noveltoon logo noveltoon
Get Wild (Fatal Attraction Series 2)

Chapter 37

Ch. 37 / 39 Mar 23, 2025

C hapter 37

MALAKAS na halakhak ang nagpalingon kay Dock. Matalim niyang tinitigan ang kapatid na si Nyke na tawa nang tawa habang nakahawak sa tiyan.

“What the fuck, bro! Ano’ng ginagawa mo?”

“Shut up!” he hissed at his brother, wiping his arm across his forehead. “Fuck!” mura niya nang mapuno ng bula ng sabon ang noo niya. Lalo iyong ikinatawa ni Nyke.

“Why are you dealing with the laundry? Wala ba kayong househelp na puwedeng gumawa niyan? Ganoon ka na kakuripot para hindi kumuha ng katulong, bro?” pang-aasar ni Nyke.

Ibinalik ni Dock ang atensiyon sa ginagawa at ipinagpatuloy ang pagkukusot. “Ayaw ni Geallan na pinapalabhan ang underwear namin sa katulong. Dapat daw kami mismo ang naglalaba nito. Siya ang gumagawa nito. Pero buntis ang asawa ko, `di ba? Ayaw kong napapagod siya. Fuck you, Nyke! Stop laughing!” sabi niya sa kapatid na ayaw tumigil katatawa.

Ayaw ni Geallan na pinapalabhan ang underwear nila sa kasambahay. Dapat daw, hindi na iyon iniaasa sa iba. Eh, since buntis ang asawa sa magiging panganay nila at ayaw niya itong mapagod, siya na ang gumagawa niyon tuwing weekend.

Matagal din ang hinintay nila bago nakabuo. Matapos nilang magkabalikan, isang taon ang nagdaan bago sila nagpakasal. Isang taon pa ang lumipas bago sila nakabuo. Kaya lahat ng pag-iingat, ginagawa ni Dock para masiguro ang kaligtasan ng kanyang mag-ina. Those were just small pieces of clothes. Sisiw lang naman iyon sa kanya. Halos walong buwan na rin niya iyong ginagawa.

“Damn! The great Dominick del Fierro, a chairman of Jewel Cruise Line Holding, hinahangaan at tinitingala. Pero laundry boy pagdating sa bahay.”

“Will you please shut up? Ano ba’ng ginagawa mo rito?”

Tumigil sa pagtawa si Nyke. Ang masayang tawa ay napalitan ng alanganing ngiti.

Hmm, parang may nase-sense siyang request sa kapatid and it was payback time.

Pumihit si Dock paharap sa kapatid habang nakaupo sa bangkito. Itinukod niya ang dalawang braso sa tuhod. “Do you need anything, bro?” Nakataas ang sulok ng mga labi niya.

“Ahm…” Humaplos ang kamay ni Nyke sa likod ng ulo. “Approve mo naman `yong request kong leave. Two weeks lang naman.”

Lalong tumaas ang sulok ng mga labi ni Dock.

Nagtatrabaho na ang ugok na ito ngayon sa kompanya nila bilang executive assistant niya. Iyon nga lang, puro palpak ang trabaho nito kaya kinailangan pa niya ng dalawang executive assistant. Kapag si Nyke ang ipinapadala niya sa mga meeting, nagsisipag-ayawan ang board members dahil wala naman daw itong naitutulong sa pinag-uusapan.

“Okay.”

Biglang umaliwalas ang mukha ng kapatid. “Talaga? Payag ka?”

Hindi niya basta-basta pinapayagang mag-leave si Nyke, lalo ngayon na nakakailang leave na ito dahil sa patuloy pa ring pagmo-model.

Tumayo si Dock. “Para ano pa at naging magkapatid tayo?” Matamis siyang ngumiti na unti-unti namang ikinawala ng ngiti ni Nyke.

“Bro, naman. Sana naman, huwag mo akong pahirapan. Every employee deserves a vacation. Dapat nga, may vacation allowance pa, eh.”

