noveltoon logo noveltoon
Get Wild (Fatal Attraction Series 2)

Chapter 18

Ch. 18 / 39 Mar 23, 2025

C hapter 18

NAG-ANGAT ng mukha si Dock mula sa mga papeles nang may tumama sa kanyang mukha. His forehead crumpled. Mula kay Falcon, bumaba ang tingin niya sa hita kung saan bumagsak ang bagay na tumama sa mukha. Gamit ang dulo ng dalawang daliri, inipit niya ang garter ng briefs at itinaas iyon. Dock inwardly winced as he saw the leftover of his own semen on the fabric. Nagdidikit-dikit ang tela dahil doon. Itinapon naman ni Falcon sa kanya ang plastic na pinaglagyan ng briefs.

“Puro ka talaga kabastusan!”

“May pruweba ka bang akin `to?” Ipinatong ni Dock ang briefs sa desk.

“Kung hindi kita nakitang lumabas ng opisina ko at kung nandoon si Alford, siya ang pagbibintangan ko.” Umupo si Falcon sa visitor’s chair.

“I have the right to remain silent,” sabi niya, saka buong pagpipigil na tumawa. Mapapatay siya ni Tres sa oras na mapatunayan ngang si Geallan ang nawawala nitong kapatid.

May hinala ang mga ito, lalo na ang ina ni Tres, na si Geallan si Brielle, ang kapatid ni Tres na matagal na panahon nang nawawala. Malaki ang pagkakahawig ni Geallan kay Tanya, idagdag pa na pinsan ng mommy ni Tres si Alma, ang nakagisnang ina ni Geallan. Nalaman niya mula kay Geallan na hindi ito ang tunay na ina ng babae. Anak ito sa labas.

Nagkaroon ng matinding galit si Alma sa pamilya ni Tres noon kaya posible iyon. Siya rin mismo ang nagbigay ng wine kay Geallan kagabi para lang makakuha ng sample sa DNA test. Gusto ng mga itong sabihin kay Geallan ang hinala para alam ng babae ang gagawing DNA test, pero siya na ang pumigil kay Tres. Ayaw niyang maguluhan si Geallan. Mas mabuting makasiguro muna. Masyadong maraming pinagdaanan si Geallan para bigyan ito ng bagong isipin.

“Pupuntahan ko sana si Geallan. Puwede bang pumunta kayo sa bahay mamaya para sa dinner? Mom wants to see her.”

“Okay. Tara, sabay na tayo. Nangako rin sa akin si Geallan na ipapatikim niya sa akin ngayon ang daing niya.”

Tiningnan siya nang masama ni Falcon. Malakas na humalakhak si Dock, saka ibinato sa mukha ni Falcon ang briefs na ikinamura nito. Ibinato nito pabalik sa kanya ang briefs.

“Literal na daing. Ang dumi-dumi ng isip mo. Gumawa `yon ng daing.”

NAGPUNTA sina Geallan at Dock sa mansiyon ng mga Cabral. Inimbitahan sila ni Tres na mag-dinner sa bahay ng mga ito. Pagbaba pa lang ni Geallan ng sasakyan, nakaabang na si Tanya sa labas ng mansiyon. Agad siya nitong nilapitan, saka mahigpit na niyakap.

Hindi siya hinihiwalayan ng babae, panay ang haplos sa buhok niya habang magkatabing nakaupo sa sofa. Humiwalay lang si Tanya nang nasa hapag-kainan na sila para maghapunan. Siguro sabik ito sa anak na babae kaya ganoon.

Hindi rin talaga maganda kapag nag-iisa ang anak. Kaya siya, naku! Hinding-hindi siya magpa-family planning kapag nagkaasawa na. Anak kung anak! Lalo kung si Dock ang tatay ng mga magiging anak niya. Siguradong maganda ang lahi. Siguro sperm pa lang nito, guwapo na. Nanghihinayang tuloy si Geallan sa mga ipinahid lang nito sa kumot. Ngayon, lahat sinasalo na ng matris niya. Kaya nga lang, pinapatay naman ng contraceptive pills na iniinom niya. Binilhan siya niyon ni Dock.

