noveltoon logo noveltoon
Get Wild (Fatal Attraction Series 2)

Chapter 25

Ch. 25 / 39 Mar 23, 2025

C hapter 25

“SENYORITA ?”

Mula sa cell phone, nag-angat ng tingin si Geallan kay Ms. Moira, the professional etiquette guru who was teaching her a lot of the things she needed to know for her to fit in the world of perfection. She taught her how to use “please,” “thank you,” and “excuse me.” How to hold the silverware correctly. How to properly use a napkin to wipe her mouth. How to chew with her mouth closed. And many, many more. Ms. Moira was also helping her to enhance her self-esteem and character with emphasis on socially acceptable behavior.

Nag-aaral na rin ngayon si Geallan sa Primrose University, isa sa prestihiyosong unibersidad sa bansa. Hotel and Restaurant Management ang kinuha niyang kurso. Gusto niyang magtrabaho sa hotel ng pamilya nila sa oras na makapagtapos na siya. Tuluyan na niyang kinalimutan ang gusto niyang pagbabarko.

Bakit pa siya lalayo kung puwede naman siyang magkaroon ng magandang trabaho dito? Makakasama pa niya ang pamilya.

Mabuti na nga lang at hindi na dumaan sa senior high si Geallan. Nag-take siya ng ALS examination. Naipasa niya iyon kaya dumeretso na siya sa kolehiyo.

“I’m sorry, Senyorita, but I need to eliminate distractions for you to get focused on this training,” nakangiti nitong sabi, saka inilahad ang kamay para kunin ang cell phone niya.

Muling itinuon ni Geallan ang mga mata sa screen ng cell phone. Tumiim ang kanyang mukha nang muling makita ang larawan nina Princess at Dock sa isang fashion news. They were very attractive in their expensive suits and gowns while posing in a red carpet in Manhattan. Lunching ng clothing line ni Princess at ng isang sikat na Fil-Am fashion designer na nakabase sa Manhattan, New York.

Princess donned a breathtaking sexy bare back jade-green crystal-encrusted gown. She was angling herself to the camera to show her back while clinging to Dock’s arm. Dock was perfect in his black three-piece suit. But the most painful part was the fact that Princess and Dock were looking perfect together.

“Senyorita?” muling tawag ni Moira.

Geallan slowly exhaled out through the mouth and released all that built-up tension, trying to calm her autonomic nervous system. She gave Moira a warm smile before she stood up. Napahawak siya sa mesa nang muntik na siyang matumba. Nanginginig ang mga tuhod niya sa galit na nararamdaman.

“Pasensiya—I’m sorry, Miss, but I can’t finish this training. I’ m not feeling well.”

Ms. Moira didn’t allow her to speak local dialect kapag magkaharap sila. Para daw ma-practice niya ang sarili sa pagsasalita ng Ingles. Kahit pa nabubulol si Geallan kung minsan, sige pa rin siya.

Hindi rin naman siya pinilit ng mga magulang na gawin ang training na iyon. Nag-suggest ang mga ito dahil nga nahihirapan siyang makisalamuha sa mga sosyal na kaklase sa Primrose University at sa mga taong nakikita tuwing may pagtitipon na pinupuntahan. Kapag nalalaman na anak siya nina Tanya at Seg, ang agad na tanong ay kung bakit daw hindi siya mukhang kabilang sa mundong ginagalawan ng mga magulang. Ibig sabihin, hindi siya mukhang mayaman, lalo na kung ibabase sa kilos niya. So, Geallan didn’t hesitate to give herself a complete makeover.

“Okay. It is noteworthy that you are not in the mood.”

“Thank you,” she sincerely said.

Pareho silang napatingin sa pintong bumukas. Pumasok mula roon ang kanyang ina at hipag.

“I’m so sorry for interrupting, ladies. Ahm… we are looking for your brother and father, Brielle.”

Napaungol si Geallan, saka hinilot ang sentido. Parang lalong sumakit ang ulo niya dahil sa nanay at hipag niyang praning.

“Wala po sila rito, Mommy, Ate MM.”

MM was her brother’s wife. Sa wakas, bumalik na ito mula California. Ngayon, sobra-sobra ang tuwa ng kapatid niya sa pagbabalik nito. Mabait si MM at napakaganda, praning nga lang. Pinagselosan siya nito nang akalaing kabit siya ng Kuya Tres niya.

Nilapitan ni Geallan ang dalawa at pabulong na nagsalita. “Next time po, `wag po kayong mag-hire ng maganda at ubod ng sexy na teacher para hindi kayo napapraning.”

Namula ang mukha ng dalawang babae sa sinabi niya. Lalo na ang mukha ni MM na nagkulay-makopa talaga dahil sa puti ng balat.

“Hindi naman,” nahihiyang sabi ni MM.

Nakangiting napailing si Geallan. Lumabas sila ng study room. Nakita nila sina Seg at Tres na nagtatawanan bitbit ang kanya-kanyang golf bag. Kakapasok lang ng mga ito sa mansiyon. Parang nag-bonding ang mag-ama.

“Hey, ladies,” bati ni Seg. Lumapit ang mga ito sa kanila.

