noveltoon logo noveltoon
Get Wild (Fatal Attraction Series 2)

Chapter 4

Ch. 4 / 39 Mar 23, 2025

C hapter 4

ISANG linggo na mula nang umalis si Geallan sa Isla Liwanag at sumama sa kaibigan ng nanay niya na si Santina. Hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ng nanay niya. Ipinambayad utang siya. Sa halagang isandaang libong piso, nagawa siyang ibigay sa recruiter ng mga babaeng nagsasayaw nang hubo’t hubad sa isang club.

Akala ni Geallan, naloko rin ang nanay niya. Alam pala nito na hindi trabaho sa barko ang papasukin niya kundi paghuhubad sa harap ng maraming tao. Hindi niya masikmura ang ginagawa ng mga babae roon. Sumasayaw nang walang suot habang hinahaplos ng iba’t ibang lalaki sa maseselang parte ng katawan. Sa isang pribadong kuwarto naman, may nagtatalik habang may mga nanonood. Anong klaseng lugar ba ang napuntahan niya?

Ayaw na roon ni Geallan. Gusto na niyang umuwi. Okay na sa kanya ang mangisda na lang, tiisin ang pananakit ng ina at ang sakit na makita ang lalaking mahal niya na pag-aari na ng kapatid. Huwag lang doon. Hindi niya kakayaning magsayaw nang nakahubad sa harap ng maraming tao. Lalong hindi niya kaya ang makipagtalik sa kung sino-sinong lalaki habang pinapapanood ng marami. Lahat ng babae roon, hindi pinapayagang lumabas. Bawal ding gumamit ng cell phone. Napakahigpit doon kaya hindi siya makahingi ng tulong.

Sana, hindi na lang siya nangarap ng mas magandang buhay. Ang tanga-tanga niya para maniwalang puwede siyang magtrabaho sa isang cruise ship samantalang wala naman siyang pinag-aralan. Ngayon, hindi na niya alam kung ano ang ipapagawa sa kanya.

Sa loob ng isang linggo, wala siyang ginawa kundi manood ng mga nagpe-perform. Isinasama pa siya minsan sa rehearsal. Pero ngayon, pinagbihis siya ng bestidang pula na hapit na hapit. Halos lumuwa ang dibdib niya.

Halos bumilis ang tibok ng puso ni Geallan nang bumukas ang pinto ng kuwarto. Pumasok si Nessa, isang binabae. Supervisor ito sa club.

“Geallan, halika na.”

Hindi siya umalis sa pagkakaupo sa gilid ng kama.

“Halika na! Pareho tayong malilintikan kay Boss Rex kapag nag-inarte ka.”

Ang Boss Rex na tinutukoy ni Nessa ay ang anak ng may-ari ng club. Nakilala na niya ang lalaki noong unang araw pa lang niya roon.

Kinikilabutan si Geallan sa mga titig ni Boss Rex. Para siyang hinuhubaran sa paraan ng pagtitig nito sa buong katawan niya.

“Geallan!” tawag ni Nessa. Sinabayan pa nito iyon ng padyak ng paa.

Tumayo siya at dahan-dahang humakbang palapit sa bakla, nanginginig ang mga tuhod. Hinawakan siya nito sa braso at hinila palabas ng kuwarto.

“Madam Nessa, ano po ba ang gagawin ko?”

Buntong-hininga lang ang pinakawalan nito, saka nagpatuloy sa paghila sa kanya.

Habang naglalakad sila sa pasilyo, nakasalubong nila si Kate. Isa rin ito sa mga babaeng sapilitang pinagsasayaw roon. Nasa mukha ng babae ang matinding pag-aalala habang nakatingin sa kanya. May utang din daw ang nanay nito kay Santina.

Tumigil sila sa tapat ng pinto ng isang kuwarto. Tinitigan siya ni Madam Nessa. Malungkot itong ngumiti. “Sana hindi ka na lang kasi nagpunta rito.”

Hindi maintindihan ni Geallan, pero may hatid na kilabot ang sinabi nito. Para bang may mangyayaring masama.

Kumatok si Madam Nessa at sinabayan ng tawag ng pangalan. “Boss Rex?”

“Pasok,” sagot ng lalaki mula sa kuwarto.

Nang pihitin ni Madam Nessa ang seradura, humawak siya braso nito. “Madam Nessa, ano po ba ang gagawin ko sa loob?”

“Basta sumunod ka lang sa gusto ni Boss para hindi magalit.” Binuksan nito ang pinto.

