C hapter 20
UMIKOT si Geallan sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang kabuuan. Si Dock ang susundo sa kanya ngayon at maghahatid sa Grandeur Hotel. Kakain daw muna sila sa labas. Nag-text ito na papunta na kaya nagmadali siyang magbihis.
Malapad na ngumiti si Geallan nang marinig ang pagtunog ng doorbell. Minsan, ganoon si Dock. Sa halip na pumasok na, magdo-doorbell pa. Gusto lang daw nitong i-experience ang pagbuksan niya ng pinto at salubingin ng yakap at halik pagpasok sa pinto. Parang sira lang. Lalo na kapag may dala itong bulaklak para sa kanya. Mabubuksan niya minsan ang lalaki na nakaharang ang bouquet ng bulaklak sa mukha.
Pagkatapos bigla itong magsasalita. “Flower delivery for the most gorgeous lady in the universe.”
Patakbong lumabas si Geallan ng kuwarto at excited na nilapitan ang pinto. May malapad na ngiti sa mga labing binuksan niya ang pinto. Pero ang excitement ay agad na napalitan ng kaba nang hindi si Dock ang mapagbuksan.
“`N-Nay?” Matalim ang mga mata at nakatiim na mukha ng ina ang nakita ni Geallan.
“Parang masaya ka sa kung nasaan ka ngayon. Nakalimutan mong may pamilya kang iniwan sa isla,” sabi nito sa mababang tono. Mararamdaman ang galit sa boses nito.
“`Nay, pasensiya na po. Hindi ko naman po kayo nakakalimutan. Nandito ako para magtrabaho. Kaunting panahon na lang po, makakasakay na ako sa barko.”
“Sa tingin mo ba talaga, Geallan, makakapagtrabaho ka samantalang wala ka namang pinag-aralan? Inuuto ka lang ng lalaking kinakasama mo ngayon.”
“`Nay, hindi po ganoon si Dock. Mas mabuti pa pong pumasok ka muna.” Nilakihan niya ang bukas ng pinto para makapasok ang ina.
“Hindi. Uuwi na tayo ngayon din. Sumama ka na sa akin.” Hinawakan nito ang pupulsuhan niya, saka hinila palabas.
“`Nay, sandali. Hindi po ako sasama. Saka, hahanapin ako ni Dock. Hintayin po natin siya.”
“Aba, mas inaalala mo ang lalaking `yan kaysa sa sarili mong ina?” Tuluyang tumaas ang boses nito.
“Hindi naman po sa ganoon. Kaya lang po kasi—”
“Magtigil ka, Geallan! Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sa akin!” Hinila siya ng ina palabas.
“`Nay, pakiusap naman po.” Hindi nito pinansin ang pakiusap niya. Napakatigas talaga ng kanyang ina. Hindi man lang siya pakinggan.
“Ayoko pong sumama!” Marahas niyang hinila ang kamay.
Nagngalit ang mga ngipin nito. “Ano’ng sabi mo?”
Mahina ang boses nito, pero naghatid iyon ng kibalot kay Geallan. Ganoong-ganoon ang nanay niya kapag nagagalit sa kanya. Alam na niya ang susunod na gagawin nito.
Humakbang si Geallan paatras nang humakbang si Alma palapit. “`Nay, paki—” Hindi siya nito pinatapos sa sinasabi. Isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa kanan niyang pisngi.
“Napunta ka lang dito, sinusuway mo na ako?” Muli siyang sinampal ng ina sa kabilang pisngi.
Hinawakan ni Geallan ang nasaktang pisngi. Tuluyang nanlabo ang paningin niya nang mamuo ang luha. Sunod-sunod iyong tumulo. Hindi siya naiiyak sa sampal kundi sa sakit na naramdaman dahil sa pagtrato ng ina sa kanya. Minahal niya ito at inirespeto. Naging mabuti at naging masunurin siyang anak. Pero hindi pa rin siya nito nagawang mahalin.
Pinahid ni Geallan ang luha at sinalubong ang matalim na titig ng ina. Wala nang dahilan para sumama pa siya rito. “Pasensiya na ho, `Nay, pero hindi po ako sasama.”
Sa sinabi niya, lalong nagalit si Alma. “Ang tigas na ng ulo mo! Ako pa rin ang masusunod! Kaya sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka!”
Sumigaw si Geallan nang hablutin nito ang buhok niya, saka kinaladkad.
“`Nay, tama na,” pakiusap niya sa pagitan ng paghikbi habang nakahawak sa kamay nitong mahigpit na nakahawak sa kanyang buhok.
