RED STRING BOND
DAHAN-DAHAN ang bawat hakbang ni Virgo palapit kay Lucan na natutulog sa kama nito. Sampung oras na ang lumipas mula nang ipasok si Lucien sa basement. Halos wala na ang marka sa palad niya. Agad niyang nakita ang susi. Kinakabahang kinuha niya iyon at mabilis na umalis sa kuwarto ng lalaki. Virgo ran towards the basement.
Nang buksan ang pinto ng basement, nanuyo ang lalamunan niya nang makita ang hitsura ng pinakamamahal niya. He was sitting on the floor, naked. His eyes were red, fangs were out and he was ready to pounce at anyone who neared him.
“Lucien?” she called out in a whisper. “Lucien, it’s me.”
Lucien’s red eyes glared at her. Hindi niya nakakitaan ang lalaki ng bakas na kilala siya nito, na naaalala siya nito. Nakatingin ito na para bang kakainin siya nang buhay at gugutay-gutayin ang katawan niya.
“It’s me, Virgo.” Pumasok siya sa basement saka isinara iyon mula sa loob para walang makapasok.
Hindi gumalaw o umimik si Lucien. Nakatitig lang ito nang blangko sa mukha niya habang lumalapit siya.
Akala ni Virgo hindi ito gagalaw. Akala niya, hindi siya nito aatakihin. Pero nagkamali siya. The moment she stepped closer, Lucien stood up, rushed to her side, grabbed her arms and slammed her back on the nearest wall. Her body arched as pain caused by her broken rib lashed through her.
“L-Lucien…” she gasped when he grabbed her arms again and pinned her on the wall.
Naiipit ang nabali niyang buto. Napakasakit niyon. Pero bago pa makasigaw si Virgo, bumaon na ang matatalim na pangil ni Lucien sa leeg niya.
A muffled painful groan came out from her mouth as pain reined her senses. Hindi siya puwedeng sumigaw sa sobrang sakit, baka marinig ng mga bampira sa taas. Malalaman ng mga ito ang binabalak niyang gawin.
Sumisigid sa bawat himaymay ng katawan ni Virgo ang sakit ng pagbaon ng pangil ni Lucien sa leeg niya. Hindi siya makagalaw. Wala siyang lakas para makawala sa lalaki. Napakabilis na mawala ng lakas niya habang iniinom ni Lucien ang sentro at ugat ng lakas niya.
Habang ang pangil nito ay nakabaon sa leeg niya, naramdaman ni Virgo na pinunit nito ang mga damit niya. Ang mahahaba nitong kuko ay bumabaon sa balat niya dahilan para magdilim ang paningin niya sa sobrang sakit.
“L-Lucien…” mahinang sabi niya habang nakapatong ang walang lakas niyang kamay sa balikat nito. “T-take me, p-please? M-make l-love to m-me.”
They had to mate. She couldn’t forget Lucien. She just couldn’t.
Lucien let go of her neck. A feral growl came out from his mouth. He snarled at her, then bit her again. Sa pagkakataong iyon, sa braso na naman siya kinagat ng lalaki, sa balikat, sa mayayamang dibdib at sa gilid ng baywang niya. Then , Lucien pulled her down, sprawled her on the floor and bit her outer thigh.
Nakapikit lang si Virgo habang tinitiis ang sakit na hatid ng pangil ni Lucien. Naramdaman niyang itinaas nito ang isa niyang binti saka kinagat ang hita niya.
“Uhmp!” Pain cut through her thigh.
Lucien tightly gripped her other thigh, his nails were digging into her flesh. And then, in one swift movement, his fangs embedded on her inner thigh, near her womanhood.
Napaliyad si Virgo nang makaramdam ng pinaghalong sarap at sakit sa ginawa ng lalaki. She gasped when Lucien sucked blood out from her thigh. Nagdidilim na ang paningin niya dahil sa dami ng dugo na nawala sa kanya. Paisa-isa na lang ang paghinga niya. Nahihirapan na siyang humugot ng hininga. She couldn’t breathe. She couldn’t move. Her vision was dark. She was dying. She was gasping for air, but nothing.
Mamamatay siya nang hindi natatapos ang pag-iisa nila ni Lucien. Pero mas mabuti na iyon kaysa buhay siya, pero hindi naman niya kasama ang mahal niya.
Nararamdaman ni Virgo na nag-aagaw buhay na siya. The only reason why she was still alive was because Lucien hadn’t ripped out her throat yet.
Virgo lay still on the floor, dying. Hinayaan niya si Lucien na gawin ang gustong gawin sa katawan niya. She let him drank her blood, her life. Ipinagdarasal lang niya na sana pagkatapos niyon, maging maayos na ito.
And as she lay on the floor, Virgo could hear shouts. Wala siyang pakialam kung sino man ang sumisigaw sa pangalan niya. Nang maramdaman niyang kumubabaw sa kanya si Lucien, inilagay niya ang buong lakas sa mga braso at niyakap ang lalaki. At gamit ang natitira niyang lakas, inalalayan niya papasok ang kahabaan ni Lucien sa loob ng pagkababae niya.
Kasabay ng sakit ng pagkapunit ng kabirhenan niya, Lucien’s long and sharp fangs penetrated the skin on her upper breast, making her experience a hellish pain again. As pain reined her being, she felt it… that so called bond.
Was it possible that she could feel the two red strings coming together, connecting, being one? And as they connected, her hands fell onto the ground, weak, spent and nearly lifeless. Then , Virgo lost her consciousness.
“LUCIEN! Stop it! Stop it!”
Lucien could hear a number of voices, but he didn’t care. He wanted blood. He wanted death. He wanted to rip a flesh. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa baywang ng kung sino mang tao na nasa ilalim niya at lalo pang ibinaon ang pangil sa malambot na balat.