Kinakabahan talaga si Geallan. Pakiramdam niya, may hindi magandang mangyayari.

“Sige na, Geallan. Pasok na.”

Marahan siyang itinulak ni Madam Nessa papasok. Isinara nito ang pinto. Sinuyod ng mga mata niya ang kuwarto. May isang malaking kama na nasasapinan ng puting kubrekama. May maliit na mesa sa kabilang bahagi ng kama. May wine at may kandila roon.

Napapitlag si Geallan nang marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo. Lumabas mula roon si Rex na puting roba lang ang suot. Isang nanunuksong ngiti ang gumuhit sa mga labi nito habang hinahagod ng tingin ang kabuuan niya.

“Lalabas po muna ako. Babalik na lang po ako kapag nakapagbihis na kayo.”

“No. Just sit down.”

Itinuro ng lalaki ang kama, pero nanatili lang siyang nakatayo sa pinto. Nilapitan ni Rex ang mesa at nagsalin ng wine sa dalawang goblet, saka muling lumapit sa kanya at iniabot ang baso.

“H-hindi po ako umiinom.” Mahahalata sa boses ni Geallan ang takot dahil sa panginginig niyon.

“Sit and drink,” matigas nitong utos.

Walang nagawa si Geallan kundi tanggapin ang baso. Napalunok siya nang hawakan ng lalaki sa siko at alalayan papunta sa kama. Umupo siya sa gilid ng kama. Halos matapon ang laman ng baso dahil sa panginginig ng kamay niya.

“Don’t be afraid, Geallan.” Rex slightly nodded his head, urging her to drink up.

Uminom siya ng wine. Hindi niya malasahan ang wine dahil nakatuon ang buong atensiyon niya sa kilos ng lalaki.

Agad niyang inubos ang laman ng baso. Gusto na niyang lumabas. Kinuha ni Rex ang kopita sa kanya at ibinalik iyon sa mesa. Muli siyang nilapitan ng lalaki. Hawak nito ang isang kandila na nasa pulang glass candle holder.

Yumuko si Geallan nang tumayo ang lalaki sa harap niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata, saka mahigpit na humawak sa kubrekama nang hawiin ni Rex ang kanyang buhok. Kumapit sa balat niya ang lamig na nanggagaling sa aircon nang lumantad ang batok niya.

“You are beautiful, Geallan.”

Kinagat niya ang nanginginig na ibabang labi nang haplusin ni Rex ang lantad niyang batok pababa sa balikat. Bawat dantay ng daliri sa kanyang balat, kinikilabutan siya.

“I always pop a boner every time I see you.”

Marahas na suminghap at sumigaw si Geallan, sabay tulak sa lalaki nang makaramdam ng matinding sakit sa balikat. Pinatakan siya nito ng kandila. Lalo siyang kinilabutan. Bigla niyang naalala ang katauhan ni Ericson, ang anak ng mayor sa lugar nila na nanliligaw sa kanya. Isang sadista. Ngayon, hindi niya alam kung anong kapahamakan ang mararanasan sa kamay ni Rex.

“S-Sir, huwag po.”

Tuluyan na siyang napaiyak. Ang hapding nararamdaman sa balat hatid ng pagkakapaso ay bale-wala. Mas nararamdaman ni Geallan ang matinding takot sa puwedeng mangyari sa kanya.

“Oh, I’m sorry. You are not ready for sadism. Wala ka pa palang karanasan. Let’s make it passionate for now.” Inilapag ni Rex ang kandila sa nightstand.

Nanlaki ang mga mata ni Geallan nang hilahin nito ang tali ng roba at hayaan iyong bumagsak sa sahig. Nakita niya ang hubad nitong katawan. Sa sobrang takot, mabilis siyang tumayo para takbuhin ang pinto. Pero hindi pa man nakakadalawang hakbang, nahablot na ng lalaki ang buhok niya. Ipinaikot ni Rex ang isang braso sa balikat niya at idinikit ang bibig sa likod ng kanyang tainga habang ang hubad na katawan nito ay lumapat sa likod niya.

“Where are you going, hmm? Trying to play hard to get?” Nakakatakot bigla ang boses nito. “I like that, but not too much, sweetheart. You might wake the demon inside me.”

Napangiwi si Geallan nang dilaan ng lalaki ang likod ng tainga niya. “S-Sir, parang awa mo na po,” nanginginig na pakiusap niya habang masaganang tumutulo ang luha.

Pero sa halip na pakinggan, itinulak siya ni Rex sa kama. Hinablot nito ang kamay niya at pilit na ipinahawak ang ari nito. “Touch me!” he said roughly.