Ramdam ni Geallan ang sakit sa anit dahil sa ginagawa nitong paghila. Hanggang sa marating ang elevator, hindi siya nito pinakawalan. Muli pa siya nitong sinampal habang hawak sa buhok nang magpumiglas siya.
Nang nasa ibaba na sila, hinila siya ng ina palabas ng elevator. Ngayon, sa braso na lang siya hawak. Napapangiwi si Geallan tuwing babaon ang kuko nito sa balat niya.
“`Wag ka nang magmatigas kundi masasaktan ka talaga!”
Nadaanan nila ang security guard ng gusali. Nang sumubok itong makialam, sinigawan ito ng kanyang ina at binantaan na huwag makikialam sa away nilang mag-ina.
Nang makalabas ng gusali, kinaladkad si Geallan ng ina papunta sa isang pulang magarang sasakyan na nakaparada. Bumukas ang pinto ng sasakyan sa likuran nang makalapit sila.
Nanlaki ang mga mata ni Geallan. Biglang nangatog ang mga tuhod niya. Nakaramdam siya ng matinding takot nang makita ang taong lumabas ng sasakyan.
“R-Rex,” sabi niya habang walang kontrol na nanginginig ang mga labi.
Bumalik sa alaala ni Geallan ang nakakakilabot na pangyayaring naranasan niya sa kamay ni Rex. Buong buhay niya, hindi pa siya nakaramdam ng matinding takot. Ngayon lang. Tanging ang taong ito ang nagbibigay ng matinding takot sa kanya.
“Hi, Geallan. Long time, no see.” Para itong demonyo na ngumisi. Iyon ang tingin niya sa lalaki.
“`N-Nay, bakit mo siya kasama?” tanong niya sa ina, pero ang mga mata ay kay Rex nakatuon.
“Si Mr. Atanante ang nagsama sa akin dito. Siya ang nagsabi ng kinaroroonan mo. Akala mo talaga basta na lang kita hahayaang makaalis sa poder ko?” sabi ni Alma. “Ipinahiya mo ako kay Santina! Bumalik ka sa kanila at doon ka magtrabaho!”
Marahas na iling ang ginawa ni Geallan. Dumoble ang takot na nararamdaman niya. “Ayoko, `Nay! Parang awa mo na. Masama siya. Muntik na niya akong gahasain. Sinaktan niya ako!”
“Magtigil ka! Pagsasayaw lang sa club ang gagawin mo. `Yon ang usapan namin ni Santina kaya huwag kang gumawa ng kuwento. Sumama ka na!”
Nataranta si Geallan nang ang parang bakal na kamay ni Rex ay pumaikot sa braso niya. Lalo siyang natakot nang bigla na lang siyang hilahin ng lalaki.
“`Nay! `Wag mo akong ibigay sa kanya!” umiiyak niyang pakiusap.
“Now get in!” Ipinagtulakan siya ni Rex papasok sa sasakyan, pero nagmatigas siya.
Itinukod ni Geallan ang dalawang kamay sa pinto ng sasakyan habang nagmamakaawa sa ina na tulungan siya. Nang makitang wala siyang aasahan sa ina at ito pa mismo ang dahilan ng pagkapahamak, nagdesiyon siyang gawin ang lahat ng makakaya para iligtas ang sarili sa kapahamakan.
Lahat ng lakas na mayroon si Geallan ay inipon niya, saka buong lakas na itinulak si Rex. Pero isang sampal ang ibinigay nito. Kung hindi siya napakapit sa sasakyan, siguradong sa kalsada ang bagsak niya. Pero tumama ang gilid ng ulo niya sa pinto ng sasakyan kaya nagdilim ang paningin niya.
Lalong nakaramdam ng matinding takot si Geallan. Hindi niya gustong bumalik sa club. Ayaw niyang bumalik sa sadistang lalaki. Mas gugustuhin na lang niyang mamatay.
“Geallan!”
Sa unang pagkakataon sa buong buhay niya, narinig ni Geallan ang nag-aalalang boses ng ina. Madalas niyang marinig iyon, pero para kay Alice lang. O epekto lang siguro iyon ng pagkakasampal sa kanya kaya iyon ang narinig niya.
“Mr. Atanante, isasama ko na lang pabalik ng isla si Geallan.”
“Shut up, old woman! Malaki ang kasalanan ng anak mo sa akin kaya pagbabayaran niya `yon.”
Binalingan siya ni Rex at muling sapilitang ipinasok sa sasakyan. Pero bago pa man nito magawa ang gusto, may humaklit na rito at sunod-sunod na suntok ang nakuha.
“D-Dock!” sabi niya sa nahihirapang boses.
