C hapter 16
TUMAYO si Dock sa pagkakaupo nang lumabas ng kuwarto ni Jazzy, a gay who was responsible for Geallan’s makeup. Kasama nito ang assistant. Inirekomenda ito ni Viel. Ngayon ang birthday party ni Tanya, ang ina ng kaibigang si Tres. Pupunta siya roon kasama si Geallan.
“Are you, guys, done?” Dock smoothed his coat as he spoke. Bihis na siya. Si Geallan na lang ang hinihintay niya.
“Yes, Mr. Del Fierro. Napakasarap ayusan ng girlfriend mo. She has a perfect face. Bagay ang kahit anong klaseng ayos sa kanya.”
“Thank you, Jazzy. I’ve already wired the money in your account.”
“Oh, thank you. Mauna na rin kami.” Nakipagkamay ang mga ito bago umalis.
Pinuntahan ni Dock ang kuwarto. He slowly cracked the door open and smiled as he saw Geallan stand in front of the full-length mirror. She was wearing an old-rose, floor-length, lacy evening dress with a three quarter sleeves. Bare back iyon, pero natatakpan ng kulot at mahaba nitong buhok ang likod.
Dock slowly walked over to Geallan and wrapped his arms around her body.
“Wow!” mahina niyang sabi nang makita ang kabuuang ayos ni Geallan mula sa salamin.
The perfect smokey eyes enhanced her look, making her appear demure yet sexy. Her curly hair was done beautifully. It was a goddess hairstyle. Nilagyan iyon ng Swarovski headband. No words could describe how beautiful his baby was. She was more than perfect. She looked like a goddess, a woman that only existed in fiction.
“Tingnan mo, Dock. Nagmukha akong tao.”
Hinawakan ni Geallan ang palda ng gown nito. Lumitaw ang mga hita nito. May slit pala iyon sa gitna at makikita lang kung hahawiin.
Pinihit niya paharap ang babae, his eyes smoldering as his gaze raked her from head to toe with a feeling of awe.
“No, Geallan. You are a goddess. You are so beautiful.”
Dock’s compliment brought a smile on her lips. Inilapat ni Geallan ang dalawang palad sa dibdib niya at marahan iyong hinaplos.
“Ikaw naman, sobrang guwapo.”
Dock was clad in a midnight-blue tuxedo made of silk gabardine.
“Exactly. Kaya nga bagay tayo. We are perfect together.”
Lalong lumapad ang ngiti ni Geallan.
Humarap si Dock sa salamin at inayos ang coat. “Siguro, kapag nagkaanak tayo, ang perfect ng looks nila. Imagine, my son will inherit my Spanish features, pero ang buhok ay makukuha sa `yo. Perfect!”
Napi-picture na niyang kapag ganoon ang naging hitsura ng anak, napakagandang bata. Nilingon niya si Geallan. Nakatulala ito habang nakatingin sa kanya. May gulat sa mukha.
Marahang natawa si Dock at malambing na kinurot ang pisngi ng girlfriend. “I’m just kidding, baby.” He offered his arm to her. “Shall we?”
Humawak si Geallan sa braso niya, saka iyon pinisil. Hindi nito ikinawit ang braso sa kanya. Na-sense agad ni Dock na may gusto itong sabihin dahil sa paraan ng pagtitig sa kanya.
“Problem?”
“May kasalanan kasi ako. Dati ko pa `tong gustong sabihin, pero hindi ko magawa. Nahihiya at natatakot ako sa `yo.”
“Try me,” sabi niya.
“Tungkol… tungkol kay Javan. Siya kasi `yong…”
“Your ex.”
Namilog ang mga mata ni Geallan nang tapusin niya ang pangugusap nito. “Paanong—”
“I already know about him from the very start. Malakas ang kutob kong siya `yong ex na tinutukoy mo. Then, nagkausap din kami sa bar. Sinabi ko sa kanyang hinding-hindi ko hahayang kunin ka niya sa akin.” Nakangiti niyang hinaplos ang pisngi ni Geallan na bakas pa rin ang gulat. “Don’t worry. Naiintindihan ko kung bakit hindi mo sinabi.” Muli niyang in-offer ang braso sa babae. “Now, shall we and let’s forget about him?”
“I’m sorry,” she said before clinging to his arm.
