noveltoon logo noveltoon
Get Wild (Fatal Attraction Series 2)

Chapter 36

Ch. 36 / 39 Mar 23, 2025

C hapter 36

DOCK woke up in the morning with his head throbbing painfully. He snapped his throbbing head to the side and as soon as he opened his eyes, the bright morning light felt like laser searing his skull, causing him to groan and shut his eyes again. Mas malala ang sa kit ng ulo niya ngayon kumpara noong mga unang araw niya sa isla.

Napanaginipan na naman niya si Geallan. Pero iba iyon sa karaniwang panaginip na iniwan siya nito at sumama kay Javan. Kagabi, binalikan siya ni Geallan. Niyakap. Hinalikan. Sinabi nito ang mga salitang gusto niyang marinig mula rito.

Lihim na natawa sa sarili si Dock. Ilang araw na ba siyang ganoon mula nang magpunta sa islang pag-aari sa Dinagat Island? Kahit yata patayin niya ang sarili sa pag-inom, hindi na siya babalikan pa ni Geallan.

Dock raised himself gingerly. He was able to get into a sitting position, bringing his elbows up to rest on his knees, and cradled his throbbing head in his palms. Nasa ganoong posisyon siya nang ilang sandali bago tumayo at nagpunta sa banyo. Nakakaramdam siya ng paghapdi ng sikmura. Walang laman ang tiyan niya kundi alak.

Naghilamos at nagsepilyo si Dock. Nang pagmasdan ang sarili sa salamin, noon niya napansing iba na ang damit niya. Isang gray na T-shirt at itim na sweatpants na ang suot niya.

Sino ang nagpalit sa kanya? Si Aling Angie ba na katiwala ng beach house? Hindi naman nito ginagawa iyon.

Muli niyang hinilamusan ang mukha, hinila ang tuwalya at nagpunas ng mukha bago lumabas ng banyo. Napakunot-noo si Dock nang mahagip ng paningin ang pantulog na pambabae na nakapatong sa paanan ng kama. Isang pulang nightgown.

Kinuha iyon ni Dock. Kanino iyon? Kay Miranda ba? Anak ng! Hindi kaya kay Miranda nga iyon? Baka tuluyan na siyang minolestiya ng babaeng iyon? Lantarang ipinapakita ng babae ang interes sa kanya pagdating pa lang niya sa isla. Pamangkin ito ni Aling Angie.

Inihagis ni Dock ang tuwalya sa kama at lumabas ng kuwarto dala ang damit pantulog. Sermon talaga ang aabutin ng babae sa kanya.

Amoy ng pritong daing ang agad na naamoy ni Dock pagbaba pa lang ng hagdan. The sound from the busy kitchen had him turning his head toward it. Sina Miranda at Aling Angie ang naisip niyang nandoon.

Nagpunta si Dock sa kusina. Pero napatigil siya sa paghakbang nang makita ang nakatalikod na babae habang nagluluto.

Ang kulot na buhok. Isang babae lang ang kilala niyang may ganoong buhok. Kinusot niya ang mga mata. Namamalikmata lang yata siya. Nang muli siyang tumingin sa babae, nakaharap na ito sa kanya habang nakangiti.

“G-Geallan?”

“D-Dock… Gising ka na. Gutom ka na ba?”

Hindi siya umimik. Nanatiling nakatuon ang mga mata niya sa magandang mukha ni Geallan. Nananaginip lang yata siya.

“Dock!” Patakbong lumapit sa kanya ang babae, saka mahigpit na yumakap. “I’m sorry. Hindi kita gustong saktan. Lahat ng sinabi ko sa `yo, hindi `yon totoo. Patawarin mo ako.”

Hinawakan ni Dock ang magkabilang balikat nito, saka marahang inilayo. Muli niyang tinitigan ang mukha ng babae. “Ikaw nga!”

Malapad na ngumiti si Geallan. Kung ganoon, kay Geallan ang damit na iyon?

“Galit ka ba sa akin?”

Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Dock. “Hindi. Hinding-hindi. Kahit na kailan, hindi ako magagalit sa `yo. Ako ang may kasalanan sa `yo. Malaki ang kasalanan ko.”

“Kung ano man ang nagawa mo noon, pinapatawad na kita. Nagkausap na kami ng mama mo. Gusto na niya uli ako para sa `yo kaya ako nandito.”

“Talaga?”

“Tatanggapin mo pa ba ako?”

Hinawakan ni Dock ang magkabilang pisngi nito. “Oh, Geallan. Alam mo bang kaunting-kaunti na lang, bibigay na ang isang turnilyo sa utak ko? Mababaliw na ako. Walang dahilan para hindi kita tanggapin. This is all I want. You are all I want. You’re all I’ve ever needed.”

Muli siyang niyakap ni Geallan. Sobrang higpit. Lahat ng problemang nagpapahirap sa kanya ay tuluyang nawala. Purong kaligayahan ang nararamdaman niya ngayon.

“Mahal na mahal kita,” bulong ni Dock sa babae.

Pero bago pa man makasagot si Geallan, dumating naman ang magkakaibigan na sina Tres, Wilson at Alford.

“Oh, man! Gising ka na pala.”

Naghiwalay sila ni Geallan sa pagkakayakap nang bigla na lang siyang niyakap ng tatlong kaibigan.

“We missed you, fucker. Akala namin paglalamayan ka na namin, eh,” sabi ni Alford na humikbi-hikbi pa habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

“Sandali nga.” Pinagtutulak niya ang tatlo na parang mga batang nakayakap sa kanya. “Kailan pa pala kayo rito?”

“Mabuti pa, ituloy natin sa kusina ang kuwentuhan habang nag-aalmusal. Alam ko, gutom ka na,” Geallan suggested.

MAGKATABING umupo sina Dock at Geallan sa dulo ng mesa. Sina Tres at MM, magkatabi sa kaliwang bahagi nila. Si Lyca, sa kanang bahagi habang sina Alford at Wilson ay nakatayo sa likuran ni Lyca at ipinapaalala kung gaano siya kamiserable kahapon. Kahapon pa nandito ang mga ito kasama ang mga asawa. Naabutan daw siya ng mga ito na nakahandusay sa tabing-dagat.

“Geallan, please come back to me. Please, forgive me. I love you so much,” Wilson mimicked him, caging Alford’s face with his palms.

“Oo, Dock. Nandito na ako. I’m sorry. Nandito na ako. Hindi na ako aalis. Mahal na mahal na mahal din kita,” sabi naman ni Alford.

Bigla na lang nitong hinalikan sa mga labi si Wilson. Isang damping halik. Wilson didn’t expect Alford’s disgusting action. Para itong masusuka na pinunasan ng palad ang bibig.

“Yucks!”

Napasimangot naman si Lyca. Napuno ng tawanan ang kusina. Nang umupo si Alford, itinulak nito palapit kay Dock ang cell phone.

“Look how miserable you were yesterday.”

Dock picked the phone and played the video. And there, it was a clear proof that he’d gotten completely fucking wasted yesterday. Kung ano ang ipinakitang panggagaya nina Alford at Wilson, ganoon na ganoon ang nasa video. Nakahiga siya sa dalampasigan, nakaluhod si Geallan sa tabi niya habang nakatingin sa kanya na nagmamakaawang balikan nito. Nakakahiya siya!

Natigilan si Dock sa bahagi ng video kung saan sinabi ni Geallan na mahal siya nito. Inulit niya ang video at muling pinanood para makasiguro kung tama ang narinig. Tama nga, she said those three magic words.

Hindi siya makapaniwalang tumingin kay Geallan. “You said that you love me.”

Tumango ito.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa cell phone at inulit nang inulit ang video. Ipinatong niya ang siko sa mesa, inilagay ang kamay sa bibig. Dock tried his best to stifle his chuckle. He couldn’t believe this! Geallan really loved him.

“Fuck! You’re blushing!” Wilson made a grimace of disgust.

