C hapter 34
“MAMA , I have to go potty. Really bad,” nine-year-old Dominick told her mother who was busy shopping.
“Okay, son. I’ll go with you. ”
“You can’t go to the men’s toilet. I can go alone!”
Mabilis na tumakbo si Dominick palabas ng boutique habang ang inang si Adeline ay nataranta naman.
He rushed to the comfort room. Halos katabi lang naman iyon ng boutique kung saan abalang namimili ang ina. Nang makita ang bakanteng urinal toilet bowl na napapagitnaan ng dalawang lalaking nagbabawas, tinakbo niya iyon. Niyuko siya ng lalaki. Nginitian naman niya ito.
Nang matapos, agad ding lumabas. Nandoon na ang kanyang ina. Nakangiting inilahad ni Adeline ang kamay sa kanya na inabot naman niya.
“Next time, huwag kang tatakbo basta-basta, Dominick. You are still a baby.”
“I’m a big boy, `Ma.”
“Hmp! Let’s go there na,” tukoy nito sa boutique na pinanggalingan nila.
Magkahawak-kamay silang bumalik sa boutique. Pero napatigil si Dominick sa paghakbang nang makita ang pamilyar na mukha. Bumitaw siya sa mama niya. Tumuloy na ito sa loob habang siya, nanatiling nakatayo sa labas at nakatingin sa lalaki.
“Papa?”
Malapad siyang ngumiti nang makumpirmang ang papa nga niya iyon. May hawak itong robot na laruan. Siguro, binili nito iyon para sa kanya o kaya para sa kapatid niyang si Nyke.
Excited na tumakbo si Dominick para lapitan ang ama. “Papa!” tawag niya.
Lumingon ang ama niya sa ibang direksiyon. Malapad itong ngumiti at pa-squat na umupo. Ibinuka nito ang mga bisig. Natigil sa pagtakbo si Dominick nang makita ang batang lalaki na sinusundan ng isang babae. Hindi nalalayo ang edad nito sa kapatid niyang si Nyke. Apat o limang taon.
“Tatay!” tili ng bata, saka sinalubong ng yakap ng kanyang ama. Masaya itong binuhat ng ama niya. Tuwang-tuwa ang bata nang ibigay ng ama ang laruang robot dito.
“Nagustuhan mo ba ang regalo ni Tatay, hmm?”
“Opo, Tatay! Ang ganda! Sobra-sobrang ganda.”
Masayang tawa ng kanyang ama ang maririnig dahil sa pagkagiliw sa bata. Pero ang pagtawa nito ay napatigil nang makita siya na naguguluhan sa nakikita.
“D-Dock?”Ang tuwa sa mukha ng ama ay napalitan ng pagkabahala.
Humakbang si Dominick, pero bago pa man siya makalapit sa ama, may humawak na sa balikat niya. Tiningala niya ito. Ang kanyang ina. Nasa mukha nito ang hindi maipaliwanag na emosyon.
“Mama, who’s that kid? Why is he calling my papa tatay?”
Ipinaikot ni Adeline ang braso sa balikat niya. Hinawakan at pinisil niya ang kamay ng ina nang mapansing nanginginig iyon.
Ibinigay ng kanyang ama ang bata sa babaeng kasama nito na parang kabado. His father took two steps toward them and paused. His hands clenched, hung at his sides as he was staring at them, obviously at a loss for what to do. He looked so worried.
“Adeline,” sabi nito.
“Let’s go, Dominick.”
“But, Mama!”
“I said let’s go!”
Sa unang pagkakataon sa buhay niya, ngayon lang siya nasigawan ng ina. Kahit makulit siya, laging malumanay ito kung magsalita.
Mahigpit ang hawak ng mama ni Dominick sa kamay niya. Halos kaladkarin siya nito palayo. Ang tanging nagawa niya ay tingnan ang ama habang palayo sila ng kanyang ina.
“HINDI ko siya anak! Wala kaming relasyon.”
Mula sa labas ng kuwarto ng mga magulang, narinig ni Dock ang pagtatalo ng mga ito. Nakatayo siya sa labas ng pinto ng kuwarto ng mga magulang.