As Lucien sucked that thick, hot blood, he felt his power growing. Habang patagal nang patagal ang pag-inom niya ng dugo, he felt like something was tugging him from his very deep soul.
Habang nagdadalawang-isip sa kung ano ang gagawin, habang naglalaban ang dalawang bahagi ng isip niya, may humawak sa magkabilang braso ni Lucien saka siya itinulak nang malakas dahilan para tumama ang likod niya sa semento.
Tatayo sana siya, pero may pumulupot na kadena sa leeg, baywang at sa mga braso niya.
“No, Lucien! You’ll kill her!” sigaw ng boses na pamilyar sa kanya. But he didn’t heed that voice any attention. His bloodlust was so palpable, his fangs lengthened even more.
Lucien growled from the top of his lungs and tried to pounce at the person lying on the ground. Naamoy niya ang mabangong dugo ng kung sino mang tao na nakahiga sa semento. Nababaliw siya sa amoy na iyon.
“Blood!” he groaned. “Blood!”
Pero hindi siya makagalaw. A chain , was reining him, stopping him.
“Blood!”
NAPATITIG si Vixor sa maputlang mukha ni Virgo habang nakahiga ito sa kama. There was no hint of blood on her skin. Kung hindi lang niya naririnig ang mahinang pintig ng puso ng babae, baka mapagkamalan niya itong patay na.
Hinawakan ni Vixor ang kumot saka ibinaba iyon hanggang sa makita ang marka ni Lucien sa bandang taas ng dibdib ni Virgo.
They actually mated. Hindi niya alam kung ano ang itatawag kay Virgo. Isa ba itong matapang o baliw? She actually mated with the Rogue Lucien who had no intention of taking her gently.
Napailing-iling na lang si Vixor. Hindi niya maisip kung anong pagmamahal mayroon si Virgo para kay Lucien. Walang pakialam ang babae kung mamatay man ito, ang importante hindi nito makalimutan si Lucien. That kind of love was so hard to find these days. Too much love can really kill someone. At si Virgo ang patunay niyon.
“Hindi namin alam kung paano nila ginawa, pero nag-isa na talaga sila,” sabi ni Lucan. “Nang mabuksan namin ang basement, wala nang malay si Virgo. She was naked. Agad naming binalot ang katawan niya ng kumot at dinala sa kuwarto. Sabi ni Daddy, babalik din sa dati si Virgo, pero kailangan ng pag-aalaga. Si Lucien naman, wala pa kaming maisip na gawin sa kanya. We cannot kill him, maapektuhan si Virgo, lalo na ngayong iisa na sila—”
“Killing Lucien is out of the option,” sabi niya sa iba pang sasabihin ni Lucan. “Virgo risked her life so she could be with Lucien. Huwag na natin silang pahirapan pa. Hayaan na lang natin silang maging masaya. At tungkol kay Lucien, kapag magaling na ang likod niya, ibabalik natin ang tattoo sa likod niya para bumalik na ang dati niyang pag-iisip.”
Tumango si Lucan. “It’s been a week since we found Lucien outside our house. Siguradong maayos na ang likod niya.”
“Good. Papupuntahin ko na rito ang mga Wicce para ibalik ang tattoo ni Lucien at para magamot na rin si Virgo,” sabi niya.
Isang linggo nang walang malay si Virgo. Isang linggo na ring nakakulong sa basement si Lucien. Kailangan nang magkasama ng dalawa. Masyado nang maraming pagsubok na pinagdaanan ang mga ito para pasakitan pa. Kawawa naman si Virgo.
Ibinalik ni Vixor ang ayos ng kumot ni Virgo saka lumabas sa kuwarto kasama si Lucan.
“Ihanda mo na si Lucien. Susunduin ko ang mga Wicce,” sabi niya bago mabilis na lumabas sa mansion ng mga Kallean. Nagpunta siya sa tirahan ng mga Wicce.
Lucien needed to be sane. Kailangan niyang malaman kung saan ito dinala para makapagplano na siya kung ano ang gagawin para matigil ang kademonyohan ng mga magulang niya. Vixor couldn’t let the government break the treaty. Maraming inosenteng buhay ang madadamay kapag nangyari iyon.
NAPAKURAP-KURAP si Lucien at hinila ang kamay na nakakadena. Sinubukan niyang abutin ang kadena sa isang kamay, pero hindi niya magawa.
“Fuck! I need to get out of here—”
“Ayos ka na ba, Kuya Lucien?” Boses iyon ni Lashka.
Nag-angat siya ng tingin. Nakita niya ang buong pamilya niya—maliban sa ina—at si Vixor na nasa harap at nakatingin sa kanya.
“Ano?” naguguluhan niyang sabi. “Ano’ng nangyari? Why am I here? I was inside a cave—”
“May nag-iwan ng katawan mo sa labas ng bahay natin,” sagot ng kanyang ama. “A lot of things have happened after we chained and locked you down here in the basement.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Lucien. “A-ano’ng nangyari?”
“A lot of things happen.” His father voice was grave. “Isa na roon ang ginawa mo kay Virgo.”
Fear filled her, his heart pounded inside his ribcage as fear ruled his senses. “No! What did I do to Virgo? Ano’ng nangyari? Ano’ng ginawa ko sa kanya?”
His father sighed and went to unlock his chains. “Sinaktan mo si Virgo, Lucien. Muntik mo na siyang mapatay. At hanggang ngayon, nakaratay pa rin siya sa kama at walang malay.”
Mabilis siyang tumakbo papunta sa kuwarto niya. Nang buksan ni Lucien ang pinto, nakita niya ang maputlang mukha ni Virgo habang nakahiga at ginagamot ng tatlong Wicce na nakapalibot dito.
“Virgo, my love.’’