“Bro, for your information, our company gives the best employee of the year a free European cruise as a reward for their hard work.”

“Really?”

Hindi alam ni Dock kung may pag-asa pa ba itong kapatid niya na magkainteres sa pagpapatakbo ng kompanya nila.

“Anyway, I’ll approve your vacation leave. But before that…” Itinuro ni Dock ang batya na punong-puno ng bula. “Tapusin mo ang ginagawa ko.”

“What?”

His eyebrows shot up. “Ayaw mo?”

“But I have no idea how to wash clothes.”

“Kusot-brush. That’s it. Kaunti na lang `yan, mga briefs ko na lang. Galingan mo, ah. Vacation leave ang kapalit niyan.”

Marahan niyang tinampal ang pisngi ng kapatid. Malakas niya itong tinawanan nang murahin siya. Napunta sa mukha nito ang mga bula sa kanyang kamay.

Napilitang umupo si Nyke sa bangkito. Kakamot-kamot itong nakatingin sa batya. Parang hindi alam ang gagawin.

“Oh, by the way, bro. Ayusin mo ang pagkusot sa briefs ko, ah. Some of my briefs have jizz stain, mahirap tanggalin. Ikaw na ang bahala, bro.”

“What the fuck!” Nyke hissed.

Malakas na humalakhak si Dock, saka iniwan ang kapatid na walang nagawa kundi ang maglaba ng briefs niya. Tingnan nila ngayon kung makatawa pa ang itlog na iyon. Palibhasa walang iniintindi sa buhay kundi sarili lang. Ang pag-aalaga niya kay Geallan, tinatawag nitong pagiging under de saya. He was just taking care of her wife and his unborn child.

Pinahid ni Dock ang mabulang kamay sa suot na boxer shorts, saka umakyat sa kuwarto. Malapad siyang ngumiti nang mapasukan si Geallan na kumportableng nakaupo sa kama habang nanonood ng pelikula. Binigyan siya ng matamis na ngiti ng asawa habang patuloy sa pagkain ng nilagang mani.

Lumapit siya, itinukod ang dalawang kamay sa gilid ng kama. “Pahingi.”

Agad na inilayo ni Geallan ang maning nasa bowl. “Huwag na, kaunti na nga lang, eh.”

Bahagyang natawa si Dock. “Ang damot ng magandang buntis.” Hinalikan niya ito sa mga labi. “I’ll prepare you a milk bath.”

“Sige, thank you.”

Tumuloy si Dock sa banyo. He turned on the water and set it at the right temperature. Nilagyan niya iyon ng isang litrong gatas, lavender essential oil at petals ng pulang rosas. Isang beses sa isang linggo, nagbababad si Geallan sa tubig na may gatas. Siya mismo ang naghahanda niyon.

Kinuha ni Dock ang razor at shaving cream sa wall cabinet at ipinatong iyon sa pasamano ng bathtub at iba pang gagamitin sa shaving session nila ni Geallan. Kailangan na pala niyang ahitan ang asawa dahil medyo kumakapal na ang black grasses ng isla nito.

Anytime soon, manganganak na si Geallan. According to the doctor, she was two centimeters dilated and seventy-five effaced. It all depended on the baby now. It could be as early as this weekend or two weeks out before Geallan went into active labor.

Dock was really excited. Hindi pa nila alam kung lalaki o babae ang magiging anak. Gusto ni Geallan, surprise daw kaya hindi na nila inalam ang gender ng magiging anak.

Pinatay ni Dock ang faucet sa bathtub. Lumabas siya ng banyo para tawagin si Geallan. Nilapitan niya ang asawa, kinuha mula rito ang bowl ng mani at inilapag sa nightstand. Pinainom niya ito ng tubig, saka binuhat.

“Your milk bath is ready.”

“Dock, hindi mo ako kailangang buhatin. Ang bigat-bigat ko na.”

“Ano’ng silbi ng macho kong katawan kung `di ko kayang buhatin ang dalawang babies ko?”

