DREAM
VIRGO knew that she was dreaming. Alam niya, kasi nakikita niya ang sarili sa mismong lugar kung saan sila bumunggo. Nakita niya ang mga magulang na halos hindi na makilala ang mga katawan. But this time, it was different. Iba ang pangyayari na nakikita niya. She was looking at herself shrieking in terror.
“No!” sigaw ni Virgo habang nanginginig sa takot ang buong katawan. “H-hindi… Hindi puwede. Mommy? Daddy?”
Naglakad ang babae—siya—sa panaginip papunta sa mga magulang, pero hinarang ito ng lalaki na puno ng dugo ang mukha at damit na suot.
“B-bitiwan—”
“Sshh… Tumingin ka sa akin, Virgo.”
Tumingin naman siya sa lalaki. Nakita niya ang takot sa mukha niya nang makita ang pulang mga mata ng lalaki.
“H-halimaw… Halimaw!” sigaw niya saka tumakbo palayo sa lalaki na ngayon ay kitang-kita na niya ang mukha.
Pero hindi siya nakatakas. Niyakap siya ng lalaki para pigilan.
“Sshh…” Hinaplos ng lalaki ang pisngi niya. Virgo shrank away from the man’s touch.
“A-ano’ng ginawa mo sa mga magulang ko?” nanginginig ang boses na tanong niya habang walang tigil sa paghagulhol sa sobrang takot na nararamdaman.
Habang pinapanood ang sarili, naawa si Virgo. Heto siya tatlong taon ang nakararaan. Iyon ang tagpong pilit niyang kinakalimutan. Iyon ang mga memoryang laging nagbibigay ng bangungot sa kanya.
Patuloy na hinaplos ng lalaki ang pisngi niya. “Pinatay ko sila. Inilalayo ka nila sa akin. Hindi ko sila hahayaan. Nakakabaliw ang kagandahan mo. Nababaliw ako sa `yo. Ang ganda mong `yan ang nakakuha sa interes ko. Ang bango-bango mo pa. Pinatay ko lang naman ang mga magulang mo dahil sagabal sila sa mga plano ko sa `yo.”
Ngumiti ang lalaki. Halos mabuwal si Virgo sa kinatatayuan nang makita ang dalawa nitong matatalas na ngipin na sumisilip sa bibig nito.
“A-ano’ng… B-bakit mo ginawa—”
“Para magkasama tayo, Virgo.” Inilapit nito ang bibig sa bibig niya, pilit siyang hinahalikan.
Mariin niyang itinikom ang bibig. Kahit anong pilit ng lalaki, hindi niya binuksan ang bibig.
And then it happened. Virgo saw a man pull out the monster away from her. And that man was Lucien.
Hinawakan nito ang lalaki sa leeg. Bumabaon ang kuko ni Lucien sa leeg ng lalaki. Siya naman, humarap sa dalawang lalaki na naglalaban. Nakanganga lang siya habang nakatingin sa dalawa.
Lumaban ang lalaki. Nakikita niyang mas malakas ito kaysa kay Lucien. Ang mahahabang kuko ng lalaki na puno ng dugo ay bumaon din sa balikat ni Lucien.
Lucien threw the man away. But the man was fast. In the blink of an eye, he was behind her and was about to bite her neck when an invisible force hit him.
“Run!” sigaw ni Lucien. Virgo could see that his eyes were black, not like the other who had red eyes. “Tumakbo ka na!”
Bago pa siya makahakbang, nakabawi na ang lalaki. Hinawakan siya nito sa kamay. Ibabaon na sana nito ang matatalim na pangil nang biglang lumapit si Lucien at ipinasok ang kamay sa loob ng nakabukang bibig ng lalaki. Hinila ni Lucien ang lalaki palayo sa kanya.
Virgo could see blood dripping from Lucien’s hand. Pero hindi nagpapatalo ang lalaki. The man twirled in the air, grabbed Lucien’s throat and attacked him.
Napasinghap si Virgo nang makitang pati balat ni Lucien sa leeg ay nadala ng lalaki. Lucien squirmed in pain as he clutched his neck.
The man punched and kicked Lucien. Malalakas ang binibitawan nitong suntok at sipa. Lucien’s neck continued bleeding as the monster kicked and kicked him. And then, the monster dug his sharp nails on Lucien’s heart like he was carving it out. Lucien was shouting in utter pain. Nang magsawa na sa ginagawa ang lalaki, binitiwan nito si Lucien at naglakad pabalik sa kanya na napako sa kinatatayuan.