Buong lakas na sumigaw si Geallan habang inaagaw ang sariling kamay nang dumikit iyon sa ari ng lalaki. “Ayoko na!” she cried out.

Nagtagis ang mga bagang ni Rex habang ang mga mata ay nanlilisik sa matinding galit dahil sa pagmamatigas niya.

“Ayaw mo?” Hinablot nito ang buhok niya at pilit na inilapit ang kanyang mukha sa pagkalalaki nito. “Isubo mo!”

Umiiyak na umiling si Geallan. “Tama na… Ayoko na!”

“Subo!” sigaw nito, namumula na ang mga mata.

Geallan shook her head while pleading.

“Isusubo mo o sasaktan kita?”

Ipinaling niya ang ulo sa kaliwang bahagi para iwasang dumikit ang bibig sa pagkalalaki ni Rex. Kinalmot niya ito sa tiyan.

“Aaah! Fuck you!” sigaw nito.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Geallan. Napasubsob siya sa kama at hindi nakakilos. Nagdilim ang paningin niya. Kumalat sa dila niya ang lasa ng dugo.

Rex grabbed her forcefully, pinning both her wrists over her head habang nakakubabaw ito. Nagpumiglas siya nang halikan ng lalaki sa leeg. He released her wrist to grab for her breast with a hard grip. His mouth wandered down her throat and ripped her dress open. His hand and his mouth were rough and unpleasant.

Ginamit ni Geallan ang libreng kamay para itulak ang mukha ni Rex nang bumaba ang mga labi nito sa kanyang dibdib. Kinalmot niya ang mukha ng lalaki. Mas gugustuhin niyang mamatay na lang kaysa babuyin ng walang awang nilalang na ito.

“Fuck!” The man groaned in pain as her nails dug into his flesh. “You are a son of a bitch! Ginagalit mo talaga ako!” Rex growled, sending a right fist down her stomach.

A hiss of breath escaped from her throat as the pain stabbed at her. It almost took her breath away.

“I’m a beast in bed, lalo kapag hindi ka susunod sa gusto ko!”

Mas pinunit pa ni Rex ang damit niya. Lumantad ang dibdib niya na nakakulong lang sa isang itim na bra. Tuluyang nawalan ng lakas si Geallan para manlaban dahil sa nakuhang suntok. The only thing she could do was to sob while gasping for air when the man started kissing her. She shook her head when he started to undo her brassiere. Pero bago pa man tuluyang mahubad ng lalaki ang bra, may humablot na rito.

“Wala ka talagang kadala-dalang putang-ina ka!” galit na sigaw ng isang lalaki. Itinulak nito si Rex.

Tumumba si Rex sa upuang nasa harap ng dresser. Ginamit ni Geallan ang natitirang lakas para gumapang sa gilid ng kama. Hinila niya ang makapal na kumot at tinakpan ang halos hubad na katawan habang nanginginig sa sobrang takot.

“Hindi ba, sinabi ko sa `yo na puwede mong galawin ang lahat ng babaeng gusto mo kung may pahintulot nila? May rape case ka pang hayup ka, pero ito ka na naman.”

“Bakit ka ba nangingialam?” sigaw ni Rex.

“Pasalamat ka at nangingialam ako. Kung hindi, matagal ka nang nabubulok sa kulungan sa dami ng kagaguhang pinaggagawa mo.” Kinuha ng lalaki ang roba at itinapon kay Rex. “Magbihis ka at sumama ka sa akin!”

Napilitang magbihis si Rex. Isiniksik ni Geallan ang sarili sa headboard ng kama nang tingnan siya ng lalaking namumula ang mukha sa galit. Bahagyang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito, saka umiling. Hinablot nito si Rex sa kuwelyo nang makapagbihis at kinaladkad palabas.

Noon naman pumasok si Kate at agad siyang nilapitan. Umiyak uli siya nang yakapin ng babae.

“Diyos ko! Mabuti na lang at dumating si Sir Abad. Siya lang ang matino sa pamilya nila.”

“A-ayoko ko na rito… G-gusto ko nang umuwi. Ayaw ko na dito,” halos paputol-putol niyang sabi.