PANAY ang sulyap ni Dock kay Gealla n habang nagmamaneho. He coundn’t help it. He had a stunning girlfriend. She was very beautiful. Bumaba ang tingin niya sa lantad na hita nito. Her legs were toned, dark and sexy. He loved spending his time showering her legs with kisses every time they were making love.
“Kapag tayo nabangga…”
Nag-angat siya ng tingin kay Geallan, saka marahang natawa nang makitang nakataas ang kilay nito. Hinawakan niya ang kamay ng babae, pinagsalikop ang mga daliri nila, saka itinuon ang tingin sa unahan.
Nang marating ang mansiyon ng mga Cabral at maiparada ang sasakyan sa labas ng mansiyon, ipinagbukas niya ng pinto si Geallan. Tinanggal niya ang pagkakakabit ng seat belt nito. Pero sa halip na palabasin ang babae, pinakatitigan niya ito.
“You are stunning,” sabi niya habang ang kamay ay inilapat sa lantad nitong hita.
“Kamay mo,” sabi ni Geallan nang ihaplos niya ang kamay pataas sa hita nito.
Nakakalokong ngisi lang ang ibinigay ni Dock habang patuloy sa paggapang ang kamay sa hita ng babae.
“I need a handkerchief.”
“Wala rin akong dala, eh.” Pinisil niya ang hita ni Geallan bago hinawakan ang waistband ng panties nito. “I think you don’t need this,” he said, referring to her undies.
“Dock!” gulat na sabi ni Geallan nang hilahin niya ang panties nito pababa.
“Ano ba’ng ginagawa mo?”
“You don’t need this. Gagawin ko na lang panyo.”
Pinalo siya ni Geallan sa braso, saka natawa. “Sira-ulo ka! Seryoso ka ba?”
“I’m serious,” he said, grinning.
Ipinaloob pa ni Dock ang isang kamay sa gown nito para hawakan ang kabilang waistband ng panties ng babae. Napapailing si Geallan na itinaas na lang ang pang-upo at hinayaan siya na hilahin ang panties.
Dock couldn’t help but swallow as he watched Geallan’s black lacy undies slowly slid down her legs. Ramdam niya ang pagkabuhay ng pagkalalaki. Inangat niya ang isang paa nito nang masabit ang panties sa takong ng sandals. Nilamukos niya ang panties sa kamay, saka dinala sa ilong, sniffing her feminine scent. Itinupi niya iyon at inilagay sa hidden pocket sa loob ng coat.
“Pasaway ka!” nakatawang sabi ni Geallan, saka humawak sa kamay niya nang ilahad ang kamay. Bumaba na sila ng sasakyan.
“Mas marap ang walang panties, `di ba?’’ bulong ni Dock habang papasok sila sa mansiyon.
Geallan rolled her eyes at him. But she couldn’t wipe off the smile that was still plastered on her face.
NAMAMANGHA pero naiilang si Geallan. Hindi niya alam kung paano kikilos at makibagay sa mga taong nasa pagtitipon. Sa mga pino at aral na mga kilos, masasabi niyang lahat ay galing sa prominenteng pamilya. Ngayon lang siya nakapunta sa ganoong klaseng pagtitipon. Pero sa lahat ng makikita sa lugar, sa pagkain siya namangha talaga. Ang sarap ng mga pagkain. Unlimited chow.
Iniwan muna niya si Dock sa mga kausap nito, saka nilapitan ang buffet table. Wala naman siyang maintindihan sa mga pinag-uusapan ng mga ito. May nag-i-Spanish pa.
Pinuno ni Geallan ang plato ng masarap na tart. Mini blueberry tart daw ang tawag doon sabi ng waiter. Isinubo niya ang huling kinuha sa mesa. Halos mapapikit siya sa sarap niyon.
“Hi, Geallan.”
Habang ninanamnam ang masarap na tart, lumapit naman sa kanya si Nyke.
“Nyke? Nandito ka rin pala?”
“Si Dock?”
Nilingon niya ang kinaroroon ni Dock, saka muling ibinalik ang atensiyon kay Nyke. “`Ayun, may kausap na mga Espanyol. Umalis muna ako, nakakagutom pakinggan ang usapan nila.”
Marahang natawa si Nyke. “Kumusta kayo ng kapatid ko?’’ Kumuha ito ng tart sa plato niya at isinubong lahat.
“Okay naman kami.”