Nakita niyang napaatras siya at tatakbo sana, pero pinigilan siya ng lalaki sa baywang.
“Saan ka pupunta?” pabulong nitong tanong. “Sasama ka sa akin, Virgo. Magsasama tayo.”
Virgo was crying again. She felt hopeless. Ang tanging taong naroon—kung tao man ito—na gusto siyang ipagtanggol ay nakahiga sa semento at naliligo sa sariling dugo habang hawak ang leeg at dibdib na may malalim na sugat.
Virgo met Lucien’s eyes. They were sad. Desperate. In pain. So much fear. Worry. And he looked so sorry.
Virgo sobbed as she begged Lucien. “H-help me. P-please…” She raised her hand and tried to reach him, but couldn’t. Malayo ito sa kanya. “Tulungan mo ako. P-please? H-help me…”
Lucien looked down, avoiding Virgo’s gaze.
Wala na. Wala na siyang pag-asa. Iniharap siya ng lalaki. Hinaplos nito ang pisngi niya.
“Magsasama tayo, Virgo,” sabi ng lalaki. “Ikaw ang magiging prinsesa ko. Matutuwa ka. Pangako `yan.”
Lalo pang humaba ang pangil nito. Lumalapit na ang bibig nito sa leeg niya nang makita niyang nakatayo si Lucien sa likuran ng lalaki. He was bleeding, in pain and weak. But he still managed to stand up to try and save her.
Lucien met her gaze. “Run, Virgo. Run.”
After those words came out from Lucien’s mouth, he gripped the man’s neck then ripped open the man’s throat using his own set of sharp fangs. Virgo was horrified at the scene in front of her. Hindi lang iyon ang ginawa ni Lucien. Ibinaon din nito ang kamay sa loob ng dibdib ng lalaki. He carved out the man’s heart.
Sa harap mismo ni Virgo, nakita niya kung paano naging abo ang lalaki sa mga kamay ni Lucien.
“T-thank you,” nanginginig ang boses na sabi niya.
Lucien cupped her face as his eyes flickered into another color. From pitch black to bloodshot red. Like that monster.
“No…” Mabilis siyang napaatras. Napasinghap si Virgo nang mawala si Lucien sa harap at pumunta sa likuran niya.
Mabilis siyang humarap sa lalaki. Nagtama ang mga mata nila. Natatakot na humakbang siya palayo sa lalaki. Papalit-palit ang kulay ng mga mata nito. Itim at pula, saka itim na naman at pula na naman.
“Maaalala mo lang ang gusto kong ipaalala sa `yo,” Lucien said while groaning. Parang may nilalabanan ito na kung ano. He looked tortured. “I’ll see you again, Virgo,” pangako nito habang matiim pa rin na nakatingin sa kanya. “Promise.” Pagkasabi niyon, tuluyan nang naging pula ang kulay ng mga mata nito. “Sleep.”
As Virgo in the dream lost consciousness, she came awake, gasping for air.
Mabilis na inilibot niya mga mata sa kuwarto na kinaroroonan niya. The room was very familiar. It was Lucien’s.
Tumigil ang mga mata ni Virgo sa lalaking nakaupo sa couch na nasa paanan niya. Nakatingin ito sa labas ng sliding window. Madilim na sa labas kaya nakabukas ang lahat ng bintana sa kuwarto.
Totoo ba talaga ang napanaginipan niya? Did Lucien really save her from that vamp—monster?
Bumangon si Virgo at naupo sa gilid ng kama. Isang metro lang ang layo sa kanya ni Lucien. Alam niyang alam ng lalaki na gising na siya, pero hindi pa rin ito tumitingin sa gawi niya.
“Lucien…” sabi niya.
He looked at her. Virgo’s heart coated in fear when she saw Lucien’s eyes. They were red. Mabilis ang tibok ng puso niya habang nakikipagtitigan sa lalaki. Nilalabanan niya ang takot na nararamdaman. Pilit niyang isinisiksik sa isip na ito ang lalaking nagligtas sa kanya. Ito ang lalaking tumulong sa kanya sa pinakamalagim na gabi ng buhay niya.