Nahihilo pa rin siya. Si Tres na kasama pala ni Dock, pinagsusuntok na rin si Rex.
“Geallan!”
“Tita Tanya!”
Agad siyang nilapitan ni Tanya. Kasama nito si Seg. Buong suyong hinaplos ni Tanya ang pisngi niya. Nasa mukha nito ang pinaghalo-halong emosyon. Pero matinding awa talaga ang nakikita niya sa mukha nito. Maluha-luha pa ang babae.
Pero ang emosyong iyon ay napalitan ng matinding galit. Nagtagis ang mga bagang nito at tumingin kay Alma na parang tuod na nakatayo habang nakatingin sa kanila. Nasa mukha ng ina ang matinding gulat.
“Hayup ka!” sabi ni Tanya. Kahit sino, mararamdaman ang matinding galit sa boses nito kahit mababa lang iyon.
Biglang sinugod ni Tanya si Alma. Kaliwa at kanang sampal ang ibinigay ng babae sa nanay niya. Sina Dock at Tres naman, tinigilan lang si Rex nang awatin ng mga guwardiya na lumabas na ng condominium. Duguan na ang mukha ni Rex. Kahit ang driver ng lalaki, hindi na nakialam.
Inawat naman ni Seg ang asawa na nagpupuyos sa galit. Si Tres naman, nilapitan siya. Katulad ni Tanya, mixed emotions din ang makikita sa mukha nito.
Naguguluhan si Geallan sa mga nangyayari, lalo na sa mga isinusumbat ni Tanya sa kanyang ina habang pinagsasampal. Magkakilala pala ang dalawa.
“Pagbabayaran mo ang pagkuha sa anak ko, Alma. Sisiguruhin ko sa `yong mabubulok ka sa kulungan!”
Taas-noong hinarap ni Alma si Tanya. Matinding galit din ang nasa mukha ng kanyang ina.
“Huwag mong subukang itanggi pa dahil alam ko na ang totoo. Nasa akin ang lahat ng magpapatunay na anak ko si Geallan.”
Lalo siyang nalilito. Nilapitan siya ni Dock at agad na niyakap.
“Hindi dapat kita iniwan. I’m sorry, I’m so sorry.” Paulit-ulit siyang hinalikan ni Dock sa ulo.
Hindi nagre-register sa isip ni Geallan ang sinasabi nito. Nakatuon ang buong atensiyon niya sa kanyang ina at kay Tanya.
Mapaklang tumawa si Alma. “Nagdusa ka ba nang todo sa pagkawala ng anak mo? Kasalanan mo kung bakit siya nawala. Pabaya ka!”
“Hayup ka!” Susugurin sana uli ni Tanya si Alma, pero pinigilan ito ni Seg.
“Pasalamat ka at buhay pa `yang anak mo dahil sa akin. Iniligtas ko siya sa muntik na niyang pagkalunod sa dagat dahil sa kapabayaan mo. Wala kang kuwentang ina!” sigaw ni Alma.
“Ano’ng pinagsasabi mo?”
“O, hindi mo alam na muntik nang malunod `yang anak mo noon sa beach na pinuntahan n’yo? Pasalamat ka at nandoon ako dahil kung hindi, wala na `yan. Matagal na `yang patay.”
“Sinungaling! You abducted my daughter. Dahil sa galit at inggit mo sa akin, nagawa mo siyang kunin.”
“Oo! Nang muntik nang malunod `yang anak mo, ginusto ko siyang ibalik sa `yo! Pero nang makita kong ang ayos ng buhay mo samantalang ako naghihirap, ang lalaking mahal ko, ikaw ang yakap-yakap… Tuwing maaalala kong namatay ang mga magulang ko dahil sa kasakiman ni Seg, napuno ako ng galit. Kinuha ko si Geallan para maranasan n’yo kung paano mawalan. Kung paano magdusa!”
“Anak ko ang ginawa mong kabayaran sa lahat!”
Hindi namalayan ni Geallan ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha habang nakikinig sa pag-uusap ng dalawa.
“Napakawalang puso mo!” Tanya cried.
“My Brielle doesn’t deserve all of these! We all had been suffering throughout the years from losing our princess. And you’ll pay for this, Alma!” Seg’s voice was a low growl, the threat emphasized perfectly by the deep rumble as he stated the last sentence. “Para sa kaalaman mo, ibinigay ko ang pera na hiningi ng kapatid mo para sa pagpapaopera sa tatay mo. Binarayan ko rin ang lahat ng gastos n’yo sa ospital bukod sa perang ibinigay ko sa kapatid mo. I don’t know exactly what happened kung bakit parang iba ang pagkakaalam mo. Pero wala kaming kasalanan dahil ibinigay namin ang tulong na kung tutuusin, hindi ko dapat ginawa dahil sa mga ginawa mo sa amin ni Tanya. But I still did for Tanya because she’s still cared for by your family.”
