noveltoon logo noveltoon
Get Wild (Fatal Attraction Series 2)

Chapter 33

Ch. 33 / 39 Mar 23, 2025

C hapter 33

“`MA, ANO `to? `Di ba, nag-usap na tayo? Bakit ngayon nagbago ang isip mo?”

Hindi makapaniwala si Dock sa mga narinig sa ina. Hindi na nito gustong magpakasal siya kay Geallan. Hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang galit nito. Nagsumbong din sa kanya si Viel na nakita niya si Geallan kahapon na lumabas ng restaurant na umiiyak. Kasunod nito ang mama niya at si Princess.

Dock confronted her mother. She didn’t deny it. Sinabihan daw nito si Geallan na layuan siya. Ang inaalala niya, kung ano pa ang mga sinabi nito at ni Princess sa girlfriend niya. Kagabi, sinubukan niyang tawagan si Geallan, pero hindi nito iyon sinasagot. Masama ang kutob niya.

“Si Princess ang pakasalan mo kung gusto mo at hindi si Geallan. Listen to me, son. This is for your own good.”

“I don’t understand, `Ma. Bakit nagkakaganyan ka bigla?” Iritado siyang nagpabalik-balik sa patio sa garden.

Kinuha ni Adeline ang folder at inalabas doon ang mga larawan at pahagis na ikinalat sa mesa. Niyuko niya ang mga iyon. Napakunot-noo siya nang makitang larawan iyon nina Geallan at Javan. Kinuha niya ang isa kung saan magkayakap ang mga ito.

His eyes flitted to her mother. “`Ma, it’s nothing. They were best friends.”

“And former lovers,” Adeline added.

“Javan is married. Matagal na silang tapos.”

“Si Javan ang mahal ni Geallan. Her first love. Someday, when she realizes that she still loves that man, she will leave you like your father did to me. To us!” Pain flickered across her mother’s face and tears started to well up in her eyes.

Mariing pumikit si Dock at minasahe ang sentido. “`Ma, please—”

“Look at this!”

Pagalit na iniabot sa kanya ng ina ang larawang nakataob kanina sa mesa. Muling nagdikit ang mga kilay niya sa nakikitang larawan. Iniabot niya iyon at pinakatitigan.

Tumingin si Dock sa ina, nagtatanong. “What’s this?” he muttered.

Tumango si Adeline, parang sinasagot ng oo ang katanungan sa isip niya. “Ang dahilan kung bakit tayo iniwan ng papa mo. Ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya natin. At siya rin ang dudurog sa `yo. `Yon ang hindi ko papayagan.”

Naguguluhan si Dock sa mga sinasabi ng ina. “Enlighten me, `Ma. I don’t understand.”

“Don’t you get it, Dominick? Jacinto Vandrict Ecleo and her mother are the reasons why we have a broken family.”

Hindi makapaniwalang napatitig si Dock sa ina.

“Ipinaglaban ng papa mo ang batang `yan noon. Ibinigay niya ang pangalan niya sa batang `yan. Mas pinili niyang maging ama sa batang hindi niya kaano-ano dahil sa pagmamahal niya sa ina ng bata. Iniwan niya tayo. Iniwan niya kayo. At ngayon, `yon na naman ang ginagawa nila. Nauulit sa `yo ang ginawa na nila noon.”

Muling ibinalik ni Dock ang tingin sa larawan. The image of his father, his mistress, was there. Javan was in the middle. They were an image of a small, but perfect family. It was making him feel sick.

Napaatras si Dock hanggang sa bumangga ang likod ng hita niya sa upuan. Dahan-dahan ang ginawa niyang pag-upo habang matamang nakatitig sa larawan.

Si Javan ang batang minahal ng kanyang ama kahit hindi nito kadugo. Mas pinili ntong magpakaama sa batang hindi kaano-ano kaysa sa kanilang magkakapatid. Si Javan. This couldn’t be happening!

Ano’ng mayroon sa `yo at mas pinili ka ng ama ko ?

Dock gritted his teeth. Hindi siya makapaniwala. Hindi niya namalayan na mahigpit na ang pagkakahawak niya sa litrato.

“Iiwan ka rin ni Geallan dahil si Javan talaga ang mahal niya, Dominick. Maniwala ka sa akin. First and true love will remain in people’s hearts. Masasaktan ka lang. Ayaw kong mangyari sa `yo ang lahat ng pinagdaanan ko.”

Dock lifted his gaze to his mother. He slowly released the breath he’d been holding. “Jacinto Vandrick Ecleo?” He let loose a hollow laugh.

Awesome! His father’s name was Jacinto Dominick Ecleo. Isinunod dito ang pangalan niya. Ang isa sa pangalan nito ay kay Javan ibinigay.

Fucking great! Si Javan ang nagmukhang tunay na anak dahil dinadala nito ang pangalan at apelyido ng ama. Sila, parang mga bastardo dahil pangalan ng ina ang ginagamit.

Inihilamos ni Dock ang palad sa mukha. Sinabunutan niya ang buhok at tiim-bagang na muling tumingin sa larawan. “This can’t be, Mama.”

