noveltoon logo noveltoon
Get Wild (Fatal Attraction Series 2)

Chapter 9

Ch. 9 / 39 Mar 23, 2025

C hapter 9

NAGISING si Geallan na nakayakap sa kanya si Dock. Pareho silang walang suot. Wala siyang naramdamang pagsisisi sa naging desisyon na ibigay ang sarili kay Dock. Ipinaranas nito kagabi ang isang bagay na kahit sino ay gugustuhing maranasan habang nabubuhay sa mundong ibabaw.

Your journey in this world will never be completed if you haven’t experienced that kind of sensation.

Bakit nga ba hindi na lang niya hinayaang ibigay ang sarili kay Javan noon? Eh, di sana sila pa rin hanggang ngayon. Sana siya ang asawa ni Javan at sila ang magkasama.

Bumalik si Geallan sa kuwarto niya at naligo, saka nagdesisyong magluto ng almusal para sa kanila ni Dock.

Una niyang iniluto ang sinangag at itlog, inihuli ang tocino. Nami-miss na niya ang daing. Nagbukas siya ng refrigerator. Pero muli iyong sumara nang may nagtulak niyon. Pagkatapos, may yumakap na mga bisig sa baywang niya.

“Good morning.”

Gustong ipikit ni Geallan ang mga mata nang maamoy ang mabangong hininga ni Dock, lalo na nang halikan siya nito sa bandang tainga.

“Ano ang ginagawa mo?”

“Nagluluto ng almusal,” sagot niya.

“How was your sleep last night?” Marahang hinalikan ni Dock ang tainga niya na tuluyang ikinapikit ng kanyang mga mata.

“Mahimbing ang tulog ko.”

Gumapang ang mga labi ni Dock sa leeg niya. “How are you feeling? Still sore?” tanong nito habang patuloy na pinapaulanan ng mumunting halik ang leeg niya.

Pinihit siya ng lalaki paharap. Ang lalamunan niya ang hinalikan nito. Nakikiliti at nasasarapan si Geallan sa paraan ng paghalik ni Dock. Bahagyang nakabuka ang bibig nito bago ilalapat sa balat niya kaya tumatama ang mainit nitong hininga sa balat niya.

“M-medyo,” hirap niyang sagot.

Isinandal siya ni Dock sa pinto ng refrigerator habang patuloy sa paghalik sa kanyang leeg. “Can I have you for breakfast?”

“Ha?”

Nag-angat ito ng mukha at tinitigan siya, nanatiling nakapaikot ang isang braso sa baywang niya. Ang isang braso nito ay itinukod sa ref. “May nararamdamn ka bang pagsisisi sa nangyari kagabi?”

Mabilis siyang umiling. “Wala! Pangako, wala talaga,” sagot ni Geallan na sinabayan ng taas ng kamay.

Gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi ni Dock. Ang guwapo nito, lalo na kapag ngumingiti. “Good.”

Awtomatikong bumuka ang bibig ni Geallan nang bumaba ang mukha ng lalaki para halikan siya sa mga labi. She couldn’t help but moan as Dock’s minty breath wafted over her tastebuds before he sealed his mouth to hers.

Geallan raised her arms to curl around his neck, opened her mouth even more in invitation. Dock’s tongue immediately slipped inside her mouth to find hers. His groan rambled up his throat and escaped into her mouth as she sucked his tongue.

Bumaon ang mga daliri ng lalaki sa baywang niya, idiniin ang sarili sa kanya. Naramdaman niya ang matigas na pagkalalaki nito na tumutusok sa kanyang puson. Hot flames of desire licked at her inside.

Geallan tiptoed to cling to him, needing more. Hindi niya maipaliwanag ang paraan ng paghalik niya, pero kakaiba iyon. The most erotic kiss of her life. Hindi niya mapigilang kagatin at sipsipin ang mga labi at dila ni Dock. Nakakadala ang halik at paghaplos at pisil ng kamay ng lalaki sa katawan niya. Pareho silang humihingal nang putulin ang halik.

“You’re a good kisser, Geallan,” sabi ni Dock. Nasa mga mata ang paghanga.

Natuwa naman siya sa compliment nito.

“I wanna take you, Geallan.”

Namilog ang mga mata niya. ”Dito?”

“Right here . Okay lang ba sa `yo?”

“O-okay lang. Pero… paano? Hihiga tayo sa sahig?”

A deep, sexy chuckle escaped from his mouth. “Standing position, babe.”

“Ow!” Namilog ang mga labi ni Geallan na muling ikinatawa ni Dock.

“Ready?”

Pagkatangong-pagkatango niya, bigla na lang inangkin ni Dock ang mga labi niya. Ang kamay nito ay pumailalim na agad sa suot niyang bestida, hinila ang panties niya pababa, saka nilaro ang pagitan ng kanyang mga hita.