Ipinikit ni Alma ang mga mata, saka yumuko.
“Ano ba’ng nangyayari, Dock?”
“Ipapaliwanag ko sa `yo.”
“Brielle, anak!”
Nanginginig ang mga labi ni Tanya habang dahan-dahan ang ginagawang paglapit sa kanya. Humigpit ang yakap ni Geallan sa baywang ni Dock, saka lalong isiniksik ang sarili. Wala siyang maintindihan sa mga nangyayari.
“Tita, alam kong gustong-gusto mong makausap si Geallan, pero puwede po bang ako muna ang kumausap sa kanya? Kailangan niya munang magpahinga.”
“Pero—”
“Mom.” Pinigil ni Tres ang ina. “Let Brielle take some rest.”
“Okay. But let me hug my daughter, please.” Nilapitan ni Tanya si Geallan, saka mahigpit na niyakap. “I missed you so much, baby. This is mommy, Brielle. Hindi mo ba naaalala si Mommy?”
Nakatulala si Geallan habang sunod-sunod na tumutulo ang mga luha. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon.
Kung tama ang pagkakaintindi niya, hindi siya anak ng Tatay Danny niya sa isang bayarang babae. Itong babaeng nakayakap sa kanya ang totoong nanay niya. Totoo ba iyon?
Bumitaw sa pagkakayakap si Tanya at masuyong ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito. “Kahit kailan, hindi ako nawalan ng pag-asa na makikita pa kita. Alam ko at nararamdaman kong buhay ka. I’m so sorry kung naiwala ka ni Mommy. I’m so sorry, Brielle.”
Marahang kinabig ni Seg ang asawa nang tuluyan itong umiyak. Maging ang lalaki, hindi mapigilang mapaiyak. Pati na rin si Tres. Itiningala ni Tres ang ulo at makailang ulit na kumurap para labanan ang mga luha sa pagtulo.
TAHIMIK na nakaupo sa kama si Geallan, nakasandal sa restboard. Si Dock naman, nakaupo sa gilid ng kama habang dinadampian ng ice pack ang mga pasa sa mukha ng babae. Gusto sana niyang dalhin sa ospital si Geallan, pero tumanggi ito. Magpapahinga na lang daw ito.
Ipinahuli nila si Rex sa pulis pati na rin ang nanay ni Geallan. Awang-awa siya sa girlfriend. He had seen how Rex slap her with so much force. It was painful for him seeing his girlfriend hurt physically and emotionally.
Kung hindi lang naawat si Dock, baka napatay na niya ang Rex na iyon. Nagdilim nang todo ang kanyang paningin.
At si Seg. Kilala niya si Seg. Hindi ito titigil hangga’t hindi nakakaganti. He overheard his conversation with the police officers. Hindi dadalhin sa presinto si Rex. Hindi niya alam, pero siguradong torture ang aabutin ng tarantadong iyon. Kung galing ito sa makapangyarihang pamilya, higit na makapangyarihan ang mga Cabral. Kayang baluktutin ng mga ito ang batas kung gugustuhin.
Lahat ng staff ng condominium, nasermunan ni Dock. Sa galit niya, nagbanta siyang ipatatanggal ang mga ito sa trabaho. Hindi niya pinakinggan ang dahilan ng mga ito kung bakit pinapasok ang nanay ni Geallan. Ayon sa front desk clerk, tumawag naman ang mga ito sa unit, pero walang sumasagot kaya pinatuloy na si Alma nang sabihin ng babae na nanay ito ni Geallan.
Mabuti na lang at hindi sila nahuli ng dating. Kung may nangyaring masama kay Geallan, hinding-hinding niya mapapatawad ang sarili. Tinawagan siya ni Tres at ipinaalam ang resulta ng DNA test. Positibo ang resulta. Si Geallan nga ang nawawalang prinsesa ng mga Cabral. Sabay-sabay silang nagpunta sa condominium para puntahan si Geallan at ipaalam ang totoo.
“Totoo ba ang sinasabi nila, Dock? Si Ma’am Tanya ang totoo kong nanay?”
Tumango siya. “Ipapaliwanag sa `yo ni Tita Tanya kapag nakapag-usap na kayo. Sa ngayon, magpahinga ka muna.”
