noveltoon logo noveltoon
Get Wild (Fatal Attraction Series 2)

Chapter 35

Ch. 35 / 39 Mar 23, 2025

C hapter 35

NAGPUNTA sina Geallan at Adeline sa isang coffee shop na nasa loob ng unibersidad. Pinili nila ang mesa sa pinakasulok at magkaharap na umupo. Pinagbigyan niya ang pakiusap nito dahil parang sincere naman.

“I just want to say sorry about what happened the last time we talked. Hindi ko gustong—All right, I intended to hurt your feelings para lang layuan mo si Dominick.”

“Naiintindihan ko po. Bilang isang ina, may gusto po talaga kayo para sa anak n’yo. At tingin n’yo, hindi ako makakabuti para kay Dock.”

Umiling si Adeline. “I like you for my son, Geallan. Sa totoo lang, wala naman akong pakialam kung sino ang gusto ng anak ko as long na magiging masaya siya. May mabigat na dahilan lang talaga ako.”

“Si Princess po. Mas gusto mo siya para sa anak n’yo. Huwag po kayong mag-alala, wala na akong balak na makipagbalikan pa kay Dock. Siguro nga, si Princess talaga ang mahal niya.”

Katulad ng sinabi ni Princess, nagkabalikan ito at si Dock noong nasa Sweden ang mga ito. Nabuntis ang babae, pero nakunan. Iyon ang naging dahilan kaya nagkalabuan ang dalawa. Sinisisi ni Dock si Princess sa pagkawala ng baby dahil hindi naging maingat ang babae.

Kahit nasasaktan, hindi iyon ipinakita ni Geallan sa kausap. Pilit niyang tinatagan ang loob.

“Hindi. Ikaw ang mahal ng anak ko. I have witnessed how he suffered from being away from you when we were in Sweden. Ikaw ang lagi niyang ikinukuwento sa akin. Kung gaano ka niya kamahal. Na ikaw ang first love niya. `Yong mga magaganda niyang kuwento tungkol sa love story n’yong dalawa ang isa sa dahilan kung bakit siguro ako naka-recover from depression. At aaminin kong malaki ang naging parte ni Princess sa recovery ko.”

“Pero sumiping pa rin siya kay Princess.”

Iyon ang masakit na katotohanan; katotohanang paulit-ulit na dumudurog sa puso ni Geallan. Tuwing maiisip niya kung paanong halikan at haplusin si Princess ni Dock, hindi niya mapigilang mapaiyak. Mahal na mahal niya si Dock kaya sobrang sakit ng mga nalaman niya. Binigyan niya ng chance ang lalaki, pero hindi pa rin ito naging tapat sa kanya.

Pero gusto niyang magpakatatag. Ayaw niyang ipakita na nasasaktan siya. Sa halip na sumbatan si Dock, mas minabuti niyang ipakitang wala itong halaga sa kanya. Mas minabuti niyang ipamukha na hindi niya ito minahal. Na si Javan lang ang lalaking mahal at mamahalin niya. Pride na lang ang mayroon siya. Ayaw niyang pati iyon, kunin pa sa kanya.

“Hija, hindi. Akala ko rin talaga, nangyari `yon at ayaw lang aminin ni Dock.” May kinuha itong ilang nakatuping papel sa bag at inilapag sa mesa sa harap. “Some information about Princess’s pregnancy.”

Kinuha iyon ni Geallan, saka sinimulang basahin.

“Ibinigay `yan sa akin ni Brixx kahapon. Si Brixx ang pinakiusapan ni Dock na mag-imbestiga. Totoong nabuntis si Princess, pero hindi totoong nakunan siya. She had aborted the poor child.”

Geallan’s eyes flitted to Adeline, shocked.

“Nabuntis si Princess. Alam niyang sa oras na lumabas ang bata, hindi niya puwedeng sabihing anak ni Dock ang bata. Masisira ang lahat ng plano niya sa anak ko. Si Brixx ang ama ng ipinagbuntis ni Princess. Inamin mismo `yon ni Princess kay Brixx.”

Hindi siya makapaniwala. Sobrang makasarili ni Princess para patayin ang sariling anak para sa pansariling interes. May ganoong klaseng tao pala talaga. May mas malala pa pala sa ginawa ng Nanay Alma niya sa kanya.

Muling inilapag ni Geallan ang papel sa mesa. “Kaya po ba gusto n’yong balikan ko si Dock dahil dito?”

“Hindi. Hindi naman si Princess ang dahilan kung bakit tutol ako sa relasyon n’yo ni Dock. Nagkataon lang na may kaugnayan ka sa mga taong hindi ko na gusto pang makita.”

Naguguluhan si Geallan sa sinasabi ng babae.

“Natatakot ako para sa anak ko. Natatakot ako na baka iwan mo rin siya. Takot akong masaktan siya. Baka mas piliin mo ang lalaking una mong minahal katulad ng… ng ginawa ng asawa ko.”

“Ano po’ng ibig n’yong sabihin na may kaugnayan ako sa mga taong hindi mo gustong makita?”

