MEMORY
NAGISING si Virgo na parang may mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan niya. Nang tingnan niya kung ano iyon, nakita niya ang isang braso. She quickly looked at her side. Nang makita si Lucien, nakahinga siya nang maluwang. Akala niya kung sino.
Napatingin sa Virgo sa terasa. Nilukob na naman ng takot ang puso niya. Pero nang maalalang nasa tabi niya si Lucien, nakaramdam siya ng tapang.
Speaking of which, kilala ng lalaking iyon si Lucien.
Napatitig si Virgo sa maamong mukha ng lalaki na mahimbing na natutulog. Hindi raw siya mapoprotektahan kahit na ni Lucien.
Ano ang ibig sabihin niyon? Bakit kilala ng lalaking iyon si Lucien?
Huminga siya nang malalim at naglakad palapit sa pinto ng terasa na natatakpan ng malaking kurtina. Humugot muna siya ng malalim na hininga saka mabilis na binuksan ang kurtina. Sunshine greeted her.
“Fuck!” Lucien’s voice cursed.
Mabilis niyang nilingon ang lalaki. Napakunot ang noo ni Virgo nang makitang nasa sulok ito ng kuwarto na hindi natatamaan ng araw at ginagawang panangga sa liwanag ang kumot niya.
“Ano ba’ng ginagawa mo?” nagtatakang tanong niya sa lalaki na parang gustong patayin ang araw.
“Close that fucking curtain, Virgo!” he shouted.
“What?” Her frown deepened. “Ano ba’ng problema mo?”
“Close the curtain. I’m allergic to the sun. Damn it!” sabi ni Lucien na ikinataas ng kilay niya.
“Allergic to what? Sun? Nagbibiro ka ba?”
“Just close it. Damn it!”
Nakikita ni Virgo na talagang natatakot ito na masilayan ng haring araw ang balat nito kaya isinara niya ang kurtina at naglakad pabalik sa kama.
“Allergic ka sa araw?” ulit niya na parang napapantastikuhan.
Lucien went back to bed and lay there again. “Yes, I am.”
“Kaya laging madilim sa opisina mo noon?” tanong ulit niya.
“Oo. `Yon ang dahilan.” Dumapa si Lucien sa kama at ipinikit ang mga mata. “I’m sleepy. Magmamadaling-araw na ako nakatulog kagabi.”
Tumabi siya ng higa rito. “Bakit naman?”
“Binantayan kita,” sagot nito na nakapikit pa rin.
Her heart warmed. Parang may humaplos sa puso ni Virgo. Binantayan siya nito kagabi? How sweet. Pero paano ito nakapasok? Nasisiguro niyang naka-lock ang pinto. Baka hindi niya nai-lock ang pinto ng terrace sa sobrang takot kagabi. Mabuti na lang at bumalik si Lucien at sinamahan siya.
Hinaplos niya ang buhok ng lalaki saka tipid na ngumiti. She couldn’t help but to fall for this man. Nakakatakot ang isiping mahulog kay Lucien Kallean. Pero mapipigilan ba niya ang sariling damdamin? Mapipigilan ba niyang hindi tumibok ang puso para sa lalaki?
Napailing-iling si Virgo sa tinatakbo ng isip. Kaya para hindi siya lalong mag-isip ng kung ano-ano tungkol sa nararamdaman kay Lucien, lumabas siya sa kuwarto at nagpunta sa kusina. Hindi siya natatakot kasi umaga naman.
Nagluto si Virgo ng agahan nila ni Lucien. Ipinagtimpla rin niya ng kape ang lalaki. Inilagay niya ang tuna sandwich, bacon, omelet, pancakes, kape ni Lucien at hot chocolate niya sa tray at bumalik sa kuwarto.
He was still sleeping. So , she put the tray on the bedside table. Kating-kati siyang buksan ang mga kurtina sa kuwarto para lumiwanag, pero naisip niya si Lucien. Baka bigla na naman itong magising.
Virgo really thought he was asleep, so when he spoke, she jolted in shock.
“Is that breakfast?” Lucien asked in a sexy sleepy voice, his eyes still close.
“Yes.”
His eyes slightly cracked opened and looked at her. “Ipinagluto mo ako ng agahan?”
Tumango si Virgo.
Biglang bumangon ang lalaki na ikinagulat niya. Ang bilis ng kilos nito na halos hindi na makita ng mga mata niya.
Masayang kumakain si Lucien habang nakatalikod sa kanya. Wala itong suot na pang-itaas kaya nasilayan na naman niya ang nakakaakit nitong tattoo.
Virgo trailed her finger on his tribal tattoo. Naramdaman niyang natigilan si Lucien bago uli ipinagpatuloy ang pagkain.
“Parang gustong-gusto mo ang tattoo ko,” sabi nito. “Why?”
“It’s cool,” simpleng sagot niya. “Ang ganda. Nakakahalinang pagmasdan.”