“Oooh…”

Mahigpit na yumakap si Geallan sa lalaki, saka tumingkayad nang laruin nito ang hiwa niya. May kinalabit-kalabit ito roon na ikinaungol niya. Kakaibang sarap ang kanyang nararamdaman kapag iyon ang hinahawakan o sinisipsip ni Dock. Agad niyang naaabot ang kaluwalhatian kapag iyon ang pinagtutuunan nito ng atensiyon.

“You’re ready. You’re so wet, Geallan.”

Bumagsak ang panties niya sa paa. Itinaas ni Dock ang isa niyang hita matapos ibaba ang sariling shorts. Humawak si Geallan sa handle ng fridge nang maramdaman ang dulo ng pagkalalaki nito na humagod sa kanyang hiwa. Ang isang kamay niya ay mahigpit na nakakapit sa balikat nito.

“Dock…” sabi niya nang humagod nang paulit-ulit ang ulo niyon sa basang-basa niyang hiwa.

Diyos ko! Parang may sasabog sa kaibuturan niya.

“Ugh!”

Tumingala si Dock, nakabukas ang bibig habang nagtataas-baba ang katawan habang patuloy na ikinikiskis ang kasarian sa kanya. Sumabay ang balakang niya sa galaw nito. Nakapasarap! Dumudulas ang ulo ng ari ng lalaki sa hiwa niya nang walang kahirap-hirap. Purong sarap ang hatid niyon sa kanya. Alam ni Geallan na ganoon din ang nararamdaman ng lalaki. Patunay ang gigil na ungol na lumalabas sa bibig nito.

“Dock…” sabi niya uli habang kagat ang labi. Naramdaman na niya ang ulo ng katigasan nito sa bukana niya.

Ikinawit ni Geallan ang binti sa balakang nito at itinulak ang sarili dahilan para mabanat ang kanyang pagkababae nang unti-unting pumasok ang ulo ng pagkalalaki nito.

Gusto niyang maramdaman si Dock sa loob niya. Humigpit ang hawak nito sa baywang niya, saka idinikit ang noo sa kanyang noo.

“You want me now?” Dock asked.

Tumango siya.

Dahan-dahan nitong ibinaon ang matigas na kahabaan. Kung kagabi, purong kirot ang naramdaman niya nang pasukin ng lalaki, iba ngayon. Medyo mahapdi pa rin, pero nangingibaw ang kakaibang sarap nang tuluyan siyang mapuno.

Hinawakan ni Dock ang pang-upo niya. Bigla na lang siya nitong binuhat.

Ipinaikot ni Geallan ang mga binti sa katawan ng lalaki at ginamit ang pinto ng ref para suportahan ang sarili. Hindi niya mapigilan ang malakas na ungol nang simulan ni Dock ang pag-ulos.

Hinalikan ng lalaki ang mga labi niya, na sinabayan naman niya. Baon na baon ang katigasan nito sa kaibutaran niya. At tuwing gagalaw si Dock, lalo iyong bumabaon. Para siyang mawawalan ng malay. Para na siyang tarsier sa pagkakakapit sa lalaki.

“Oooh, Geallan…” ungol ni Dock nang saglit na paghiwalayin ang mga labi nila. Pero muli rin siyang maalab na hinalikan.

Hinugot nito ang halos kalahati ng pagkalalaki at muling sumulong nang may diin, na ikinatigil niya sa paghalik. Mahigpit ang hawak ni Geallan sa buhok nito habang ang isa ay nakapaikot sa balikat nito.

“Oooh, Dock…” Lalo niyang ikinapit ang mga binti, gustong mas ibaon pa ng lalaki ang kahabaan nito sa kanya.

Hinalikan ni Dock ang leeg, lalamunan at tainga niya. Paulit-ulit nitong hinugot at ibinaon ang kahabaan nang mabagal, pero may diin. Hanggang sa nanigas na siya at umungol nang malakas nang maabot ang sukdulan.

Mahigpit na hinawakan ni Dock ang pang-upo niya, saka iyon itinulak palayo at hinila pabalik nang paulit-ulit. Ang balakang nito ay atras-abante rin. Nagsasalubong ang kasarian nila. Sa ganoong paraan, marahas at mabilis na umuulos ang kahabaan ni Dock sa pagkababae niya. Mas masarap pala ang marahas. Mas nakakabaliw.

“Dock, `wag kang titigil…” pakiusap ni Geallan habang nakasubsob ang mukha sa leeg nito. Nararamdaman niyang parang may sasabog na naman sa kaibuturan niya.

“Fuck! You are approaching again. Sige lang, Geallan…”

Lalong binilisan ni Dock ang pag-ulos sa pagkababae niya. Hindi nagtagal, muli siyang sumabog. Nanghihina ang mga kalamnan niya. Pakiramdam niya, makakabitaw na siya.

