MY BELOVED ROGUE
THREE days passed and there was no Lucien. Hindi lang si Virgo ang nag-aalala kundi ang pamilya ni Lucien na naghahanap na. They had searched every corner of the city, but Lucien was nowhere to be found. And then, on the fourth day, Vixor came to the Kallean mansion.
“Your highness, welcome to our home,” sabi ng ama ni Lucien. Nakaupo ang mga ito sa sofa. Si Virgo naman ay nasa taas ng hagdan, nakikinig sa usapan.
Vixor managed a small smile. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nang araw na mawala si Lucien, kasama ko siya. Halos buong gabi kaming nakipaglaban sa mga rogue. Hiningi ko ang tulong niya dahil sa nangyayaring pagpasok ng mga rogue sa bahay nang walang paalam. Naniniwala kami na kung sino man ang pinuno ng mga rogue ay katulad naming dalawa. The leader could be a rogue with rational and sane thoughts. Kaya naman tinulungan niya ako. Pero nang araw na nawala si Lucien, nagpaalam siya sa akin na uuwi muna. Hindi ko alam na hindi pala siya nakauwi. Hinanap ko rin si Lucien, but sadly, all I saw was his blood on the dirt, meters away from our headquarters. There was no body—”
“Baka nasunog na dahil sa araw—”
“No,” putol ni Vixor. “Pinalagyan ko siya ng tatoo sa daliri para proteksiyon niya sa araw kaya imposibleng nasunog siya. And if ever man na nasunog si Lucien, there must be the remains of ashes of his body.”
Hindi na kaya pang pakinggan ni Virgo ang usapan. Mabilis siyang nagpunta sa kuwarto nila ni Lucien. Huminga siya nang malalim habang pinapakalma ang sarili. She will not sit here and wait. Kailangan niyang makita si Lucien. This instant.
Narinig ni Virgo ang ugong ng palayong sasakyan. Nang tingnan niya kung sino iyon, its Vixor’s car. She turned invisible and went after Vixor’s car. Kailangan niyang malaman kung saan ang headquarters na sinasabi nito.
She couldn’t lose Lucien. Not now, not ever. Hindi niya kakayanin kung mawawala si Lucien sa kanya. Ngayon pa na sigurado na siyang mahal na mahal niya ang lalaki.
Tumigil ang sasakyan ni Vixor sa harap ng isang napakalaking compound, hindi kalayuan sa isang malaking lawa. Kaharap ng compound na iyon ay isang masukal na kagubatan.
Maybe this was the forest that Vixor was talking about.
Naglakad si Virgo papasok sa kagubatan at inamoy ang kapaligiran. Napatigil siya sa ginagawa nang makita si Xon na nakatayo ilang metro ang layo sa kanya at nakatingin sa lupa.
What was that man doing here?
Virgo narrowed her eyes on the ground and gasped when she saw blood. Old remains of blood. And she could smell Lucien from it.
Napatingin sa gawi niya si Xon, parang narinig ang malakas niyang singhap. Oh, God no.
“I know you’re there. I can smell you, Virgo,” sabi ni Xon na ikinagulat niya. “Huwag kang mag-alala, ilalabas din nila si Lucien. Sana nga mangyari `yon bago pa siya tuluyang mamatay.”
Virgo went visible. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
May paghangang tumingin sa kanya si Xon. “Invisibility. Sweet. But that can’t help you retrieve Lucien.”
“Paano mo nalaman na ibabalik din siya?” tanong niya na hindi pinansin ang mga sinabi nito.
“Well…” Tumikhim si Xon. “For starters, I saw what happened. Kilala ko kung sino ang pumana sa kanya. Pangalawa, wala silang balak patayin si Lucien. Sigurado ako riyan—”
“At paano mo nasabi?”
“Kasi kung balak talaga nilang patayin si Lucien, eh, di sana pinugot na lang nila ang ulo ng pinakamamahal mo sa halip na panain. Lucien will be back in your arms. Hindi lang ako sigurado kung buo pa ang babalik sa `yo.”
A lone tear fell from her eyes. “No…” Nagmamakaawa siyang tumingin sa lalaki. “Alam mo ba kung nasaan siya?”
Ngumisi si Xon. “Oo naman. Pero kung sasabihin ko sa `yo, where’s the fun in that?”
Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ni Virgo. Sa gitna ng frustration at galit na nararamdaman, narinig niya ang boses ni Vixor.
“Virgo? Ano’ng ginagawa mo rito?”
Mabilis siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses. “Kausap ko si—” Napatigil siya sa pagsasalita nang ibinalik ang tingin kay Xon, pero wala na roon ang lalaki.
“Sino’ng kausap mo?” May pagkabahala sa boses ni Vixor. “Answer me, Virgo.”
Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. “Wala,” pagsisinungaling niya. “Wala akong kausap.”
Vixor was on her side in the blink of an eye. “Are you sure? Baka naman nagsisinungaling ka sa akin.”
“I’m sure,” sabi niya na hindi makatingin kay Vixor.
Alam niyang nararamdaman ng lalaki na nagsisinungaling siya. But knowing Vixor, he would respect her decision to lie.
Vixor sighed. “Sinundan mo ba ako?”
Tumango siya at naglakad palapit sa lupa na may dugo. “Kay Lucien ba `yan?” nababahalang tanong niya.
Vixor gravely nodded. “Yes. Sa kanya `yan. I’ve been searching, but nothing.”
Nagtagis ang bagang ni Virgo nang may maalala. “Baka nasa mga magulang mo siya.”
Vixor looked away. “I’m betting my life that it was my parents’ doing. But where did they hide Lucien’s body? That I don’t know.”
