C hapter 19
NAGISING mula sa malalim na pag-iisip si Dock nang padapang pumatong si Geallan sa katawan niya habang naka-recline siya sa kama. He suddenly felt the beat of his heart flutter almost uncertainly as he g lanced down at her pretty face.
Nakapatong ang dalawang braso ni Geallan sa dibdib niya habang ang baba naman nito ay nakapatong sa braso. May ngiti ito sa mga labi. She was so beautiful. She was a remarkable work of feminine beauty. She was the only woman who made his heart flutter.
“May problema ka?” Hinalikan niya si Geallan sa noo.
“Wala naman. Medyo napagod lang ako sa opisina kanina.”
“Hmm… Masakit ang ulo mo?”
“Medyo.”
Umalis si Geallan sa pagkakapatong sa kanya, saka umupo sa uluhan niya matapos nitong alisin ang unan sa ulo niya.
“Imamasahe ko ang ulo mo.”
Umayos si Dock sa pagkakahiga. Ginawa niyang unan ang mga hita ni Geallan. Bahagya siyang napaungol at napapikit nang lumapat ang mga daliri nito sa sentido niya at lagyan ng kaunting pressure.
Nakaka-relax. Iyon ang unang beses na may gumawa ng ganoon sa kanya sa mga nakarelasyon. Wala pang babae na nagtanong kung may problema ba siya. Walang kahit na sino sa nakarelasyon niya ang nakakapansin man lang ng mood niya. Wala siyang natandaan man lang na may naging malambing sa kanya. Well, malalambing naman ang mga babaeng dumaan sa buhay niya. But it was different from Geallan’s innocent gesture. Ang sweetness ng past girlfriend niya, may kasama laging seduction. But Geallan’s were pure innocent. She was just doing something to him dahil iyon ang gusto nito at hindi kung ano pa man.
A small smile broke his lips as he felt Geallan’s lips touch both of his eyes. Lalong lumapad ang ngiting iyon nang ang tungki ng ilong niya ang halikan nito pagkatapos ay ang mga labi.
Tuluyang nagmulat ng mga mata si Dock. Ang magandang mukha ni Geallan ang nabungaran niya.
“Gumaan na ba ang pakiramdam mo?” nakangiti nitong tanong habang patuloy na minamasahe ang ulo niya.
“Massage with kisses is relaxing.” Tumagilid si Dock. Ibinaon niya ang mukha sa tiyan ni Geallan, saka yumakap.
“I want us to stay like this forever,” he murmured.
Geallan ran her fingers through his hair gently. “Grabe naman `yon. Nakakangalay yata kung forever tayong ganito.”
Marahan siyang natawa, saka hinigpitan ang pagkakayakap sa babae.
“GOOD morning, baby,” Dock murmured sleepily as his face split in a huge smile dahil sa ginagawang paghalik ni Geallan sa kanyang mukha. Nakapatong ito sa ibabaw niya.
“`Di ba, sabi mo may meeting ka ngayon?”
May meeting nga si Dock ngayon. May mga barko siyang ililipat ng Manning Agency. Ngayon siya makikipag-usap sa management.
“Bangon na, handa na ang almusal mo.”
Araw-araw, ganito sila ni Geallan. Ito ang nagiging alarm clock niya. Hindi siya babangon kapag wala pang Geallan na hahalik sa buong mukha niya. Ibig sabihin lang niyon, maaga pa at hindi pa oras para bumangon.
Noon, nagse-set lagi ng alarm clock si Dock. Pero nang dumating ang babae, hindi na niya iyon kinailangan pa.
Mula sa baywang, dumausdos ang palad niya pababa sa pang-upo ni Geallan. Mariin niya iyong pinisil bago bumangon. Nanatili itong nasa ibabaw niya. Mariin siya nitong hinalikan sa mga labi.
“Good morning,” muli niyang bati.
“Handa na ang almusal at isusuot mo. `Yong maroon na necktie ang gagamitin mo, `di ba?”
“Kung `yon ang inihanda mo, `yon ang gagamitin ko.”
“Talaga? Paano kaya kung neon business suit at tie ang ihanda ko? `Tapos neon na medyas o kaya floral? Isusuot mo pa rin kaya?”
Malakas na humalakhak si Dock. “Huwag naman.”
Tumayo siya habang buhat-buhat si Geallan. Ipinaikot nito ang mga binti sa baywang niya. Nagpunta siya sa banyo. Iniupo niya ang babae sa ibabaw ng sink. Naghilamos siya habang nakayakap ito sa leeg niya. Si Geallan pa ang kumuha ng towel na nakasabit sa towel holder at nagpunas ng kanyang mukha.
“Toothbrush-an mo ako,” paglalambing ni Dock.
Agad namang kinuha ng babae ang toothbrush at toothpaste. Geallan instructed him to show his teeth and he did so. Bahagya itong natawa nang simulan siyang toothbrush-an. Nang matapos, pinunasan nito ang bibig niya ng towel.
“Say A,” Geallan commanded.
“A…”
Inilapit nito ang bibig sa nakabuka niyang bibig at inamoy ang hininga niya. “Hay! Ang bango ng hininga mo. Hininga pa lang, nakaka-in love na.”
Dock chuckled, his hand went at the back of her head and kissed her on the lips. Sinagot naman ni Geallan ang halik na iyon. Muli niyang binuhat ang babae nang hindi tinatapos ang halik, saka lumabas ng banyo at kuwarto. Nagpunta sila sa dining habang patuloy na naghahalikan. Iniupo niya si Geallan.
“My mornings would not be the same without you,” bulong niya sa mga labi nito habang padampi-dampi iyong hinahalikan.
“Sanay ako na dagat ang unang nakikita pagsilip ko sa bintana pagkagising sa umaga. Akala ko, `yon na ang pinakamagandang view at wala nang hihigit pa. Hanggang sa dumating ka sa buhay ko, Dock. Tingin ko, mukha mo na yata ang pinakamagandang view na makikita ko. `Yon ang siguradong wala nang hihigit pa.”
“Talaga?” Muli niyang dinampian ng halik sa mga labi si Geallan habang nakatukod ang isa kamay sa upuan.
“Talagang-talaga.”
“Then, you should stay with me forever kung ayaw mong mawala sa paningin mo ang magandang view.”
“Papayagan mo akong manatili sa tabi mo habang-buhay?” nakangiting tanong ni Geallan habang sinasalubong ang pagdampi ng mga labi niya.
“I. Will. Allow. You. To. Stay. With. Me. Forever.”
Bawat katagang sinasabi ni Dock, sinusundan niya ng halik. Ang ginagawa nila ay natigil nang marinig ang boses ni Florida na naglagay ng pagkain sa mesa.
“Ang tamis-tamis! Hindi na kailangang maglagay ng asukal sa kape.”
Geallan and Dock chuckled.
“Minsan, hindi talaga maganda na may ibang kasama sa bahay,” bulong ni Dock.
“Bakit naman?”
“I want to have you for my breakfast, but I can’t. May istorbo, eh.”
Marahang natawa si Geallan. “Tama lang `yon. Kung wala rito si Ate Florida, siguradong male-late ka na naman. Saka, bihira lang naman siyang nandito.”
Ilang beses na ba siyang na-late sa mga meeting dahil sa quickie nila? Hindi na mabilang ni Dock. But that was fine. His unloaded balls were happy and satisfied in return.