Wala siyang pakialam kung nagba-blush man siya. Basta masaya siya.

“If you were in my shoes, I’d bet you would be able to understand this kilig feelings,” Dock said, eyes still fixed on the video. He chuckled again when Geallan said, “Mahal na mahal din kita,” saka siya hinalikan sa mga labi.

“Akin na nga `yan! Nabaliw na talaga!” Inagaw ni Alford ang cell phone sa kanya.

“Pahiram lang!”

Aagawin sana uli ni Dock ang cell phone nang hawakan ni Geallan ang mukha niya at ipihit paharap. Pinakatitigan siya nito sa mga mata, hinaplos ng hinlalaki ang pisngi niya.

“Mahal na mahal na mahal kita, baby.”

Namilog ang mga mata ni Dock. Was this fucking possible? Just hearing her saying those words made his heart swell twice its normal size.

“Say it again, please?”

Geallan smiled and leaned in. “I. Love. You. So. Much,” she slowly said before connecting their lips.

Hinawakan ni Dock ang likod ng ulo nito, saka gumanti ng halik. Simple sa una hanggang sa lumalim iyon. Pareho nilang ipinikit ang mga mata, parang uhaw na uhaw sa halik ng isa’t isa. Nakalimutan na nilang may mga kasama sila.

Naputol ang halikan ng dalawa nang batuhin ni Tres si Dock ng linen napkin. Namula naman ang mga pisngi ni Geallan nang makitang nakatingin sa kanila ang lahat.

“Grabe! Nandito ang kuya. Kulang na lang kainin mo ang nguso ng kapatid ko,” sabi ni Tres.

“Kuya, naman! Ikaw nga rin, ganyan ang ginawa mo kay Ate MM. Sa harap pa ng buong pamilya,” Geallan reasoned out.

“Brielle, lalaki—”

“Sshh! Puwede ba? Hayaan mo nga sila. Halikan mo na lang din ako,” paglalambing ni Mhelanie.

Malapad namang ngumiti si Tres at pinagbigyan ang asawa. Muli, nagkatinginan sina Dock at Geallan, saka nagkangitian.

“I love you, baby,” Dock said.

“I love you, too.”

Muling naglapat ang mga labi nila at buong pagmamahal na hinalikan ang isa’t isa.

“Giliw ko, tayo rin,” sabi ni Alford.

“Eww! Hinalikan mo si Wilson!”

Agad na kinuha ni Alford ang isang baso ng tubig, saka uminom. Pinunasan pa nito ng linen napkin ang bibig.

“`Ayan, malinis na!”

Umirap si Lyca, pero mayamaya ay ngumiti na rin at pinagbigyan ang asawa.

Habang naghahalikan ang tatlong pares, si Wilson naman, panay ang inom ng tubig habang naiiritang nakatingin sa mga ito.

“Ang sasarap n’yong buhusan ng tubig!” Tumayo ito at lumabas na lang dala ang isang baso ng tubig.

PINAG-USAPAN nina Dock at Geallan ang tungkol sa ama nito at ni Javan. Sinabi ni Dock ang lahat tungkol sa pinagdaanan nito. Naaawa siya sa lalaki, pero humahanga rin dahil napakatatag nito. Parang balak na lang nito na ibenta ang isla. Hindi nito akalain na ang kalahati pala ng isla ay pag-aari ni Javan. Ayaw ni Dock na mapalapit sa sariling ama. Ayaw na nitong malaman pa ng amang nang-iwan dito na pag-aari nito ang isla. Wala na raw pakialam si Dock sa ama. Masaya na ito. Siya at ang sariling pamilya na lang ang importante sa lalaki.

Hindi rin akalain ni Geallan na si Dock na ang bagong may-ari ng isla. Madalas siyang isinasama ni Aling Angie sa beach house para maglinis noong pag-aaari pa iyon ni Congressman.

“Kung ano ang desisyon mo, susuportahan ko,” sabi ni Geallan pagkatapos nitong sahihin ang pagbebenta sa isla.