TININGNAN ni Geallan ang dressing room. Nang makitang walang tao, kinuha niya ang cell phone na nasa ibabaw ng dresser. Kailangan niyang humingi ng tulong. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon bago pa man tuluyang masira ang buhay niya. Kanina lang naganap ang muntik na panghahalay sa kanya ni Rex. Hindi pa man niya nao-overcome ang takot sa nangyari, ito na naman. Pagsasayawin na siya at isang kakapiranggot na bejeweled underwear lang ang suot. Kailangan niya talagang makaalis. Pagkakataon na niya para makahingi ng tulong.

Agad na pumasok sa isip niyang tawagan si Javan. Numero lang ni Javan ang memorize niya. Palinga-linga siya sa pinto nang mag-ring ang kabilang linya.

“Sagutin mo, Javan!” sabi niya habang naghihintay. Ang tagal bago niya narinig ang boses ni Javan sa kabilang linya. “Hello, Javan.”

“Geallan?”

“Javan, tulungan mo ako! Parang awa mo na, tulungan mo ako. Ayaw ko na rito!” Nagsimula na namang tumulo ang luha sa mga mata niya.

“Geallan, sandali, sandali, nasaan ka?” natatarantang tanong ni Javan.

“Si Nanay! Ipinambayad-utang niya ako. Hindi barko ang pagtatrabahuhan ko kundi isang club. Wild Angel ang pangalan ng club sa Maynila—”

“Tarantada ka!” Kinuha ni Santina ang cell phone sa kanya. “Ginagalit mo talaga ako!” Sasampalin pa sana siya nito nang bumukas ang pinto.

“Next na!” sabi ni Abhie, ang choreographer na nagtuturong sumayaw sa mga babae.

Itinulak siya ni Santina palabas ng dressing room. Halos kaladkarin siya nito papuntang backstage. “Bilisan mo, Geallan! Huwag kang mag-inarte!”

Nang marating ang backstage, ipinagtulakan naman siya ni Santina palabas sa stage. “Dapat ay napagkakitaan na kita. Gahaman kasi sa laman ang pamangkin kong `yon.”

Ang may-ari ng club na iyon ay isa raw congressman. Kapatid nito sa labas si Santina na walang ginawa kundi ang ibugaw ang mga babae roon. Pamangkin nito si Rex. Kapatid naman ni Rex si Abad na tumulong sa kanya. Mabuti na lang at dumating si Abad. Naisumbong ni Kate sa lalaki ang binabalak gawin ni Rex. May rape case pa raw na kinakaharap si Rex. Ginahasa raw nito ang menor de edad na anak ng kasambahay.

“Galingan mo, kundi malilintikan ka sa akin. Mamili ka, sasayaw ka o mapapasakamay ka ni Rex na sadista?”

Walang gusto si Geallan kundi ang makaalis sa lugar na iyon.

Nang itulak ni Santina palabas sa stage, agad niyang niyakap ang sarili nang makita ang napakaraming pares ng mata ng mga lalaki. Parang mga mababangis at gutom na hayop sa gubat na naghihintay ng mabibiktima.

“Kumilos ka, Geallan. Lumapit ka sa unahan!” sabi ni Santina.

Walang nagawa si Geallan kundi dahang-dahang maglakad sa pahabang entablado. Hinding-hindi siya maghuhubad kahit na ano ang mangyari.

Yakap ang sarili, tumayo lang si Geallan kahit na pinandidilatan na siya ni Santina na ngayon ay nasa harap na ng stage. Madilim ang paligid, pero sapat ang malilikot na ilaw para masabing nagliliyab sa pagnanasa ang mata ng mga manyak na lalaki na halos may-edad na.

Nahagip ng mga mata ni Geallan ang dalawang babaeng topless na sinasayawan ang isang grupo ng kalalakihan. Ang isang lalaki, matamang nakatitig sa kanya. Sa hitsura ng lalaki, kahit sinong babae, kaya nitong ikama nang hindi nagbabayad dahil sa gandang lalaki. Ang apat na kasama nito, tuwang-tuwa na sinasayawan ng dalawang babae na kita ang mga dibdib. Ang isa, inihahaplos pa ang pera sa hubad na katawan ng babae. Ang manyak!

Napapitlag si Geallan nang hilahin siya ni Santina pababa ng stage. Dinala siya nito sa mesa ng isang grupo ng mga banyaga na puro may-edad na.

“Mr. Becker, this is Geallan. She’s inexperienced. Untouched. She’s a good deal, Mr. Becker. Totally worth it.” Para siyang isang bagay na ibinebenta.

“I want her to have a threesome in front of us.”

Nanlaki ang mga mata ni Geallan. May accent ang salita ng lalaki, pero naintindihan niya ang sinabi nito. Kinikilabutan siya sa gusto nitong mangyari.

