noveltoon logo noveltoon
Get Wild (Fatal Attraction Series 2)

Chapter 26

Ch. 26 / 39 Mar 23, 2025

C hapter 26

MAKAILANG ulit na humigit at bumuga ng hininga si Geallan bago tuluyang lumabas sa pool area. Nasa isip niyang kumilos na hindi nag-e-exist si Dock. Pero pag-apak pa lang sa labas ng pinto, hinanap na agad ng makulit niyang mga mata ang kinaroroonan ng lalaki.

Parang sumirko ang puso ni Geallan nang magtama ang mga mata nila ni Dock. Nabitin ang kasalukuyang pag-inom nito ng alak na nasa baso nang makita siya. Kausap nito si Tres sa gilid ng pool.

Geallan immediately drew her gaze away from him and walked gracefully towards the table with poise and confidence. Para saan pa at nag-training siya ng walking kung hindi niya gagamitin?

Pero halfway na si Geallam sa mahabang mesa nang mapamura. Bigla kasi siyang natapilok. Naramdaman niyang nag-init ang mukha niya, lalo na nang muli niyang sulyapan si Dock at makitang nakatingin ito sa kanya.

Shit naman talaga! Epic fail ang mga nangyayari sa kanya ngayon. Kanina pa siya napapahiya.

Tumuwid siya ng tayo at inayos ang kulot na buhok, saka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi pa naman siya nagdalawang-isip na hilahin ang damit at high heels na suot sa closet ni Mhelanie. Pinahiram muna siya ng hipag dahil nabasa ang damit at flats niya.

Geallan made sure to showcase her figure to the max in this white button-down bodycon minidress. Siyempre, gusto niyang ipakita sa hinayupak na lalaki na maganda ang epekto ng ginawa nitong pang-iiwan sa kanya. That she was better now than before. Gusto niyang ipakita na hindi siya naapektuhan sa ginawa nito kahit ang totoo, durog na durog siya nang mga panahong iniwan siya nito.

Tumabi siya kay Lyca na nakaupo sa mahabang mesa kasama ang asawa. Aware siyang may mga matang nakatingin sa kanya. Mula sa gilid ng mga mata, nakita ni Geallan kung paanong tapikin ni Tres ang balikat ni Dock bago lumapit ang mga ito sa parehong mesang kinauupuan nila. Tumabi si Tres kay Mhelanie habang si Dock ay tumabi kay Wilson sa mismong harap niya. Nagyuko siya ng ulo. Alam niyang nakatingin ang lalaki sa kanya. Naiilang siya.

“I love calling you, guys, The Three Musketeers. Oh, please? Huwag naman sanang sirain ng isa diyan,” sabi ni Lyca na parang pinatatamaan si Dock.

Madalas kasing tawagin ni Lyca na The Three Musketeers sina Alford, Wilson at Tres, lalo na kapag magkakasamang lumalabas ang mga ito. Kapag wala ang isa, siguradong hindi makukumpleto ang tatlo.

“You know what? I am so happy to have Alford. He is the jerk in their clique, but he is a responsible man. Marunong panagutan ang ginawa. Unlike other men I’ve known. After taking what they want from you, make you feel loved, special, then poof, gone with the wind and out of your life as though he was a repelled ghost.”

Geallan lifted her eyes to see Dock. She swallowed hard as she confirmed that he was staring at her intently, completely ignoring Lyca’s statement. Muli siyang nagbaba ng tingin at lalong nailang.

“Maybe he could get enough nerve to show his face again after what he’d done.” Ayaw paawat ni Lyca.

Inakbayan ito ni Alford, saka pinisil sa balikat. “Giliw ko, you are talking too much,” malambing na saway ni Alford, pero hindi ito pinansin ni Lyca.

Sa halip, binato nito si Dock ng cookies na kinakain nang ma-realize na dine-deadma lang ng lalaki ang mga parinig nito. Tinamaan si Dock sa mukha kaya natigil sa pagtitig sa kanya.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” angil ni Lyca kay Dock.

Nagkamot sa ulo ang lalaki, saka alanganing ngumiti.

“Huwag kang ngumiti! You are making my blood boil right now, Del Fierro!”

Kinagat ni Dock ang loob ng pisngi para alisin ang ngiti sa mga labi.

“You know what? I want to chop your balls, grind and feed them to Footlong and Jumbo. They will surely love them. But I’ve remembered that you’ve got no balls!” Ang tinutukoy ni Lyca na Footlong at Jumbo ay ang mga alagang sawa ng mag-asawa.

Hinawakan ni Alford ang magkabilang panga ni Lyca gamit ang isang kamay, ipinaling ang mukha paharap dito at ilang ulit na hinalikan sa mga labi.