Namula ang mga pisngi ni Geallan at pigil ang pagbungisngis.

Pero… ang bigat na nga ng asawa niya, hindi katulad dati. Wala kasing ginawa kundi kumain kahit pinagda-diet na ng doktor.

Ibinaba niya si Geallan, saka tinulungang maghubad bago inalalayang lumusong sa bathtub.

Dinampot ni Dock ang razor at shaving cream. “Shaving time,” sabi niya at ipinakita ang hawak na pang-ahit.

May ngiti sa mga labing muling umahon sa tubig si Geallan. Umupo ito sa deck ng bathtub. Their tub had a wide storage deck for all bathing accessories. It also had a more than ample space for them to sit comfortably. Sadyang ganoon ang ipinagawa ni Dock para mas functional. Nang makasal sila ni Geallan, lumipat sila ng bahay. Sa village kung saan din nakatira ang pamilya nina Tres at Alford.

Ipinatong ni Geallan ang isang paa sa gilid ng bathtub, saka humawak sa deck mounted faucet, showing all of herself. Showing off what a beautiful pregnant body she had while their baby was still growing inside her belly.

Geallan still looked amazing for being thirty-eight weeks pregnant. She proved that pregnant women were attractive.

Mula nang mabuntis ang asawa, na-consious na ito sa sarili. Maraming insecurites. Nahihiyang maghubad at ipakita sa kanya ang lumalaking katawan. She thought she was ugly. She even cried dahil baka raw ipagpalit na niya ito sa iba.

Dock was desperately trying to explain that her body was changing in the most miraculous ways. That in his eyes, Geallan was more beautiful than ever and how much he loved looking at her new shape. Ngayon, bumalik na ang kompiyansa nito, hindi na nahihiyang ipakita ang katawan.

Hinubad ni Dock ang boxers saka lumusong sa bathtub. Umupo siya sa harap ni Geallan, sa pagitan ng nakahiwalay nitong mga hita. There was a tuft of jet-black hair so thick he couldn’t even see her pussy lips through it.

Dock grabbed the pair of scissors. He started to trim her pubic area, stuffing the pubes into a small plastic bucket that lay on the deck of the bathtub. Slowly, a fleshy mound began to emerge, her labia was full and pinkish.

Dock applied a small amount of cream to her mound, then ran a finger down the chink in the center to expose her slit and started to shave it with a razor. The dark hair fell away, exposing the smooth skin beneath her garden of fur. He cleaned the razor often in a bowl of water na nasa tabi ng bucket.

Nang matapos, kinuha ni Dock ang handheld showerhead at sinimulan iyong linisin para maalis ang shaving cream. Her clitoris stood free between the plump lips, proud as though it wanted to be noticed. To be licked and sucked. He couldn’t help but swallow hard.

Geallan shuddered when he took her clit between his fingers and kneaded it.

“Hindi mo ako binigyan ng mani kanina. Is it okay if I’ll eat this nut of yours instead?”

Umangat ang pang-upo ni Geallan mula sa baththub when he rolled the clit between his thumb and forefinger. The corner of his lips quirked up as he noticed how the hot cream began to ooze out of her pussy-hole.

Dock wet his finger with her juices, then smeared them on her clit, rubbing it until her pussy lips fluttered and gulped, more juices pouring out of her cunt.

Pinagparte pang lalo ni Geallan ang mga hita. Gamit ang dalawang daliri, hinaplos niya nang hinaplos ang clit nito habang ang dalawang daliri sa isang kamay ay ipinasok sa butas ng pagkababae nito. Mabagal niya iyong inilabas-masok.

Geallan nearly fell at the pleasure as a little breathy moan escaped from her throat. “Dock,” she called, almost pleading as she opened her legs even wider.

“It’s all right, baby. I’ve got you.”

With that, Dock dipped his head between her thighs and took her clit into his mouth. His two digits still fucking her slowly, yet giving her enough friction to stoke her orgasm harder and higher. Enough that she gasped in agonized pleasure.