“Good,” sabi ni Nyke sa pagitan ng pagnguya. Noon naman lumapit ang isang magandang babae. Mukhang may-edad na ito sa kanila, pero nakapakaganda.
“Hey.” Matamis itong ngumiti. Pero nang titigan siya ng babae, bahagyang tumaas ang kilay, pero nandoon pa rin ang ngiti. Nakaka-intimidate na ngiti.
Hinawakan ng babae si Nyke sa braso at marahang humaplos ang kamay sa braso ng lalaki. “Can we talk, Nyke?” ubod ng lambing nitong tanong.
“Sure.”
Nagpaalam sa kanya si Nyke. Bago umalis, muli siyang binigyan ng nakaka-intimidate na titig ng babae. Babalik na sana si Geallan sa mesa nang lapitan naman siya ni Princess. May hawak itong kopita sa kanang kamay na naglalaman ng wine.
“How hard is it to force yourself to fit in where you don’t belong? Is it hard, Geallan?” Inilibot ng babae ang tingin sa paligid. “Look at these people. Glamorous, with finesse, educated, professional.”
Muli nitong ibinalik ang tingin sa kanya bago dinugtungan ang sinabi. “And rich.” Marahan itong uminom ng wine habang ang mga mata ay nakatuon sa kanya. “Types of persons na nababagay kay Dock,” may pang-iinsultong sabi nito, saka sinabayan ng ngisi.
Tinaasan ito ng kilay ni Geallan. Kumuha siya ng isang tart at inihagis sa ere, saka sinalo ng bibig. Maingay niya iyong nginuya. “Kaya nga lang, ako ang type ni Dock. Hindi ang glamorous, with finesse , educated, professional and rich. Sa madaling salita, ako na mangingisda ng Isla Liwanag ang gusto niya at hindi ang glamorosa na katulad mo.”
Nawala ang ngisi sa mukha ni Princess. Tumalim ang titig nito.
“Alam mo ba, sabi ni Dock, ang ganda-ganda ko raw. Mukha raw akong diyosa. Kinilig ako nang very slight sa sinabi niyang `yon. Medyo nasasanay na kasi ako. Araw-araw niya `yong sinasabi sa akin. Sa `yo rin ba noong kayo pa?”
Tumiim ang mukha ni Princess. Pati ang pagkakahawak nito sa baso ay humigpit kaya naman lalong ginanahan si Geallan na asarin ito.
“Malapit na rin kaming mag-two months. Sabi niya, wala na raw one-month rule sa relasyon namin. `Tapos, alam mo ba, noong first monthsary namin, sinurprise niya ako. Pagpasok ko sa hotel suite, ang romantic ng pagkakaayos ng kuwarto. `Tapos isinayaw niya ako, kinantahan niya ako.”
Tumigil si Geallan sa pagsasalita at kinagat ang ibabang labi. Kinikilig pa rin siya kapag naaalala iyon.
“Hay! Ang sweet niya. `Tapos nag… Eh, nag-love-love muna kami bago kumain.”
“What? Love-love?” kunot-noong tanong ni Princess. Nasa mukha ang matinding iritasyon.
Inilapit ni Geallan ang sarili sa babae, saka bumulong. “Iyong ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan. `Yong hubo at hubad kayo habang nasa kama at—”
“Shut up!” sigaw ni Princess. Bigla na lang siya nitong tinapunan ng wine na sobra niyang ikinagulat. Pati ang ilang kumukuha ng pagkain, nakuha ang atensiyon sa eksena nila.
“Hala siya! Bakit mo ako tinapunan? Alam mo ba kung gaano kamahal ang gown na `to? Kapag hindi naalis ang mantsa nito, malalagot ka talaga sa aking babae ka!”
Inirapan lang siya ng maldita. Mabuti na lang at kaunti na lang ang laman ng kopita kaya kaunti lang ang natapon sa damit.
“Pahawak nga muna nito. Maldita kang babae ka!”
Wala itong nagawa kundi hawakan ang plato. Nasa mukha ni Princess ang pagkadisgusto, pero walang nagawa nang ilagay mismo ni Geallan ang plato sa kamay nito. Kailangan niyang malinis ang damit bago pa man kumapit ang mantsa sa tela. Ang mahal-mahal pa naman niyon. Binili iyon ni Dock kay Andrea.
Nagpunta si Geallan sa loob ng mansiyon. Sinunod niya ang direksiyon na itinuro ng servant na napagtanungan.
