noveltoon logo noveltoon
Get Wild (Fatal Attraction Series 2)

Chapter 13

Ch. 13 / 39 Mar 23, 2025

C hapter 13

SIGAWAN nina Reviel at Saphira—mga kapatid ni Dock—ang pang-welcome kina Dock at Geallan pagpasok pa lang nila sa Del Fierro mansion. Nagpunta si Dock sa bahay ng mga magulang. Isinama niya si Geallan para sa dinner. Gusto niya itong ipakilala sa pamilya.

“Bakit sila nag-aaway?”

Humawak si Geallan sa braso niya. Nasa sala ang dalawa at nagsasabunutan. Habang si Nyke—ang second son ng pamilya—ay nakaupo sa mahabang sofa katabi si Pauline Gaile, anak ng amiga ng mama niya. Kumakain ng potato chips ang dalawa habang pinapanood sina Reviel at Saphira na parang batang nagsasabunutan. Parang nanonood lang ng pelikula.

“Hey, stop that or else isang buwan kayong walang allowance.”

Parang nawalan ng baterya nang tumigil at natahimik sina Reviel at Saphira. Pero nakahawak pa rin ang mga ito sa buhok ng isa’t isa.

“Ano?” banta niya nang hindi mapakawalan ng dalawa ang isa’t isa.

“Get off me!” Saphira hissed.

“No! Get off me first!” Reviel responded angrily.

‘‘I’m still older than you.’’

“I don’t care! ”

“Isa!” muling banta ni Dock.

“Sabay tayong bumitaw,” Saphira suggested.

“All right,” parang tinatamad na sagot ni Reviel.

Unang bumitaw si Saphira, pero ang malditang si Reviel, biglang hinila ang buhok ng nakatatandang kapatid, sabay takbo. Pero hindi pa man nakakalayo, muling nahablot ni Saphira ang buhok ni Reviel. Muling nagrambol ang dalawa. Si Nyke, natatawa lang habang patuloy sa pagkain ng potato chips.

Napilitan si Dock na lapitan ang dalawa. Hinawakan niya sa baywang si Saphira, saka itinulak sa sofa. Si Reviel na susugod pa sana kay Saphira ay hinablot niya sa baywang at ibinagsak sa sahig.

“Kuya naman, eh. Ang sakit n’on, ah,” daing ni Viel habang hinahaplos ang nasaktang balakang.

“Sinabi kong magsitigil kayo! Bakit kayo nag-aaway? At ikaw, Nyke, bakit hindi mo pagsabihan ang dalawang `to?”

Nagkibit-balikat si Nyke, kumuha ng chip na hawak ni Gaile at kinain. Dahil nakaakbay ito kay Gaile, nagdikit ang pisngi ng dalawa nang dalhin ni Nyke sa bibig ang chip. “Hayaan mo sila. Bigyan ko pa sila ng patalim, eh. Walang kuwenta ang pinag-aawayan nila.”

“Viel, Saphira! Bakit kayo nag-aaway?” Pinamaywangan na ni Dock ang dalawang kapatid na parehong nakaupo sa magkaharap na sofa.

“Eh, `yan, eh!” Dinuro ni Saphira si Viel. “Alam mo ba kung ano ang ginawa ng babaeng `yan? Natalo ang boyfriend ko sa swimming competition dahil sa pinaggagawa niyan!” sigaw nito pero dinilaan lang ni Viel.

“What had she done?”

“Nilagyan niya ng dinikdik na sili ang swimming trunks ni Santi!”

Tumawa sina Nyke at Gaile, nagtalsikan pa ang nginunguyang potato chips ni Nyke.

“Christ, Viel! Anong kalokohan na naman ang pinaggagawa mo?”

Ngayon lang uli dumalaw si Dock sa kanila, pagkatapos ay ganito pa ang maaabutan niya. Hindi lang iyon ang unang pagkakataon na may ginawang kalokohan si Viel sa mga ex-boyfriend nito. Madalas siyang ipinapatawag sa unibersidad na pinapasukan nito dahil sa kalokohan ng kapatid. Kung hindi siya benefactor sa school, baka matagal na itong napatalsik.

“That Santi deserved that! He’s an asshole!”

“Oh, c’mon, Viel. Bakit ba kasi hindi mo na lang tanggapin na wala na kayo ni Santi? He’s my boyfriend now and all you have to do is to move on.”

“Hah! Tingnan natin kung hindi ka lokohin ng lalaking `yon tulad ng ginawa sa akin. Don’t be stupid, Saphira. Pinaglalaruan ka lang niya.”