“Oh, God! Dock!”

Bigla na lang nanginig ang mga tuhod ni Geallan at sumabunot sa buhok niya nang abutin nito ang sukdulan.

Tiningala ni Dock ang asawa. Namumula ang mukha nito. Malapad siyang ngumiti nang pakawalan ang clitoris ni Geallan. Hinugot niya ang dalawang daliri. Satisfied siya na napaligaya niya ang asawa.

“Diyos ko, Dock! Ang sarap n’on… Sobra.”

Humihingal pa rin ito. Bumagsak ang isang paa ni Geallan na nakapatong sa deck ng bathtub. Lumuhod siya para pumantay ang mukha sa asawa. Hinalikan niya ito sa mga labi.

“Did I satisfy you?”

Dock carressed her belly. Napakatigas niyon. Umbok na umbok sa kanang bahagi ng tiyan. Ganoon iyon kapag nag-orgasm si Geallan.

“Walang sandaling hindi mo ako pinaligaya, Dock. I’m always satisfied. Kahit hindi na ako maganda at mukha na akong butete—”

“Goddamm, baby. You are the most beautiful and attractive bloated mammal I’ve ever seen.”

Geallan broke out in a cackle but stopped. Maging siya ay natigilan nang may maramdamang mainit na likidong lumabas sa pagitan ng mga hita ng asawa. Sabay pa silang yumuko.

“What’s that? Did you pee?”

“Oooh!”

Nag-angat siya ng tingin sa asawa na ngayon ay nanlalaki na ang mga mata.

“What’s wrong?”

“`Yong panubigan ko `yon, Dock. Manganganak na ako. Sabi nila, kapag pumutok na ang panubigan, sunod nang lalabas ang baby. Oh, God! Oh, God!”

“What am I gonna do? What am I gonna do? May masakit ba?”

Umiling si Geallan. “Wala, pero dalhin mo na ako sa ospital!” tili nito.

Natataranta siyang kumilos. Binuhat niya ang asawa. Inilabas niya ito sa banyo. Nasa pinto na sila ng kuwarto nang…

“Ano’ng ginagawa mo, Dock?”

“Daldalhin kita sa ospital.”

“Diyos ko, Dominick! Utang-na-loob, kumalma ka nga muna. Lalabas talaga tayo nang hubo’t hubad? Ibaba mo muna ako at magbihis ka.”

Nagmura siya nang mapansing wala nga silang suot. Ibinaba niya si Geallan sa kama, patakbong nilapitan ang closet at kumuha ng boxer shorts. Mabilis niya iyong isinuot. Hindi na niya nagawa pang kumuha ng damit nang sumigaw si Geallan.

“Lalabas na yata si Baby! Nagsisimula nang humilab ang tiyan ko!”

Kumuha na lang siya ng roba at isinuot kay Geallan. Muli niya itong binuhat palabas ng kuwarto hanggang pababa ng hagdan.

“Nyke! Nyke!” malakas niyang sigaw. Paulit-ulit niyang tinawag ang pangalan ng kapatid hangga’t hindi ito lumalabas.

“Ano na naman ba `yon?”

Lumabas si Nyke mula sa laundry area, walang pang-itaas at sapatos. Tanging jeans ang suot. Punong-puno ng bula ang braso, paa, dibdib, pati ulo ay mayroon.

“Ilabas mo ang sasakyan. Manganganak na si Geallan. Hurry!”

“Fucking shit!”

Mabilis na umalis si Nyke. Pero dahil nababad sa sabon ang paa, bigla itong nadulas. Sinubukan nitong tumayo, pero muli lang uling nadulas kaya halos pagapang nitong nilapitan ang pinto.

Sumunod si Dock sa kapatid sa garahe. Buhat pa rin niya si Geallan. Isinakay niya ang asawa sa backseat ng sasakyan. Nasa driver seat na si Nyke.

“Let’s go!” he demanded.