Kung magpabuntis na lang kaya siya kay Dock? Keri lang kahit hindi siya panagutan. Magkaroon lang siya ng anak kahit wala nang asawa, ayos lang. Kaya lang, wala naman siyang ibubuhay. Kailangan muna niyang magtrabaho at mag-ipon, saka magpapabuntis kay Dock. Wish lang niya na wala pa itong asawa sa mga panahong iyon.

“Geallan, anak, magkuwento ka tungkol sa `yo,” sabi ni Tanya. Tumayo ito sa pagkakaupo, kinuha ang isang putahe at inilapit sa kanya, saka muling umupo. “Paborito mo `to noong bata ka pa,” sabi nito.

Paborito? Hindi nga niya alam kung ano iyon. “Siguro po, kung nakatikim na po ako nito noong bata pa ako, siguradong magiging peyborit ko po `to. Kaya lang, hindi pa po, eh. Ano po ba `to?” Kumuha si Geallan ng isang piraso at inilagay sa plato.

“Mom, it’s a bit creepy,” Tres said with a sigh. Katabi nitong nakaupo si Tanya.

“I agree,” sabi ni Seg na katabi ng asawa. Nasa kabisera naman si Don Ulysses, katabi nito ang asawang si Donya Lana.

Napakabait din ng dalawang matanda, medyo weird lang. Pagdating nila ni Dock, mahigpit din siyang niyakap ni Donya Lana. Hinalikan siya nito nang paulit-ulit sa pisngi. Naiyak pa ang matanda.

Akala ni Geallan dati, matapobre ang mayayaman. Ngayon niya napatuyan na ang tunay na mayayaman, mababait. Karamihan sa matapobre, iyong feeling mayaman. Katulad ng mga tagaroon sa kanila.

“It’s a chicken lollipop. Niluto ko talaga `yan para sa `yo,” paliwanag ni Tanya na hindi pinansin ang anak at asawa.

Kumagat si Geallan sa manok. Ngumiti siya kay Tanya. “Masarap po. Diyos ko! Pritong manok lang pala `to,” nakatawa niyang sabi.

Maging ang mga kasama sa hapag-kainan ay nagsitawanan.

“Paborito ko nga po ang fried chicken noong bata pa ako. Sa sobrang paborito, `yong daing po, ini-imagine ko na lang na fried chicken. O kaya naman po, `yong kanin, huhubugin ko na hugis-manok. Hindi kasi ako madalas na nakakakain n’on. Sa school lang, kapag binibigyan ako ni Javan ng baon niya.”

Muli siyang kumagat. Ang sarap niyon. Naalala ni Geallan noong bata pa siya. Pritong isda, gulay o kaya naman, daing ang ulam niya habang si Alice, fried chicken. Inggit na inggit siya noon. Nang magtanong naman siya sa nanay niya kung bakit magkaiba ang ulam nila ni Alice, pinagalitan lang siya. Bakit daw siya nagtatanong pa, eh, pasalamat na nga lang daw siya at pinapakain pa siya.

“Hindi ka man lang ba ipinagluto ni Alma ng ganyan?”

Nagkibit-balikat si Geallan. Hindi na pinagtakhan kung bakit alam ni Tanya ang pangalan ng nanay niya. Naalala niyang nasabi niya iyon sa kapatid nitong si Sarah. Baka nagkuwento ang babae.

“Nagluluto naman po si Nanay ng fried chicken, pero mga dalawang piraso lang. Para kay Alice lang po, sa kapatid ko. Minsan nga po, palihim akong kumurot sa manok, `ayun tadtad din ng kurot ang nakuha ko kay nanay.” Marahang natawa si Geallan sa sariling kuwento.

