noveltoon logo noveltoon
Favourite Obsession

Chapter 26

Ch. 27 / 35 Apr 08, 2022

OLD SCRIPT

WALA na naman si Lucien sa bahay. Umalis na naman ito nang magtakip-silim. Naiwan si Virgo na nag-iisip kung ano ang mabuting gawin para sa pag-iisa nila. That mating thing was getting on her nerves. It was making her edgy and very nervous.

Laging pumapasok sa isip niya ang sinabi ng ama ni Lucien. Yes, she agreed. It was her time to make him happy.

Lumabas siya sa kuwarto nila ni Lucien at nagpunta sa library ng mansiyon. Nang makapasok, agad siyang naghanap ng mga writings na may kinalaman sa vampire mating. Virgo found lots of old scripts about mating at lahat iyon, binasa niya. Wala siyang pinalampas kahit isa.

Hanggang sa mabasa ni Virgo ang isang script na napakaluma na. Ang papel ay kailangang dahan-dahanin sa pagbuklat. Feeling niya, mapupunit iyon anumang oras. That old script had everything. Not just the mating, but the uses of five kinds of vampire markings or as they called it now, a tattoo.

Ang una niyang nabasa ay ang ring tattoo. It was used to block the sun from harming a vampire. Only royalties were allowed to use it. It was the rule. Pero si Vixor, pinalagyan siya. He broke the rule for her.

Second, the intricate back tattoo. It was used to contain a monster inside of a person. Like Lucien, Vixor and her. May mga halimaw silang itinatago sa loob ng katawan. And without the tattoo, the monster will come out. They will become mindless rogues with no emotion and rational thoughts.

Third, the palm mating mark. As what Lucien’s father had said, it had a two weeks’ time limit. Kapag lumipas iyon nang hindi natapos ang pag-iisa nila ni Lucien, katulad ng sabi ng ama ng lalaki, makakalimutan niya si Lucien samantalang ang lalaki ang magdudusa. It was unfair for the male. But that was the rule of the mating mark.

Fourth, the rogue mark. Virgo looked at the drawing closely. Para iyong tribal tattoo na makikita sa leeg ng isang rogue. Nakapalibot ang tattoo sa leeg. Kulay-pula iyon. Wala namang ganoon sina Lucien at Vixor, kahit siya wala niyon. Virgo considered herself a rogue because her eyes turned red when she was mad. And she also had a tattoo on her back to conceal the beast inside her. Did that mean that they were not really rogues?

No… She could feel her rogue side wanting to come out. Nararamdaman iyon ni Virgo tuwing nagagalit siya. Pero dahil sa tattoo na nasa likod, hindi iyon tuluyang lumalabas. Kapag galit, gusto niyang pumatay. Nag-iiba ang takbo ng isip niya at kailangan talaga niyang kumalma.

And the last marking was the human mate mark. Iyon ang nakakuha sa buo niyang atensiyon.

Human mate mark.

Sabi sa binabasa niyang lumang kasulatan, it was a rare for a human to have such a mark. Pili lang ang may mga ganoon. Those were the only human who can bear a vampire child when turned. And if a human didn’t bear the mate mark, even if he or she was turned, she couldn’t bear a child or he couldn’t make a child.

Human mates were distinguished by a moon birthmark on their napes. And they were the only humans who were genetically able to bear vampire children.

Nag-aral noon si Virgo ng vampire history habang nasa Russia siya, pero wala siyang nabasa na ganoon. Wala sa sariling napahawak siya sa batok. Mayroon kaya siyang ganoon? Was she a suitable mate for Lucien? Mabubuntis ba siya? Oh, God. Paano kung hindi pala siya mabuntis? Paano kung hindi niya mabigyan ng anak si Lucien?

Mabilis siyang umalis sa library at nagpunta sa kuwarto nila ni Lucien. Kinuha niya ang cell phone at kinunan ng litrato ang batok, saka tiningnan ang larawan kung mayroon siyang buwan na birthmark.

Virgo zoomed the photo. Nagtaasan ang mga balahibo niya nang makitang mayroon siyang ganoong birthmark. What a coincidence! Thanks God. Hindi niya madi-disappoint si Lucien. Kaya niyang magbuntis at mabigyan ito ng anak.

Nanghihinang inilapag ni Virgo ang cell phone sa ibabaw ng kama, saka huminga nang malalim. She was a suitable mate for Lucien. Oh, thank you.

Lumabas siya ng bahay para magpahangin. Naglakad-lakad siya sa palibot ng mansiyon ng mga Kallean. Nakakaapat na ikot na siya nang may mahagip na bulto ang mga mata. Kinakabahang nilapitan niya ang bulto. Virgo sighed in relief when she saw it was Lashka.