Nakakainis ang babaeng iyon. Napakamaldita. Parang si Alice lang. Kapag naiinis, sinasabuyan siya ng tubig o kung ano ang hawak.
Habang naglalakad, palinga-linga si Geallan sa loob ng mansiyon, hindi niya maiwasang humanga. Napakalaki ng bahay. Nakakalula. Parang bahay lang din nina Dock.
Bakit kaya kung sino ang mayayaman at may malaking bahay, sila ang may maliit na mag-anak? Sa isla nila, barongbarong ang mga bahay, pero ang daming mga anak. Kaya naman lalong naghihirap ang halos lahat ng mamamayan sa kanila dahil walang kontrol sa pagkakaroon ng anak.
Pero ang advantage naman sa pagkakaroon ng malaking pamilya ay ang kasiyahan. Magulo, pero masaya. Dalawa lang silang magkapatid ni Alice at hindi pa sila magkasundo. Kaya naman walang matandaan si Geallan na naging masaya siya kasama ang pamilya. Mula pagkabata, walang araw na hindi siya nasisigawan ng nanay niya at inaaway ni Alice kahit na magpakabait pa siya.
Natigil sa paghakbang si Geallan nang makita ang malaking portrait ni Tanya, ang mommy ni Tres. Young version ang nandoon, pero hindi man lang kumupas ang ganda ng babae. Kanina habang nagsasabi ng pasasalamat sa mga bisita, napaiyak ang babae. Hindi iyon luha ng kaligayahan. Matinding kalungkutan ang makikita sa mukha nito. Habang nakatitig si Geallan sa portrait, hindi niya mapigilang mamangha nang parang nananalamin lang siya.
“Wow!” mahina niyang sabi.
Kamukha nga ni Geallan ang babae. Iyong mga mata, ilong, mga labi. Kahit ang hugis ng mukha nila ay iisa, maliban sa buhok. Kung ang buhok niya ay kulot, ang kay Tanya naman ay soft wavy. Iyong katulad ng buhok ni Princess. Ang sexy tingnan, lalo na kapag bagong gising.
“Hi.”
“Ay, yawa! ” tili niya nang biglang may magsalita sa likuran niya.
“Oh, I’m sorry.” Napabungisngis ang babae dahil sa pagkagulat niya.
Hawak ang dibdib na nilingon ni Geallan ang babae. Ang mommy pala ni Tres.
“Pasensiya na, hija. May kailangan ka ba?”
“Magsi-CR lang po sana ako. Nakita ko lang po ang picture mo. Sobrang ganda n’yo po.” Muli niyang tiningala ang larawan. “Ano po ang sekreto n’yo, Ma’am? Parang hindi man lang nagbago ang hitsura n’yo. Ilang taon po kayo rito?” patuloy niyang pagtatanong habang nakatingin sa larawan.
“Brielle?”
Muli niyang tiningnan ang babae. “Po?”
Ang malapad na ngiti ng babae kanina ay nawala na. Hindi niya maipaliwanag ang ekspresyon nito. Pero matinding gulat ang nasa mukha nito habang nakatitig sa kanya. Parang bang nakakita ng isang bagay na hindi dapat makita.
“Geallan,” tawag ni Dock.
“Dock…”
Nakangiting lumapit sa kanila si Dock. “I’m looking for you.”
“Pupunta lang sana ako sa CR. Natapunan kasi ng wine ang damit ko.”
“Hi, Tita.”
Hindi pinansin ni Tanya ang pagbati ni Dock. Nakatitig pa rin ito sa kanya.
“Oh, by the way. I haven’t introduced you yet. Tita, this is Geallan, my girlfriend. Geallan, she’s Tita Tanya.”
“Hello po. Happy birthday nga po pala.”
Ano ba ang nangyayari? Bakit parang maiiyak ang babae na hindi niya maintindihan?
“Hon…” Dumating naman ang asawa ng babae na si Seg. “Senator de la Fuente is looking for you.”
Pinutol ni Tanya ang pagtitig sa kanya para harapin ang asawa. “Seg, ang anak natin. Nandito ang anak natin.” Bigla na lang itong umiyak.
“What? Sino?”
“May problema po ba?” may pagtatakang tanong ni Dock.