Bigla na lang humikbi si Tanya, na pinagtakhan niya. Kinabig ito ni Seg sa bisig nito.

“Seg, ang anak natin. I couldn’t imagine what she went through. She doesn’t deserve this.”

Hinaplos ni Seg ang likod ng asawa.

Inilapit ni Geallan ang sarili kay Dock na katabi niya, saka bumulong. “Bakit ba siya laging umiiyak? May depresyon ba siya?”

“Naaawa lang siya sa `yo. Nakaka-relate siguro siya dahil katulad mo noon, naging malupit din kina Tita Tanya at Tita Sarah ang kamag-anak nila sa kanilang magkapatid.”

“Pagpasensiyahan mo na si Tanya, hija. Sige na, kumain ka lang,” sabi ni Donya Lana. “Magkuwento ka na lang tungkol sa inyo ni Dock,” sabi pa ng donya.

“Napag-usapan n’yo na ba ang tungkol sa kasal?”

“Naku, hindi po. Wala po kaming balak magpakasal ni Dock,” mabilis na sagot ni Geallan na sinamahan pa ng pagkumpas ng kamay. “No strings attached po ang relasyon namin. Fling-fling lang po.” Nilingon niya si Dock na nasamid. Nagpunas ito sa bibig gamit ang cloth napkin.

“No strings attached?” Ang wrinkles ng donya sa noo ay lalong nalukot.

“Opo. `Yon po kasi ang usapan namin. Parang live in lang po kami, pero maghihiwalay rin. Masuwerte nga po ako kasi lumagpas na ako sa expiration date.”

Dock leaned sideways and whispered. “You are so honest, baby.”

Matamis siyang ngumiti kay Dock. “Salamat.”

“Expiration date? Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong ni Tanya na ngayon ay tumahan na.

“May one-month rule po kasi si Dock sa pakikipagrelasyon.”

“Oh, Lord! Take me now! This family will kill me in the most brutal and painful way,” Dock grunted silently.

Ngiting-aso ang gumuhit sa mga labi ni Dock nang lahat ng mga mata ay matuon dito. Pakiramdam ng lalaki, maglalabas iyon ng lasers at hahatiin ang katawan nito sa maliliit na piraso.

“You two should get married,” Tanya said.

“Wala po sa plano `yan, Tita Tanya. Magbabarko po kasi ako. Kailangan kong magtrabaho. Gusto ko pong makatulong kina Nanay.”

Ayaw niyang mag-expect ng kahit na ano sa relasyon nila ni Dock. If she didn’t have expectations, she could never be disappointed and there would be less heartache.

“Hindi ka nila pinakitunguhan nang mabuti, pero sila pa rin ang iniisip mo.”

“Naiintindihan ko po si Nanay kung bakit malayo ang loob niya sa akin. Namatay po si Tatay dahil sa akin. Itinaguyod niya kami ni Alice nang mag-isa. Siguro, kapag nabigyan ko sila ng magandang buhay, baka mag-iba na po ang trato niya sa akin. Saka malaki ang utang-na-loob ko sa kanya. Anak ako ni Tatay sa ibang babae, pero tinanggap pa rin niya ako.”

“Napakabuti mo.” Nangislap na naman ang mga mata ni Tanya dahil sa luha. Ang emosyanal nito lagi. Maawain masyado.

“NASISIRAAN ka na ba talaga ng ulo, Nyke?” pagalit na sigaw ni Dock sa nakababatang kapatid habang magkausap sila sa pool area.

Sinadya niyang puntahan ang kapatid sa bahay nila. Doon siya dumeretso pagkagaling ng opisina para pagalitan ito dahil sa ginagawa nitong kalokohan.

Kahapon habang naka-convoy sila ni Tres papunta sa condo niya, nadaanan niya si Nyke na lumabas ng restaurant kasama si Paulina, Gaile’s mother, best friend ng mama nila at ninang nilang magkakapatid. Ang nakakagulat, ang paghalik ni Nyke kay Paulina sa mga labi bago pagbuksan ng sasakyan.