Nakapaikot ang braso ni Dock sa baywang niya habang ang kanyang mga braso ay nakapulupot sa leeg nito. Nakatayo sila sa dalampasigan.

“Dock?”

“Hmm?”

“Can I ask you something?”

“Ano `yon?”

“I know that you had a dark and rough childhood, so did I. Siguro, kaya tayo pinagtagpo dahil alam ni God na maiintindihan natin ang isa’t isa. Matutulungan natin ang isa’t isa. I want to be a part of being a safe haven for you. I want to be a rainbow in your life. I want to help you to deal with your problems.”

Bumitaw si Geallan sa pagkakayakap sa leeg ni Dock. May hinugot siya mula sa pantalon. Ang singsing na ibinigay ni Dock na isinauli niya. Nakita iyon ni Viel sa condo ni Dock at ibinigay sa kanya.

“Ibinigay `to sa akin ni Viel. Nakakalat daw sa condo mo. Gusto ko sanang isuot uli. Kaya lang…” Kapansin-pansin ang pagpigil ni Dock sa hininga nito. Parang kinakabahan. “Gusto ko sanang ikaw uli ang magsuot nito sa akin. Will you give me the honor and the joy of being your partner? Your wife?”

“Geallan!” Umalon ang dibdib nito nang pakawalan ang hiningang pinipigil.

“You can’t say no, Dock. Lagot ka sa kuya at daddy ko.”

Dock took the ring from her. “Who says I would say no?” His voice turned emotional, tears gathering in his eyes.

Alpha males were considered a symbol of masculity and were supposed to be emotionally detached. But Dock was different. He wasn’t afraid to express his emotion. Isa iyon sa lalo niyang minahal sa lalaki.

“This is my dream. You. To be my wife. To be mine forever.”

Agad nitong hinawakan ang kamay niya at isinuot ang singsing sa kanyang daliri. Hinalikan ni Dock ang singsing na nasa daliri niya, saka siya niyakap nang buong higpit.

“You colored my life with such beauty. Wala na akong hihilingin pa.”

“Are you sure?” Bumitaw si Dock sa pagkakayakap.

“Meron pa pala. A dozen children.”

Nagkatawanan sila.

“Paano ba gumawa ng dozen children? I’m so innocent, but willing to learn.”

Geallan giggled and Dock laughed.

Muli siyang kinabig ng lalaki palapit sa katawan nito. “Kailangan lang nating pumasok sa kuwarto.”

Lumapad ang ngiti ni Geallan. Gusto niyang bumungisngis.

“Then, we have to take off our clothes para walang sagabal,” may gigil nitong sabi. “And you have to open your legs for me.”

“And?” Geallan chuckled.

“I need to bury my male organ inside you. Spurt my hot semen and find your ovulated egg.”

Tuluyang natawa si Geallan. “Parang masarap talagang gumawa ng dozen babies.”

“Definitely.”

Hinawakan ni Dock ang kamay niya at pinagdikit ang mga daliri nila. Pinisil nito iyon. “Simulan na natin ngayon.”

Bumungisngis si Geallan nang hilahin na siya ng lalaki papunta sa summer house. Ang biglang pagtigil ni Dock mula sa paghakbang ay nakapagpatigil din sa kanya hindi pa sila nakakaalis sa dalampasigan.

Tiningnan ni Geallan ang nobyo nang magmura ito. Nang sundan niya ang direksiyon kung saan nakatuon ang mga mata ni Dock, nakita niya ang tatlong lalaki na puro mga naka-board shorts at walang pang-itaas. Tumatakbo ang mga ito pasalubong sa kanila. Kasunod ng mga lalaki ang mga asawa na mabagal na naglalakad.

“Bakit ba hindi pa magsiuwi ang mga ito?” Dock muttered.

“Let’s swim, dude.”

Bumitaw siya sa pagkakahawak ni Dock. Bigla kasi itong pinagtulungang buhatin ng tatlo, saka dinala sa dagat.

“Bitawan n’yo ako! Ayokong maligo! Mag-uusap pa kami ni Geallan!” sigaw ni Dock habang nagpupumiglas.