Itinaas ni Saphira ang kamay at iginalaw-galaw ang daliring may singsing. “Did Santi give you a ring?”

Nakataas ang kilay na humalukipkip si Viel, saka inirapan ang kapatid.

“I guess no. Ako lang ang babaeng binigyan niya ng singsing. He is a changed man now at dahil sa akin `yon. So, please, Viel, maging masaya ka na lang para sa amin. Kasalanan mo naman kung bakit kayo nag-break.”

Pinakatitigan ni Dock ang mukha ng bunsong kapatid. Sadness and pain spread across her face. But she was trying to mask it by putting on her usual smug smirk. Hindi siya puwedeng magkamali. Nasasaktan si Viel. Wala siyang alam sa nangyayari sa buhay pag-ibig ng mga ito. He was too busy with the family business. Ang ginagawa lang niya ay lagyan ng monthly allowance ang bank account ng mga ito at bayaran ang credit card. Isa pa, ang babata pa ng mga ito. Viel was only twenty and Saphira was twenty-one.

Hinawakan ni Dock ang baba ng kapatid at itiningala ang mukha nito. “Kakausapin ka ni Kuya mamaya, ha?” may lambing niyang sabi.

Nakalabing tumango si Viel.

“Dominick, nandito ka na pala.”

“`Ma.” Sinalubong ni Dock ng yakap ang inang si Adeline. Agad niyang naamoy ang alak sa sistema nito. “Uminom ka na naman.”

“Hindi naman. Tumikim lang.”

Parang hindi na talaga yata magbabago ang mama niya sa araw-araw na pag-inom. “May kasama nga pala ako, `Ma.” Nilapitan niya si Geallan na tahimik na nakatayo sa likuran ng sofa na kinauupuan ni Viel. Inakbayan niya ang girlfriend. “Guys, meet Geallan, my girlfriend.”

“Oh, my God!” Si Viel ang unang nag-react. Parang ngayon lang nito napansin ang presensiya ni Geallan. “Isinama ka ni Kuya sa bahay!” tili ni Viel, sabay tayo.

Lumapit sa kanila si Viel. Bigla na lang itong bumulong kay Geallan. Nanlaki ang mga mata ni Geallan, saka namula ang mukha.

Ano na naman kaya ang sinabi ng isang ito?

“Ano’ng sinabi ni Viel?” tanong niya.

Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Geallan. Magtatanong pa sana si Dock, pero hindi na niya nagawa nang lumapit ang kanyang ina.

“I’m glad to meet you, hija.” Bumeso si Adeline kay Geallan sa magkabilang pisngi. Pinakatitigan nito si Geallan. Hindi nakawala sa paningin ni Dock ang pag-aalala sa mukha ng ina. “You’re so beautiful. Magpapakasal na ba kayo?”

Ang namimilog na mga mata ni Geallan ay lalong nanlaki sa tanong na iyon ni Adeline.

Muli niyang inakbayan si Geallan. “Not so fast, `Ma. Bago pa lang kami ni Geallan.”

“But she’s the only girl you have brought here.”

“But it doesn’t mean na magpapakasal na kami. Mama, talaga, o!”

Adeline just sighed with a sweet smile. A sigh of relief.

MANGHANG-MANGHA si Gea llan sa ganda ng mga kapatid niya, lalo na sa kanyang mama. Dock got her mother’s eyes like his grandfather’s na isang Spaniard. His mother was half Filipino-half Spanish. Sina Saphira at Nyke naman, dark ang mga mata na nakuha sa ama.

Habang salo-salo silang kumakain ng hapunan, panay ang bulong sa kanya ni Geallan. Kung totoo raw bang ginto ang mga kubyertos. Parang gusto raw nitong ibulsa ang isa. Kaya panay ang tawa niya.

“Ayaw ko nang maulit ang pag-aaway n’yo, Saphira, Reviel. At tigilan n’yo muna ang pagbo-boyfriend. Get your college degree first before anything else. Make your studies a priority at hindi lalaki.”

“Yes, Kuya!” sabay na sagot nina Saphira at Reviel na magkatabing nakaupo. Katabi ng mga ito ang kanilang ina. Si Dock, nakaupo sa kabisera ng mesa habang si Geallan ay katabi ni Gaile na katabi naman ni Nyke.

“Why are you with Charlotta Swift, Nyke?”

Natigil sa pagsubo si Nyke nang magtanong si Adeline.

“Jesus! Ms. Charlotta Swift? The old gold digger? Ang hilig mo talaga sa dirty old woman, Kuya Nyke,” sabi ni Viel.