Nyke stretched and released a yawn, putting his arms under his head as he lay back on the lounge chair. Habang si Dock, palakad-lakad sa harap nito. He knew he was just faking it to dismiss him.

“Bro, it was just a, uhm… inaanak and a ninang’s kiss. It’s nothing. Malisyoso ka lang.”

Dock harshly snapped his head towards Nyke. Deep folds appeared on his forehead as he furrowed it. Nyke laughed at his expression.

“Hindi ako nakikipaglokohan sa `yo, Nyke. What the heck is wrong with you? Tita Paulina is our godmother, for Christ’s sake! She even had your diapers changed when you were still an infant. Then now… Jesus!” Hindi niya matapos-tapos ang sinasabi sa gigil sa kapatid.

“And she had even kissed me when I was a toddler, but no one denounced it. And now—” Nyke stopped in his mid-sentence as he shot daggers at him. He pulled back his lips, trying not to laugh.

“Nyke, I’m fucking serious, so you better listen.” Umupo si Dock sa katabing lounge chair na nahihigaan nito. Hinarap niya ang kapatid. “Makakasira ka ng pamilya sa ginagawa mo.”

“Matagal na silang sira. Paulina and Zake are just staying together for the sake of their children. Niloko niya si Paulina.”

“And since when have you started dropping the ninang in her name?”

Nyke smirked. “Since we’ve kissed,” proud nitong sagot.

Gusto talaga niyang suntukin ang kapatid. Pero kailangan niya itong makausap nang masinsinan. Alam niyang hindi uubra kahit magalit pa siya.

“Nyke, I’m serious. Bakit ba nahihilig ka sa matatanda?”

“Paulina is not that old. Mukhang mas matanda pa nga si Gaile sa nanay niya.”

Paulina looked younger than her age. Opposite nga ang mag-ina. Pauline Gaile was more conservative than her mother. Palibhasa bata pa lang, modelo na si Paulina. Si Gaile naman, mas private na tao, hindi nakikisalamuha sa mga taong pasosyal. Minsan nagtataka nga si Dock kung paano ito naging kaibigan nina Reviel at Saphira. His sisters were so wild.

“Why do you find these old women so appealing? Why don’t you find a woman who’s the same age as you are or younger? Christ, Nyke! You might injure them in bed!”

Malakas na humalakhak si Nyke. “Is that what you think?”

“Hindi ba? Mahina na ang mga kasu-kasuan nila.”

“No, big bro. They are more playful and aggressive in bed. They are much more experienced,” nakatawa nitong sabi. “And these youngins are too difficult to deal with. Sometimes, they’re selfish, tending to what they only need and want. Which is why I prefer hanging out with older women. Less stress and drama. Subukan mo rin.”

“Hell, no! I’m contented with Geallan.” Humiga rin si Dock sa lounge chair at iniunan din ang braso.

“About, Geallan, bro. I like her for you. Mag-i-stick ka na ba sa kanya? I think it’s about time you settle down.”

Tiningnan niya ang kapatid. “How can I do that kung pasaway ka pa rin? Paano ko maibibigay ang oras ko sa magiging pamilya ko kung kailangan ko pa rin kayong intindihin lagi?”

“Hindi mo naman kasi kami kailangang intindihan. I can take care of Mama.”

“You sure? Isa ka nga sa inaalala ni Mama. If Mama will find out about your affair with her best friend, lalong made-depress `yon. Kaya kung ako sa `yo, tigilan mo na `yan. Hindi lang si Mama ang sasaktan mo sa ginagawa n’yo. Even Gaile. Masasaktan siya.”

Hindi umimik si Nyke. Buntong-hininga lang ang pinakawalan nito, saka itinuon ang mga mata sa madilim na kalangitan.

“Did you sleep with her?”

Saglit na tumingin si Nyke sa kanya. Muli rin nitong ibinalik ang mga mata sa langit. “No. We are in the exploratory stage. Dating, getting to know each other.”

