UNEXPECTED VISITOR
WALANG imik si Virgo habang nag-aagahan kasama ang pamilya ni Vixor. Katabi niya ang lalaki na wala ring imik na kumakain. After their uneventful breakfast, Vixor drove her to the office.
“Baka hindi ako makauwi mamayang gabi,” sabi nito nang itigil ang sasakyan sa labas ng kompanya. “May pupuntahan ako.”
Virgo got suspicious. “Saan ka pupunta?”
Napatitig sa kanya si Vixor. Halatang nagulat ang lalaki. Hindi naman kasi siya nagtatanong kung saan ito pumupunta kapag nawawala, eh.
“Ahm…” Tumikhim ito. “I have a personal matter to handle.”
Tumango-tango siya. “Okay. Ingat ka.”
Vixor smiled and kissed her on the cheeks. “Ingat ka rin.”
Nang makalabas ng sasakyan ni Vixor, agad iyong pinatakbo nang mabilis ng lalaki.
Sa halip na pumasok sa opisina si Virgo, ibang daan ang pinuntahan niya. Kagabi, nakapag-isip na siya. Hindi niya aasahan si Vixor. Kapamilya pa rin nito ang gustong manggamit sa kanya para saktan si Lucien. Ayaw niyang mamili si Vixor kung siya o ang pamilya nito ang poprotektahan. That would be unfair for him.
Virgo already decided. Wala siyang ibang mapupuntahan.
Madali siyang nakarating sa destinasyon. Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga bago kumatok sa pinto ng mansiyon ng mga Kallean. Minutes later, the door opened, showing the head of the house.
“Good morning. Nandito ba si Lucien?” agad na tanong niya.
Umiling ang lalaki. “Kahapong takip-silim pa siya umalis. May inaasikaso. Bakit?”
Bumagsak ang mga balikat ni Virgo. “Ganoon ho ba? Sige, babalik na lang ho ako.”
“No. You can stay and wait for him,” sabi ng ama ni Lucien. “Doon ka sa kuwarto niya maghintay.”
Kinagat ni Virgo ang pang-ibabang labi at lakas-loob na pumasok sa mansiyon ng mga Kallean.
“Wala namang nagbago sa bahay namin,” sabi nito habang nakangiti. “Pumunta ka na lang sa kuwarto ni Lucien. Alam kong naalala mo pa kung nasaan `yon.”
Namula ang mga pisngi niya sa sinabi ng ama ni Lucien.
“Virgo, huwag kang mahiya sa akin,” sabi ulit nito. “I can read your mind. So , there’s nothing to hide.”
Nanlaki ang mga mata niya. “W-what?”
“Nababasa ko ang laman ng isip mo,” sabi nito. “At tama ka. Kailangan nga `yang malaman ni Lucien. At oo, welcome kang tumira dito sa mansiyon namin.”
Umawang ang mga labi ni Virgo. Sinagot nito ang lahat ng mga katanungan ng isip niya. She had to block him from her mind—
“Don’t bother.” Lucien’s father smiled. “You can’t block me. Tanging miyembro lang ng royal family ang kayang itago ang laman ng mga isip nila.”
Walang imik na tumungo lang si Virgo.
“Sige na. Go to Lucien’s room,” sabi nito. “Pahahatiran na lang kita ng pagkain mamaya.”
Mas mabilis pa sa kidlat na sinunod ni Virgo ang sinabi ng lalaki. Nang makapasok sa kuwarto ni Lucien, kumportable siyang nahiga sa kama saka ipinikit ang mga mata. Virgo felt like the bed was made for her. Napakasarap kasi niyon higaan. Naamoy rin niya ang natural na panlalaking amoy ni Lucien. And somehow , it made her feel comfortable.
Pinilit ni Virgo ang sarili na makatulog. She needed to rest. Hindi siya nakatulog kagabi sa pangambang habang tulog, baka pag-eksperimentuhan din siya ng ina ni Vixor. Matatagalan pa naman daw si Lucien kaya matutulog muna siya.
