C hapter 15
ISANG linggo nang nagte-training si Geallan sa Grandeur h otel. Seven PM ang pasok niya ngayon. Night shift siya. Laging umaga ang pasok niya at inihahatid siya lagi ni Dock maliban ngayong araw dahil nasa opisina ito. Pero may sumundo sa kanya. Secretary daw ni Dock. Isang lalaki at ipinagmaneho siya.
Hanggang ngayon, inaasikaso pa rin ng lalaki ang mga requirements ni Geallan. Nagkakaproblema siya sa birth certificate. Ipina-verify ni Dock ang authenticity ng birth certificate niya at kinumpirma na peke iyon. Namomroblema tuloy siya ngayon.
Dalawa lang ang posibleng nangyari. Baka ipina-register siya ng kanyang tunay na ina. Puwedeng iba ang pangalan niya at ang tunay na ina ang nasa birth certificate niya na nakapirma. O hindi naman kaya, talagang hindi siya pinagkaabalahang ipa-register ng babaeng nanganak sa kanya, pati na rin ng kinamulatang ina dahil hindi siya tanggap ng mga ito.
Sabi ni Dock, siya na ang bahala. Mag-file na lang siya ng late registration. Minsan, iniisip ni Geallan na hanapin ang tunay niyang nanay. Kaya lang, saan naman niya hahanapin?
Nginitian niya ang isang babaeng nakasalubong sa pasilyo ng hotel habang tulak-tulak ang maid’s cart. Napakaganda nito. Katulad niya, kulot din ito. Magkatulad na magkatulad ang buhok nila. Mataman itong nakatitig sa kanya. Siguro, namamangha dahil sa pagkakatulad ng buhok nila. Hindi pa niya naitatali ang buhok, medyo basa pa kasi. Iyon ang pangit sa buhok niya, napakatagal matuyo dahil may kakapalan.
“Good evening, Ma’am,” masiglang bati niya sa babae na bahagya lang ngumiti habang titig na titig sa kanyang mukha. Nang malagpasan na ni Geallan ang babae, saka siya nito tinawag kaya napatigil siya sa paghakbang.
“Ahm, Miss…”
May ngiti sa mga labi niya itong nilingon. “Yes, Ma’am? May kailangan po kayo?”
Ngumiti ito. “You are so beautiful.”
Malapad na ngumiti si Geallan. Marahan niyang hinawakan ang magkabilang pisngi na nagkulay-kamatis. Kinikilig siya sa papuring natanggap.
Marahang natawa ang babae sa naging reaksiyon niya.
“Salamat po. Kayo rin po, sobrang ganda. Magkatulad tayo ng buhok.”
“Kaya nga.” Hinaplos nito ang sariling kulot na buhok.
Pero magkaiba ang balat nila. Maganda at maputi ang balat ng babae. Maganda rin ito. Parang manyika.
“Tita Sarah.”
Dumating si Tres at humalik sa pisngi ng babae. Kilala pala ito ni Tres.
“Ano po’ng ginagawa n’yo rito?”
“Nagyaya lang mag-check in ang Tito Zeus mo. Nasa baba siya.”
“Oh, I see.”
Malawak ang ngiti ni Tres nang tumingin sa kanya. “How’s your day so far, Geallan?”
Araw-araw na lang itong nagtatanong kung kumusta siya. Parang laging concern sa kanya. Tinatanong nito lagi kung nag-e-enjoy ba siya sa trabaho.
“Ayos lang ako, Sir.”
Hinawakan ni Tres ang pisngi niya, saka kinurot. “Sabi nang `wag mo akong tawaging ‘ s ir.’ Tres na lang.”
Nakakailang naman kasi. Puwede siguro kung silang dalawa lang ang magkaharap. May mga nagsusungit na nga sa kanya dahil sa special treatment ni Tres. Tuwing breaktime kasi, kung hindi siya nito papakainin sa isa sa mga mamahaling resto sa hotel, padadalhan naman siya ng masasarap na pagkain. Pinaghihinalaan tuloy na may relasyon sila.
“Look at her, Tres. She looks like Ate Tanya. Nakakatuwa lang. Kamukhang-kamukha siya ng mommy mo, pero ang buhok niya, katulad ng sa akin.”
Napatitig naman si Tres sa mukha niya. Nanunuri ang mga titig. Nang parang masiyahan ang lalaki sa nakita, gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi nito.
“Oo nga, `no? Bakit ngayon ko lang `to napansin?”
“Naalala ko tuloy si Kulit sa kanya.”
Kapansin-pansin ang paglungkot ng mukha ng babae. Nangislap din ang mga mata nito. Kung dahil sa repleksiyon ng ilaw o dahil sa luha, hindi niya matukoy.