“Anak siya ni Cynthia sa nobyo nito, pero hindi siya pinanagutan. Ako ang ipinakilalang ama ng bata. Adeline, makinig ka muna. Hayaan mo akong magpaliwanag.”
“Don’t fool me! I’m not that stupid to believe your shit, that, that woman didn’t do terrible stuff behind my back. She’s your former lover. Pumayag kang maging ama ng bata dahil mahal mo pa rin siya.”
Hindi umimik ang ama niya.
Nagpatuloy ang galit na boses ng ina sa panunumbat. “`Di ba? Until now, you still love her. Did you regret marrying me? Did you regret na nabuntis mo ako? Kung hindi lang sana ako nabuntis, malaya ka sana ngayon.”
“Adeline!”
“Hindi ka na nahiya sa mga anak mo! Nakita kayo ni Dominick. Nagtatanong ang bata kung bakit tatay ang tawag sa `yo ng batang `yon.”
Malungkot siyang bumalik sa kuwarto at nagtalukbong na lang. Simula noon, may nag-iba na sa mama niya. Halos hindi na ito umuuwi. Ibinubuhos na lang ang buong oras sa opisina. Madalas, umiinom ng alcohol hanggang sa tuluyang nagkahiwalay ang mga magulang niya.
UNWANTED pregnancy at siya ang naging bunga. Hindi siya ginustong mabuo ng ama. Siguro, siya ang naging dahilan kung bakit nasira ang mga pangarap nito. Si Javan. Si Javan ang mas pinili nitong maging anak kaysa sa kanila. Ngayon, si Javan uli ang pinipili ni Geallan. Paulit-ulit siyang inaagawan ng lalaki. Paulit-ulit nitong sinisira ang buhay niya. Inaagaw ang mga taong mahal niya. Ang kasiyahan niya.
Ininom ni Dock ang laman ng bote ng alak na nangalahati na. Nakasalampak siya sa sahig habang nakasandal sa sofa. Sa pag-unat niya ng paa, nasipa niya ang baso dahilan para gumulong iyon palayo at gumawa ng ingay na bumulabog sa madilim at tahimik na bahay.
His life was fucking miserable. Nobody cared about him. Sa tagal ng panahon ng pagtatrabaho, sa pag-intindi sa lahat ng obligasyon, ngayon lang siya nakaramdam ng matinding kapaguran. He couldn’t live like this anymore. He wanted Geallan in his life. He wanted Geallan.
Dock didn’t like what he felt. The pain in his chest was unbearable. Tinitigan niya ang bote ng rum na hawak, dinala iyon sa bibig at muling uminom nang biglang lumiwanag ang buong kabahayan.
“Kuya Dock.”
He heard his sister’s voice, Viel.
“My God, what are you doing?” Inagaw ni Viel ang bote mula sa kanya. Natapon ang laman niyon, ang iba ay sa damit niya natapon.
“Kuya, what are you doing? Ano’ng nangyari sa bahay mo at ganito kakalat?”
Pilit niyang kinuha ang bote kay Viel, pero inilayo nito iyon.
“Viel, let me. I need that.”
“No! Lasing na lasing ka na.” Inilapag ng kapatid ang bote ng alak sa center table at lumuhod sa gilid niya.
Dock was aware of how much of a fuck-up he was right now, but he didn’t care.
“Kuya, what’s wrong?”
Ibinaluktot ni Dock ang mga binti. Itinukod sa tuhod ang mga siko at isinabunot ang dalawang kamay sa magulong buhok.
“Kuya…” Nag-aalalang hinaplos ni Viel ang braso niya.
Nag-angat ng ulo si Dock mula sa pagkakayukyok. He looked at her sister with heavy lidded eyes. “Mabait ba akong kuya, Viel?”
“Of course. You are the best kuya.”
“Naalagaan ko naman kayo, `di ba? Hindi naman ako nagkulang.”
Viel shook her head viciously. “Of course not! Wala kang pagkukulang sa amin.”