“Kain na. Don’t stress yourself too much, okay?”

Hinaplos ni Alford ang malaking tiyan ng asawa. Lyca was five months pregnant.

Ipinikit ng babae ang mga mata, saka bumuntong-hininga. Kinalma nito ang sarili. “Argh! Nanggigigil talaga ako! Sino ba kasi ang nag-imbita sa impaktong `yan?”

“Mama Lyca, are you angry?”

Ang nagngingitngit na si Lyca ay pilit na ngumiti nang lumapit si Fenix. “Oh no, baby.” Hinalikan nito ang bata sa ulo, saka matamis na ngumiti.

Ginantihan naman iyon ni Fenix ng matamis na ngiti. “I want ice cream.”

“Si Papa na ang kukuha,” sabi ni Alford.

“Ako na lang,” sabi ni Geallan, saka tumayo.

Kailangan niyang dumistansiya kay Dock nang ilang metro. Hindi pala niya kayang malapit sila sa isa’t isa. Para siyang nasu-suffocate.

Pinuntahan ni Geallan ang kusina, saka kumuha ng ice cream sa fridge. Habang naglalagay ng ice cream sa ice cream bowl, natigilan siya nang maramdaman ang presensiya ng tao sa likuran niya. Lalo na nang maamoy ang pamilyar na amoy. Paboritong mamahaling pabango ng taong kilala niya.

“Geallan…”

His voice had dropped to a low husky utter that made a rash of goosebumps break out over her skin.

Ipinikit ni Geallan ang mga mata habang pigil ang paghinga nang maramdaman ang dahan-dahang paghakbang nito. Parang bolang apoy na habang palapit, nararamdaman niya ang init. Bago pa man siya madarang, mabilis na niyang iminulat ang mga mata at pumihit paharap.

And there he was, a hot man in a gray long-sleeved T-shirt with open five-button placket, who had perfected the sexy, smoldering stare. Nakalilis ang manggas nito hanggang siko. Halos mapunit ang tela sa bandang braso at dibdib dahil sa namumutok na muscles.

Nang mag-angat siya ng tingin sa mukha ni Dock, noon niya napansin ang ilang pasa sa mukha nito. Sa panga at cheekbone. Parang nabugbog ito.

“Geallan…”

Agad niyang iniharang ang kamay para patigilin ang lalaki sa paglapit sa kanya. “Huwag kang lalapit!”

“Geallan, I wanna talk to you.”

“Ayoko! Hindi kita gustong makausap ngayon, bukas o kahit na kailan!”

Hindi na niya nakuha pa ang kailangang ice cream. Nilagpasan niya si Dock. Pero agad nitong hinawakan ang braso niya.

Geallan felt his grip, firm on her arm. A feeling of sheer panic rose within her. Alam naman niyang hindi siya sasaktan ni Dock physically katulad ng ginawa sa kanya ni Rex noon. Pero iba ang takot na nararamdaman para kay Dock. Alam niyang higit sa pisikal na pananakit ang mararanasan niya kapag hinayaang makapasok uli ito sa buhay niya.

“Geallan, please?”

Ipiniksi niya ang braso. Pero mabilis ang kilos ni Dock. Inilapit nito ang sarili at ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito na lalong nagpataranta sa kanya. Halos walang espasyo ang katawan nila. Halos isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha nila sa isa’t isa.

“Geallan, please talk to me.”

Hindi lang boses ni Dock ang nakikiusap, pati na rin ang mga mata nito. Masuyo pa nitong inihaplos ang daliri sa pisngi niya. That made her unsteady on her feet.

“Alam kong galit ka sa akin. Please, let me explain.”

Ang galit na nararamdaman para sa lalaki ay muling nabuhay dahil sa narinig. Agad niya itong itinulak, saka umatras. “Hindi! Hindi ko kailangan ang paliwanag mo!”

“Geallan, please?”

“Unang-una, `tapos na ang lahat sa atin, D-Dock.”

Umalon ang dibdib ni Geallan sa paghugot niya ng hininga habang pinipigil na hindi gumaralgal ang boses. Muling bumalik ang sakit dahil sa pang-iiwan nito noon.

“T-tinapos mo `yon nang piliin mong umalis nang walang ibinigay na dahilan. Noon ko kinailangan ang paliwanag mo at hindi ngayon.”

Itiniim niya ang bagang at ginawa ang lahat ng makakaya para hindi tumulo ang luha na nagsisimula nang mamuo.

“Ayos na ako, Dock. Ayos na ako na wala ka sa buhay ko. Kung nandito ka dahil gusto mong humingi ng tawad sa ginawa mo, okay, pinapatawad na kita. Kaya pakiusap lang. Nagpakalayo-layo ka na lang din naman, sana nilubos-lubos mo na. Huwag ka nang magpakita sa akin, utang-na-loob!”