WALA sa mood na umuwi si Lucien sa bahay nila. Masakit sa ulo ang inasikaso niya buong araw at buong magdamag. Hindi lang masakit sa ulo, nakakairita pa ang kausap niya. Gusto niya itong gilitan ng leeg. Isang araw din siyang nawala. Umuwi lang siya ngayon kasi sisilip na ang araw sa kalangitan.
“Lucien?”
Napatigil siya sa pag-akyat sa hagdan nang marinig ang boses ng nakakatanda niyang kapatid.
Hinarap niya si Lucan. “Yeah?”
Iniabot nito ang dalang tray na puno ng pagkain.
“Here. Dalhin mo `yan sa kuwarto mo,” sabi ni Lucan.
“What? Why?” naguguluhan niyang tanong. “Hindi naman ako nagugutom—”
“Just bring that to your room,” sabi nito saka siya iniwang naguguluhan sa ibaba ng hagdan.
Aakyat na sana si Lucien sa hagdan nang marinig ang boses ni Lashka.
“Kuya!” pahabol nitong sigaw. “Wait up.”
Humarap siya sa kapatid. “What?”
May masayang ngiti ito sa mga labi habang inilalagay sa tray ang isang bote ng dugo at dalawang basong champagne glass na walang laman.
“Enjoy,” nakangiting sabi nito bago siya iniwan.
Naguguluhang umakyat si Lucien sa hagdan. His siblings were acting different. Ano kaya ang mayroon?
Nang makarating sa pinto ng kuwarto, natigilan siya. Lucien could smell Virgo’s scent inside his room. Napailing-iling na lang siya. Napakalikot talaga ng imahinasyon niya. Pati ang kanyang pang-amoy, dinadaya siya. Napakaimposible namang nandoon sa loob si Virgo. Nasisiguro niyang kasama ito ngayon ni Vixor. Magkasama ang dalawa sa kama at masayang nagkukuwentuhan.
His heart tightened inside his chest.
Gamit ang isang kamay, binuksan ni Lucien ang pinto ng kuwarto. Nanigas siya sa kinatatayuan nang makita si Virgo na nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog.
Nang makabawi sa gulat, marahas niyang ipinilig ang ulo. Imahinasyon niya lang ito. Ano naman ang ginagawa ni Virgo sa kuwarto niya?
Hindi pa rin siya pumapasok sa loob ng kuwarto. Nakapako pa rin siya sa labas ng pinto habang nakatingin kay Virgo. And then seconds later, she moved in her sleep. Slowly, her eyes opened. Agad itong bumangon at humarap sa kanya habang kinukusot ang mga mata.
Virgo yawned. “Hey.”
“H-hey,” nauutal na sagot niya.
She stretched her arm and yawned again. “Nandito ka na pala.” Umalis ito sa kama at naglakad palapit saka kinuha ang tray na hawak at inilapag iyon sa bedside table.
“Damn! I’m hungry,” sabi ng babae. “Nahiya akong makisalong kumain sa pamilya mo.” Nag-umpisa nang kumain si Virgo.
Lucien just stared at the woman in shell shock. “W-what are you doing here?” Sa wakas, nakabawi rin siya sa pagkabigla.
Uminom muna si Virgo ng dugo na isinalin nito sa champagne glass bago sumagot at humarap sa kanya. “Can I stay here?” tanong nito na ikinalaki ng mga mata niya. “Hindi ako uuwi sa bahay ko kasi mag-isa lang ako roon, walang kasama. At tama ka, natatakot ako. I don’t want to stay in Simonides mansion either. I know why Vixor’s parents are nice to me. Gusto nila akong gamitin. Ayoko. They want to hurt you through me. And I don’t want that.” Kinagat nito ang pang-ibabang labi. “So, can I stay here? Wala na kasi akong pupuntahang iba, eh.”
Humugot siya ng malalim na hininga. “You can stay. Ipapahanda ko lang ang isang kuwarto para doon ka matulog.” Tinalikuran niya ito at lalabas na sana ng kuwarto nang magsalita ang babae.