“Then why? Why can’t I be happy? Bakit ipinagkakait sa akin na maging masaya? All I want is to be with someone that I love. `Yon lang naman ang gusto ko, pero ang hirap-hirap makuha. Mahirap ba akong mahalin?”
“No! Kuya, you are the type of person who is easy to fall in love with. You are such a nice person. No doubt Princess was head over heels in love with you. And I know Geallan loves you, too.”
Dock shook his head. “She doesn’t love me. She loves someone else, Viel. At si Mama… Hindi niya gusto si Geallan para sa akin. Kaya ngayon, ayaw na akong tanggapin ni Geallan. Dahil kay Mama. Hindi ko yata kaya, Viel.” He suddenly burst into tears. Violent sob racked his body.
“KUYA!” Hindi mapigilan ni Viel na mapaiyak. She was astonished. Ngayon lang niya nakita ang kapatid na nagkaganoon. She had never seen her brother cry. She had never seen her brother looking vulnerable. He really loved Geallan.
Niyakap ni Viel ang kapatid. She knew her touch would comfort him and possibly bring his walls back. “Everything is gonna be all right, Kuya. I promise that.”
She would do everything to fix this problem for her brother. Her brother didn’t deserve this. Magtutuos sila ng mama niya.
Viel stroked her brother’s hair gently. She had never known that grown-ups could cry, too.
“MAMA, stop manipulating Kuya Dominick’s life. Kasi kung tutuusin, wala kang karapatang sabihin kung sino ang dapat at hindi niya puwedeng mahalin. Kung boto ka kay Princess, eh, di kayo ang magpakasal!”
Reviel couldn’t control her anguished scream. Kakalimutan muna niyang nanay niya ang kausap. Hindi naman talaga ito nagpapakananay sa kanila. Awang-awa siya sa Kuya Dock niya. Para itong batang iyak nang iyak habang paulit-ulit na sinasabing mahal na mahal nito si Geallan.
“Reviel, sumosobra ka na!”
“No, Mama! Kayo ang sumusobra! Wala po kayong utang-na-loob kay Kuya Dominick!”
Her mother’s mouth went agape in shock at her unbelievable words.
“Ginawa niya ang lahat para sa pamilyang ito. He did everything to provide us a better life. To provide a stable foundation for our future. Kung hindi dahil sa kanya, tingin n’yo po hanggang ngayon, may negosyo pa tayo? Tingin n’yo may ipinang-iinom ka pa gabi-gabi? At his very young age, Kuya Dock had to take over the responsibility of being the padre-de-pamilya. He had been working his ass off not because he is enjoying what he is doing, kundi para bigyan tayo ng maayos na buhay.”
Dahan-dahang umupo ang mama niya, saka sunod-sunod na tumulo ang mga luha.
“Alam mo bang takot si Kuya na mag-commit sa mga nakakarelasyon niya dahil sa dami ng obligasyon sa atin? And now, he’s in love and finally wants to have his own family. Pero ipinagkakait mo `yon, `Ma.”
“You don’t understand me!” Adeline said with a sob.
“Then, ipaintindi mo po sa akin dahil hindi ko talaga maintindihan.”
Umiling si Adeline. “I can’t!”
Viel put her hands on her hips, shaking her head. “Takot kang mawala si Kuya sa atin. I get it. Pero, `Ma, hindi mawawala si Kuya kahit na ikasal pa siya. Kahit na magkaroon pa siya ng sariling pamilya. Pero sa ginagawa mo, posible ngang layasan tayo ni Kuya. And I swear, `Ma. Sa oras na ginawa ni Kuya Dominick `yon, sasama ako sa kanya. I will leave this fucking dysfunctional family.” Viel turned her back on her mother and stomped up the stairs to her bedroom.
Si Saphira na kanina pa nakatayo sa hagdan at nakatingin sa dalawang nagtatalo ay nilapitan ang inang umiiyak. Si Nyke naman na napatigil kanina sa pagpasok dahil sa pag-aaway nina Viel at Adeline ay lumapit din sa sala kung saan nakaupo ang ina na umiiyak. Umupo ito sa pang-isahang sofa.
