noveltoon logo noveltoon
Favourite Obsession

Chapter 15

Ch. 16 / 35 Apr 08, 2022

IT COULDN’T BE HER

NAKATINGIN sa kawalan si Virgo nang bumalik si Vixor sa Castello. Nalaman niya mula sa tagapagsilbi na inihatid ni Arietta ang babae papunta sa kuwarto na tinutuluyan nila.

Si Arietta ang pinakamatagal na nilang tagapagsilbi sa Castello. Mapagkakatiwalaan niya ito.

Umalis siya kanina sa Castello. Hindi niya kinaya ang emosyon sa mukha ni Virgo. She looked so sad, alone and in pain. Something tugged in his heart. Sa halip na bigyang pansin kung ano iyon, tumakbo siya.

Vixor’s emotions had been long gone. Thanks to his parents. Pero kanina, habang sumisigaw si Virgo sa sakit dahil sa pag-atake niya sa leeg nito, sa unang pagkakataon mula nang maging rogue siya, he felt something. Something like… pity.

Vixor pitied the woman. And that was new to him. He had been a rogue for a hundred year now. But unlike the rascals rogue, he can control his thirst for blood and death. Thanks to the tattoo on his back. The tattoo that only a few had.

Alam niyang maraming ine-experiment ang mga magulang niya. Hindi lang silang kambal. Vixor knew there were others like him. But he hadn’t met one except Lucien who turned because of his brother’s blood in his veins.

Speaking of Lucien…

He and Lucien were the same yet different. Matagal na siyang rogue samantalang ito ay baguhan pa lang. Lucien had emotions, he hadn’t. Lucien turned rogue after drinking the blood of his brother, after he killed Vixon. While he turned rogue because his parents experimented on him and his twin.

Rogue’s blood can turn a normal vampire into rogue. Kapag ang isang bampira ay nakainom ng dugo ng isang rogue, kahit isang patak lang, he or she will turn. But not automatic. The turning took days, weeks even. But Lucien’s case was different. Because it was his brother’s blood that spread through his veins, he turned rogue in an instant.

Sabi ng ama niya noon, babalik ang emosyon niya kapag nakilala niya ang magiging katuwang sa buhay. It never happened. After a hundred year, his emotions didn’t come back.

Until earlier in the ballroom.

Iyon ba ang tinutukoy ng ama niya? Was Virgo the one for him?

Yeah, right. What a piece of shit. Heto na naman siya sa mga haka-haka na hindi naman totoo.

Paano magiging sa kanya si Virgo samantalang ang namatay niyang kakambal ang para dito?

Nilapitan ni Vixor ang babae na nakaupo sa gilid ng kama. Nakatulala ito sa hangin. Tumabi siya ng upo rito. Hindi siya nagsalita. He waited for her to speak. And she did. After a couple of minutes.

“Bakit nila ginawa `yon sa akin?” tanong nito habang tumutulo ang luha sa mga mata. “Bakit?”

Huminga siya nang malalim bago sumagot. “That deal was made before you were born. Natakot lang siguro ang ama mo noon na maghirap kayo at hindi maibigay ang mga pangangailangan mo. That’s why he did it. Well, that’s just a wild guess.”

Bumaling si Virgo sa kanya. “Bakit sila pinatay ng kakambal mo?” Humikbi ito. “Kahit ano’ng gawin nila, mga magulang ko pa rin sila. Hindi ako magagalit. Sana sinabi nila sa akin.”

“My brother was pissed off.” Vixor sighed. “Ang usapan, kapag nag-debut ka na, ibibigay ka na nila sa amin. Pero hanggang sa mag-twenty ka, wala pa rin.” He gazed down on the floor. “Binigyan ng palugit ng ama ko ang ama mo. But your father didn’t listen. Nagplano siyang itakas ka at ilayo sa amin. So, yeah.”

Mapait na ngumiti ang babae. “Kaya ba dinala mo ako rito? Dahil sa deal na `yon? Because honestly speaking, I don’t give a shit anymore. Kill me, bite me, rape me and mutilate me. Do it. Wala na akong pakialam. Ayoko na.”

Nahiga si Vixor sa kama at tumingin sa kisame. “Hindi kita papatayin. May pangako pa akong dapat tuparin.”

Dahan-dahang humarap sa kanya si Virgo. Tears were still streaming down her face.

“Vixor?”

“Yeah?”

“Make me forget. Please?” Nagmamakaawa ang boses nito. “Hindi ko na kaya. Please? Tama na. Ang sakit-sakit na. Tama na, please. Hindi ko na kaya.”

He shook his head. Hindi niya gagawin iyon dito. “Virgo, memories are made to be remembered, not to be forgotten.”

“But some memories are not worth remembering.”

“No. Ayoko pa ring tanggalin ang memorya mo. Kaya ko, pero ayoko. Keep it. Memorize it. Get used to it. The pain will fade away, Virgo. Mawawala rin `yan.”

“Masakit na masakit na masakit na.” Hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang luha sa mga pisngi nito. “Kahit ngayon lang. Ayoko nang masaktan. Nakakapagod. Bukas naman `yong iba. I’m just human, Vixor. We can die in so much emotional pain.”