Nagtatanong na tumingin si Nyke kay Gaile na ipinagkibit-balikat lang ng babae. “Tsismosa ka!” sabi ni Nyke, pero parang hindi naman galit.

“Nagkuwento lang ako kay Mom na nakita kita kasama si Ms. Swift. Iba ang tsismis sa kuwento,” sabi ni Gaile.

“Kung ano man ang relasyon mo sa babaeng `yon, tigilan mo, Nyke.”

“Anong relasyon? I’m a model. Ms. Swift asked me to be a new face of her clothing line.”

“Ms. Swift is Princess’ mother, right? Kuya Dock’s ex-girlfriend. That’s so kadiri, Kuya Nyke. Why do you always make patol to old women?” tanong ni Saphira na gumawa pa ng nakakadiring ekspresyon.

“Kaysa naman sa mga tulad n’yong puro pabebe . Ang sakit n’yo sa ulo.” Isinubo ni Nyke ang punong-punong kutsara.

“So, may relasyon nga kayo ni Charlotta?” May warning ang titig ni Adeline sa anak.

“`Ma, wala. Gusto lang niya akong kuning endorser ng clothing line niya.”

“Ayaw mo pa rin bang magtrabaho sa kompanya natin?” tanong ni Dock.

“Hindi ko talaga trip, bro. Kailan ang balik mo sa kompanya? Bored na bored na ako, eh.”

“Next week, babalik na ako.”

Pansamantala kasi, si Nyke ang ipinalit niya habang nasa bakasyon siya. Parang ayaw talaga ng isang ito na magpatakbo ng kompanya nila. Ayaw naman niyang pilitin. Pagmomodelo ang trip ni Nyke. Pero ang ikinababahala niya ay ang pakikipagrelasyon nito sa mga halos nanay na nito.

Nyke was twenty-five and he loved dating older women. Hindi siya tutol sa bagay na iyon. Ang mga nali-link naman dito ay mga single naman. Single mother, divorced woman and widow. Pero ngayon, nali-link ito kay Charlotta Swift, Princess’ mother.

Pang-ilang asawa na nga ba ni Charlotta si Robert Swift pagkatapos mamatay ng ama nina Princess? Ilang pamilya na rin ba ang sinira ng babaeng iyon dahil sa pakikiapid sa mayayamang lalaki?

Isa ang mag-asawang Aspa, Pauline Gaile’s parents, ang muntik nang masira ni Charlotta nang makarelasyon ito ng ama ni Gaile. Robert Swift was a powerful man. Isang mayamang negosyante sa bansa.

This was bad. He wouldn’t let Nyke get involved with that woman. She was a crazy fucking boot like her daughters.

“Dock, nasaan pala ang papa mo?”

Lahat ay natigilan at natuon ang mga mata kay Geallan. Si Adeline, nagtungo ng ulo.

“Wala na siya, Geallan.”

“Pasensiya na.”

Tipid na ngiti ang sagot ni Dock sa paghingi ng paumanhin ng babae.

Halos labinlimang taon nang hindi nababanggit ang tungkol sa ama sa bahay na iyon. Pagkatapos sila nitong iwan, hindi na rin nila ginamit ang pangalan ng ama. Del Fierro na ang ginamit nila. Ang apelyido ng kanilang ina. Ang lolo niya ang may gusto niyon.

“MAHIRAP ba talaga akong mahalin, Kuya? Why does no one stay with me? Am I really superior?”

Hindi mawala sa isip ni Dock ang sinabi ni Viel, lalo ang lungkot sa mga mata nito habang nagsasabi ng problema. Lagi itong iniiwan ng mga nagiging karelasyon. Lahat daw, pare-pareho ang dahilan. Mahirap daw mahalin si Viel.

Hindi mahirap mahalin ang kapatid niya. Viel was so sweet and kind. But he admitted that his sister always behaved in a superior way and believed she was better than other people. Minsan, sumusuko silang magkakapatid dahil hindi nawawalan ng dahilan si Viel. Pinaninindigan nito hanggang sa huli ang paniniwala.

Ang dami na niyang nami-miss sa nangyayari sa buhay ng mga kapatid. Akala ni Dock, sapat na ang pera at materyal na bagay para maging masaya ang mga ito. They needed all the help and guidance from their parents. Iyon ang hindi maibigay ng kanyang ina kaya pinipilit niyang maibigay sa abot ng kanyang makakaya. Pero parang hindi iyon sapat. His family relied on him for everything. Kailangan pa siya ng pamilya niya, lalo na ng kanyang ina. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng ina nang makitang kasama niya si Geallan. Nang magkasarilinan sila kanina, kinausap siya nito.