“Gusto ko dito sa kuwarto mo,” sabi nito na ikinalakas ng tibok ng puso niya. Mabilis siyang humarap sa babae. “Nightmares always plague my sleep. I can’t sleep alone.” Itinuro ni Virgo ang ilalim ng mga matang nangingitim. “See? I can sleep in just a short period of time and hello nightmares.”
“Magkatabi tayong matutulog?”
Virgo nodded. “Oo. May masama ba roon?”
Umiling siya. “W-wala naman.”
Isinara ni Lucien ang pinto at inalis ang espadang naka-strap sa likod niya. Pagkatapos, hinubad niya ang leather jacket na suot at ang itim na T-shirt. Then , he went under the shower.
HALOS mabulunan si Virgo nang lumabas ng banyo si Lucien na walang suot maliban sa boxers. Droplets of water were cascading down his neck and spine, down to his shoulder blade. And for some unfathomable reason, biglang lumabas ang mga pangil niya.
Mabilis niyang itinikom ang bibig at nag-iwas ng tingin. Thankfully, her fangs receded. Oh, God!
Walang imik na lumapit sa kama si Lucien at nahiga na tanging boxers lang ang suot. Good heavens! Dapat tinanggap na lang niya ang isa pang kuwarto na inaalok nito kanina. Pero hindi talaga siya nakakatulog kapag walang kasama. Lagi kasi siyang nananaginip ng masama.
“Mauna na akong matulog,” sabi ni Lucien. “May lakad pa ako mamayang gabi.”
“Okay.”
Pagkalipas ng ilang minuto na hindi ito nagsalita, tiningnan ni Virgo ang lalaking nakahiga sa tabi niya. His back was on her. She could see his tattoo. May ganoong tattoo rin si Vixor. Pero hindi naman niya iyon gustong hawakan katulad ng gusto niyang gawin ngayon.
Virgo didn’t stop herself. She touched Lucien’s intricate tattoo. Napakagat-labi siya nang maramdamang lumabas na naman ang mga pangil niya. They were peeking between her lips.
“You’re giving me a hard-on, Virgo.” Biglang nagsalita si Lucien na ikinagulat niya. “Stop touching my back if you don’t want me to pin you on this bed and make love to you all night. I promise, you will not be able to walk tomorrow.”
Nag-init ang mga pisngi ni Virgo sa narinig. Pero ang kamay niya, panay pa rin ang haplos sa likod ni Lucien. That intricate tribal tattoo of his really captivated her. Mula noon hanggang ngayon, walang ipinagbago.
“Virgo…” Lucien’s voice was dark and dangerous. “I’m warning you. Stop touching me.”
She pulled away her hand. But seconds later, her fingers went back to touching Lucien’s tattoo again.
What happened next stunned her.
Lucien gripped her hand then pulled her towards his almost naked body. Nang nakakubabaw na siya sa lalaki, he rolled her over, pinning her on the bed while he was now on top of her.
“Lucien!” she gasped.
“I warned you, Virgo.” Matiim ang mga titig nito. “Hindi ganoon kahaba ang pasensiya ko. I warned you, you didn’t listen. So , here we are.” A small smirk made its way to his sexy lips. “What to do next?”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Baka nakakalimutan mo, Lucien, I’m not human anymore.”
In the blink of an eye, it was her who was pinning Lucien on the bed while she was on top of him. Aalis na sana si Virgo sa pagkakakubabaw nang mapatingin sa leeg nito. Nanubig ang bagang niya. And her fangs lengthened. She wanted to bite him.
No! Don’t bite him!
I want to taste him, sabi ng isip niya.
Kahit anong pigil ni Virgo sa katawan, hindi iyon nagpapigil. She leaned in to Lucien and licked his neck.
“Virgo…” Lucien groaned.
Her eyes went red at the same time she pierced her fangs on Lucien’s neck.
Virgo moaned. Damn! He tasted good.