“Tahan na, `Ma,” sabi ni Saphira.
“May point si Viel, `Ma. Hindi mo dapat pinanghihimasukan ang pakikipagrelasyon ni Kuya Dock. Babae si Geallan at mabait din. Naiintindihan ko kung panghihimasukan mo ang pakikipagrelasyon ni Kuya Nyke dahil talaga namang nakakabahala ang pagpatol niya sa matatanda. Pero hindi ang kay Kuya Dock.”
“Hoy! Bakit ako nadamay diyan?” tanong ni Nyke.
“I’m stating a fact, Kuya.”
“Gusto ko naman si Geallan. But…” Impit na namang umiyak si Adeline.
“`Ma, huwag kang magpauto kay Princess. Kung ako ang tatanungin mo, hindi ko gusto ang babaeng `yon. She’s a freak like her mother. I could sense that she is being nice to you dahil kay Kuya Dock. Pero lalabas ang tun ay na ugali ng babaeng `yon kapag naikasal sila ni Kuya. Gusto mo bang ikaw ang maging dahilan ng pagkasira ng buhay ni Kuya Dock?”
Umiling si Adeline habang patuloy sa pag-iyak.
“And imagine this, `Ma. Kapag nakatuluyan ni Kuya Dock si Princess at si Kuya Nyke ang nanay ni Princess, that’s eww, right? It got people thinking of how peculiar our family is. Nakakahiya—Aww!”
Binato ni Nyke ng throw pillow si Saphira. “Sumosobra ka na! Wala kaming relasyon ni Mrs. Swift.”
“Really? Late ka sa balita, Kuya Nyke. Everyone knows about you and that woman. Pero, ikaw hindi mo alam?” Saphira rolled her eyes.
“`Ma, kung mayroon kang dapat manipulahin dito, si Kuya Nyke `yon. Hindi niya alam ang mali sa tama,” pagpapatuloy ni Saphira.
“Ikaw na babae ka!”
Tumayo si Nyke at sinugod si Saphira. Inihiga nito ang kapatid sa sofa at kiniliti nang kiniliti. Para namang kinakatay na baboy si Saphira nang magtitili ito.
INAYOS ni Geallan ang gamit at isinukbit ang bag sa balikat bago tumayo. Wala man lang siyang naintindihan sa discussion ngayon. Buong klase siyang lutang. Ang dami-dami niyang iniisip. Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Dock, maging ang naging pag-uusap nila ng ina nina Dock at Princess.
Tuwing naaalala iyon ni Geallan, sobrang kalungkutan ang nararamdaman niya. Madalas, hindi niya namamalayang umiiyak na siya. Ayaw pa sana siyang papasukin ng mommy niya. Pero parang lalo siyang mababaliw kung magkukulong lang siya sa kuwarto.
Natigilan si Geallan nang paglabas niya ng classroom, nandoon ang nanay ni Dock. Mahigpit na pumulupot ang mga daliri niya sa strap ng bag habang ang hininga ay parang napigil sa lalamunan niya.
Asiwa itong ngumiti bago humakbang palapit sa kanya. “Ahm… Can we talk, hija?”
Geallan gave Adeline a long, evaluating look. Ang nakikita niyang babae ngayon ay malayo sa babaeng nakausap niya ilang araw na ang nakararaan. Intimidating, fierce, a filthy rich woman. Pero ngayon, nakikita uli niya ang babaeng nakilala noon. Isang mabait na tao.
“Kung ang ipinunta n’yo po ay tungkol pa rin kay Dock… Sinunod ko na po ang gusto n’yo. Tapos na po kami ni Dock.”
“Alam ko. Kaya nga ako nandito para sana pakiusapan kang balikan mo siya.”
Geallan’s brows furrowed together in confusion. Ano ba ang trip ng nanay ni Dock? Parang hindi yata simpleng depresyon ang sakit nito kundi acute mental disorder na. Parang noong huling pag-uusap nila, may pagbabanta pa para lang layuan niya si Dock.
Hinawakan ni Adeline ang kamay niya. “Please hear me out before you jump to any conclusions. Please, hija.”