“But it is, son. Ito ang masakit na katotohanang kailangan mong tanggapin.”

“No, `Ma! Wala akong pakialam sa kanila. Wala na akong pakialam kay Papa. At hindi kami magkakaproblema kung hindi magiging conflict ang Javan na `yon sa amin ni Geallan. Alam ko at tiwala akong ako ang mahal ni Geallan.” Matigas ang bawat bitaw niya sa mga salita. Dock could feel his jaw shake with rage.

“Oh, Dominick. Masasaktan ka lang sa pagmamahal mo sa babaeng `yon. Believe me, son.”

Tumayo si Dock at inihagis ang larawan sa mesa saka iniwan ang ina. Mabilis namang kinuha ni Adeline ang mga larawan at sinundan siya. Sa pagmamadali nito, nabangga nito si Viel na lumabas sa pinto papuntang patio.

“Dominick, makinig ka sa akin!” sigaw ni Adeline habang nakasunod kay Dock.

“Ano’ng problema ng dalawang `yon?”

UMUPO si Viel sa binakanteng upuan ni Adeline. Kinuha niya ang nag-iisang larawan na nasa mesa na naiwan ng ina. Tumaas ang kilay niya nang makita ang larawan ng isang guwapong lalaki. Naka-jeans, pero walang pang-itaas. Ang background ay karagatan habang nakasandal ito sa bangka.

“Wow! Hottie. Who is he?” tanong niya sa sarili.

Nilingon niya ang pinto, pagkatapos ay muling itinuon ang tingin sa larawan. Her finger trailed over his face in the photograph.

“He’s painfully handsome,” she said, drinking in his handsome features.

Tall. Dark. Painfully handsome.

Her finger slid over his bare torso. Muscular chest, tone abdomen and an impressive V-line that could make women drool with lust. Not to mention the trail of dark hair that led from his navel downward.

Now, Viel was wondering how huge and how the thing below his navel looked like. But she could tell he was huge. The visible bulge in his jeans was solid evidence.

Inilapit ni Viel ang mukha sa larawan at tinitigan ang umbok sa pantalon nito. Napalunok siya. Bigla, may naramdaman siyang something na nakakakiliti sa pagitan ng mga hita. Nanlaki ang mga mata niya at agad na nailayo sa mukha ang larawan.

“Kailan ka pa naging manyak, Reviel?” saway niya sa sarili. “Sino ba kasi ang lalaking ito?”

She sighed, curious. While staring at the man in the photograph, Viel suddenly gasped as something popped into her head.

“OMG! Hindi kaya tumatandang paurong na rin si Mama? Baka naman pumapatol na rin sa bagets kaya nagtatalo ang dalawang `yon? Eeww!”

“UMALIS ka na, Dock! Wala kang ginawa kundi saktan ang anak ko. Kung hindi gusto ng nanay mo si Brielle, hindi niya ipagsisiksikan ang sarili niya sa inyo,” sabi ni Seg.

Galit na galit ito at ayaw siyang payagang makausap si Geallan. Pagkagaling niya sa bahay ng mama niya, sa mansiyon ng mga Cabral siya dumeretso. Tama nga ang hinala niya. Kung ano-ano ang pinagsasabi ng mama niya at ni Princess kay Geallan.

“Tito, please. It was just a misunderstanding. Please, let me talk to Geallan.”

“No. She doesn’t want to talk to you. Kahit ako, hindi ko gustong lalapit ka pa sa anak ko.”

“Tito, please?”

“Umalis ka na!”

Tumingin si Dock sa mansiyon. Hindi puwedeng hindi niya makausap si Geallan.

“Geallan!” malakas niyang sigaw. “Geallan, please mag-usap tayo. Hayaan mo akong magpaliwanag.”

“Umalis ka na, Dock, kundi ipapakaladkad kita sa mga guwardiya,” banta ni Seg.

Hindi niya pinansin ang lalaki. Kung matatakot siya sa galit nito, mas mawawalan siya ng pagkakataong makausap si Geallan.

Lalong nagalit si Seg sa hindi niya pagpansin dito. Itinulak siya ng lalaki at pilit na pinalabas ng gate, pero nagmatigas siya.

“Daddy!”

Napatigil ang dalawa at tumingin kay Geallan na nakatayo hindi kalayuan sa kinatatayuan nila. Wala itong emosyon habang nakatingin sa kanila.

“Kakausapin ko po siya,” sabi ni Geallan sa ama.

“Are you sure, Brielle?”

Tumango ito. Kahit na parang ayaw ni Seg, napilitan itong iwan ang anak.

“Geallan, baby…”

Inilang hakbang ni Dock ang kinatatayuan ng babae at buong higpit na niyakap. Pero hindi ito gumanti.

“I’m sorry. Kung ano man ang sinabi nina Mama at Princess, please, huwag kang magpaapekto. Hayaan mo akong magpaliwanag.”

Hinawakan siya ni Geallan sa magkabilang balikat. Pilit itong bumitaw sa pagkakayakap niya. “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin at umalis ka na pagkatapos.”