“Bitawan daw natin siya,” sabi ni Alford na nakakalokong tumawa.

Bigla ngang itinapon ng mga ito si Dock sa tubig.

“Mga buwisit kayo! Masakit `yon, ah! Ang babaw.”

Nagtawanan ang tatlo.

“Eh, di ulitin,” tumatawang sabi ni Wilson.

Muling nagkaisa ang tatlo. Binuhat uli ng mga ito si Dock. Sa pagkakataong iyon, itinapon na ito ng mga lalaki sa mas malalim na bahagi.

“Hay! Para talaga silang mga bata,” sabi ni Lyca habang hinahaplos ang malaking tiyan.

Nasa tabi na niya ang babae pati na rin si MM. Bahagyang sumimangot si Lyca. Parang nakakaramdam ito ng sakit. Kanina pa niya iyon napapansin.

“Kawawang Dock. Parang wala sa mood na makipagharutan sa mga isip-bata niyang kaibigan,” sabi naman ni MM na nasa kaliwang bahagi niya.

“Kasi gagawa raw kami ng isang dosenang babies. Kaya nga lang, na-corner ng tatlo.”

“Oh, sexy time.” Pilyang ngumiti si Lyca.

Pinamulahan naman ng mukha si Geallan. Huli na para bawiin ang sinabi niya. “Masakit ba ang tiyan mo? Kanina ko pa napapansin, eh,” pag-iiba na lang niya sa usapan.

“Medyo. Feeling ko… Oh!” Hinawakan nito ang tiyan. “Manganganak na yata ako. Oh, my God! Ito na!”

Nagkatinginan sina MM at Geallan. Pareho silang nakaramdam ng takot. Tumingin sila sa kung saan naghaharutan ang mga lalaki, saka sabay na sumigaw.

“Manganganak na si Lyca!”

Ang malakas na malakas nilang tili ang nagpatigil sa apat na lalaki. Hindi kumilos ang mga ito habang nakatingin sa direksiyon nila. Nang muli silang sumigaw, nag-unahan ang apat sa paglapit.

“Giliw ko, ano’ng masakit? Manganganak ka na? Pero hindi mo pa kabuwanan! Sandali, paano ito?”

Tarantang-taranta si Alford. Namumutla na ito. Ang iba, hindi alam ang gagawin. Paikot-ikot ang mga ito habang nagtatalo-talo na tumawag ng doktor, chopper at bangka. Ang pagkakagulo ay natigil. Natahimik ang lahat sa isang malakas na tunog, pagkatapos ay sabay-sabay na pinisil ang ilong nang makaamoy ng mabaho.

“Success. Sorry, guys. It was just gas pain. I’m okay na,” Lyca said with great relief.

“You farted?” Tres asked with disgust, fingers still pinching his nose. “You are disgusting. Nahahawa ka na sa kababuyan ng asawa mo.”

Lyca just chuckled at Tres’ remarks.

“Giliw ko, hindi magandang biro `yon. You fucking scared the shit out of me. Muntik na akong himatayin, eh,” sabi ni Alford.

“Sorry, giliw ko. I love you.”

Ang naiiritang ekspresyon ni Alford ay biglang lumambot sa paglalambing ni Lyca. “Okay, you are forgiven. Pero huwag mo nang uulitin. Magkakasakit ako sa puso, eh.”

Malambing itong hinalikan ni Lyca sa mga labi, saka niyakap kahit basa. “Sorry. I love you.”

“I love you, too.”

Habang naaaliw na nakatingin si Geallan sa mag-asawa, may biglang humila sa kanya. Si Dock. Nakalapat ang isang daliri sa mga labi, sinasabing huwag siyang mag-ingay.

“Let’s get inside.”

Nakagat ni Geallan ang ibabang labi, saka tumango. Nilingon nila ang mga kaibigan bago tumakas. Nagkatawanan sila habang tumatakbo papuntang summer house.

Dock was so horny, so was she. She admitted it. Na-miss niya ang sexy time nila.