Mapaklang tumawa ang lalaki. “Alam mo ba kung ano’ng halaga ng tattoo na `yan?”
“Ano?” tanong niya habang abala pa rin ang mga daliri sa tattoo nito.
“That tattoo is made to conceal the beast inside of me.”
Napatigil si Virgo sa ginagawa at napatingin sa lalaki na nakatalikod. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
Humarap si Lucien at hinawakan ang dalawa niyang kamay. “Virgo, something lives inside of me. A monster. At ang tattoo na `yan ang isa sa mga pumipigil sa halimaw na `yon na kumawala at manakit ng tao. Inilagay `yan ni Daddy para hindi na siya lumabas. But from time to time, I can feel it. Nagiging okay lang naman ako kapag nasa malapit ka o kapag nahahawakan kita at nayayakap.”
Her face saddened. It was a metaphor. Alam niyang hindi literal na halimaw ang itinatago ni Lucien sa loob. Maybe an attitude problem? Pero parang wala naman itong halimaw na itinatago. The Lucien she came to know was sweet, hot, sexy and sometimes , intense. Lalo na kapag magkalapat ang mga labi nila.
Virgo softly cupped his face. “Ano bang klaseng halimaw ang mayroon ka?” She smiled. “Tell me at nang mapatay natin ang halimaw na `yan.”
Napailing-iling si Lucien saka bumuga nang marahas. “You are not taking me seriously, Virgo. I am fucking serious. There is a monster inside of me that wants to come out to own and claim you.”
Virgo sighed. “What kind of monster?” tanong niya. “Hindi kita maintindihan, eh.”
Nagbaba ng tingin si Lucien. “Wala. Basta ayoko lang na dumating ang panahon na tumakbo ka dahil nalaman mo ang tunay na ako.”
“Ano ba ang tunay na ikaw, Lucien?” naguguluhang tanong niya. “Hindi ba katotohanan ang ipinapakita mo sa akin ngayon?”
He ran his finger through his already messy hair. “You can’t take the truth. Matatakot ka at iiwan mo ako.”
Virgo scoffed. “I can’t take the truth? Matatakot ako at iiwan ka? Lucien, tatlong taon na akong nabubuhay sa takot. Mula nang mamatay ang mga magulang ko, halos gabi-gabi, hindi ako mapakali. Takot akong lumabas ng bahay. I took pills just so I could have a good night sleep. I have anxiety attacks. Tumigil lang `yon nang makilala kita. Kaya please, kung balak mo akong lokohin o paglaruan, spare me. I’ve been through hell already. Huwag mo nang dagdagan pa.”
Hinawi ni Lucien ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha niya. “Virgo, I know what you’ve been through—”
“No, you don’t.”
“Yes, I do.” Lucien looked deep into her eyes. “Kasi nandoon ako nang mamatay ang mga magulang mo. After that incident in the bathroom in Leo Guano’s house, I saw you leaving. Sinundan ko kayo. And I witnessed it all. Kaya alam ko kung ano’ng pinagdaanan mo.”
Virgo was confused, bothered and stunned at the same time. Lucien was there… that night.
She was breathing heavily. “Nandoon ka? Why didn’t you call the police—”
“Alam kong alam mo na hindi kayang hawakan ng mga police ang nangyari sa mga magulang mo. So , I took the matter in my own hand. Hindi ko nailigtas ang mga magulang mo. Pero ikaw, nagawa pa kitang iligtas mula sa lalaking `yon. I pulled him away from you and then, shit happened.” Lucien cupped her face with his palm and caressed her cheek. “I made you forget, Virgo. I made you forget that night. And I want you… to remember it now.”
His eyes changed colors. Virgo felt like something hit her head. Hard.
Hinawakan niya ang ulo na parang minamartilyo sa sakit. Blurred pictures were flashing through her mind. The memories of the night her parents died. But no, hindi. Imposible. Alam niyang nahimatay siya pagkatapos mawala ng lalaking iyon. Pagkatapos, nagising siya sa ospital. Pero ano itong mga memorya na pumapasok sa isip niya? Hindi niya maipaliwanag.
And then, the blurry pictures got clearer. Virgo saw Lucien’s face covered in blood. He was holding that guy’s ripped-open throat. Hindi siya puwedeng magkamali. Si Lucien ang lalaking nakikita niya. He was biting… no, attacking the man’s throat. Ripping it open. Mutilating him. Walang ipinagbago sa mukha nito. Wala. Ito pa rin ang Lucien na nakilala niya. Nothing changed. But his eyes, they were not gray anymore. They were red. Just like that monster that killed her parents.
Virgo flinched when the memory bounced back and disappeared. Mabilis siyang nagmulat ng mga mata. Sumalubong sa paningin niya ang pulang mga mata ni Lucien na matiim na nakatingin sa kanya.
“You…” Virgo started trembling in fear. Hindi siya makagalaw sa kinauupuan.