“Ugh!” Dock growled, pulling his dick out of her pussy.

Ibinaba siya ng lalaki, saka biglang binitawan dahilan para mawalan siya ng balanse at mapaupo. Nanghihina pa rin ang kalamnan niya.

Paulit-ulit na nagmura si Dock habang hinahagod ang sariling kahabaan. Nakatukod ang isa nitong kamay sa refrigerator habang nakatingala at nagpapalabas. Nang matapos, inayos nito ang shorts at tiningnan siya na nakasalampak na sa sahig.

“What are you doing there?”

“Bigla mo akong binitawan, eh.”

Pa-squat na umupo si Dock sa harap niya at hinawakan ang kanyang mukha. “I’m sorry.”

Natatawa siya nitong hinalikan sa mga labi. Kahit siya, natawa na rin at sinagot ang masuyong halik ni Dock.

“A perfect day starts with a hot morning sex,” bulong ng lalaki sa mga labi niya.

“Oo nga.” Bumungisngis si Geallan.

Natigil sila sa padampi-damping paghalik nang tumunog ang doorbell.

“May tao. Ako na ang titingin.” Tumayo si Geallan, kinuha ang panties at isinuot, saka patakbong nilapitan ang pinto. Nanginginig pa rin ang mga tuhod niya.

Sumilip siya sa peephole. Isang babae ang nasa labas. Binuksan niya ang pinto. Isang friendly smile ang isinalubong niya sa babae, na agad siyang binigyan ng mataray na titig. Basta na lang itong pumasok.

“Where’s Dock?”

Isinara ni Geallan ang pinto. “Sino po sila?”

Nakahalukipkip itong humarap sa kanya. “Ikaw, sino ka?” nakataas ang kilay nitong tanong.

Hindi na nakasagot pa si Geallan nang marinig ang boses ni Dock.

“Princess.”

Ang mataray na hitsura ng babae ay nag-transform sa pagiging parang napakabait na tao sa balat ng lupa nang makita si Dock.

“Dock, babe!” Patakbo itong lumapit kay Dock. Hahalik sana ito sa lalaki, pero agad na napigil ni Dock.

Si Geallan naman, biglang kinabahan. Kung ganoon, ito si Princess, ang pinakamatagal at tanging binalikan na girlfriend ni Dock. Ang ganda-ganda nito at parang sosyal at matalino.

“What are you doing here?” tanong ni Dock sa babae, saka nag-aalalang tumingin sa kanya.

“Tatapusin ko lang ang niluluto kong almusal.”

Iniwan niya ang dalawa. Pero ang tainga, parang gusto niyang iwan para mapakinggan ang pag-uusap ng mga ito.

Dahil wala sa dinaraanan ang atensiyon, nabangga niya ang malaking vase. Muntik na iyong matumba kung hindi niya nahawakan.

Nilingon ni Geallan ang dalawa at ngumiti nang makitang nakatingin sa kanya ang mga ito. Inayos niya ang vase. Sa halip na magpunta sa kusina, nagtago lang siya sa dingding kung saan hindi makikita ng dalawa. Umatake ang pagiging tsismosa niya.

“So, totoo pala ang sinasabi ni Andrea. You have a new flavor of the month,” narinig niyang sabi ng babae.

Kung ganoon, kakilala nito si Andrea. Iyong may- katarayan na babaeng binilhan ni Dock ng mga damit niya .

“What happened to your skin?” tanong ni Dock.

“Sun-kissed skin. Bagay ba?”

“Nope,” walang pag-aalinlangang sagot ni Dock.

Hindi nito gusto ang tanned-skin ng babae. Siguro, peke lang dahil pinagtakhan nga ni Dock. Ganoon naman ang mayayamang tisay. Nagbababad sa init ng araw para maging kulay-brown ang balat. Ang mga babae naman sa isla nila, panay ang gamit ng mga bleaching whitening para pumuti.

Sumilip si Geallan. Nakaupo na ang dalawa sa mahabang sofa. Nakaharap ang babae kay Dock at humahaplos ang daliri sa braso ni Dock na nakapatong sa sandalan.

“Kailan pa kayo? Bago lang ba?”

Tumango lang si Dock.

“Pero ginastusan mo na raw. So, malapit nang matapos?”

Napahawak si Geallan sa dibdib. Parang bomba ang sasabog sa harap niya sa oras na magsalita si Dock. Kung hindi pabor sa kanya ang sagot ni Dock, bomba iyon. Kung pabor naman, confetti.

“It’s none of your business, Princess. Nagpunta ka lang ba rito para itanong `yan?”

“Not really. I’ve missed you, babe.”

