noveltoon logo noveltoon
Get Wild (Fatal Attraction Series 2)

Chapter 22

Ch. 22 / 39 Mar 23, 2025

C hapter 22

A SMALL smile curled on Dock’s lips as he read the message from Geallan. Bihis na raw ito at lalong kinakabahan. Nagtatanong ang babae kung nasaan na siya. Ngayon ang pagtitipon para sa pagpapakilala kay Geallan.

Sasagutin na sana ni Dock ang text message ng girlfriend nang may tumawag naman. Si Viel.

“Viel?” sagot niya.

“Kuya, you have to come home. This is serious. Mama and Kuya Nyke are fighting. Sobra na si Kuya Nyke kung pagsalitaan si Mama!” Natataranta si Viel sa kabilang linya.

“Ano ba’ng nangyari?”

“I’ll tell you everything when you get here na. Just hurry up!”

Bahagya siyang napangiwi nang marinig ang pagsigaw ni Nyke. Parang seryoso nga ang nangyayari.

Pahagis niyang itinapon ang cell phone sa dashboard. Sasaglit lang muna siya sa bahay bago tumuloy sa pagtitipon. Aalamin lang niya ang nangyayari.

Beinte minuto ang lumipas, narating ni Dock ang bahay ng mga magulang. Pagpasok pa lang niya, galit na boses na ni Nyke ang narinig niya sa buong kabahayan. His face was red and blazing with anger.

“You want me to have a better future? Alam mo ba talaga kung ano ang makakabuti sa aming mga anak mo? A mother is supposed to love, guide and protect her children. She is supposed to help her children grow and develop as independent people, pero hindi mo `yon ginawa. Si Kuya Dominick ang gumawa ng lahat ng obligasyon na dapat ikaw ang gumawa. Mas ginusto mong lunurin ang sarili mo sa alak kaysa asikasuhin kaming mga anak mo!” sumbat ni Nyke sa ina.

The expression in her mother’s face told the pain she felt.

“Kahit kailan, hindi ko gustong magkaroon ng pamilya na katulad ng pamilyang `to! I have my own life! I have my own decision kaya huwag n’yo akong pakialaman!”

“Nyke!” Dock barked.

Bumaling si Nyke sa direksiyon niya. Mabigat ang paghinga nito. Nasa mukha ang matinding galit. Walang salitang inakyat nito ang hagdan. Ang kanyang ina naman, tahimik na umakyat din.

“Kuya!” Viel hurriedly came up to him.

“What happened, Viel?”

“Si Mama kasi, eh. May ginawang kalokahan.”

Napakunot-noo si Dock. “Kalokohan? What is that?”

“Eh, kasi itong si Kuya Nyke, he was acting weird lately. Mama was suspicious that he was having an affair with Charlota Swift. It was confirmed. I overheard him talking to someone over the phone. Kuya Dock, he’s obsessed. He is even begging this old woman to see him.”

“Paano mo namang nasabing si Charlota ang kausap niya?”

“Well, he is defending their age gap. Parang ayaw nang makipagkita ni Charlota kaya `ayun, nagmamakaawa si Kuya Nyke.”

It was Paulina and not Charlota. Dock was sure about that.

“`Tapos itong si Mama, nagfe-freak out. Alam mo namang may kinakasama si Charlota ngayon kaya gumawa siya ng paraan para mabaling ang atensiyon ni Kuya Nyke sa iba.”

“Ano’ng ginawa?”

“Gusto niyang pikutin ni Gaile si Kuya Nyke. Pumayag naman ang gaga kong kaibigan. Pero wala akong alam doon. It was a deal between Mama and Gaile. Then, ipinagtabuyan ni Kuya Nyke si Gaile at pinagsalitaan ng masasakit. Kawawa si Gaile. Sobra! Kung nakita mo lang ang hitsura niya kanina. I know she is secretly in love with Kuya Nyke.”

Dock sighed and massaged his temple. Nagdesisyon siyang puntahan ang ina sa kuwarto nito. Naabutan niya itong umiinom ng alak habang nakaupo sa chaise lounge sa veranda ng kuwarto. Tahimik na nakamasid sa madilim na kawalan.

Umupo si Dock sa maliit na bilog na upuan sa harap nito. Parang hindi man lang naramdaman ng ina ang presensiya niya. Hindi man lang ito kumurap.

Ipinatong niya ang palad sa ibabaw ng kamay ng ina na nasa ibabaw ng armrest. Pumikit ito. Noon sunod-sunod na tumulo ang mga luha.

His heart contracted painfully in his chest seeing his mother crying. Hinawakan ni Dock ang hawak na baso ng ina, saka iyon inilagay sa mesa. Tumayo siya at umupo sa armrest ng kinauupuan nito. Kinabig niya ang ina, saka masuyong niyakap. Matagal-tagal na rin niyang hindi nakikitang umiiyak ang ina.

“I’m sorry, son.”

“Sshh… Kung ano man ang sinabi ni Nyke, huwag mo nang isipin. Galit lang `yon.”