Muling may inilabas si Adeline sa bag. Inilapag nito sa mesa ang larawan at itinulak palapit sa kanya.

Nagtatakang kinuha iyon ni Geallan. Family picture nina Javan?

“Bakit po mayroon kayo nito?”

“That’s your former boyfriend, right?”

“Opo.”

“Si Jacinto…”

Bigla na lang tumulo ang mga luha ng babae. Galit, kalungkutan at sakit ang makikita sa mukha nito.

“Siya ang dati kong asawa. Ang ama ng mga anak ko.”

Her eyes and her mouth were frozen wide open in an expression of stunned surprise. Geallan sat in shocked silence for a few minutes, trying to process Adeline’s revelation. Bumuka ang bibig niya, pero muli ring itinikom nang walang salitang mahanap. She was too stunned to react. It was as if Adeline just dropped a bomb.

“Hanggang ngayon, galit na galit ako sa pamilyang `yan. Hindi ko makalimutan ang ginawa nila sa akin. Sa aming mag-iina.”

“Magkapatid sina Dock at Javan?” halos pabulong niyang tanong.

“No! And thank God, they are not.”

“Ano po’ng ibig n’yong sabihin? Paanong hindi sila magkapatid kung iisa ang ama nila?”

“So, pinandigan talaga nina Jacinto at Cynthia ang kasinungalingan nila.” Pinahid ni Adeline ang basang pisngi ng puting panyo. “Bukod sa pagiging magkarelasyon, best friend din ang dalawa. Jacinto is an employee in our company. Nakikita ko si Cynthia noon na nagpupunta at sinusundo si Jacinto. Hanggang sa maghiwalay ang dalawa. Nagpuntang Japan si Cynthia. One day, dala ng kalungkutan at alak, may nangyari sa amin ni Jacinto. Si Dominick ang naging bunga. Ikinasal kami. Pero isang araw, kung kailan apat na ang anak namin saka bumalik si Cynthia. Nalaman ko na lang na inako ni Jacinto na sariling anak ang batang `yon kahit hindi niya kadugo.”

Muli na namang umiyak ang babae. “Ang usapan namin, hindi na siya makikipagkita sa mag-inang `yon. Pero isang araw, nalaman ko na lang na patuloy pa rin pala siyang nagpapakatatay sa batang `yon. I even caught them kissing in front of that child. Malinaw na pinili ni Jacinto ang mag-ina kaysa sa amin.”

Bumigat ang dibdib ni Geallan sa mga nalaman. Nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman ni Adeline. Kung siya siguro ang nasa kalagayan nito, magagalit din siya nang sobra. Pero si Javan… Walang alam si Javan sa bagay na iyon. Sigurado siyang masasaktan si Javan kapag nalaman iyon.

“Wala pong alam si Javan dito. Ang alam niya, nagtatrabaho ang papa niya sa ibang bansa. At noong ten siya, umuwi si Tatay Jacinto mula Saudi at hindi na umalis. `Yon ang pagkakaalam niya.”

Pagak na tumawa ang babae. “`Yon ang mga panahong tuluyan na kaming iniwan ni Jacinto. Wala akong maisagot sa mga anak ko tuwing tatanungin ako kung kailan babalik ang ama nila. Si Dominick ang alam kong higit na nasaktan. Alam niya ang totoo. Nakita niya kung paano lambingin ni Jacinto ang Javan na `yon. Minsan, tinanong pa niya ako kung hindi ba siya mabuting anak para mas piliin ni Jacinto ang batang `yon kaysa sa kanya. As a mother, I was so hurt for my son and afraid that he might be experiencing the same thing that happened to me in the past. Kaya hindi ako sumang-ayon sa relasyon n’yo nang malaman ko ang tungkol sa Javan na `yan. Baka iwan mo rin ang anak ko.”

“Mahal ko po si Dock.” Kahit tipid ang ngiting ibinigay ni Adeline, nasa mukha naman nito ang kasiyahan dahil sa sinabi niya. “Alam na po ba ni Dock ang tungkol kay Javan?”

“Alam niya. Sinabi ko. Pero nanindigan siya na mahal mo siya at hindi mo siya iiwan. Na hindi mo babalikan ang Javan na `yon.”

“Oh!”

Hindi mapigilan ni Geallan na mapaiyak. Kitang-kita niya ang sakit sa mukha ni Dock nang sabihin niyang hindi niya ito mahal dahil si Javan ang mahal niya. Kailangan niyang magpaliwanag. Siguradong nasaktan niya nang sobra ang lalaki. Siguro, iniisip ni Dock na sa pangalawang pagkakataon, inagawan na naman ito ni Javan.

“Nasaan po si Dock? Gusto ko po siyang makita. Kailangan ko siyang makausap.”

Umiling si Adeline “Hindi ko alam. Ilang araw na siyang hindi pumapasok sa opisina. Wala rin sa condo niya. Tinawagan ko na ang lahat ng puwedeng tawagan, pero wala rin silang alam.”

“Sina Kuya Tres. Magpapatulong ako sa kanila.”