Nang matuon naman ang tingin ni Seg sa kanya, gulat din ang bumalatay sa mukha nito. Katulad ng reaksiyon ni Tanya kanina, ganoon na ganoon din ang kay Seg.
Bahagyang ngumiti si Geallan kay Seg.
“Seg, ang anak natin! Si Brielle!” emosyonal na sabi ni Tanya sa asawang matamang nakatitig sa kanya.
Brielle? Parang narinig na niya ang pangalang iyon. Saan nga ba? Baka narinig niya kay Tres. Kapatid yata ni Tres.
“Let’s talk, hon. Halika muna,” sabi ni Seg na hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanya.
“Ang anak natin.”
“I know, honey. Calm down. Mag-usap muna tayo.” Pilit na kinakalma ni Seg ang asawang emosyonal.
“Pasensiya na kayo,” hinging paumanhin ni Seg sa kanila ni Dock. Nagpaalam ito at inalalayan si Tanya palayo. Parang ayaw pang umalis ng babae, pinilit lang ni Seg. Panay ang lingon nito sa kanila habang palayo.
“Ano kaya ang nangyari?” sabi ni Geallan habang nakatingin sa papalayong mag-asawa.
“Brielle?”
Tiningala ni Geallan si Dock nang magsalita ito. Nakatuon din ang mga mata nito sa mag-asawa. Niyuko siya ng lalaki, saka matamang pinakatitigan.
“Posible kaya?” mahinang sabi ni Dock.
“Posible ang alin?”
Umiling ito. “Nothing. Tara, sasamahan na kita sa comfort room.”
HABANG nililinis ni Geallan ang damit sa harap ng sink, yumakap sa kanya si Dock mula sa likuran. Kanina pa ito nakatitig sa kanya habang nakasandal sa hamba ng pinto. Ibinaon ng lalaki ang mukha sa kanyang leeg na ikinabungisngis niya. Nakaramdam kasi siya ng kiliti.
“Bakit ka ba natapunan ng wine?” bulong nito, saka siya masuyong hinalikan sa leeg.
“Tinapunan ako ni Princess. Ang maldita talaga ng ex mong `yon. Huwag mo na `yong babalikan, ah.”
“Wala akong balak na makipagbalikan sa kanya, Geallan.”
“Mabuti naman.” Itinapon niya ang tissue paper sa basurahan nang matapos punasan ang damit. Hindi naalis ang mantsa, pero nabawasan naman. “Tara na,” yaya niya kay Dock na patuloy na hinahalikan ang leeg niya.
“I want you now, Geallan.”
Parang lasing ang boses nito. Amoy-alak si Dock, pero kanina naman maayos ang boses.
Gumapang ang kamay nito pababa sa puson niya, hinawi ang slit ng dress. Marahas na suminghap si Geallan nang salatin ng lalaki ang pagkababae niya.
“Dock? Ano ba’ng ginagawa mo? Gusto mo bang umuwi na tayo?” napapapikit niyang tanong nang laruin nito ang clitoris niya.
“Why would we have to wait if we can do it now?”
“Pero—”
“Halika.”
Hinila siya ni Dock palabas ng comfort room. Natatawa na lang siyang sumunod sa boyfriend hanggang sa marating ang isang kuwarto.
Bigla na lang siyang hinalikan ni Dock matapos siyang isandal sa pinto. Mukha itong sabik na sabik. Bawat pagsipsip ng lalaki sa dila niya, umuungol siya. Natawa siya nang tapusin ni Dock ang halikan nila.
“Kaninong kuwarto ba `to? Baka may pumasok dito.”
“It’s Tres’ office.”
“Hala! Bababuyin talaga natin ang opisina ni Tres? Nakakahiya— Ay!” Napatili si Geallan nang buhatin siya bigla ni Dock. Dinala siya nito sa desk, saka pinaupo sa dulo niyon.
“Ready?” tanong ni Dock, saka sinimulang tanggalin ang tuxedo.
Nakagat ni Geallan ang pang-ibabang labi. Bigla naman siyang nakaramdam ng excitement sa gustong mangyari ni Dock. Ipinatong niya ang mga paa sa dulo ng desk at hinawi ang slit para ilantad ang pagitan ng mga hita.
“Ready,” sabi niya, saka sinundan ng maharot na bungisngis.
Lalong hindi makapaghintay si Dock sa pagtanggal ng pang-itaas. Kulang na lang ay punitin nito iyon.