“Hey, Lashka.”

Humarap sa kanya ang babae at ngumiti nang makita siya. “Hey, Virgo.” Iniangkla nito ang mga braso sa braso niya at hinila siya palabas ng gate ng bahay.

Lashka was free to roam around, it was already ten in the evening.

“I want to go to the nightclub,” sabi nito. “Sama ka sa akin. Wala naman si Kuya Lucien. Mamayang madaling-araw pa `yon uuwi.”

Well, wala naman siyang gagawin.

“Sige, sama ako.” Tiningnan niya ang sariling damit. “Ayos lang ba ang suot ko?”

She was wearing tight leather jeans, hanging crop top and ankle boots. Nakalugay ang kulot at kulay-mocha niyang buhok.

Lashka raked an appreciative stare over her body. “Ayos na ayos ang damit mo. You’re so pretty. Kaya baliw na baliw sa `yo si Kuya, eh.”

Ngumiti lang si Virgo bilang sagot.

Binitiwan siya ni Lashka. Nauna na itong tumakbo papunta sa nightclub. Siya naman, nasa likuran lang nito at sinusundan ang babae.

Lashka stopped in front of an old warehouse. For humans, it was nothing but a wreck abandoned warehouse. But below that abandoned warehouse lay a very lively nightclub swarming with vampires. Naririnig niya ang malakas na musika na nanggagaling sa basement.

Hindi pa nakakapunta sa night club si Virgo, pero naririnig na niya ang club mula kay Vixor noong nasa Russia pa sila.

Sabay silang pumasok ni Lashka sa loob. Nang makababa sa basement, agad silang nagpunta sa bar at um-order ng Bloody Mary. Literally. Bloody Mary with human blood in it. It tasted good actually. Liquor mixed with blood was delicious and addictive.

“Wanna dance, pretty lady?” narinig niyang tanong ng isang lalaki.

Mabilis niyang nilingon ang nagsalita. Nakita niyang si Lashka ang niyayaya nitong sumayaw.

Lashka looked at her first before smiling at the man. She accepted his invitation. Naiwan siyang mag-isa sa bar. Hindi pa nakakalahati si Virgo ang in-order niyang Bloody Mary nang may umupo sa iniwang stool ni Lashka sa tabi niya.

“Huwag kang pakalat-kalat, Virgo. Hindi `yan makabubuti sa `yo,” sabi ng katabi niya.

Mabilis niyang tiningnan ang nagsalita. Kumabog nang malakas ang puso ni Virgo nang makita ang lalaking naabutan niyang patingin-tingin sa mga nakasarang bintana ng mansiyon ng mga Kallean. Tinitigan niya ang mga mata nito. Hindi iyon pula. His eyes tonight were the color of mocha. They looked good.

“Sino ka ba?” she asked, wary.

“I’m Xon,” pagpapakilala nito saka ininom ang beer na hawak.

“Wala akong kilalang Xon,” sabi niya.

“I know.” Nginisihan siya ng lalaki. “Anyway, you shouldn’t be here.”

“Why?”

He whispered on her ear. “Rogues are everywhere. They will kill you.”

Nanindig ang balahibo ni Virgo sa takot. Nanlamig ang buong katawan niya. “H-hindi ako natatakot sa kanila,” nauutal na sabi niya. She was trying to hide her fear.

Xon chuckled darkly. “Let’s see about that.”

Umalis ang lalaki sa stool. Naiwan siyang kinakabahan. Biglang pumasok sa isip niya si Lucien. Nasaan kaya ito ngayon? Was he safe? What was he doing?

Nawalan siya ng ganang mag-bar. Hinanap niya si Lashka at nagpaalam na mauuna na siya. Lashka was busy flirting, so she instantly left. Nang makalabas sa warehouse, nakita na naman ni Virgo si Xon sa labas. He had a lighted cigarette in between his lips. He was smirking at her.

Hindi niya pinansin ang lalaki. Mabilis siyang tumakbo pabalik sa mansiyon ng mga Kallean. Sa hindi malamang dahilan, kinakabahan si Virgo. Kahit nang makarating na siya sa mansiyon, nandoon pa rin ang kaba sa puso niya.

Napatitig si Virgo sa palad. Nandoon pa rin ang marka.

Lucien, be safe.

WITH inhumane speed, Lucien slashed his sword at every rogue who came near him. Mahigpit ang hawak niya sa espada. He stabbed rogues’ hearts and sometimes cut down their heads. Puno na ng tilamsik ng dugo ang damit niya. Even his face and arms were covered with rogue’s blood. His eyes were red as he fought side by side with Vixor.