Lalo siyang nafu-frustrate sa kawalang emosyon nito. Parang galit talaga ito.

“Geallan, about Princess. Oo, nakasama ko siya sa Sweden.”

Ang pagtitig ni Geallan ay naputol nang ikurap nito ang mga mata at mag-iwas ng tingin. She was hurt. That made him want to hurt himself.

Tumango-tango ito. “Naiintindihan ko na. Puwede ka nang umalis.”

“Geallan, please? It’s not what you think. Sumunod siya sa Sweden. Wala akong nagawa nang patirahin siya ni Mama sa bahay. Malaki ang naging tulong niya kay Mama kaya—”

“Tama na, Dock. Malinaw na sa akin ang lahat. Ayos lang `yon. Naiintindihan ko. Sige na, umalis ka na.” Inalis ni Geallan ang singsing sa daliri. Kinuha nito ang kamay niya at inilagay iyon sa palad niya.

“Ano `to?”

“Hindi ko na kayang magpakasal sa `yo sa maraming dahilan. Una, ayaw ako ng mama mo para sa `yo. Pangalawa, hindi mo naman talaga ako kailangan sa buhay mo.”

“I need you.”

Hinawakan niya ang kamay ni Geallan, pero agad nito iyong iniiwas.

“Ngayon. Pero paano kapag na-depress na naman ang mama mo? Kapag nagkaproblema ka na naman? Bibitawan mo uli ako at pipiliin si Princess dahil alam mong siya ang mas makakatulong sa `yo at hindi ako.”

“Geallan, no.”

Sinubukan niyang lapitan ang babae, pero umatras ito at itinaas ang dalawang kamay. Itiniim nito ang mukha at makailang uli na kumurap. Kapansin-pansin din ang pagtaas-baba ng dibdib nito. Parang pinipigil ang totoong emosyon.

“H-hindi mo ako mahal, Dock. Kasi kung mahal mo talaga ako, hindi mo ako bibitawan kahit anong problema pa ang kinakaharap m-mo.” Pumiyok ang boses nito, pero pilit pinanatili ang walang emosyong ekspresyon.

“I’m sorry. I can’t justify what I’ve done. Alam kong mali at nasaktan kita. But there’s one thing I know and I am sure of. I love you and I don’t know what to do if I’ll lose you again.”

“Kaya mo. Nakaya mo noon at kakayanin mo. Hindi na kita kayang tanggapin sa buhay ko, Dock. You had caused nothing but trouble. I’m getting tired to deal with it.” Tinalikuran siya ni Geallan.

Pero agad niya itong niyakap mula sa likuran. “Galit ka lang kaya nasasabi mo `yan. Mahal na mahal kita. Huwag mo akong iwan. I know you love me, Geallan,” he whispered into her hair as he clung to her desperately.

A long silence settled between them until Geallan broke it with a hurtful statement he couldn’t accept.

“Hindi kita mahal, Dock.”

“Hindi ako naniniwala. Alam kong mahal mo na ako noon pa man. Nararamdaman ko `yon.”

Inalis ni Geallan ang braso niya na nakapaikot sa katawan nito. Humarap sa kanya ang babae. “Kilala mo ako. Sinasabi ko ang totoong nararamdaman ko. Napilitan lang naman akong isuot ang singsing na `yan dahil sa pinaggagawa mo. Sobra akong nahihiya kina Daddy—”

“No! I don’t believe you!” Hinawakan ni Dock ang magkabilang pisngi nito, saka inilapit ang mukha rito. Pinakatitigan niya ang babae sa mga mata na para bang doon niya makikita ang totoo nitong nararamdaman. “You are just lying kasi galit ka.” Inilapat niya ang noo sa noo ng babae. “I love you so much.”

Pilit na kumawala si Geallan sa pagkakahawak niya. Muli itong umatras. “Narinig mo na bang sinabi kong mahal kita? Kung mahal kita noon pa man, sinabi ko na, Dock. Si Javan… hanggang ngayon, siya pa rin talaga ang laman nito.” Itinuro nito ang bahagi ng puso.

Iyon ang mga salitang hindi gustong marinig ni Dock kailanman. Mga salitang kinatatakutan niya dahil alam niyang iyon ang dudurog sa kanya.

“Kung hindi lang kasal sina Javan at Alice, matagal ko na siyang tinanggap uli sa buhay ko. Ikaw ang pinili kong pakasalan dahil `yon ang gusto nina Daddy. `Yon ang tama. Gusto kitang mahalin, pero hindi ko magawa. Si Javan ang mahal ko noon, ngayon at siya lang ang mamahalin ko habang-buhay.”

The anxious knot grew until it made his chest tight with so much pain. Every word that spewed out from her mouth was like a sharp razor-blade going through his heart, slicing it into million pieces. Dock felt so much pain take hold of his body.

“Umalis ka na! Tapos na tayo!”

Mabilis na tumalikod si Geallan, saka pumasok sa mansiyon. Habang siya, nakatayo, tulala habang paulit-ulit na naririnig ang mga binitawang salita ni Geallan.