Napahikbi si Virgo. “Bakit nila gagawin `yon kay Lucien? Why are they doing this to Lucien? To me?”
He sighed and gathered her in his arms. “Hahanapin natin siya, Virgo. Pangako `yan. Hindi ako titigil hangga’t hindi natin siya nahahanap. Malakas ang kutob ko na may kinalaman dito ang mga magulang ko. Pero saan nila itinago si Lucien? Halos lahat ng sulok ng bahay namin, pinuntahan ko na. Lahat-lahat, pati basement.”
Humikbi na naman siya. “Please, Vixor, hanapin mo siya. Hindi ko kayang mawala si Lucien. I love him. I love him so much.”
Finally. Virgo could admit and shout to the world that she loved Lucien. Walang halong kasinungalingan o kahit na anong panloloko ang nararamdaman niyang pagmamahal kay Lucien. And she needed to see Lucien, so she could tell him she loved him so much.
“Tutulong ako sa paghahanap,” she volunteered. “Kailangan ko siyang makita. We need to finish the mating process. Ayoko siyang makalimutan, Vixor.”
Mabilis siyang pinakawalan sa pagkakayakap ni Vixor. Hinawakan nito ang kamay niya para siguro tingnan ang mating mark niya sa palad.
“Shit!” Vixor cursed as he ran his finger over her mating mark. “Kailangan na natin siyang mahanap. It’s slowly fading away.”
Napuno ng takot ang buo niyang pagkatao. “No! Hindi `to puwedeng mawala!”
Nagpa-panic na tiningnan niyang mabuti ang palad. Truth to Vixor’s words, the mark was slowly fading. Malapit nang sumapit ang isang linggo. And a week after that, mawawala na ang marka. Iyon ang kinakatakutan niya.
No! Hindi iyon puwedeng mawala! No!
“We’ll find him,” Vixor said, with a hint of promise in his voice.
“Sana nga, Vixor. Sana nga mahanap natin siya. I need to mate with him.”
Natatakot si Virgo. Natatakot siya para kay Lucien. Natatakot siya na baka mawala ang alaala niya rito kapag hindi pa nila ito nakita sa lalong madaling panahon.
Please… No. God, no.
Hindi niya hahayaan ang sarili na makalimutan ang lalaking mahal niya.
MUGTO ang mga mata ni Virgo habang nakatingin sa kalendaryo. Bukas, dalawang linggo na simula nang hindi matapos ang mating nila ni Lucien. Isang araw na lang. Isang araw na lang, mawawala na si Lucien, mawawala na rin ang alaala niya rito.
She was scared. Ilang santo na ang dinasalan niya. Paulit-ulit siyang nagdarasal sa Panginoon na sana, makita na nila si Lucien. Pero kahit saan sila magpunta, kahit saan nila hanapin, hindi nila makita ang lalaki. The rogue hunters already set out a search party for Lucien, but nothing.
Araw at gabi silang naghahanap ni Vixor, pero kahit anino ni Lucien hindi nila makita. Virgo was getting scared in every passing hours. Ilang oras na lang ang bibilangin niya, mawawala na ang bisa ng mating mark. Natatakot siya. Panay ang tingin niya sa marka kung naroon pa ba o tuluyan nang nawala.
“Virgo! Virgo! Kuya Lucien is here!” sabi ni Lashka na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
What? Lucien was here? Here? Lucien! Oh, God! Lucien!
Mabilis siyang lumabas sa kuwarto. Tumakbo si Virgo papunta sa labas ng bahay kung saan nandoon ang buong pamilya ng Kallean.
“No!” sigaw niya nang makitang ikinakadena nina Lucan at Limar si Lucien. “No!” Tumakbo siya palapit kay Lucien, pero pinigilan siya sa baywang ni Lashka.
“No, Virgo. He’s a rogue.”
Natigilan siya at nagulat nang makita ang kabuunan ni Lucien. Wala itong malay na nakahandusay sa lupa. Ang likod nito ay parang tinalupan ng balat. She could only imagine how painful it was.
Oh, God. What did they do to my Lucien?
Napansin din ni Virgo na ang tinalop na balat ay ang tattoo ni Lucien sa likod na nagsisilbing selyo ng halimaw nito sa loob ng katawan. Now that the tattoo was gone, Lucien was now truly a rogue.
Magkatulong ang magkapatid na Lucan at Limar sa pagdadala kay Lucien sa basement. Doon ito ikinadena.
Awang-awa si Virgo sa lalaki. Tumutulo ang luha sa mga pisngi niya habang nakatingin sa walang malay na si Lucien. Hindi niya maisip kung ano ang ginawa ng mga halimaw na iyon sa pinakamamahal niya. Ayaw niyang isipin ang sakit na naranasan nito sa kamay ng mga halimaw na iyon. Hindi niya kaya.
“You can’t mate with him,” sabi ng ama ni Lucien. “In the state he is in, mapapatay ka niya, Virgo. Alam kong hindi `yon magugustuhan ni Lucien. Makabubuting huwag na lang para hindi ka masaktan. Kapag gumaling na ang balat niya sa likod, saka na.”
Parang pinilipit sa sakit ang puso ni Virgo dahil sa sinabi ng ama ni Lucien. No. Hindi. Hindi niya puwedeng makalimutan si Lucien. Hindi siya makapapayag.
Nagpaplano ang isip ni Virgo habang inaalalayan siya ni Lashka paalis sa basement kung saan nakakadena si Lucien. Malikot ang mga mata niya, hinahanap ang susi ng basement. Nandoon iyon sa bulsa ni Lucan. Kailangan niya iyong makuha.
By hook or by crook, she and Lucien will complete the mating process. Even if it will kill her.