Mahigpit siyang humawak sa braso ni Santina. “Madam Santina, parang awa mo na.” Sunod-sunod na namang tumulo ang mga luha niya.

“Sshh! Tumahimik ka! Malaki ang kikitain natin dito. Hindi naman ako gahaman. Papartehan kita.”

“Ayaw ko po.”

“Wala kang magagawa.” Muli nitong binalingan ang lalaki. “Follow me, Mr. Becker,” nakangiting sabi ni Santina sa banyaga. Hinila siya nito habang nakasunod ang lalaki.

“Madam Santina, parang awa mo na,” pagmamakaawa niya habang nakikipaghilahan sa babae.

“Hey!”

Natigil si Geallan nang may humawak sa braso niya. Nang lingunin ito, nagulat siya nang makita ang taong hindi inaasahang makikita pang muli. “Dock? Ano ang ginagawa mo rito?” Yumakap siya kay Dock nang buong higpit. “Tulungan mo ako.”

Hinubad ni Dock ang leather jacket na suot at isinuot sa kanya. Mahigpit niyang ipinaikot ang isang braso sa nanginginig na katawan. Sa kabila ng takot na nararamdaman, nakadama siya ng seguridad dahil sa yakap ni Dock.

“Alam n’yo bang bawal itong ginagawa n’yo? Pinaghuhubad n’yo ang mga babae nang sapilitan!” galit na sabi ni Dock kay Santina.

“Santina, what’s going on?” tanong ni Mr. Becker.

“I’m sorry, Mr. Becker. Can you please go back to your table first while I’m fixing this problem?”

Sumunod naman ang lalaki.

“Puwede bang huwag kayong mangialam? Hindi namin siya pinipilit.”

Niyuko ni Dock si Geallan. “Totoo ba `yon?”

Marahas siyang umiling. “Hindi ko `to gusto. Pinipilit nila ako.”

“Aba! Ikaw na babae ka—”

“Don’t you dare lay a finger on her!” matigas na sabi ni Dock. “Isasama ko siya.”

“Hindi puwede! Malaki ang pagkakautang ng nanay niya sa akin. Siya ang ipinambayad! Kapag hindi natuloy ang transaction namin ni Mr. Becker, humanda kayo sa akin!”

“Magkano ba ang utang na dapat bayaran?”

“Isang milyon! Ano, kaya mo?”

“Hindi naman ganyan kalaki ang utang ni Nanay—”

“Manahimik ka!” sabi ni Santina.

Lalong nagsumiksik si Geallan kay Dock. Tinapik nito ang lalaking kasama, saka bumulong. Umalis ang lalaki. Muling nagbunganga si Santina at pilit siyang binabawi. Pero hindi siya binitawan ni Dock. Sa halip, mahigpit siya nitong niyakap. Hindi ito natakot sa mga bouncer na tinawag ni Santina. Pakiramdam niya, ligtas na ligtas na siya ngayong nasa bisig ni Dock.

Bumalik ang lalaking kasama ni Dock pagkatapos ang ilang sandali. May iniabot ito kay Dock. Pinirmahan ni Dock ang isang papel matapos isulat ang isang milyon in words and numeral. Isa iyong cheque.

“Is that enough?” tanong ni Dock matapos iabot ang cheque kay Santina na ikinamangha ng babae.

Maging si Geallan, hindi makapaniwala. Totoo ba iyon o tatalbog lang? Siguro naman iniisahan lang ni Dock ang gamahang si Santina.

“Let’s go, Geallan.”

Hanggang sa makalabas at marating ang sasakyang nakaparada sa labas ng club, hindi siya bumitaw sa pagkakayakap kay Dock. Pakiramdam niya, kapag bumitaw siya, mawawala ang lalaki at babalik uli siya sa loob.

Marahang natawa si Dock nang hindi siya bumitaw nang pagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan. “Ligtas ka na, Geallan.”

Bibitaw na sana si Geallan sa pagkakayakap nang makita niya si Rex na kabababa lang ng sasakyan. Matalim itong nakatitig sa kanya. Hinigpitan niya ang pagkakayakap kay Dock, saka isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Bumalik ang matinding takot niya.

“Geallan, what’s wrong? You’re trembling.”

“Dock, huwag mo akong ibibigay sa kanya.” Gumaralgal ang boses niya.

“Sshh… Hindi ka makukuha ng kahit sino. Ligtas ka na.”

Naramdaman ni Geallan ang paghalik nito sa ulo niya habang hinahaplos ang kanyang likod.