinuha mo na lang,” nanginginig ang boses na sabi niya.

Virgo felt Lucien thumb making circle on the side of her waist. Napapalitan ng kakaibang sensasyon ang takot na nararamdaman niya.

“Ayokong panghimasukan ang mga personal mong gamit,” sagot nito.

“Bakit hindi mo ako ginising?”

“Kasi ang himbing ng tulog mo.”

“So, ano? Ibinalik mo ako sa bahay n’yo para dito matulog?” hindi makapaniwalang tanong ni Virgo.

Her fear was now slowly fading away. Mas nagiging aware siya sa kamay ni Lucien na nasa baywang niya at nagpaparamdam ng kakaibang kiliti.

“Oo.” His thumb stopped making circles on her waist.

Seconds later, she felt Lucien’s hand unhooking her bra. Bago pa niya mapigilan ang lalaki, natanggal na nito ang bra niya at nilalaro na ng dila ang mayayaman niyang dibdib.

“Lucien!”

Napasinghap sa gulat si Virgo nang maramdamang kinubabawan siya ni Lucien. Wala siyang makita dahil madilim kaya naman hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito.

“Lucien—” Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil hinalikan na nito ang kanyang mga labi.

Nang yumakap siya sa lalaki, lumakas ang tibok ng puso niya nang makapang wala na itong pang-itaas na damit. Virgo could feel his bicep and ripped abdomen against her soft hands.

God! Ang kisig naman ng lalaking `to.

Pero hindi niya maintindihan kung bakit niya ito hinahayaang halikan at masahiin ang mayayaman niyang dibdib.

Namalayan na lang ni Virgo, wala na siyang damit pang-itaas. Parehas silang parang hinihingal habang walang tigil na naghahalikan. Para bang uhaw na uhaw sila sa isa’t isa.

Naglulumikot na ang mga kamay ni Lucien papunta sa pantalon na suot niya. Nang buksan nito ang butones ng pantalon niya, kinain ng takot ang kanyang puso.

“Stop.”

What the hell am I doing?

Virgin pa siya at walang karanasan. And Lucien was not even her boyfriend. Bakit ba niya ito hinahayaang hubaran siya at paligayahin ang katawan niya? Hindi alam ni Virgo kung ano ba siya sa lalaki. Wala siyang balak na magtanong. Oo nga at naghalikan na sila kanina, pero sapat na ba iyon para ibigay niya ang pinakaiingatan niyang pagkababae?

“Sorry,” sabi ni Lucien at umalis sa pagkakakubabaw sa kanya. Humiga ito sa tabi niya at niyakap siya nang mahigpit. “I shouldn’t have moved that fast.” Naramdaman niyang lumapat ang mga labi nito sa pisngi niya. “Sorry kung natakot ka.”

Virgo gulped. “We shouldn’t be doing this,” sabi niya. “Wala tayong relasyon para gawin natin `to.”

LUCIEN gritted his teeth. Walang relasyon? They shouldn’t be doing this? Really? Pagkatapos nitong mapusok na sagutin ang mga halik niya? Pagkatapos nitong hayaan siyang sambahin ang mayayaman nitong dibdib? Pagkatapos nilang mag-enjoy sa halik na pinagsaluhan, saka nito sasabihin na hindi nila dapat ginagawa iyon?

Ano `to? Lokohan?

Naiinis na bumangon si Lucien at umalis sa kama. Binuksan niya ang ilaw para makakita si Virgo kahit masakit iyon sa mga mata niya. He could perfectly see in the dark, but she couldn’t.

“Magdamit ka,” sabi niya habang naghahanap ng maisusuot na T-shirt sa closet. “Ihahatid kita sa bahay mo.”

Ayaw niyang dito matulog o magpalipas ng gabi ang babae kung ganoon naman pala ang takbo ng isip nito. Masakit din pala ang umasa. Akala ni Lucien, okay na sila. Akala niya, pagkatapos nitong sagutin ang mga halik niya, magiging maayos na ang relasyon nila. Pero hindi pa pala.

Bakit ba kasi ako umasa?

Naghalikan lang naman sila.

NANG bumukas ang ilaw, agad na hinanap ng mga mata ni Virgo ang lalaki na umalis sa kama. Nakita niya si Lucien na nakatalikod sa kanya at nakaharap sa closet nito.

“Magdamit ka,” sabi nito habang nakatalikod pa rin. “Ihahatid kita sa bahay mo.”