Inilapag ni Dock sa nightstand ang ice pack at inihiga si Geallan. Itinukod niya ang isang braso sa unan sa gilid ng ulo nito at inilapit ang sarili sa babae. Tumiim ang mukha niya habang nakatitig sa pasa sa pisngi nito.
“I’m sorry,” he said.
Geallan reached for his face and gently stroked his jaw. “Wala kang kasalanan.”
“Pero hindi ito mangyayari kung hindi ako naging kampante sa seguridad mo.”
Ikinulong ni Geallan ang mukha niya sa mga palad nito. “Huwag mo nang sisihin ang sarili mo. Ayos na ako.” She tried to send him a smile, pero napapangiwi ito. Parang nakakaramdam ng sakit kapag nagagalaw ang muscle ng mukha.
Hinalikan ito ni Dock sa mga labi. “I hope my kiss would heal your bruises.”
“Nababawasan ang sakit kapag hinahalikan mo ako.”
He smiled and started raining kisses all over her face. Natigil lang siya sa ginagawa nang bumukas ang pinto at pumasok si Tres na may bitbit na bed tray na puno ng pagkain.
“Hey, princess. I cooked for you.”
Tinulungan niyang umupo si Geallan. Inilapag ni Tres ang bed tray sa kama. Umupo ito sa tabi ng babae.
“Ginawan kita ng asparagus soup.”
“Wow! Ang guguwapo at ang ma-macho ng tagapangalaga ko. Kung hindi lang masakit mabugbog, magpapabugbog na lang ako lagi. Para kasi akong prinsesa.”
Nagsandok si Tres ng soup at dinala sa bibig ni Geallan na agad naman nitong tinanggap.
“Hindi kailangan `yon. From now on, Kuya will always be here to protect and to care for you. No one can hurt you from now on.”
Tears welled up in Tres’ eyes, but he immediately blinked them back and smiled at Geallan.
Naikuwento na ni Tres ang tungkol sa nawawala nitong kapatid noon. Sinisi nito ang sarili sa pagkawala ni Brielle. Nasa isang beach daw ang pamilya nito noon. Dinala nito si Brielle sa dalampasigan para gumawa ng sandcastle. Saglit nitong iniwan ang kapatid nang makuha ang atensiyon ng isang maliit na sea creature. It was a small crab crawling on the sand. Sinundan daw iyon nang sinundan ni Tres. Pagbalik nito sa dalampasigan, wala na si Brielle.
Alam niyang dala-dala ni Tres ang guilt na iyon hanggang ngayon.
“Kuya talaga kita?” hindi makapaniwalang tanong ni Geallan.
Marahang tumango si Tres. Muli nitong sinubuan ng soup ang kapatid.
“Ang sarap mo palang magluto.”
“Medyo natuto lang dahil kay Mhelanie. I used to cook some simple dishes for her when she was pregnant.”
“Sino si Mhelanie?”
“Asawa ko. Makikilala mo rin siya. Alam kong magkakasundo kayo. Both of you are so sweet and gorgeous. Then, kapag nasa bahay ka na, magluluto tayo ng pancake like we used to do when we were still kids.”
“Ang dami-dami namang plano. Puwede naman kayong magluto ng pancake dito sa bahay ko. Hindi naman siguro kailangang iuwi mo pa si Geallan sa bahay n’yo,” reklamo ni Dock. Hindi talaga niya nagugustuhan ang mga plano ng kumag na ito.
“Kami ang pamilya ni Geallan kaya kailangan, sa amin siya.”
“I’m her boyfriend. In the first place, I was the one who found her.”
“My mom gave birth to her. Mas matimbang ang kadugo kaysa sa ibang tao lang.”
“I don’t believe blood is thicker than water. Madalas, mas matimbang na ang karelasyon sa kadugo. Some people prefer the company of their partner over family.”
“That is fucking amazing. Coming from a filial son who looks like heaven and earth to his family because he gave them his body and soul. Fucking amazing! Tell that to me kapag kaya mo nang iwan ang pamilya mo.” That was fucking sarcastic.
“Shut up!” Dumausdos pahiga si Geallan, saka nagtalukbong ng kumot.
Sabay silang natahimik ni Tres, saka tumingin sa nakatalukbong na babae.
“Ikaw kasi, eh!” magkapanabay na sabi nila ni Tres.
“Anong ako? Ang ingay-ingay mo, eh!” paninisi niya sa kaibigan.
Geallan pushed the blanket off her head and peered out. “Bumalik na lang kaya ako sa isla?”
“Sabi nga namin, mananahimik na kami,” Dock said, drawing his thumb and forefinger across his lips to indicate that, indeed, his lips were sealed now.