Lucien smiled sadly. His sharp fangs were peeking between his lips. “Yes. Me. Can you take me, Virgo?”
She didn’t answer him. She didn’t speak. Ginawa niya ang isang bagay na gusto niyang gawin nang mga sandaling iyon. Tumakbo siya palabas ng kuwarto. Pero bago pa niya mabuksan ang pinto, narinig niya ang pamilyar na baritonong boses ni Lucien. Ang kaparehong boses ng lalaki na nagpatulog sa kanya tatlong taon na ang nakakaraan.
“Sleep.”
AGAD na nakita ni Lucien ang madilim na mukha ng ama nang makitang buhat niya si Virgo sa mga bisig habang papasok sa bahay nila.
“I let her remember,” sabi niya nang nasa sala na siya.
Tinitigan nito ang mukha ng babae na nasa bisig niya. “So, ano na? Natanggap ka ba?”
“She ran.”
“They all do,” sabi ng ama niya. Hinawakan nito ang noo ni Virgo. “I can feel it. The block you made in her mind, so she won’t remember that night, is fading away. Fast. Baka bukas, pagkagising niya, naaalala na niya lahat ng nangyari noong gabing `yon na itinago mo sa isip niya.” He gave him a questioning look. “Want me to strengthen the block?”
Umiling si Lucien. “Huwag na. Hayaan mo siyang makaalala. I want her to remember me. Nahihirapan na akong itago ang tunay na ako.”
His father nodded. “Kung `yan ang gusto mo, irerespeto ko. Pero sana hinintay mo munang magkaisa ang katawan n’yo at sambitin ang ritwal na salita na magbubuklod sa inyong dalawa para tumakbo man siya, wala na siyang kawala sa `yo.”
“Ayoko na siyang lokohin pa, Dad.” His eyes saddened. “Ayoko nang manipulahin siya. Ayokong pati emosyon niya, pinakikialaman ko. Pagkagising ni Virgo, magpapaliwanag ako. I’ll come out clean. Pati ang mga pagmamanipula ko, ipagtatapat ko.”
Bumuntong-hininga ang ama niya. “Good luck with that. Siguradong iiwan ka niya.” Tinaasan siya nito ng dalawang kilay. “Handa ka na ba?”
Lucien shook his head. “Hindi.”
“Maghanda ka na.” Tinapik nito ang balikat niya saka naunang umakyat sa hagdan.
Lucien followed his father into the staircase. Nang makarating sa taas ng hagdan, naglakad siya papunta sa kanyang kuwarto. Inihiga niya si Virgo sa kama.
Pinakatitigan niya ang babae. His heart was tightening inside his chest. When those beautiful eyes of hers opened, he was doomed. Mangyayari na ang kinatatakutan niya. Pero tama na ang pagtatago. Tama na ang kasinungalingan. Ayaw na niya. Kung mamahalin siya ni Virgo, gusto niya, iyong kusa nitong mararamdaman. Hindi dahil iyon ang gusto niyang maramdaman ng babae.
Hinubad ni Lucien ang pang-itaas na damit at itinapon sa sahig. Ang sinunod naman niyang hubarin ay ang pantalon at sapatos na suot. Then , he lay beside Virgo and hugged her so tight. Iyon ang huling pagkakataon na mayayakap niya nang ganito ang babae. Bukas, kahit hindi pa nangyayari, alam na niya ang magiging reaksiyon nito. And it scared him.
Nang maramdaman ni Lucien na may tao sa labas ng kuwarto niya, umalis siya sa pagkakahiga sa kama at lumabas ng kuwarto. Lucan was there. Still in his hunting uniform.
“That was an idiotic move, little brother,” Lucan scolded him. “Bakit mo hinayaan na maalala niya ang lahat?”
“Karapatan niyang malaman `yon.” He sighed. “Nalaman mo ba kung sino ang nakita niya kagabi?”
“Yes.”
Lucien gritted his teeth. “Is he a rogue?”
“Kinda,” Lucan said with a shrug. “He is like you, Lucien. Red eyes with a tattoo on his back to conceal the beast. Parang hindi ka pala nag-iisa tulad ng akala natin.”
His mouth was agape. “Ano’ng pangalan niya?” Gusto niyang malaman ang pangalan ng lalaking gustong manakit kay Virgo. “I will tear him to pieces if he ever hurts Virgo,” he said in a menacing voice.
Lucan shook his head. “No. Hindi mo siya puwedeng galawin, Lucien.” His eyes held disapproval. “His family is one of the respected and feared covens. So back off, little brother.”
“Ganoon din naman ang pamilya natin. Nirerespeto at kinatatakutan din naman tayo, ah. Sino siya para matakot tayo nang ganoon-ganoon na lang?” galit niyang tanong.
“He is Vixor Mikhael Simonides, the prince of the Royal Coven of Simonides.”