“Alam mo bang Cervantes din siya, Tita? Hindi kaya malayong kamag-anak natin sila?”
“Naku, imposible `yon. Binibiro lang naman kita nang sabihin kong baka magkamag-anak tayo. Sabi ni Nanay, wala na kaming kamag-anak. Nagka-landslide daw sa barangay namin noon at kami lang ang sinuwerte sa angkan namin kaya lumipat kami sa isla. Isa pa, ang yaman-yaman n’yo. Kaya imposible,” sabi ni Geallan.
“Ano ba’ng pangalan ng mga magulang mo, hija?”
“Alma at Danny po. Cervantes ang nanay ko, Mokudef naman po ang tatay ko.”
“Alma at Danny?” Nasa hitsura ng babae ang pagiging interesante. Mahihimigan din ang excitement sa boses nito. “May kilala akong Alma at Danny, pero hindi ako sigurado kung iisang tao ang tinutukoy natin.”
“Baka po magkaiba. Imposibleng may kilala sina Nanay at Tatay na mayaman.”
“Ano nga uli ang pangalan mo?”
“Geallan po.”
“Ilang taon ka na ba, hija?”
“Twenty-four po.”
“Twenty-four,” mahinang sabi ng babae.
Malalim itong nag-isip bago tumitig sa kanya. Ang excitement na makikita sa mukha nito ay napalitan ng ibang emosyon na hindi niya matukoy. Naistorbo lang ang matamang pagtitig ng babae nang may lumapit na isang lalaki.
“What took you so long, honey?” Ikinawit ng lalaki ang braso sa baywang ng babae pagkatapos nitong batiin si Tres.
“Pababa na ako, nakita ko lang si Tres.”
“So, let’s go?”
Nagpaalam sa kanya ang babae bago sila iniwan ni Tres. Makailang ulit pa siya nitong nilingon habang palayo. Magkapanabay sila ni Tres na naglakad. Pinuntahan niya ang kuwarto na tumawag ng housekeeper para magpalit ng beddings.
“Sabay tayong kumain sa break mo,” sabi ni Tres nang nasa tapat na sila ng pinto ng kuwarto.
“Basta libre mo uli.”
“Of course.”
“Tita mo pala ang magandang babae na `yon. Ang ganda niya. Pareho kami ng buhok.” Maingat niyang hinaplos ang buhok.
“She’s my mother’s sister. Alam mo, tama si Tita. Kamukha mo nga si Mom.” Hinawakan ni Tres ang mukha niya at marahang hinaplos. “Ang hugis ng mukha mo, katulad na katulad ng kay Mom. And your eyes…” Hinaplos naman nito ang talukap ng mga mata niya habang matamang nakatitig sa kanyang mukha. “You are as beautiful as my mother.”
“Salamat, Tres. Lagi mo na lang akong pinupuri.”
“That’s my baby!”
Isang matigas na boses ang nagpabaling sa kanila sa pintong bumukas. Madilim na mukha ni Dock ang bumungad sa kanila.
“Dock, ano’ng ginagawa mo rito?” gulat niyang tanong.
Hinila siya ni Dock at agad na ipinaikot sa baywang niya ang braso nito.
“Hey, hey! Stop glaring at me. Wala akong ginagawa kay Geallan. Ito naman, masyadong seloso,” depensa ni Tres dahil sa sama ng tingin ni Dock. “Ano pala ang ginagawa mo rito?” tanong pa ni Tres.
“Visiting my girlfriend.”
Tumaas ang makapal na kilay ni Tres sa sinabi ni Dock. Ang pagtatanong pa sana ng lalaki ay napigil nang ipagtabuyan ito ni Dock.
“Oh, by the way, dude. Take that cart with you. Hihiramin ko muna ang girlfriend ko, ah,” sabi ni Dock, sabay sara sa pinto.
“Ang galing mo talaga!” sigaw ni Tres mula sa labas. Hindi na ito pinansin pa ni Dock.
“You!”
Ikinatawa ni Geallan ang biglang paghapit sa kanya ni Dock. Nagdikit ang mga katawan nila.
“Bakit may pahaplos-haplos si Tres ng mukha mo? Ano’ng sinabi niya?”
Malambing niyang ipinaikot sa leeg ni Dock ang mga braso. “Kamukha ko raw ang mommy niya. Tingin mo ba, magkamukha nga kami ng mommy niya?”
Curious namang napatitig si Dock sa kanyang mukha, as if he intended to memorize every curve and angle, every beautiful slope, every detail of her face. “Oo nga, `no? I saw Tita’s portrait at a younger age. Ang laki nga ng pagkakahawig n’yo.”
“Ibig sabihin, maganda talaga ako,” namimilog ang mga matang sabi ni Geallan.