His heart was pounding frantically in his chest. Dock could feel every cell, nerve, muscle in his body were pounding, too, as if they were going to explode. Nakakaramdam siya ng matinding takot, lalo na kapag dumadaing sa sakit si Geallan.

“Susi?” Nyke asked.

“Fuck it! Nasa kuwarto!”

“AAAH!”

Mahigpit na hawak ni Dock ang kamay ni Geallan habang sinasabayan nito ng sigaw ang bawat pag-ire. Seeing her wife in pain made him feel sick. Nanginginig ang katawan nito habang pilit na inilalabas ang sanggol sa sinapupunan. Dalawang oras na itong nasa delivery room at hirap na hirap na. Kahit napakalakas ng aircon, pawis na pawis ito.

“You can do it, baby. Kaunti na lang. Nandito lang ako.”

Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ng asawa, saka ito pinatakan ng mumunting halik sa mga labi.

Muling dumaing si Geallan, kagat ang ibabang labi na halos magsugat na.

“Whoa! Whoa! Whoa! Sige pa, sige pa, baby. Push it! Push it!” sabi ni Dock habang sinasabayan itong umire.

Oh, Jesus! Kaunting-kaunti na lang, hihimatayin na yata siya sa sobrang takot na nararamdaman.

Sa isang mapuwersang pag-ire, biglang napuno ang kuwarto ng iyak ng sanggol. Natigilan siya habang nakatitig kay Geallan.

“It’s a boy, Mr. and Mrs. Del Fierro.”

Ipinatong ng doktor ang bata sa tiyan ng asawa. Nakatulala lang si Dock habang nakatitig sa maliit na sanggol. Namamangha siya, pero hindi alam kung ano ang gagawin. He wanted to hold the child. But he didn’t want to hurt the fragile little angel kaya pinagkasya na lang niya ang sarili na titigan ito.

“Dock?” tawag ni Geallan.

Hinawakan nito ang pisngi niya at pinahid ang luhang hindi man lang niya namalayang tumulo na pala. Dock couldn’t explain his emotion right now. Seeing their first child that they had been waiting gave him an indescribable and immeasurable joy.

“You made it, baby,” sabi niya. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ng asawa. “Thank you. Thank you,” paulit-ulit niyang sabi habang paulit-ulit ding hinahalikan si Geallan sa mga labi.

Dock was completely overwhelmed with love for her and for their son.

HINDI nakakaramdam ng pagod si Geallan. Bale-wala ang pananakit ng katawan niya dahil sa tuwa ng mga taong nasa paligid habang pinagkakaguluhan ang anak. Kanina, bumisita ang mga magulang nila. Wala pang ilang minuto matapos umalis, pumalit naman ang mga kaibigan nila. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi niya habang tinitingnan si Dock at anak na pinangalanan nilang Yarrow. It was a flower, like her first name, Azalea.

“This is daddy, Yarrow,” pagkausap ni Dock sa sanggol na nasa mga bisig nito. Nasa mukha nito ang matinding nerbiyos dahil sa pag-iyak ng bata. Tumingin sa kanya ang asawa, parang humihingi ng saklolo.

“Akin na nga,” sabi ni Javan na kinuha ang sanggol kay Dock.

“Hey, little boy. This is Uncle Javan.” Sa halip na matuwa si Dock, parang lalo pa itong nairita nang tumahan ang bata.

“`Ayun, parang magiging peyborit uncle ako ni Yarrow. Ayaw mo sa papa mo? Naiintindihan ko, Yarrow. Alam kong mas pogi ako sa kanya.”

“Dock!” tawag ni Geallan. Nakita niya ang pag-igting ng panga ng asawa sa inis, lalo na nang magtawanan ang mga kaibigan nitong nakaupo sa mga couch.

“Halika.” Inilahad ni Geallan ang kamay. Lumapit si Dock at umupo sa gilid ng hospital bed.

“Ikaw ang pogi para sa akin.”

“But our son doesn’t like me.” May lungkot sa boses nito.