“Lucien—”
“Naalala mo na?” His eyes returned back to gray. “Naalala mo na ba ako?”
Tumango si Virgo. Ang mga mata niya ay nakatitig pa rin dito. “A-ano’ng nangyari? Bakit ngayon ko lang naalala?”
“Masyadong malagim ang gabing `yon para sa `yo. You’re human. Mababaliw ka kung hindi ko tatanggalin ang ibang parte ng memorya mo lalo na at nag-iisa ka na lang sa buhay. I want to erase your memory in that whole night. Pero baka hanapin mo ang mga magulang mo. Kaya naman iniwan ko ang memoryang `yon sa `yo bilang paalala sa nangyari. Akala ko, okay na `yon. Akala ko magiging maayos ka na.” Pagak itong tumawa. “Hindi pa pala. Lagi kang takot. Pakiramdam ko, napakagago ko dahil hindi kita nakayang protektahan nang gabing iyon pati na rin ang sarili ko. I am supposed to be a rogue hunter. I kill their kind. I hunt them down. But look at me.” Natatawang idinipa nito ang dalawang braso. “I am a rogue myself. And that’s because of you.”
Is he blaming me? Ano ba ang ginawa ko? And what is a rogue?
“S-sinisisi mo ba ako?” kinakabahang tanong ni Virgo.
Mapakla itong tumawa saka tumayo mula sa pagkakaupo sa couch. Naglakad ito palapit sa kanya. Siya naman, napaatras papunta sa gitna ng kama. Ito naman, iniluhod ang kanang paa sa kama at dumukwang palapit sa kanya.
Virgo was breathing heavily in fear. She was almost panting.
“D-don’t hurt m-me…”
Lucien smiled sardonically. “Hurt you? Sa tingin mo kaya ko `yong gawin sa `yo? Virgo naman. Hindi pa ba sapat ang mga nagawa ko para mawala ang takot na nararamdaman mo para sa akin? God!” Puno ng pagsuyo nitong hinaplos ang pisngi niya. “Hindi `yon ang una nating pagkikita, alam mo ba `yon?’’
Nagtatanong ang mga mata niya kay Lucien.
“I first saw you when Leo Guano was appointed as the CEO of Kallean Financial Firm. That was two years ago before Lea’s birthday. Nagpa-party siya, `di ba? Doon kita unang nakita. Pero hindi kita nilapitan. I know who I am and I know who you are. I am a vampire and you are a human. We don’t collide. We don’t mix together. But still, I got really obsessed with you.
“Hindi ko alam kung anong mayroon ka, pero hinahanap-hanap kita. Minsan, pumupunta ako sa bahay n’yo para lang makita ka. Pero siyempre, hindi mo ako nakikita. I’m addicted to your smile. I’m addicted to your scent. I’m addicted to you. My father forbids me to see you, but hell, he can’t stop me. Matigas ang ulo ko. Kailangan kitang makita. Kailangan kong maamoy ang mabangong halimuyak ng dugo mo. Nababaliw na ako sa `yo. Kaya naman nang matikman ko ang dugo mo sa unang pagkakataon, lalo akong nabaliw. Kaya sinundan kita nang gabing `yon. That night changed me for good. I become the creature I loathed and hunted—”
“Dahil sa akin?”
“It was my choice to save you—”
“By sacrificing yourself?”
Lucien nodded. “Nang marinig ko ang pagmamakaawa mo na tulungan kita, I just lost it. I have to save you. Or I’ll die trying.”
Umangat ang kamay ni Virgo para haplusin ang pisngi ng lalaki, pero mabilis itong umiwas. Lucien was a blur. Napakabilis nitong kumilos. He was in front of her and the next thing she knew, he was already back on the couch, sitting.
“Lucien—”
“No.” He was shaking his head. “Don’t touch me. This is all a lie. You are a lie.”
Naguguluhang tumingin siya sa lalaki. “Ano ba ang pinagsasasabi mo? Hindi ako sinungaling.”
“But I am.”
Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Virgo. “Hindi kita maintindihan.”
Puno ng pagsisisi ang mga mata ni Lucien. “I’ve been manipulating you. Your feelings for me. Your emotion and desire for me were all lies. I made them up—”
“No! That’s not true!” tanggi niya. “I’m in love with you, Lucien!”
