LUCIEN’S HEARTACHE
HINDI mapakali si Lucien simula nang ibalita ni Lashka na nakita nito si Virgo sa mismong bahay ng mga Simonides. He badly wanted to ask Vixor or even Vixen, the princess. But he couldn’t. Masyadong abala ang dalawa sa mga bisita.
Lucien kept on walking back and forth. Hindi siya mapakali habang nasa isip si Virgo. He wanted to see her, hold her, touch her and kiss her.
“Lucien, let’s go,” sabi ng kanyang ama. “Nagpaalam na ako sa mag-asawang Simonides. Puwede na tayong umuwi.”
Walang imik na sumunod si Lucien sa ama na naglalakad palabas sa grand hall. Bago makalabas ng hall, sa huling pagkakataon, tumingin siya kay Vixor. He was looking at him, too, with a smirk on his face.
Itinaas nito ang hawak na baso na may lamang pulang likido. Then he mouthed , “Cheers.”
Kinunutan niya ito ng noo saka siya lumabas ng hall.
“I saw Virgo, Dad,” pagkukuwento ni Lashka habang nasa sasakya sila pauwi sa bahay nila.
His father’s eyes automatically darted at him. “Do you know this?”
Si Lashka ang sumagot para sa kanya.
“Yes. Sinabihan ko agad si Kuya.” And then , Lashka became uneasy. “There’s something though.”
Agad siyang nakaramdam ng pangamba para kay Virgo. “What?”
Tumingin muna sa kanya si Lashka. Para bang hindi nito gustong sabihin iyon. “She drank blood from the bottle.” Napailing-iling ito na para bang hindi makapaniwala sa sariling sinasabi. “Sa harap ko siya mismo uminom ng dugo and she felt off. She felt like a…” Tumikhim ito. “Vampire.”
Nagtagis ang mga bagang ni Lucien. “No!” He pounded his fist on the car door. “Hindi siya puwedeng maging bampira. You must be mistaken—”
“Kuya, I know what I saw,” sabi ni Lashka sa mababang boses. “Sana nga hindi totoo ang nakita ko. Pero `yon nga `yon, eh. Virgo is alive and she’s now a vampire—”
“No.” His heart was contracting in pain. “Hindi siya puwedeng maging katulad ko. Hindi… Hindi puwede. She can’t be like us. She’s too good to be a vampire. God, no, please?” Inihilamos ni Lucien ang kamay sa mukha at bumuga nang marahas.
Nang makarating sila sa bahay, nauna siyang lumabas sa sasakyan at mabilis na nagpunta sa basement kung saan niya kinakadenahan ang sarili kapag galit at hindi na kayang kontrolin pa ang halimaw sa loob niya.
HINAPLOS ni Virgo ang larawan ng mga magulang na naka-display sa sala ng bahay nila. She picked the picture frame up and went to her room. It still looked the same. Maliban sa alikabok na nakikita niya, walang nagbago sa bahay na kanyang iniwan. Then, her eyes settled on the balcony. Nakabukas iyon.
Bigla siyang kinabahan pagkatapos ay mahinang tumawa. Bakit ba siya natatakot? She was one of them now. She was now a vampire. Wala nang makakapanakit sa kanya.
Lumabas si Virgo sa terasa at tumingin sa bilog na buwan. Napaigtad siya at babalian na sana niya ng buto ang pangahas na estrangherong yumakap mula sa likuran niya nang marinig ang boses ni Vixor.
“You okay?” He put his chin over her shoulder. “I ditched the party.”
Napailing-iling si Virgo. “Nag-alala ka sa akin, `no?”
He sighed. “Nakita ko si Lucien, eh. Baka bigla ka na lang tumakbo pabalik sa kanya at kalimutan ako.”
Virgo rolled her eyes and faced Vixor. Ipinalibot niya ang mga braso sa leeg nito at hinalikan ito sa pisngi. “Vixor…” Ngumiti siya. “I’m here and not with Lucien. Stop worrying.”
He nodded and smiled. “Okay.”
Inihilig niya ang ulo sa balikat ng lalaki. “Ano’ng gagawin ko ngayong nandito na ako? Hindi ko alam kung paano magsisimula uli. I miss my cousin and my uncle. I want to work or do something worth my while.”
Kumunot ang noo ni Vixor na para bang nag-iisip. Mayamaya, ngumiti ito. “Puwede kang magtrabaho sa Simonides Corporation. I’m sure Dad will hire you.”
Malapad siyang napangiti. “Talaga? Great! Thank you.” Niyakap niya ang lalaki. “Salamat, Vixor.”
“No problem.”
Mahigpit niya itong niyakap. Sabay silang lumabas sa bahay. Dala-dala ni Virgo ang picture frame kung saan may larawan ang mga magulang niya.
They went home to Simonides mansion. Kahit tuloy-tuloy pa rin ang party, hindi sila naki-party. Pumasok sila sa kuwarto nila at magkatabing nahiga sa kama, saka natulog nang mahimbing.
Vixor was indeed the closest thing she had for a knight.
TULAD nga ng sinabi ni Vixor, agad na pumayag si Tito Vently na magtrabaho siya sa kompanya ng mga ito. He remained in the house doing some errands while she worked as Tito Vently’s secretary.
Maayos siyang nagtrabaho. Lumipas ang isang linggo na walang masyadong nangyari. Bahay-trabaho ang routine ni Virgo. Saka na niya haharapin ang pinsan at uncle niya kapag may lakas na siya ng loob at kung may maisip na siyang paliwanag kung bakit nawala siya nang dalawang taon.