He heaved a deep sigh and opened his arms wide. Matagal na niya iyong hindi nagagawa. Pero siguro naman, hindi pa niya nakakalimutan kung paano magpatahan ng babaeng umiiyak.

“Come here,” sabi niya. “I’ll make you forget just for tonight. Bukas, ibabalik ko rin ulit ang sakit para masanay ka.”

Humihikbing lumapit si Virgo at yumakap sa kanya. Nararamdaman ni Vixor ang emosyon nito. She felt so alone and hurt and in desperate need of someone to hold. She was so fragile. Hinaplos niya ang likod nito at niyakap nang mahigpit.

Vixor thought wrong. Parang nakalimutan na niya kung paano magpatahan ng babaeng umiiyak. So , he did the easiest thing.

“Sleep, Virgo,” he whispered. “Sleep tight.”

Agad na nawalan ng malay ang babae. Nakayakap pa rin ito sa kanya habang nakahilig ang ulo sa dibdib niya. Inayos niya ang pagkakahiga nito saka kinumutan.

Nang masiguro niyang maayos na ang lagay ni Virgo, tinawagan niya si Vixen para alamin kung ano na ang nangyayari sa mga Kallean.

PAGKAGISING ni Virgo, wala na sa kama si Vixor. Napatitig siya sa damit na nasa couch. It was a beige sundress, with undies and a bra beside it.

Namula ang mga pisngi niya. Was the dress for her?

Nilapitan ni Virgo ang damit at binasa ang maliit na note na nandoon.

Wear it. Arietta bought these for you. -Vixor

Hindi niya kilala si Arietta. Pero kung sino man ito, gusto niyang pasalamatan ang babae sa pagbili ng damit. Nakakatuwa naman. Her mother used to buy her dresses—

Virgo stilled at that thought. Her parents. Nakipag-deal ang mga ito sa mga magulang ni Vixor. Siya ang kapalit ng kayamanan na hiningi ng mga ito. She felt betrayed. Mula pala simula, naglihim na ang mga ito sa kanya. Kaya pala takot na takot ang ama niya nang malamang may stalker siya. Maybe that was Vixon, Vixor’s twin brother.

Kung ginawa ng mga magulang niya ang pinagkasunduan, buhay pa kaya ang mga ito? Kasama pa siguro niya ang pinakamamahal niyang mga magulang ngayon. Ayos lang sa kanya kung mapunta siya sa mga Simonides, basta buhay ang mga magulang niya. They could have told her.

The pain still lingered in her heart. Masakit na masakit pa rin, pero kinakaya niya. Wala si Vixor para tanggalin ang sakit. Saka, adik naman ang isang iyon, eh. Gustong lagi siyang nasasaktan.

Pumasok si Virgo sa banyo na nandoon para maligo. Pagkatapos, nagbihis siya. She wore the beige sundress that Arietta bought for her.

Nakapaa lang si Virgo habang naglalakad palabas sa malaking kuwarto. Nang makalabas, napalingon siya sa kanan at kaliwang hallway. Napakahaba niyon. Hindi niya alam kung saan papunta ang mga iyon.

“Vixor?” tawag niya.

He was a vampire, right? So , he can hear from afar, right?

“Vixor?” tawag niya ulit. “Nandiyan ka ba? Can you hear me?”

Napaigtad sa gulat si Virgo nang biglang makita sa harap si Vixor. As usual, walang emosyon ang mukha nito.

“Namumugto ang mga mata mo,” sabi nito.

Mabilis na napunta ang kamay niya sa mga mata. Yeah, they felt sore.

“Pangit na ba ako?” tanong niya.

Her glasses had been long gone. She was now the same Virgo that she was before her parent’s death. Saka, wala siyang makeup ngayon kaya siguro pangit na siya.

Vixor looked away. “Kahit naman yata namamaga ang mga mata mo, maganda ka pa rin.”

That earned a small smile in her face. “Salamat.”

Vixor just shrugged and dropped something on the floor. Mabilis na napunta ang tingin niya sa bagay na inihulog nito sa sahig. It was a beautiful pair of slippers. Bagay iyon sa sundress na suot niya.

“Para sa akin ba `yan?” tanong niya.

“Yes.”

Mabilis niyang isinuot ang tsinelas. Kasya iyon sa kanya.

“Great,” Vixor said, then he started walking. “Sa kusina tayo.”

Halos tumatakbo na si Virgo sa pagsunod sa lalaki. Ang bilis kasi nitong maglakad.

“Hey! Slow down!” sigaw niya.

Vixor stopped and looked back at her. “Move fast, will you?”

Hinihingal na tumingin si Virgo sa lalaki. “I can’t keep up with you. Saka, hindi ko alam ang pasikot-sikot sa bahay na `to. Urgh! This is not even a house, damn it! This is a freaking castle—” Her mouth clamped shut when Vixor started walking towards her.

“T-teka, a-anong g-ginagawa mo?” kinakabahang tanong ni Virgo.