“Sobrang ganda,” sabi nito na ikinatuwa ng puso niya.
“Walang bola, ah?”
Isang masuyong halik sa mga labi ang sagot ni Dock.
“Ano nga pala ang ginagawa mo rito?”
“Miss na kita, eh.”
Ugh! Kinikilig siya. Ang lambing-lambing lagi ni Dock.
Bumitaw si Geallan sa pagkakayakap ni Dock. Nang pumihit siya paharap sa kama, isang singhap ang kumawala sa kanya nang makita ang ayos ng kuwarto.
May mga red rose petals na hugis-puso sa ibabaw ng kama. May isang maliit na mesa na ang pagkakaayos ay napaka-romantic. May wine, kandila, isang tangkay ng red rose sa isang cylinder crystal vase. Sa tabi ng mesa, nandoon ang isang food cart na puno ng pagkain.
“Ano’ng meron?”
Inalalayan siya ni Dock papunta sa mesa. Ipinaghila siya ng upuan. Mangha pa rin na umupo si Geallan. Nakatuon pa rin ang mga mata sa mesa.
Yumuko ang lalaki mula sa likuran. Hinawi nito ang buhok niya, saka bumulong. “Happy monthsary.”
Yumuko si Geallan nang may ikabit na kuwintas si Dock. Hinawakan niya ang pendant. Isa iyong ship pendant. Sa halip na matuwa, nakaramdam siya ng kaba.
Monthsary. Isang buwan na nga pala sila ni Dock.
Pilit niyang inalis sa isip ang pagdaan ng mga araw. Nag-focus siya sa relasyon nila ni Dock. Sa sayang nararamdaman tuwing kasama niya ito. Ayaw niyang isiping matatapos na ang relasyon nila. Geallan wanted to stay as Dock’s girlfriend as long as possible. She wanted to stay with him not because she needed a shelter, but that was her heart’s desire.
“What’s wrong?” tanong ni Dock nang mapansin ang lungkot sa kanyang mukha.
Medyo nawala sa focus si Geallan kaya hindi niya namalayang nakaupo na ang lalaki sa tapat niya. Mataman itong nakatitig sa kanya. “Matatapos na ba ang relasyon natin?” may kaba niyang tanong.
Tumayo si Dock at muli siyang nilapitan. Yumuko ito at masuyong ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito. Tinitigan siya ng lalaki sa mga mata.
“`Di ba, sinabi ko na sa `yong wala nang rules? Wala nang one-month rule sa relasyon natin, Geallan.”
“Ibig sabihin, tayo pa rin?”
Malapad na ngumiti si Dock, ikiniskis ang tungki ng ilong sa ilong niya, saka malambing na bumulong. “Tayo pa rin. You’re still my baby and I’m still yours.”
Nakahinga nang maluwag si Geallan sa sinabi ng lalaki. Napa-paranoid na siya.
Hinaplos niya ang pisngi ni Dock. “Happy monthsary. Sweet ka talaga sa girlfriend mo, `no? Hindi ko akalain na nagse-celebrate ka pala ng monthsary.”
Bumitaw si Dock at nilapitan ang component shelf. Binuksan nito ang stereo. Muli siya nitong nilapitan, saka inilahad ang kamay.
May ngiti sa mga labing inabot ni Geallan ang kamay ng lalaki. Inilagay ng lalaki ang mga kamay niya sa ibabaw ng balikat nito. Masuyo nitong ipinaikot ang mga bisig sa baywang niya, saka siya marahang hinapit. Hindi binigyan ng espasyo ang mga katawan nila.
Dock glanced down at her as he held her tight close to his body. Their bodies moved slowly to the music when the slow romantic song began to play.
“In my past relationships, our monthsary wasn’t as special as ours. I invited my girlfriends for dinner just to talk about our breakups. So, I could say that this is my first time to celebrate a monthsary.”
“Thank you, Dock. Masaya ako.” Mahigpit niyang ipinaikot ang mga braso sa leeg nito, saka yumakap. “Kaya lang, baka hanap-hanapin ko `to. Paano na kapag nasa barko na ako? Mami-miss kita nang sobra.” Pinuno ng lungkot ang puso ni Geallan. Nakakaramdam siya ng matinding pangungulila wala pa man.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Dock. Pero hindi ito nagsalita. Humigpit lang ang yakap ng lalaki.
Nasa ganoon silang posisyon hanggang sa matapos ang unang kanta. Sumunod doon ang “Perfect’’ ni Ed Sheeran na sinabayan ni Dock ng pagkanta. Namangha siya dahil sa ganda ng boses nito.