It had been years since her mother went deep down in a depression state. Hindi na niya gustong makita pa ito na nasa ganoong kalagayan. Physically, emotionally and mentally, nakakapagod. Hindi alam ni Dock kung saan siya kumuha ng lakas para mai-survive ang pamilyang ito.

“Totoo naman ang sinabi niya. I was a failure as a mother. I was ashamed of myself. At ngayong sinubukan kong gawin ang tingin kong tama para sa kapatid mo, lalong gumulo. Galit na galit siya sa akin, Dominick. Pati si Gaile, dinamay ko.”

Buntong-hininga ang tangi niyang nagawa nang lalong umiyak ang ina.

“HMM, IT seems Dock has started losing his interest in you. Wala siya sa mahalagang event mo.”

Nang-uuyam na komento iyon ni Princess kanina habang nagkakandahaba ang leeg ni Geallan habang nakatingin sa gate. Umaasa siya na darating pa rin si Dock kahit patapos na ang pagtitipon. Pero walang Dock na nagpakita kahit anino.

Hindi mawala sa isip ni Geallan ang mga sinabi ni Princess. Nagulat ang babae nang malamang siya ang nawawalang anak nina Seg at Tanya. Pero kahit anak pa siya ng isa sa pinakamayamang negosyante sa buong Pilipinas, hindi pa rin siya nakawala sa pang-iinsulto nito.

Amoy-daing pa rin daw siya. Mababang klase ng babae kahit anong bihis ang gawin. Parang pinagsasawaan na raw siya ni Dock. Hindi raw pumunta sa party si Dock dahil ayaw nitong mas ma-involve pa sa kanya. Ganoon daw ang lalaki. Hindi gustong ipakita ang pakikipagrelasyon dahil walang planong palalimin ang relasyon sa kahit na kanino.

Natapos ang pagtitipon, pero hindi dumating si Dock. Wala man lang kahit text.

Napansin ni Tres na malungkot siya kaya nangako ito na tatawagan si Dock at aalamin kung bakit hindi nakarating.

Hinila ni Geallan ang makapal na kumot, saka nagtalukbong. Nalulungkot siya nang sobra. Ayaw man, pero naapektuhan siya sa sinabi ni Princess.

Hay! Hayun na naman. Nakakaramdaman na naman siya ng sakit katulad ng naramdaman niya dahil kay Javan noon.

“Baby…”

Nanigas si Geallan sa ilalim ng comforter. Pati paghinga niya ay napigil nang marinig ang boses ng boyfriend.

Guniguni lang ba niya iyon? Ano naman ang gagawin ni Dock sa kuwarto niya?

Nahigit ni Geallan ang hininga nang gumalaw ang kama sa gilid niya at maramdaman ang kamay na pumatong sa kanyang katawan. Noon niya inalis ang pagkakatalukbong ng kumot.

“Dock?”

Namilog ang mga mata niya nang makitang nakatingin sa kanya si Dock. Suot nito ang isang mamahaling tuxedo. Kapansin-pansin ang hindi magandang ekspresyon sa mukha nito.

Tipid itong ngumiti. Ibinaba ang sarili palapit sa kanya, itinukod ang isang braso sa gilid ng ulo niya, saka siya hinalikan sa mga labi.

“I’m sorry,” bulong nito na pinanatiling nakalapat ang noo sa noo niya.

“Ano’ng nangyari?” Hinaplos niya ang pisngi ni Dock.

“Nagkaroon lang ng emergency sa bahay. Kinailangan ko lang ayusin. Galit ka ba sa akin?”

Umiling siya. “Hindi. Pero sandali, paano ka nakapasok sa kuwarto ko?”

“Si Tres ang nagpapasok sa akin dito.”

“Tinawagan ka ba niya?”

Tumango si Dock. Kung ganoon, nandito si Dock dahil sa kapatid niya. Parang may iba itong pinuntahan dahil bihis na bihis pa.

Sa halip na gumaan ang pakiramdam at matuwa, parang lalong bumigat ang pakiramdam ni Geallan. Nagsasawa na nga talaga siguro sa kanya si Dock. Mariin niyang kinagat ang mga labi nang manginig iyon. Buong effort ang ginawa niya para hindi mamuo ang luha sa mga mata.

“BRIELLE!”

Munting ngiti ang sumilay sa mga labi ni Geallan habang nakapikit ang mga mata. Hinayaan niya ang malamig na hanging dagat na tangayin ang kulot niyang buhok nang muling may sumingit na alaala. Ang alaala ng nakaraan na madalas niyang mapanaginipan. Isang masayang pamilya sa dalampasigan habang tinatawag siya ng boses ng batang lalaki.

Pagmulat ni Geallan ng mga mata, palubog na araw at kumikinang na tubig ng dagat ang una niyang nabungaran. Sa wakas, may mukha na ang mga tao sa malabong alaala na matagal nang gumugulo sa kanya noon pa man. Maliban doon, wala pa rin siyang matandaan.