Nang makalapit si Vixor, walang sali-salitang pinangko siya nito. Then , he moved fast. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Nahihilo siya sa sobrang bilis ng paggalaw nito. She couldn’t see anything. Everything was blurry. And then , he stopped.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Nakita na lang ni Virgo ang sarili na nasa kusina na. What the hell?

Ibinaba siya ni Vixor at hinila palapit sa mesa kung saan may mga nakahaing pagkain. Magkaharap ang upuan nila. Habang kumakain siya, ito naman ay umiinom ng pulang likido sa baso.

“I-is that b-blood?” nauutal niyang tanong.

Vixor raised the glass and looked at it before dragging his gaze to her. “Yes. Scared?”

Nilunok niya ang takot na nararamdaman. “Should I be?”

He smirked. “Bakit? Natatakot ka na ang dugo mo ang ilagay ko rito sa baso?”

Namutla si Virgo sa sinabi nito.

Mahina itong tumawa. “Relax, Virgo. May plano pa ako sa `yo kaya hindi ko gagawin `yon.”

Nakahinga siya nang maluwang. “Ano ba ang plano mo sa akin?”

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Vixor. Napalitan iyon ng hindi niya mabasang emosyon. “A deal is a deal, Virgo. And I have a promise to keep.”

“At ano ang pangakong `yon?”

“Sa akin na muna `yon. Hindi ka pa handa.”

She was worried. “Paanong hindi pa ako handa?”

“Basta. Hindi pa.” Matiim siya nitong tinitigan. “Marami ka pang dapat matutunan.”

“Like what? `Yon ba ang dahilan kung bakit mo ako dinala rito?”

Tumango si Vixor. “You need to learn more about vampire royalties and politics. Vampire laws and covens. You need to know the different vampire communities in every country.”

Napakunot ang noo ni Virgo. “Bakit kailangan kong malaman ang mga `yon?”

“To be a vampire, you need to know those things.”

Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. “H-hindi naman ako bampira kaya h-hindi ko `yon dapat malaman.”

“I’ll turn you next month.”

“Turn me what?”

Tumayo si Vixor. Sa isang kisap-mata, nasa likuran na niya ito at hinahawi ang buhok na tumatabing sa leeg niya. He whispered over her ear. “I’ll turn you into a vampire. Like what I promised Vixon. So be ready.”

Nanlaki ang mga mata ni Virgo. Halos mahulog ang mga panga niya sa sobrang pagkakaawang ng mga labi dahil sa gulat sa sinabi nito.

Turn? Vampire? Her? Oh, God! No! No!

Virgo was panicking and was about to stand up when Vixor hold her in place.

“Sabi ko na, eh. Hindi ka pa handa.”

She was shaking in fear. “B-bakit k-kailangan kong maging katulad n’yo?”

“Kasi kapag katulad ka na namin, wala nang bampirang mananakit sa `yo. Wala nang mga bampirang hahabol at mananakit sa `yo. Hindi mo ba `yon gusto?”

She’s fed up of vampires always hurting and controlling her. Pero hindi iyon dapat na dahilan para pumayag siya sa gusto ni Vixor. She’s human and she will stay that way until she die.

“Ayoko.” Umiling-iling si Virgo. “Ayokong maging katulad mo.”

“Well, you don’t have a choice, Virgo. You are in my castle. And I can do anything that I want.” He chuckled. “See? Kung katulad kita, kaya mo akong labanan, kaya mo akong hindian. Kaya mong tumakas dito. Ayaw mo ba?”

Tears fell from her eyes. “A-ayoko.”

“Hmm… Bahala ka.” Nawala si Vixor sa likuran niya. Bumalik ito sa upuan nang may ngiti sa mga labi. “So, want to go to the beach with me?”

Napapanstastikuhang napatitig si Virgo sa lalaki. “Are you for real? Pagkatapos mo akong takutin, magyayaya ka sa beach?”

“What?” Vixor’s face held innocence. “Nagtatanong lang naman ako kung gusto mo. We could eat in the restaurant near the beach. Puwede kang maligo sa dagat. Puwede mo rin namang kainin ang mga buhangin.”

Virgo couldn’t help but laugh at his last words. “Kainin ang buhangin? Ikaw kaya ang kumain. Try mo, baka masarap.”

Sa halip sa sumagot, nakatitig lang sa kanya si Vixor. May nakikita siyang kakaibang emosyon sa mga mata nito.

“What?” Virgo inquired, frowning.

“Nothing,” he said, still staring at her. “No wonder my brother and Lucien fell in love and got obsessed with you.” Vixor chuckled. “You have a very beautiful smile.”

Natigilan siya saka nagbaba ng tingin. Ang dalawang taong “nagmahal” sa kanya ay ang mga taong nagparamdam sa kanya ng sobrang sakit. Hanggang ngayon, kahit tumatawa na siya, hindi pa rin niya maitago ang sakit na nararamdaman.

Virgo looked up at Vixor again. “Sure. I’d like to go to the beach… with you.”

She had to move on. She had to. Kahit ayaw niya, kahit ayaw ng puso niya, kahit hindi niya kaya. Kailangan niyang kayanin. Para sa sarili. Para kahit paano, may kinabukasan pa siya.