“I found a love for me. Darling, just dive right in and follow my lead. Well, I found a girl, beautiful and sweet. Oh, I never knew you were the someone waiting for me…”
Muling pinagtapat ni Dock ang mga mukha nila. His face was millimeters away from hers. He was staring at her so intently.
“`Cause we were just kids when we fell in love. Not knowing what it was. I will not give you up this time. But, darling…”
Inilapat ni Dock ang mga labi sa mga labi niya.
“Just kiss me slow, your heart is all I own. And in your eyes, you’re holding mine…”
Umikot si Dock kasama siya. Mahigpit ang hawak nito sa kanya.
“Baby, I’m dancing in the dark with you between my arms. Barefoot on the grass, listening to our favorite song. When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath. But you heard it, darling, you look perfect tonight…”
Marahang hinawi ni Dock ang buhok niya, inipit iyon sa likod ng tainga. Parang hinuhugot ng mga mata nito ang kaluluwa niya sa matiim na pagkakatitig sa kanya.
“Well I found a woman, stronger than anyone I know. She shares my dreams, I hope that someday I’ll share her home. I found a love, to carry more than just my secrets…”
Naipikit ni Geallan ang mga mata nang gumapang ang mga labi ni Dock sa panga niya papunta sa tainga habang patuloy sa malumanay na pagkanta.
“To carry love, to carry children of our own…” Halos pabulong nitong sinabi ang mga huling salita. Mahigpit siyang niyakap.
“I love you.” Lalong humina ang boses nito kaya hindi na naintindihan ni Geallan ang lyrics na sinabi nito.
“Ang ganda ng boses mo. Sana araw-araw kang kumanta.”
Muling pinagtapat ni Dock ang mga mukha nila para titigan siya. “Talaga? Nagustuhan mo?”
“Hmm… Nakaka-in love.”
“So, in love ka na sa akin?” nanunukso nitong tanong.
Sa halip na sagutin ang tanong ni Dock, tumingkayad siya at hinalikan ito sa mga labi. Isang ungol ang kumawala sa lalaki nang malalim at maalab na halik ang ibinigay niya rito.
Kissing had its own language. Sometimes, it was easier for a person to kiss than talk about feelings. Kissing was often a much better way of telling what you feel. Na kay Dock na lang kung ano ang magiging interpretasyon nito sa halik niya.
Pumisil ang kamay ng lalaki sa baywang niya, saka sinabayan ang halik niya. Kahit kailan, hindi pinagsasawaan ni Geallan ang mga halik nito, sa halip, lalo siyang nahuhumaling dito.
Nang tapusin nila ang maalab na halik, pareho silang hinihingal. Magkadikit ang mga noo nila. Makikita ang pilyong ngiti sa bahagyang nakaawang na mga labi ng lalaki.
“Gusto mo bang kumain na tayo o ikaw muna ang kakainin ko?”
Nakagat ni Geallan ang ibabang labi. Nahihiya siyang sabihin ang gusto.
“Baby?” malambing na sabi ni Dock.
“Ahm…” Mariing ipinikit ni Geallan ang mga mata para hindi makita ang reaksiyon ni Dock. “Puwedeng ako muna ang kainin mo?”
She heard him chuckle. Humaplos pababa ang dalawang palad ni Dock at mariing pinisil ang pang-upo niya na kanyang ikinasinghap.
“I love that.”
Itinaas ni Dock ang itim niyang skirt. Bigla na lang siya nitong binuhat. Ipinaikot ni Geallan ang mga binti sa baywang ng lalaki.
“Main course first before appetizer. ”
Napakapilyo ng ngiti nito. Lalong gumuguwapo si Dock sa paningin niya kapag ganoon ito ngumiti.
“Kaya lang, baka hanapin ako.”
“Don’t worry, baby. Naipagpaalam na kita sa may-ari, `di ba?” Inihiga siya ni Dock pahalang sa kama. Nahigaan niya ang mga petals. “I’ve already informed the executive housekeeping, that’s why you’re here.” Hinila nito ang panties niya at hinubad iyon kasama ng sapatos. Pagkatapos, pinagparte ang mga hita.
“Damn!” Dock hissed as he stared at her mound. Her mound was shaved, completely hairless, showing off her pink labia.
“Oooh…” gulat niyang ungol nang isabit ni Dock ang dalawa niyang paa sa balikat nito. Ang dalawang palad nito ay nasa ilalim ng pang-upo niya, saka iyon binuhat. Kalahati ng katawan niya ay nakaangat sa kama.
“Oooh… Dock!” daing ni Geallan, saka mahigpit na kumapit sa kubrekama.
Isinubsob ni Dock ang mukha sa pagitan ng mga hita niya at sinimulang hagurin ang lahat ng parte ng pagkababae niya gamit ang dila. The intensity of his mouth on her pussy made her lose control.