Hinawakan ni Adeline ang dalawa niyang kamay. “May ipapakiusap sana ako sa `yo, Geallan.”

“Ano po `yon?”

“Alam kong wala akong karapatang hilingin ito, pero sana mapagbigyan mo ako. Pakiusap, hija. Putulin mo ang ugnayan mo kay Javan pati na sa pamilya niya.”

Kaibigan niya si Javan. Pero ex-lover pa rin niya ito. Hindi nga maganda kung makikipagkaibigan pa siya sa lalaki kung may karelasyon na siyang iba. Lalo na at si Javan pa pala ang naging dahilan ng pagkasira ng pamilya ni Dock. Kung iyon ang makakapagpanatag sa loob ni Adeline, gagawin niya.

Marahan niyang pinisil ang kamay nito. “Makakaasa po kayo.”

“Salamat, hija.” Makikita sa mukha nito ang ginhawa sa sinabi niya.

Pagkatapos ng masinsinang pag-uusap, sabay silang lumabas. Pero paglabas, may hindi inaasahang tao silang nakita.

It was Princess, wearing the beautiful mask. A mask that was hiding her true personality, allowing her to adopt the persona of any character of her choice. Isang demonyitang nag-aanyong anghel ang nakikita ni Geallan sa babaeng ito.

“Mama Adeline.” Teary-eyed itong lumapit sa babae.

Adeline raised her hand, stopping her. “I know everything, Princess. I can’t believe that you are capable of doing such horrible things. You are a murderer!”

“Mama, no! Don’t believe Brixx. Sinisiraan lang niya ako sa `yo—”

“Stop it, Princess. Hindi na ako magpapauto pa sa `yo.”

Ang maamo at parang iiyak na mukha ni Princess ay biglang nag-iba. Tumalim ang mga mata nito at parang anumang oras ay handa nang manakit.

“Wala kang utang-na-loob! Kung hindi dahil sa akin, siguradong tuluyan ka nang nabaliw!” Sinugod nito si Adeline at hinila ang braso. “You evoke all the devil instincts that I have. I’ve sacrificed everything para sa inyong mag-ina. Inalagaan kitang baliw ka, `tapos babale-walain mo lang din ako. You and my mother are fucking the same! Puro kayo walang kuwenta!”

Umungol sa sakit si Adeline nang bumaon ang mahahabang kuko ni Princess sa balat nito. Napilitang makialam si Geallan. Inawat niya si Princess. Nang hindi ito nagpaawat, napilitan siyang itulak ang babae.

“You bitch!”

Galit na sumugod sa kanya si Princess. Umigkas ang kamay nito para sampalin siya. Pero bago pa man iyon tumama, may humablot na sa buhok nito at marahas na hinila. Natumba si Princess sa lupa. Galit itong tumitig sa babaeng nanakit dito pero pinamaywangan lang ito ng babae.

“Subukan mo lang saktan ang isa sa kanila at manghihiram ka ng mukha sa aso,” matapang na banta ni Viel.

Doon din nag-aaral si Viel. Madalas niya itong makita, pero umiiwas siya. Hindi siya nagpapakita sa babae.

Tumayo si Princess. Matalim siyang tinitigan. “We’re not over! Babalikan kita—”

Natigilan ito nang biglang sampalin ni Viel nang malakas. “Bakit ka pa babalik kung puwede naman nating tapusin ngayon?” taas-kilay na tanong ni Viel.

“Ugh!” Galit na nagmartsa palayo si Princess, hawak ang nasaktang pisngi.

“Hay! Bakit kasi nagpapaapi kayo sa babaeng `yon? Dapat sa mga katulad ni Princess, ginagamitan agad ng kamaong bakal.”

Nagkatinginan sina Adeline at Geallan, saka nagkangitian na lang.

“Brielle!”

Tili ng isang babae ang nagpalingon sa kanila. Si Nadia. Kumaway ito habang patakbong lumalapit sa kanila.

Tumingin ito sa likuran. “C’mon, there she is,” sabi ni Nadia sa kasama na ikinabahala ni Geallan. Si Javan.

“Hey! Kanina ka pa namin hinahanap ni Javan.” Humihingal pa si Nadia nang makalapit sa kanila.

“Geallan,” bati ni Javan.

Tiningnan niya si Adeline. Nabahala siya nang makita ang pamumutla nito habang nakatitig kay Javan.

“Tita.” Hinawakan niya ang nanginginig nitong kamay. Sumunod na nanginig ang katawan ng babae. Kinabig niya ang babae, saka niyakap. Itinalikod niya ito kay Javan.

“Okay lang po, Tita. Relax lang po.”

“`Ma, are you all right?” Nag-aalalang lumapit si Viel, saka hinaplos ang likod ni Adeline.

“Javan, puwede bang umalis ka na muna? Tatawagan na lang kita,” pakiusap niya sa lalaki.

“Pero…”

“Please, Javan. Please?”

Tumango ang lalaki, saka humakbang paatras. Naguguluhan ito habang nakatingin sa kanila bago tuluyang tumalikod.

“He looks familiar,” narinig niyang sabi ni Viel.