“We aren’t ready to let you go, son.” Alam na niya ang ibig sabihin nito.

Dock snapped out of his deep thoughts when Geallan crawled on top him, nestling her soft body along the length of his body. She lay her head down his bare chest, snuggling against him.

“Kanina ka pa tahimik mula nang umalis tayo sa bahay n’yo.”

Dock stroked her hair absently as he breathed in the fruity smell of her hair. “Si Javan?”

“Matutulog na.”

“Do you still love your ex-boyfriend, Geallan?”

Tiningala siya nito. She stared at him for a long moment before answering his query. “Hindi ko alam.”

“Puwede ko bang malaman kung ano ang nangyari sa inyo?”

Nag-iwas ng tingin si Geallan. Matagal na sandali ang lumipas bago ito muling nagsalita. “Pinikot siya ng kapatid ko. Mag-asawa na sila ngayon.”

“Paano kung makipagbalikan siya sa `yo? Sasama ka ba?” Dock had no idea why his heart gave a violent spasm all of a sudden as he waited for her answer.

“Hindi mo naman ako papaalisin dito, `di ba?”

“Hindi nga.”

“Kaya walang pag-asa na magkabalikan kami. Siguro, kapag iniwan mo na lang ako sa ere. Baka magpasalo na lang ako sa kanya.”

“Kahit asawa na siya ng kapatid mo?”

“Natatakot na akong mag-isa, Dock. Natatakot akong baka mapunta na naman ako sa masasamang kamay. Wala naman sigurong masamang maging makasarili kung minsan. Buong buhay ko kasi, naging mapagbigay naman ako. Pero hindi naman nasuklian kahit pagpapahalaga lang.”

Dock sighed and closed his eyes. “Hindi kita bibitawan, Geallan. Nandito lang ako hanggang kailangan mo ako,” he said, keeping his eyes closed.

“WHAT the heck?” mahinang sabi ni Dock nang maabutang magkayakap sina Tres at Geallan sa sala ng unit niya. Nagbitaw sa pagkakayakap ang mga ito nang pumasok siya. Ano ang nangyayari?

“Sino naman `yan?” pabulong na tanong ni Javan mula sa likuran niya. Hirap na hirap ito sa pagbubuhat ng maraming kahon ng pastries. Sinadya talaga niyang pahirapan ang gago.

Pero, ano naman ang ginagawa ni Tres dito? Bakit magkayakap ang dalawa? Umiiyak ba si Geallan?

“Ano’ng nangyari, Geallan?” Mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan ng dalawa. Inilapag niya sa center table ang hawak na envelope at umupo sa tabi ni Geallan. “Umiyak ka ba? Bakit? Ano’ng ginawa sa `yo ni Tres, hmm?” Hinawakan ni Dock ang mukha nito.

Umiling si Geallan, saka ngumiti. “Wala. Masyado lang akong na-touch kasi binigyan niya ako ng sapatos. Tingnan mo, o.”

Kinuha ni Dock ang isang sapatos sa kamay ni Geallan.

“Pero hindi mo `to gusto, `di ba?”

Iyon iyong inalok ni Leila nang mamili sila ng sapatos sa shop nito, pero tinanggihan ni Geallan. Hindi raw ito nagsusuot ng ganoon. Mga simpleng sapatos lang ang pinili ng babae.

“Gusto niya `yan, dude. Kinakausap pa nga niya `yan, eh. Nahiya lang sa `yo kasi mahal daw. Kaya binili ko na para sa kanya.”

Medyo naaasar na talaga si Dock kay Tres, ah. Masyadong mapapel. Kung kumilos, akala mo, close na close kay Geallan.

Dock gritted his teeth to stifle the black rage that started churning in his gut. He tried to relax his expression. Tres loved Mhelanie so much. And he was his friend. Iyon na lang ikokonsidera niya.

“Saan nga pala kayo galing? Ano `yang mga dala ni Javan?” tanong ni Geallan.

Inilapag ni Javan ang limang kahon ng pastries, saka ibinagsak ang katawan sa sofa na parang pagod na pagod. Sadya niyang isinama si Javan sa opisina niya para hindi magkasarilinan ang dalawa. Ayaw naman niyang isama ang babae dahil siguradong maiinip ito, lalo na at may mga importante siyang ginawa.

“Inasikaso ko ang requirements na kakailanganin mo. Kaya lang, nagkaproblema sa birth certificate mo, eh. Wala kang record sa NSO. I-check mo nga uli kung tama ang fill up mo. Baka may mali lang.”

Kinuha ni Dock ang form sa envelope at iniabot kay Geallan. Tiningnan naman nito ang form.