“Fetus ka pa lang, kilala ka na ni Tita Paulina. Getting to know each other.” Dock grunted. Nyke just laughed. Bumangon siya sa pagkakahiga. “Tigil-tigilan mo na ang kalokohan, Nyke. Ayaw ko nang mababalitaan na nakikipagkita ka pa kay Tita Paulina o kahit kay Charlotta Swift. Bakit hindi si Gaile ang ligawan mo at hindi `yong nanay ang pinagdidiskitahan mo?”

“Sige na, umalis ka na!” Nyke waved a hand dismissively at him.

Dock sighed as he shook his head before leaving his brother alone. Pinuntahan niya ang kuwarto ng ina. He gave the wooden door a cursory knock.

“Come in!”

Dock heard his mother’s voice. Marahan niyang binuksan ang pinto, saka sumilip doon. Nakaupo ang kanyang ina sa gilid ng kama habang hawak ang baso ng tubig. Parang uminom ito ng gamot. Inilapag nito ang baso ng tubig sa nightstand, saka ngumiti nang makita siya.

“Dominick.”

“Hey, `Ma.” Lumapit siya sa ina, humalik sa pisngi. Sinulyapan niya ang bote ng sleeping pills na nasa tabi ng baso bago umupo sa tabi. “Umiinom ka pa rin ng sleeping pills?”

“I need that, son. Saka paminsan-minsan lang naman,” nakangiti nitong sagot. “Mabuti at napasyal ka.”

“Dinalaw lang talaga kita. Kumusta ka?”

“I’m fine. Medyo namomroblema lang ako sa kapatid mo. Kay Nyke. Hanapan mo na kaya siya ng mapapangasawa nang hindi pulos kalokohan ang ginagawa.”

“Mapapangasawa? It’s supposed to be me, `Ma. Ako muna dapat,” pagbibiro niya.

Ang problemado nitong mukha ay lalong nabahala. Bumakas ang hindi pagsang-ayon. “Dominick, `wag muna ikaw. Your siblings need you. We still need you. Kailangan mo munang maayos ang buhay ng mga kapatid mo.”

Bahagya siyang ngumiti sa ina. Hinawakan ang mukha nito, saka marahang hinaplos. “I’m just kidding, `Ma. Wala pa naman akong planong magpakasal.”

Takot ang kanyang ina sa responsibilidad. Mula pa man noon hanggang ngayon, ganoon na ito. Iniasa na sa kanya ang lahat mula nang iwan sila ng ama at nang mamatay ang lolo niya. His mother was an epitome of weakness. Kung ano ang nararamdaman, hindi kayang itago. Hindi nito kayang i-handle ang problema.

“Si Saphira, masyado nang sineseryoso ang relasyon sa nobyo niya. Parang nagpapahiwatig na ng kasal. Pero nag-aalala ako para kay Viel. Paano kung maapektuhan ang relasyon ng magkapatid dahil doon?”

Itinukod ni Dock ang dalawang kamay sa kama sa likuran niya, saka itiningala ang ulo. Hindi niya alam kung sino ang uunahin sa mga ito. He wanted the best for his siblings. Kaya siya nagtatrabaho nang mabuti at pilit na pinapalago ang kompanya para sa pamilya. Gusto niyang kapag handa na ang mga itong tulungan siya sa pamamahala sa kompanya, maging smooth ang lahat.

Gusto niyang maging secured ang kinabukasan ng mga kapatid. May account ang mga ito na siya lang ang may access sa ngayon. Doon niya ipinapasok ang ibang kita ng kompanya. He divided the company’s profits equally among them.

“Pagod ka na ba?”

Dock smiled at his mother. “Helping and guiding them is something I’ll never get tired of. You know how much I love this family.”

Sumilay ang masayang ngiti sa mga labi ng ina. Nawala ang pag-aalala nito, na ikinagaan naman ng loob niya.