“Sanay lang si Javan kasi nagka-baby na siya. Alam niya kung paanong magpatahan ng bata. Matututunan mo rin `yon.”

“I really hate that man.”

“Dock, wala ka nang magagawa pa. Javan is a part of our family. Bayaw mo na siya. Kung ayaw mong magalit sa `yo si Viel, kailangan mo siyang tanggapin. Tigilan mo ang pagseselos.”

“I can’t help it. Siya ang first love mo, eh.”

Ikinulong ni Geallan ang mukha ng asawa sa mga palad niya. “Ikaw ang pinili ko. Ikaw ang mahal ko ngayon at mamahalin habang-buhay.”

“Talaga?”

Nakangiti siyang tumango. Nilingon ni Dock si Javan na nakaupo sa tabi ni Viel habang kinakausap si Yarrow. Kalong naman ni Viel ang dalawang taong gulang na anak.

Sino ang mag-aakala na sina Javan at Viel ang magkakatuluyan? Three years ago nang magkabalikan sila ni Dock, akala nila, ayos na ang lahat. Pero bigla na lang uling nagkagulo ang pamilya Del Fierro dahil kina Viel at Javan.

Isang araw, ipinagtapat ni Viel kay Dock na buntis ito. At ang mas gumulat sa lahat, nang malamang si Javan ang ama ng bata. Kaya hayun, nagkagulo ang lahat. Ang nanay nina Dock at Viel ang unang kumontra. Galit na galit ito. Pero hindi sinukuan nina Javan si Viel at si Adeline. Ginawa ng mga ito ang lahat para matanggap ni Adeline.

Tumayo si Dock at nilapitan si Javan. “Akin na ang anak ko.”

“Sure ka, Kuya? Baka umiyak na naman.”

“Kung banatan kaya kita? Ilang ulit ko bang sasabihin sa `yo na huwag mo akong tatawaging kuya? Mas matanda ako sa `yo, pero di-hamak na mas—”

“Mas isip-bata ka at mas guwapo ako,” sabi ni Javan.

Muling nagtawanan ang magkakaibigan.

“I agree with you, pare. Sometimes, I couldn’t help but wonder why Brielle chose Dock over you,” sabi pa ni Tres.

“Kuya Tres!” sabi ni Geallan. “I love Dock, that’s why. Para sa akin, siya ang pinakaguwapo sa balat ng lupa.”

“I still remember when you told me that I am more handsome than Dock.”

Pinandilatan ni Geallan ang kapatid. Humalakhak lang si Tres. Nakakainis talaga ang kapatid. Hilig nitong pikunin ang asawa niya.

“Tigilan n’yo na nga ang asawa ko. Napipikon na nga, eh, ginagatungan n’yo pa.”

“Akin na ang anak ko,” sabi ni Dock

Ibinigay naman ni Javan ang bata. Pero muling nagtawanan ang lahat nang umiyak na naman si Yarrow.

“Yarrow, I’m your father. If you don’t stop crying, I will not buy you a car.”

Parang matandang kinagagalitan ni Dock ang anak. At nakakamangha dahil parang epektibo naman iyon dahil unti-unting tumahan ang bata.

“Oh, he has stopped stop crying,” tuwang-tuwang sabi ng asawa niya.

Muli itong umupo sa gilid ng hospital bed, nasa mukha ang matinding kaligayahan. Akala mo isang napakalaking achievement ang nakuha dahil napatahan ang anak.

“Ang cute-cute mo, alam mo ba `yon?” nakatawang sabi ni Geallan.

Lalo niyang minamahal si Dock habang lumilipas ang mga araw. Lalo na ngayong nakikita niya kung gaano ito kasaya sa pagdating ni Yarrow. Matagal nila iyong ipinagdasal. Hindi agad siya nabuntis. Minsan, naaawa na siya sa asawa. Nakikita niya ang frustration nito, lalo na kapag inaasar ito ng mga kaibigan at tinatawag na baog.