Wala sa sinabi ni Lucien ang atensiyon niya kundi sa likod nito na may tattoo. Halos buong likod nito, natatakpan ng black tribal tattoo. It looked so surreal yet breathtaking. Siya ang klase ng babae na ayaw sa may tattoo na lalaki. Pero ang tattoo na mayroon si Lucien sa likod nito, napakaganda. Hindi iyon maruming tingnan.

Umalis si Virgo sa kama at naglakad palapit sa lalaki. Tumaas ang kamay niya para hawakan ang tattoo nito. When her finger touched his tattoo, he groaned. She saw how Lucien’s knuckles fisted.

Lalong naging makisig ang lalaki sa paningin niya. His tattoo hugged his back muscles, up to his shoulder blades and down to his lower sexy back.

Parang may sariling isip ang katawan ni Virgo. Inaakit siya ng tattoo para lumapit at ilapat ang mga labi niya.

Narinig niyang dumaing si Lucien nang hawakan niya ang magkabilang baywang nito at hinalikan ang likod nito. Then , Virgo trailed her tongue on his tribal tattoo that lead to his nape.

“Virgo…” Lucien’s voice sounded tortured.

Tumigil siya sa ginagawa. Humarap sa kanya ang lalaki. Madilim ang mukha nito.

“Bakit mo ba ginagawa sa akin `to?” tanong nito habang nakatingin nang masama sa kanya. “Itinutulak mo ako palayo, pero kakabigin din pabalik? Ano ba ang problema mo? Ano ba ang gusto mo?”

Nagbaba ng tingin si Virgo. Hindi niya masasagot ang tanong nito. Kahit siya, hindi alam ang sariling gusto.

“Bring me home, Lucien,” pabulong na sabi niya.

“Fine.”

Pinagsuot siya nito ng T-shirt na pag-aari nito. Wala kasi siyang damit pang-itaas. Hindi niya alam kung saan nito inilagay iyon nang hubarin kanina. Nang matakpan na ang pang-itaas niyang katawan, hinawakan siya ni Lucien sa pulsuhan at hinila palabas ng kuwarto.

NAGPASALAMAT si Virgo nang tumigil ang sasakyan sa labas ng bahay niya. It was already past midnight kaya madilim na madilim na talaga. Lumabas siya ng sasakyan ni Lucien. Napasinghap siya nang makalabas dahil biglang nasa tabi na agad niya ang lalaki.

Umuklo siya para tingnan ang driver seat pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Lucien. “`Di ba, nasa loob ka kanina?” manghang tanong niya.

Hinawakan ni Lucien ang kamay niya. “I move fast, Virgo.”

Inalalayan siya nito papunta sa pinto ng bahay niya. Virgo took out the key from her bag and used it to open the door. Nang mabuksan ang pinto, agad siyang pumasok at binuksan ang ilaw sa loob ng bahay.

Natigilan siya nang hindi maramdaman ang presensiya ni Lucien. Nilingon niya ang lalaki. Kumunot ang noo ni Virgo nang makitang nakahawak lang ito sa hamba ng pinto at nakatingin sa kanya.

“Ano’ng ginagawa mo riyan?” naguguluhang tanong niya. “Ayaw mong pumasok? I could make you coffee before you drive home.”

Tumikhim si Lucien at tiningnan ang hamba ng pinto. Pagkatapos, ibinalik nito ang tingin sa kanya. “I… Ahm, I can’t get in.”

Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Virgo. “Ano? Bakit? Kasya ka naman siguro sa pinto na `yan.” Naglakad siya pabalik sa pinto at hinawakan ang kamay ni Lucien. “Get in.”

Nagpakawala ng malalim na hininga ang lalaki saka dahan-dahang humakbang papasok. A wide smile appeared on Lucien lips when he finally entered her home. Napailing-iling na lang siya. Kung makangiti ito, parang nanalo sa lotto.

“Thanks for letting me in,” sabi ni Lucien.

Weirdo.

“Yeah. Sure.” Isinara at ini-lock ni Virgo ang pinto. Itinuro niya ang sofa. “Upo ka muna. Ipagtitimpla lang kita ng kape—”

“No need,” sabi nito saka bumalik sa pinto at binuksan iyon. “Aalis na ako.”

Napapantastikuhang tumingin siya kay Lucien na lumabas na ng bahay niya.

“Lock the door!” sigaw ni Lucien bago ito pumasok sa sasakyan at pinatakbo iyon paalis.