Mabilis siyang tumalikod. Sa pagtalikod na iyon, hindi na niya napigil pa ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha. Agad niya iyong pinahid.

Ano ba ang gustong mangyari ng lalaking iyon? Humingi ng tawad? Hindi naman na niya kailangan ng paliwanag nito. Wala na siyang pakialam pa.

“HI, BRIELLE!”

Ngiti ang iginanti ni Geallan sa pagbating iyon ni Brent. Kasama niya ito sa swimming club na sinalihan.

Habang nakataas ang dalawang braso, napuna niya ang pagtitig ni Brent sa kabuuan ng katawan niya na nababalot lang ng asul na athletic swimwear. Nababalot naman ng swimming cap ang ulo niya habang hawak ang goggles.

Umupo si Geallan sa gilid ng pool, tumabi naman sa kanya si Brent.

“Let’s have coffee after practice.”

Isa si Brent sa masugid niyang manliligaw. Pero, Diyos ko, napakabata pa nito. Beinte anyos ito samantalang siya, beinte-singko na. Pero hindi mo aakalaing edad beinte lang si Brent kung pagbabasehan ang pangangatawan.

He was the model of what a sexy, fit guy looked like today. Siguro, dahil sa hilig nito sa pagsu-swimming kaya gumanda nang ganoon ang katawan. Isa si Brent sa pinakamagaling na swimmer ng Primrose University. Laging nangunguna sa mga competition na sinasalihan. May similarities ang katawan nito kay Javan and also… Dock. Their swimmer’s bodies were noticeable. Tall, with long limbs, flexible, with broad shoulders and a defined abdominal area.

Si Dock, hilig niyon kung minsan ang magbabad sa swimming pool kapag hatinggabi. Iyon daw ang workout nito. Minsan nga, nagkakarera sila, pero hindi siya nananalo. Mgaling at mabilis lumangoy si Dock.

Itinuon ni Geallan ang mga mata sa tubig at nilaro ng paa ang malamig na tubig.

“Brielle?”

“Hmm?”

“Pansinin mo naman ako.”

“Hindi ako mahilig sa kape, Brent.”

“Cake? Milk tea?” Ang kulit talaga ng lalaking ito.

Bahagyang ngumiwi si Geallan nang marinig ang ingay ng mga babaeng nakaupo sa bench habang nakatingin sa mga lalaking miyembro ng swimming club na puro swimming jammers lang ang suot.

Dumating na siguro ang swimming coach nila. Isa sa dahilan kung bakit maraming babaeng tambay sa facility na iyon ay dahil kay Coach Jax, palibhasa guwapo. Kung puwede nga lang sigurong sumali kahit hindi naman marunong lumangoy, sumali na ang mga ito. Kaya lang, sorry na lang sila dahil hindi iyon puwede.

Mahigpit ang swimming club. Tanging mga may potensiyal na maging magaling na swimmer lang ang kinukuha. But to be fair, may isa pang swimming club para sa mga hindi magaling, pero gustong matuto. Parang iyon ang basic training. Doon sasanayin ang isang swimmer bago ilipat. Sa club naman nila kumukuha ng ilalaban sa mga kompetisyon.

“ Shaks! He’s so hot!” narinig niyang sabi ni Mika, isa sa magagaling na swimmer sa mga babae.

“Attention, everyone!” pagkuha ni Coach Jax sa atensiyon ng lahat.

Isinuot ni Geallan ang goggles, pero pinanatili lang niya iyon sa ulo bago itinuon ang tingin sa kabilang side ng pool, sa tapat mismo ng kinauupuan niya kung saan nakatayo si Coach Jax.

Pero halos lumuwa ang mga mata niya nang makita ang lalaking katabi ng coach nila. Ang tanging suot nito ay itim na swimming jammers and cap habang ang goggles ay nasa ulo.

He crossed his arms over his chest, which only served to emphasize the corded muscles in his arms and chest. He looked none the worse for wear. Expensive suits gave him the presence of elegance and class. But in a tiny black swimming jammers, he looked as though he was the most fuckable creature that God had created.

Oh, sorry, Lord. Forgive me.

He showed off his muscular legs. The enormous beast between his thighs was visible. The same beast she had loved to feel inside of her, choking and milking for what it was worth.

Wala sa loob na napahaplos si Geallan sa lalamunan. Para iyong nanuyo bigla.

“I’ll be gone for a few weeks. Coach Del Fierro will be the one who’ll train you habang wala ako.”

With wide eyes, Geallan met his gaze. His wickedly sensual lips curved in a faint smile as he looked at her.