Hindi nila akalain na susugurin ng mga rogue ang headquarters nila. Hindi niya mabilang kung ilan ang rogue na nakapalibot sa kanila ngayon. The rogue hunters were fighting another set of rogues who just arrived. Sila naman ni Vixor, halos hindi na makahinga sa dami ng rogue na nakapalibot sa kanila. Oo nga at nababawasan at napapatay nila ang mga iyon, pero sa dalawang napapatay, apat ang madadagdag. It was like their enemies had an unlimited supply of rogues at their disposal.

“Ang dami nila,” hinihingal na komento ni Vixor na katitigil pa lang sa pakikipaglaban.

Magkadikit ang likod nilang dalawa na parang pinoprotektahan ang bawat isa. Well, Lucien ought to protect the prince. Vixor didn’t have to return the protection.

“Hindi ako bulag para hindi ko makita,” he said, grimacing. “Dalawa tayo laban sa sobrang isandaang rogue? Sa tingin mo, mabubuhay tayo?”

Mahinang tumawa si Vixor. “Think positive.”

Pagkasabi niyon, bigla itong umatake. Ganoon din ang ginawa niya. Lucien lashed his sword from left to right. He could hear the sound of the rogue’s flesh tearing apart. He didn’t give a damn where he was slashing his sword. Alam naman niyang kahit saan pa niya iyon igalaw, may tatamaan siyang rogue. He and Vixor fought like there was no tomorrow.

The whole night, all they did was to fight and kill rogues. They didn’t stop fighting even when they had their own wounds to tend to. Wala silang pakialam sa mga sugat na nakukuha nila sa pakikipaglaban. Patuloy lang sila hanggang sa sumikat ang araw sa silangan. Rogues fled when the sun started to peek on the horizon.

Pasalampak na umupo si Lucien sa damuhan na may nagkalat na dugo. Hinihingal siya. Thank heavens, the rogues retreated when the sun rose.

“Ilan ang napatay mo?” natatawang tanong ni Vixor habang nililinis ang espada nito na may dugo gamit ang damit.

“I stopped counting when I reached thirty,” sagot niya.

“Me, too.” Umupo si Vixor sa damuhan at inilibot ang tingin na parang may hinahanap. “Sana walang namatay sa atin.”

Mabilis na hinanap ng mga mata ni Lucien ang mga rogue hunter na kasama nilang nakipaglaban. Wala na ang mga ito. Siguro, pumasok na sa loob ng headquarters dahil sa araw.

Lucien sighed. “Nararamdaman kong susugod ulit sila mamayang gabi.” Nagsalubong ang mga kilay niya. “Sino ang nag-utos sa kanila na atakihin tayo? At bakit ang dami nila? Ganoon na ba karaming rogue ang na-recruit ng kung sino man ang pinuno nila?”

“Parehas lang tayo ng tanong.” Bumuntong-hininga si Vixor saka tumayo. “Umuwi ka muna sa inyo. Kailangan ko ring umuwi sa bahay. Kailangan kong makausap si Vixen. Darating daw kasi si GK.”

“Who’s that?” Hindi pa niya naririnig ang pangalan na binanggit nito.

“She’s my stepsister sa father side.”

Lucien stilled. “Nagkaanak sa ibang babae ang hari?”

That was not possible. If a male vampire was mated, he couldn’t impregnate another female but his mate.

Nagkibit-balikat si Vixor habang nakatingin sa kalangitan. “My parents are not mated. They didn’t bond and promise to love each other. Nagsama sila dahil parehas silang dugong-bughaw at kailangang pag-isahin ang dalawang makapangyarihang pamilya. That’s all. Kaya naman nakabuntis si Daddy ng iba.”

Kaya naman pala.

“Ah. Itinago ba siya ng mga magulang mo? It’s my first time to hear her name.”

“Siya mismo ang nagtago. Ayaw niya ng gulo, eh.”

Hindi na siya nagtanong pa. Lucien felt like he was crossing the line. Tumayo na rin siya at nagpaalam na uuwi na.

Mabagal ang bawat hakbang niya habang naglalakad sa kagubatan papunta sa bahay nila. Nag-iisip si Lucien kung bakit ganoon na lang karami ang rogues na nakalaban nila. He was so focused on thinking that he didn’t hear a twig snap.

“Lucien Kallean…”

Natigilan siya saka lumingon sa pinanggalingan ng boses. It was too late for him to move a muscle. The arrow was already embedded on his heart. And in the last second before his body dropped onto the ground, he uttered the name of his beloved.

“Virgo…”