“Tama naman, eh. Geallan Cervantes Mokudef. Tama ang birth place at date.”

“Baka naman hindi na-register ang birth certificate mo.”

“May register number ang original copy ng birth certificate ko. Naiwan ko kasi sa club.”

“Cervantes ka pala, Geallan. Alam mo bang Cervantes din ako? My mother is Cervantes,” Tres butted in.

“Talaga? Baka naman magkamag-anak tayo. Baka nawawalang kapatid ng mommy mo ang nanay ko,” biro ni Geallan.

“Baka. Kaya siguro magaan ang loob ko sa `yo kasi magkamag-anak tayo,” sabi naman ni Tres. Nagtawanan pa ang dalawa.

“Ahm, Geallan, marami akong biniling sweets. Kain ka.”

“Sige.”

Hinawakan ni Dock si Geallan sa braso kaya napigil ito sa pagtayo. “Wala ba akong kiss?”

Inilapat ni Dock ang isang daliri sa mga labi. Gusto niyang matawa sa cute na reaksiyon ni Geallan. Kumalat ang pula sa mukha nito. Pasimple itong umiling. Nahihiya.

“So, ayaw mo?”

Tumingin si Geallan na para bang sinasabing nahihiya ito at huwag na lang.

“Okay.”

Bumuntong-hininga si Dock at nagkunwaring dismayado. Ipinikit niya ang mga mata habang nakasandal sa sofa. Pero bigla na lang niyang naramdamang may dumampi sa mga labi niya. Mabilis na dampi lang iyon, pero sapat na para ngumiti siya nang malapad.

Nang magmulat ng mga mata si Dock, nagmamadali na si Geallan na buhatin ang mga kahon. Nagpatulong ito kay Javan na nakasimangot habang masama ang tingin sa kanya. Nang makaalis ang dalawa, hinampas siya ni Tres ng throw pillow sa mukha nang hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya.

“Ano ba’ng ginagawa mo rito? Ikaw nga, Tres, umamin ka. May gusto ka ba kay Geallan? Umayos ka! Let me remind you if ever you’ve forgotten. You are a married man and Geallan is only for me.”

“Ano ba’ng pinagsasasabi mo? Nandito lang ako para ipaalala sa `yo ang birthday party ni Mom. Isama mo si Geallan, ah.” Hindi man lang ito natinag sa talim ng boses at titig niya.

“Kahit na kailan, Tres, hindi ka naging malapit sa babaeng nagdaan sa akin.”

“At kahit kailan din, hindi ako nang-ahas ng girlfriend mo. I like Geallan. Magaan ang loob ko sa kanya, pero malayo sa iniisip mo. Mahal na mahal ko ang asawa ko, alam mo naman `yon. Kailan ka pa naging seloso? In love ka na ba?”

Ipinagkibit-balikat lang ni Dock ang tanong na iyon ni Tres.

“Sino nga pala ang lalaking `yon?”

Nilingon niya ang kusina kung saan naghahanda sina Geallan at Javan ng pastries. “Ex ni Geallan.”

“Ex ni Geallan—”

Tinakpan niya ng palad ang bibig ni Tres nang halos ipagsigawan nito ang sinasabi. “Damn it! Tone down your voice! Geallan does not know I have an idea about their real relationship.” Inalis niya ang kamay sa bibig nito.

“Bakit ka pumapayag na nandito `yan?”

Parang wala naman siyang marinig sa hina ng boses ni Tres ngayon. “Ipinakiusap lang ni Geallan na kung puwedeng dumito muna dahil na-hold up nga raw. Basta mahabang kuwento. Aalis din naman `yan. Ang usapan, isang linggo lang siya dito. Kapag hindi siya tumupad, ihuhulog ko talaga siya mula rooftop.”

“Dude, lalaki ka rin. Alam mo naman siguro ang totoong kailangan niyan.”

“Alam ko. Mahal pa niya si Geallan. Alam kong hindi `yan na-hold up tulad ng sinabi niya. Alam kong may balak siyang kumbinsihin si Geallan na sumama sa kanya. Pero hindi ko naman `yon papayagan.”

Sa kanya na si Geallan ngayon. Ex was an ex. Wala nang halaga. Dapat nang kalimutan. He was the current boyfriend. And his job was to kick Javan out of the view. Kung siya lang, pinaalis na niya ang lalaki. Pero nahihiya lang talaga siya kay Geallan. Isa pa, dadalhin ni Geallan sa konsiyensiya nito kung paaalisin na lang si Javan samantalang ito ang dahilan kung bakit lumuwas ang lalaki.