Hinawakan ng babae ang isang pisngi ni Dock, saka hinalikan. HIndi niya makita kung lumapat ang mga labi ng babae sa mga labi ni Dock dahil bahagyang ipinaling ni Dock ang mukha paiwas. Parang kinurot ang puso niya sa nakita.

“Princess, you know my rule—”

“Okay. You don’t have to remind me. I’m gonna wait until you disposed her. You know I’m always here waiting for you. Alam ko naman na babalik at babalik ka rin sa akin kapag napagsawaan mo na siya. Bye, babe.”

Hinalikan nito sa pisngi si Dock bago tuluyang tumayo at lumabas.

Isinandal ni Geallan ang likod sa dingding.

Babe…

Babe ang tawagan nila. Lahat yata ng babae ni Dock, babe ang tawag nito. Kailangan talaga niyang makahanap ng trabaho bago sipain ng lalaki palabas ng bahay nito. Paano kung pagsawaan nga agad siya ni Dock?

Ipinikit ni Geallan ang mga mata, saka malalim na huminga.

“Ano ang ginagawa mo riyan?”

“Yawa! Dakong bunal!” Napahawak siya sa dibdib. Nagulat sa biglang pagsulpot ni Dock. “Bakit ka ba nanggugulat?”

“Ano ba kasi ang ginagawa mo riyan?” nakatawang tanong nito.

Tinalikuran niya si Dock, nagpunta na sa kusina. Sumunod naman sa kanya ang lalaki.

“Ang ganda ng girlfriend mo, `no? Siya ba uli ang babalikan mo `pag tapos na tayo? Maganda siya, kaya lang parang mataray. Pero siya lang ang lumagpas sa expiration date kaya ibig sabihin, espesyal siya sa `yo,” tuloy-tuloy niyang sabi habang nagbubukas ng ref para kumuha ng itlog.

Hinawakan siya ni Dock sa braso at pinihit paharap. Bahagyang nakakunot ang noo nito. “Ano’ng sinasabi mo?”

Hinaplos niya ng kamay ang sariling buhok. “Ahm…”

“May sinabi ba sa `yo si Viel nang magpunta siya rito? Sinabi niya sa `yo ang one-month rule ko?”

Hindi nagsalita si Geallan. Kinumpirma ng pananahimik niya na alam nga niya ang rule nito sa pakikipagrelasyon.

“Ang batang `yon talaga, napakadaldal.”

“Napagkamalan kasi niya akong girlfriend mo, `tapos nagkuwento siya.” Muli siyang humarap sa ref. Pero isinara ni Dock ang ref at isinandal siya roon.

Itinukod nito ang isang braso sa ref, saka siya pinakatitigan. “Then, bakit sa kabila ng nalaman mo tungkol sa pakikipagrelasyon ko, pumayag ka pa rin na maging girlfriend ko?”

Ano ba ang sasabihin niya? Dahil kailangan niya ito? Kailangan niya ng matitirhan? Hindi kaya magmukha siyang gold digger? Magmukha siyang manggagamit? Baka maging masama ang tingin ni Dock sa kanya.

“I want an honest answer, Geallan.” May pagbabanta sa boses nito.

Pero may naibibigay naman siya rito. Ibinigay niya ang kanyang katawan. Naglilinis siya ng bahay, naglalaba at nagluluto. Susuklian naman niya ang lahat ng tulong nito.

“Geallan?”

“Kasi tinanong mo ako, `di ba?”

“Bakit ka nga pumayag kahit alam mo namang may one-month rule ako?”

“Kasi…”

“Be honest, Geallan!”

“Kasi baka palayasin mo ako. Baka ibalik mo ako sa club.”

Tumiim ang mukha ni Dock na ikinalunok niya. Parang galit ang lalaki.

“`Yon ba ang tingin mo sa akin?”

“Hindi naman. Saka, gusto ko rin naman, eh. Bukod sa may matitirhan ako at sa utang-na-loob ko sa `yo, gusto rin kita. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa `yo? Ang bait-bait mo, `tapos sobrang guwapo mo pa. Nakaka-turn on `yong kabaitan—”

Pinutol ng halik nito ang sinasabi ni Geallan. Ilang sandaling naglapat ang mga labi nila bago tinapos ni Dock ang halik.

“No one-month rule in our relationship,” may diing bulong nito sa mga labi niya. Pinisil pa ang baba niya bago iniwan na nakawaang ang kanyang mga labi.

‘‘No-one month rule in our relationship.’’

Ano ang ibig sabihin niyon? Puwedeng matapos kahit na kailan? Kung kailan gusto ni Dock? Puwedeng bukas, sa susunod na bukas o sa susunod na linggo?

“Hala!” Natampal ni Geallan ang noo. “Ang daldal mo kasi, eh,” paninisi niya sa sarili.