“Virgo,” tawag ni Tito Vlad. May inilapag ito ng folder sa mesa niya. “I want you to bring this personally to Mr. Leo Guano, the CEO of Kallean Financial Firm. It’s urgent.” Pagkasabi niyon, bumalik na ito sa conference hall kung saan may ka-meeting ito sa loob.
Napatitig si Virgo sa folder na nasa ibabaw ng mesa niya.
Si Tito Leo…
Humugot siya ng malalim na hininga saka kinuha ang folder. Bahala na. Siguro nga oras na para magkita sila ng uncle niya.
Nang makababa sa parking lot ng gusali, hinanap ni Virgo ang sasakyan na ibinigay sa kanya ni Tita Alleyah. A Bentley. Nang makita ang sasakyan, agad siyang sumakay at pinatakbo iyon papunta sa Kallean Financial Firm. Malakas ang kabog ng dibdib niya kaya pilit niyang pinapakalma ang puso.
Nang makarating si Virgo sa destinasyon, agad siyang pumasok at nagpunta sa opisina ng CEO. Nilapitan niya ang sekretarya ng tito niya.
“I’m Vently Simonides’ secretary. I’m here to give this file to Mr. Leo Guano.”
Agad namang pinindot ng sekretarya ang intercom at inimporma ang tito niya.
“Papasukin mo,” sabi ng tito niya mula sa intercom.
The secretary smiled at her. “You may enter.”
Virgo smiled back and went to open the CEO’s office. Pinihit niya ang doorknob at dahan-dahang itinulak ang pinto. Then , she stilled. Her eyes met those familiar red ones again.
Lucien…
“SIR, MR. Simonides’ secretary is here. She said she has a file to give to you,” sabi ng sekretarya ni Mr. Guano sa intercom.
Leo gave his brother a “forgive me” look before speaking into the intercom. “Papasukin mo.” Bumaling ito sa kanila ni Lucan. “This won’t take long.”
Lucien froze when he smelled Virgo’s scent. Hindi siya puwedeng magkamali. Then , the door opened, showing the woman behind his beating heart.
“Virgo…”
She looked at him like he was nothing. Walang emosyon ang mga mata ng babae. Hindi lang siya ang nagulat kundi silang tatlo na nasa loob ng opisina.
Virgo walked with her head held high and dropped the folder on Guano’s table.
“Hello, Tito,” sabi ni Virgo saka ngumiti. “It’s nice to see you again.”
Leo was just gaping at Virgo. Shock was written all over his face. Si Lucien naman, titig na titig lang sa babae. Pakiramdam niya, sasabog ang puso niya sa sobrang saya. Sa wakas, nakita na niya ito.
“Virgo…”
Binalingan siya nito at nginitian. Her fangs were showing between her lucious lips. “Hey, Lucien.”
Napatitig siya sa mga pangil na sumisilip sa mga labi nito. So, it’s true. What Lashka said was all true. Virgo was now a vampire.
“W-who turned you?” Parang may nakaharang sa lalamunan niya habang nagtatanong.
“None of your concern, Lucien.” Inirapan siya ng babae. Humakbang ito palabas ng opisina.
But Lucien wouldn’t let her escape this time. He moved fast. Nang makalabas ang babae sa opisina at makapasok sa elevator, mabilis siyang sumakay sa elevator at pinindot ang close button. Then , he faced Virgo who was casually leaning on the elevator wall.
Lucien stared at the woman he had missed for two years. “Where have you been?”
Virgo shrugged. “Sicily and then Russia.”
“With whom?”
Nagkibit-balikat ulit ang babae. “Again, it’s none of your concern.”
Lucien gritted his teeth. “None of my concern?” Mapait siyang ngumiti. “I looked for you, Virgo. Para akong nababaliw sa kakahanap sa `yo, `tapos sasabihin mo `yan?”
Tumayo nang tuwid si Virgo at tiningnan siya nang masama. Napaatras siya nang biglang mag-iba ang kulay ng mga mata nito. Her beautiful eyes were no longer brown, they were red. Fuck!
“Shit!” Lucien murmured and stared at Virgo’s red eyes. “What the hell happened to you?”
She smiled sardonically. “Why? Did I shock you?” Inisang hakbang nito ang pagitan nila. Hinaplos nito ang pisngi niya. “You know what, Lucien? Wala kang karapatang magtanong kasi niloko mo ako. Bakit? Sinabihan ba kitang hanapin ako?” Virgo leaned in to his neck and inhaled. “Damn! You smell good.”
Lucien stilled. That was his line before.
He took a deep breath. “I miss you, Virgo,” lakas-loob niyang sabi.
Virgo chuckled coldly. “I didn’t miss you. At all.” Itinulak siya nito. Tamang-tama naman na bumukas ang elevator. Lumabas na ito.
Mabilis niyang sinundan si Virgo. Napatigil siya sa paglalakad nang makitang may sumalubong na lalaki rito. And it was none other than Vixor. His heart tightened inside chest. Napatitig na lang siya sa dalawa na magkahawak-kamay na lumabas ng gusali.
Mapait siyang napangiti. “Bakit hindi mo rin ako mahal, Virgo?”
Iyon ang gusto niyang itanong kanina, pero naduwag siyang marinig ang sagot ng babae. But now, as he looked at Virgo and Vixor, he got the answer to his question. Hindi naman talaga siya minahal ni Virgo. It was all a lie. And it hurt. Pinaniwala lang niya ang sarili sa sariling kasinungalingan. What a joke.
But his heart still hoped that Virgo will look back at him and smile. Pero hindi nga siya nito nilingon. At iyon ang masakit. Umasa siya.