Lucien laughed sardonically. “Mahal mo ako kasi `yon ang gusto kong maramdaman mo. One of my vampire abilities is to control someone’s emotion. I’ve been controlling yours. Those need, hunger, desire, attraction and love for me was my doing. I put that in you. I let you feel them because I’m sick of watching you from a far. I’m sorry.” Lucien closed his eyes. “I’m gonna let you go now. I’ve gone too far. And gusto ko lang naman, magkagusto ka sa akin. Pero sobra-sobra ang ginawa ko.” Lumapit ito sa kanya at dumukwang para halikan siya sa mga labi. “I’m sorry. I really am. Hindi na kita kokontrolin pa, Virgo.”
Marahas siyang umiling. “No! You are not controlling me!” Virgo clung to his neck. “No, you’re not. Totoo ang nararamdaman ko para sa `yo. Kung kinokontrol mo ako, bakit kita pinatigil nang gabing `yon? Bakit naguguluhan ako? Bakit malakas ang tibok ng puso ko? What I feel for you is genuine, Lucien—”
“I control emotion, Virgo, and a part of that is your heart beating for me. But you still have a free will. Ipinaparamdam ko lang sa `yo ang gusto kong maramdaman mo. Minsan, nakakalimutan kong kinokontrol kita. Nakakalimutan kong kasinungalingan lang pala. Doon pumapasok ang mga kaguluhan at katanungan sa isip mo. At kinukuwestiyon mo lang naman ang nararamdaman mo kapag wala ako sa tabi mo. Kasi wala ako roon para imanipula ang emosyon mo. Remember, Virgo, I am a vampire and I am a conniving bastard. But this bastard loves you. I really am sorry.”
Tears escaped from her eyes. “Hindi `yon totoo.” Halos magmakaawa ang boses ni Virgo. “Mahal mo ako at mahal din kita, Lucien.”
“Those words make me ache, Virgo.” Lucien embraced her so tight. Then , he let her go. “You’re free.” He smiled sadly. “Ano ang nararamdaman mo para sa akin, ngayong hindi ko na hawak ang emosyon mo?”
Virgo went rigid. Her tears stopped falling, there was no reason to cry. Her heart stopped beating so fast. Everything was gone. Everything she felt earlier was gone. No… not everything. There was fear, anger, confusion and a very strange emotion that still clung to her heart. Something was there. May nararamdaman siya habang nakatitig sa abuhing mga mata ni Lucien. Pero hindi sapat ang nararamdaman niya para mabawasan ang galit na nararamdaman.
Pabagsak siyang naupo sa kama. Naaalala niya ang nangyari sa kanila. The kisses. The hugs. The intimate touching. Pero para na lang siyang nanonood ng isang pelikula na siya ang bida.
“Wala na ba?” tanong ulit ni Lucien.
Virgo gritted her teeth as anger spread through every fiber of her being. Pinaglaruan siya nito. Minanipula para ano? Akala niya totoo. Isang huwad na pag-ibig pala ang naramdaman niya.
Galit siyang umalis sa kama at pinagsasampal si Lucien. Wala siyang pakialam kung pula man ang mga mata nito. Wala siyang pakialam kung kaya siya nitong patayin. Wala. Pinagbabayo niya ang dibdib ng lalaki hanggang sa nanakit na ang kanyang mga kamay.
Virgo was crying and cursing him for manipulating her emotion. For controlling. For lying to her. And for God knows what he’d done to her. After punching his chest multiple times, she ran.
VIXOR tilted his head when he saw Virgo running away from Kallean’s Mansion. Kanina pa niya inaabangan ang paglabas nito. Salamat naman at hindi nakabuntot sa babae si Lucien. He knew about Lucien and his rogue side. He was like him. But a bit different. Lucien had conscience. He can control himself because of the ancient tattoo on their back. But him? He can control himself, but he and conscience were stranger to each other.
Mabilis ang sunod niyang naging kilos. Vixor ran after her with the speed of lightning. At nang maabutan niya ang babae, hindi niya hinayaang makalayo pa sa kanya si Virgo.
Ipinilig niya ang ulo nang maamoy ang mabangong halimuyak ng dugo nito. Her scent as a woman invaded his nostril, awakening the beast inside him. His fangs lengthened and he was salivating.
Not yet…
Vixor encircled his arms around her waist from behind, making her gape in shock. And then, he whispered in her ear. “Sleep, omorfos . You are coming with me.”