“Hinahanap kayo nina Mommy at Ate MM. Akala nila, ini-stalk n’yo na naman si Ms. Moira.”

“Brielle!” saway nina MM at Tanya.

Bumungisngis si Geallan dahil sa hiyang-hiyang hitsura ng dalawa.

“Hon, you know that I love you. I’m not eyeing other woman,” sabi ni Seg na hahalikan sana si Tanya, pero agad na umiwas.

“Yeah, right. You took a picture of her bum and shared it with your son.”

Muling natawa si Geallan.

“That’s not what you think. I already explained it, hon.”

Parang teenager na umirap ang kanyang ina.

Ito naman kasing tatay at kapatid niya, bantay-sarado siya. Mahalaga sa daddy at kapatid niya ang kanyang nararamdaman. Kapag nalulungkot siya, lagi siyang pinapasaya ng mga ito. Laging nakabantay sa kung ano ang mood niya.

Minsan ay kinunan siya ng tatay niya ng larawan habang may lesson sila ni Ms. Moira para ipakita kay Tres. Eksakto naman na medyo nakaharang si Ms. Moira at na-capture ang maumbok nitong pang-upo. Nanggagalaiti ang mommy at hipag niya nang makita iyon. Inaway ng mga ito ang dalawang lalaki.

Maganda si Ms. Moira, ubod pa ng sexy. Kung magsuot pa ng damit, laging hapit at sumisilip ang cleavage. Kaya naman selos na selos ang dalawang babae.

Habang nilalambing ng dalawang lalaki ang mga asawa, pasimpleng umalis si Geallan at nagpunta sa kuwarto. Nahiga siya sa kama. Muli niyang tiningnan ang larawan nina Dock at Princess. Mapait siyang ngumiti nang may maramdamang matinding kirot sa puso. It had been almost a year since Dock left for Europe.

Ipinikit ni Geallan ang mga mata at inalala ang huli nilang pag-uusap ni Dock through phone call.

Mahigpit na mahigpit ang hawak ni Geallan sa cell phone habang malakas ang tibok ng puso sa kaba habang nakikinig sa sinasabi ni Dock.

“Kailangan ko lang talagang umalis, Geallan. My mother needs me. Hindi ko alam kung kailan ako babalik. I need to focus on my family first and you as well. Mag-aral ka muna, fulfill your dreams and enjoy the company of your family.”

Mariing ipinikit ni Geallan ang mga mata habang tuloy-tuloy ang pag-iyak. Hindi na niya kailangan pang itanong. Alam na niya ang gustong mangyari ni Dock. Nakikipaghiwalay na ito sa kanya.

“O-okay,” t angi niyang sabi, saka pinatay ang tawag. Dumapa siya sa kama at walang tigil na umiyak.

Wala nang sasakit pa sa ipinaramdam ni Dock. Umalis ito ng resort nang walang paalam. Tinawagan siya kinabukasan, pero masamang balita pa ang sinabi nito. Ku ng hindi pa nga yata niya itinext nang itinext ang lalaki, hindi siya nito tatawagan.

Pinahid ni Geallan ang luhang tumulo sa gilid ng pisngi dahil sa masakit na alaala. Parang nagkabalikan na sina Princess at Dock. Mula Europe, nagpunta pa ang lalaki sa Manhattan para suportahan si Princess sa launching ng clothing line nito.

Kasalanan niya kung bakit siya nasaktan. Umasa siya. Nag-expect. Umasa siya nang sobra-sobra kaya nasaktan din nang sobra-sobra. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakaka-move on. Nasasaktan pa rin siya.

“THIS is so yummy, Tita Brielle.”

Nakangiting hinaplos ni Geallan ang buhok ni Fenix na maganang kumakain ng red velvet cookies na gawa ni Mhelanie.

“Patikim nga si Tita.” Sinubuan naman siya nito ng cookies. “Hmm! Sobrang sarap nga,” sabi niya habang nginunguya ang cookies.

“I’ll have Mama Lyca taste it.”

Tumakbo si Fenix papunta sa kinauupuan nina Lyca at Alford. Tumayo siya sa kinauupuang lounge chair at lumapit sa gilid ng malaking swimming pool. Inilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng pool area ng bagong bahay ng kapatid at ng asawa nito.

Kalilipat lang nina Tres sa napakalaking bahay na iyon. House blessing ngayon kaya kumpleto ang buong pamilya. Perpekto ang bahay para sa isang malaking pamilya. Sana lang, magkaroon siya ng maraming pamangkin. Kaya nga lang, parang wala pang planong magkaroon ng anak sina Tres at Mhelanie. Gusto muna ni Tres na ma-enjoy ni Mhelanie ang career nito.

“Brielle?”

Binigyan niya ng matamis na ngiti ang ama nang malingunan ito.

“Daddy?” Napuna niya ang seryosong titig ng ama na bahagyang ikinakunot ng kanyang noo. “Bakit po?”

“Ahm… Someone—”

Hindi na naituloy pa ni Seg ang sinasabi nang marinig nila ang excited na boses ni Tres mula sa veranda ng kuwarto nito.