Brielle… Kaya pala pamilyar sa kanya ang pangalan na iyon nang minsang banggitin ng tunay niyang ina nang una nilang pagkikita. Iyon pala ang tunay niyang pangalan. Sa paminsan-minsang sumisingit na alaala pala niya narinig ang pangalan na iyon. Azalea Brielle Cervantes-Cabral ang tunay niyang pangalan at hindi Geallan Mokudef.

Inilibot ni Geallan ang tingin sa paligid. Sa lugar na iyon daw siya nawala noon. Dalawang araw matapos ang party, itinuloy nila ang planong outing sa isang beach resort na pag-aari ng kaibigan ng mga magulang kasama ang pinsang si Lyca— anak ng Tita Sarah niya—at asawa at anak nitong sina Alford at Fenix.

Inilubog ni Gealan ang walang saping paa sa pinong buhangin. Pinanabikan din niya ang ganoong lugar. Tahimik. Tanging ihip ng hangin at malumanay na hampas ng alon sa dalampasigan ang maririnig. Nami-miss na rin niyang pumalaot at manghuli ng isda. Magagawa pa kaya niya ang mga bagay na iyon?

“Tita Brielle!”

Malawak siyang ngumiti nang marinig ang boses ni Fenix, ang batang makulit. Anak ito nina Alford at Lyca. May ngiti sa mga labing nilingon niya ang bata. Kumaway si Geallan sa guwapong bata. Pero ang malapad na ngiti ay unti-unting nawala. Bigla ang pagwawala ng puso niya nang makita ang kasunod nito. Si Dock.

Nakapamulsa ang lalaki sa suot na khaki shorts habang ang puting polo ay nakabukas lahat ng butones. Nakahantad ang matipunong katawan nito. Ang lakas talaga ng dating ng isang ito. Yayamanin ang pormahan. Kahit sinong babae yata, maglalaway sa lalaking ito.

Nakangiti siyang kumaway nang makabawi sa saglit na pagkabigla dahil sa hindi inaasahang pagdating ni Dock. Ang akala ni Geallan, hindi ito sasama. Alam niyang masyado itong busy.

Inalis ni Dock ang isang kamay sa shorts at nakangiting kumaway sa kanya. May malapad na ngiti sa mga labing sinalubong niya ang lalaki nang maglakad ito papunta sa kinatatayuan niya. Niyakap niya ito.

Malakas na tumawa si Dock at binuhat pa siya mula sa buhangin.

“It seems like you’ve missed me so much, huh?”

“Sobra.” Inilayo ni Geallan ang sarili sa lalaki nang ibaba siya nito.

Dock lovingly cupped her chin and tilted her face as one arm wrapped around her waist. “I missed you, too.”

“Bakit ka nandito? Hindi ka ba busy ngayon?”

Sumeryoso ang mukha ni Dock. Mataman siya nitong tinitigan na para bang may gustong sabihin. Na parang ang lalim ng iniisip.

Muli, sobra ang pagwawala ng puso ni Geallan. Not that because she was excited. Takot. Iyon ang bigla niyang naramdaman dahil sa pagtitig ni Dock. Pakiramdam niya, may sasabihin itong hindi niya magugustuhan.

“D-Dock?” tawag niya.

Ngumiti ito. Bumaba ang mukha nito at hinalikan siya sa mga labi. Ipinikit ni Geallan ang mga mata at bahagyang ibinuka ang mga labi nang muli siya nitong halikan. Inalis ng halik ng lalaki ang lahat ng alalahanin niya.

“Bastos!” Fenix chirped, causing for their lips to part away.

Nang yukuin nila ang batang nasa tabi na pala nila, sabay silang nagkatawanan dahil sa cute nitong hitsura. Nakatingala ito sa kanila habang ang isang kamay ay nakatakip sa mga mata, pero may siwang naman.

Ginulo ni Dock ang buhok ni Fenix.

“Hay! PDA is not good in front of a kid,” sabi ni Alford na binuhat si Fenix nang makalapit sa kinaroroonan nila. “Sa harap pa talaga ng anak ko,” reklamo nito.

Inakbayan ni Dock si Geallan. “I can’t believe this! A man who loves to fuck in public would say that? Nakakakilabot palang marinig ang ganyan sa katulad mo, `no?” pang-aasar nito kay Alford.

“Nagsalita ang hindi hilig ang—Aww! Fuck!” Namilipit si Alford nang kurutin ito ni Dock sa tagiliran.

“Want to stroll around the beach with me?” tanong ni Dock sa kanya.

Pero hindi na siya pinasagot pa ng lalaki nang hilahin siya nito palayo kay Alford.

Iniyakap niya ang mga braso sa katawan ni Dock. Tiningala niya ito. “Ano `yong sinasabi ni Alford?”

Curious si Geallan. Ano kaya iyon? Hilig din kaya ni Dock ang makipagtalik sa pampublikong lugar?

Hinalikan siya nito sa noo. “Wala `yon.” Masuyo nitong hinawi ang hibla ng buhok na humarang sa mukha niya, saka masuyo ring hinalikan sa mga labi.