Mabilis namang isinara ni Virgo ang pinto at ini-lock. Halos tumakbo siya papunta sa kuwarto sa ikalawang palapag. Mabilis siyang nahiga sa kama at nagkumot. Dahil nag-iisa na lang, nararamdaman niya ang takot na unti-unting kumakain na naman sa buong pagkatao niya.

Kailangan niyang makatulog. Mababaliw siya sa kaiisip sa mga kinatatakutan niya. Walang Lucien na mag-aalo sa kanya.

Kinuha ni Virgo ang sleeping pills sa bedside table at uminom ng isang tableta. Minuto lang ang binilang niya bago naramdaman ang gamot. Her eyes slowly dropped and seconds later, she was already fast asleep.

Dahil sa gamot na ininom, hindi na niya nakita ang pulang mga mata na nakamasid mula sa terasa ng kuwarto.

BAGO pumasok sa opisina si Lucien, ipinatawag siya ng ama. Kaya nandoon siya ngayon sa library para alamin kung ano ang kailangan nito.

“Dad…”

Itinuro ng ama sa upuan na nasa harap ng mesa nito. Parang mahabang usapan iyon.

“Upo ka, Lucien.”

He sat on the chair and waited for his father to speak.

“Parami na sila nang parami,” panimula nito. “Last night, isang bahay ang pinasok ng mga rogue at pinatay ang lahat ng nakatira doon. Kahit `yong sanggol, hindi nila pinatawad.” Tumingin ito sa kanya. “Do you see what’s wrong in that information?”

Lucien nodded. “Rogues will not enter a house. They are mindless creatures who only know two things, death and blood.” Bumuntong-hininga siya. “Saka, hindi tayo makakapasok sa isang bahay hangga’t hindi tayo bukal sa loob na pinapapasok ng may-ari. Para pasukin nila ang isang bahay, ang ibig sabihin n’on, may komokontrol sa kanila para gawin `yon. Pero sino?”

“`Yan ang gusto kong alamin mo,” sabi nito na ikinatigil niya.

“But, Dad, I’m working—”

“No buts,” putol nito sa sasabihin niya. “Mas mahalaga ito para sa kapakanan ng lahat. Ayaw kong masira ang peace treaty na pinakaiingatan ng mga kalahi natin. Ayoko nang bumalik sa panahon na hinuhuli tayo. Kaya naman, kailangan mo munang ipagpaliban ang kasunduan natin. Pansamantala, Lucien, kalimutan mo muna si Virgo.”

Walang buhay siyang natawa. “Sa tingin mo, kaya ko siyang kalimutan nang ganoon-ganoon na lang?” Itinuro ni Lucien ang puso. “I can feel it, Dad. I’m changing back to my old self. You see, I bit Virgo three times yesterday and I controlled it. Hindi lumabas ang halimaw na `yon. Hindi siya nagparamdam. Kampante ako na kapag lagi kong kasama si Virgo, magiging maayos na ako—”

“Ano’ng gagawin mo kapag may mga rogue na pumasok sa bahay ni Virgo at patayin siya?”

His eyes turned bloody red.

“I thought so,” sabi ng ama niya habang nakatingin sa mga mata niya. “Alamin mo kung sino ang komokontrol sa mga rogue. Magiging madali lang `yon sa `yo. Alamin mo at talunin mo. Para sa lahat ng inosenteng tao na madadamay at para na rin kay Virgo.”

Bagsak ang balikat na hinawakan ni Lucien ang mukha. Fuck!

“Makakasama mo sina Lucan at Lucca sa misyong ito,” sabi ng ama niya.

Bumuga siya nang marahas. “Sino ang papalit sa akin bilang CEO ng Kallean Financial Firm?”

“Ibabalik ko si Leo Guano.”

“So what?” Mapakla siyang ngumiti. “I’m a rogue hunter again?”

His father nodded. “Welcome back, Lucien.”

Hindi makapaniwalang napailing-iling siya saka lumabas ng library. Nagpunta siya sa kuwarto niya. Nandoon pa rin ang mabangong halimuyak ng dugo ni Virgo.

“Fuck!” Lucien cursed as he took off his suit.

Nang mahubad ang damit, inilabas niya sa closet ang dark faded jeans, black T-shirt and his black leather jacket. Isinuot niya ang mga iyon. Sa ilalim ng closet na natatabunan ng mga damit, kinuha niya ang espada na gamit niya noon sa pagpatay sa mga rogue.

Lucien put the sword in the scabbard and strapped it on his back. Napangiti siya nang makita ang sarili sa salamin. He looked like a rogue hunter again. Just like before he met Virgo. Before Virgo destroyed him three years ago.