“Listen, everyone! I’m going to be a father!” he announced excitedly as he waved a piece of paper in the air—an ultrasound result perhaps.

That announcement made everyone gasp in surprise, including her. Nang makabawi sa pagkabigla, tuluyang napuno ng ingay ang buong pool area.

Muli niyang nilingon ang ama nang marinig itong sumigaw ng yes. Masayang-masaya ito.

“Magiging tita na ako! Magiging lolo ka na, Daddy!”

Nagyakap silang mag-ama. Ang mga oldies naman, hindi malaman ang gagawin sa sobrang katuwaan. Lalo na ang lola at lolo niya na madalas magtanong ng apo kina Tres at Mhelanie.

Binuhat niya si Fenix nang lumapit ito sa kanilang mag-ama. “Magkakaroon ka na uli ng pinsan. Magkakaroon ka na ng maraming kalaro, Fenix.”

“Another triplets?” Fenix excitedly asked.

“`Yan ang hindi ko alam. Pero sana.”

Lyca and Alford were having a set of triplets and that was amazing. Muli niyang ibinaba si Fenix. Agad itong tumakbo palayo.

“Careful, Fenix!” habol niyang paalala sa palayong bata.

Napakakulit na bata, pero napakagiliw sa lahat. Ito yata ang batang hindi niya kinakitaan ng hiya man lang. Lalapitan at kakausapin ang taong makikita na parang ka-close nito. Such an adorable kid.

Habang nakauklo, nakatukod ang dalawang kamay sa tuhod at sinusundan ng tingin ang makulit na si Fenix, nakuha ang atensiyon ni Geallan ng isang chestnut leather men’s shoes sa tagiliran niya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin para alamin kung sino ang nagmamay-ari ng sapatos na iyon.

Kasabay ng pag-abot ng mga mata sa pamilyar na mukha ang siyang pagbilis ng tibok ng puso niya. Dahan-dahan ang ginawa niyang pagtuwid ng tayo habang matamang nakatitig sa mukha nito. Nang hindi makapaniwala sa nakikita, inilayo ni Geallan ang tingin. Ilang ulit niyang ikinurap ang mga mata. Siguro ay namamalikmata lang siya.

“H-hi,” bati nito nang ibalik niya ang tingin dito. May pag-aalangan din sa boses nito.

“D-Dock?” Halos hangin lang ang lumabas sa bibig ni Geallan. Hindi siya makapaniwala sa nakikita.

Ano ang ginagawa ng lalaki rito?

“Geallan…” sabi nito. Humakbang ang lalaki palapit sa kanya. Pero agad siyang umatras.

Geallan…

She didn’t want to hear that name anymore. Tuwing naririnig niya ang pangalan na iyon, si Dock ang naaalala niya. Nang malaman ang totoo niyang pagkatao, tinawag na siyang Brielle ng lahat maliban kay Dock. Sa ngayon, si Javan lang ang hinayaan niyang tawagin siya sa nakasanayang pangalan.

“Geallan!” muli nitong tawag sa pangalan niya nang may panic.

Dock even tried to reach for her, but she immediately took a step back. The next thing Geallan knew, she fell in the pool with a huge splash.

Parang may dumaang anghel nang matahimik ang lahat. Lahat ng mga mata ay nakatuon sa kanya. Walang kahit isa mang gumawa ng ingay. Lahat ay nagulat sa nangyari.

“Geallan…”

Umupo si Dock at inilahad ang kamay. Tinitigan niya iyon nang ilang sandali bago sinalubong ang mga mata nito. Nasa mukha nito ang paghingi ng paumanhin. Sa halip na abutin ang kamay ng lalaki, tinalikuran niya ito. Palangoy niyang pinuntahan ang hagdan para doon umahon.

“Are you okay, Brielle?” tanong ni Jufred. Pinsan niya ito, panganay na anak ni Tita Sarah. Ibinalabal nito sa kanya ang puting roba.

“Thank you, Kuya Jufred.”

Malalaki ang hakbang na pinuntahan ni Geallan ang banyo sa loob ng bahay. Humarap siya sa salamin. Para siyang basang-sisiw. Hinawakan niya ang mukha. Pakiramdam niya, tinakasan siya ng kulay. Kung sa kahihiyan o dahil sa hindi maipaliwanag na emosyong naramdaman dahil sa muli nilang paghaharap ni Dock, hindi niya alam.

Si Dock ba talaga iyon? Halos isang taon na rin mula nang umalis ito. Hindi na rin niya inaasahang magkikita pa sila. Pilit niya itong inaalis sa sistema niya.

Their sudden breakup was the most painful experience she had gone through. Geallan got so comfortable with her routine with him and it didn’t feel like it would break, but it did. It shattered her into a million pieces. But thankfully, she got a solid support system—the people who were always there to make her feel loved and appreciated, every second of every day. Mga bagay na hindi niya naramdaman sa kinagisnang pamilya, na ipinaramdam din sa kanya ni Dock. Pero saglit na panahon lang iyon.

Hindi niya iyon napaghandaan. Totoong hindi niya napaghandaan ang muli nilang pagkikita.