noveltoon logo noveltoon
Get Wild (Fatal Attraction Series 2)

Chapter 14

Ch. 14 / 39 Mar 23, 2025

C hapter 14

DOCK and Javan went out with Dock’s friends. Ayaw sana niyang lumabas, pero sinundo siya ni Wilson at kinaladkad papuntang club. Kaya sa ayaw at gusto ni Javan, isinama niya ang lalaki. Hindi niya gustong maiwan ito kasama si Geallan sa condo. Mahirap na. Baka pagbalik niya, wala na si Geallan at isinama na ni Javan.

Tumayo si Dock sa kinauupuan at nilapitan si Javan sa bar counter. Umupo siya sa katabing high stool na kinauupuan nito. A cut crystal glass of some amber liquor was clutched loosely in his hand.

“Kailan mo balak umalis?”

Tumingin sa kanya si Javan habang siya naman, nakatuon ang mga mata sa hawak na alak. Uminom muna siya bago tumingin dito.

“Bilib ako sa kompiyansa at diskarte mo. Pero `yon nga lang, hindi `yan puwede sa akin.”

Sabay nilang dinala ang mga baso sa kanya-kanyang bibig habang nakatingin sa isa’t isa. Naglalaban ang mga titig.

“If you think I’m gonna let you steal my girl, puwes nagkakamali ka, Javan. From the moment Geallan entered my life, she was already mine. So, better to fuck off because I’m not gonna give up on her.”

Matalim siyang tinitigan ni Javan. Sapat ang malikot na ilaw ng club para masabing nakalabit niya ang tinitimping galit nito base sa ekspresyon ng mukha nito. Javan tried to relax his expression. He took a swig of his drink and asked for another drink from the bartender before he spoke without looking at him.

“Alam mo, pare, Geallan has been craving for freedom since then. Pero hindi niya magawa dahil sa pagiging mabuting anak at kapatid. Ang pagsakay sa barko ang gusto niyang gawin. Magiging malaya siya sa paraan na makakatulong pa rin siya sa pamilya niya.”

Javan lifted the glass from the counter and took another gulp of the amber liquid before snapping his eyes at him. “Kailangan ka lang niya ngayon dahil sa tulong na ipinangako mo. Pero ako ang mahal niya.”

Dock’s face slid into a sardonic grin. “Ikaw ang mahal niya, pero ako ang kailangan niya. Love doesn’t always really matter, but money and power do. Those are Geallan’s needs right now. It just happened that I am the only one who can provide what she needs. I will use my advantage just to keep her. I won’t give you even a single chance to take her away from me. Mark my word.”

Dock downed the remaining content of his drink before placing the glass on the counter and left him. Kung kinakailangan niyang gipitin si Geallan, gagawin niya manatili lang itong kanya. Wala nang karapatan ang Javan na iyon kay Geallan. Unang-una, sinaktan na nito ang babae. Geallan was his now.

Bumalik si Dock sa mesa nila kung saan nandoon ang tatlong kaibigan. Tres, Alford and Wilson. Tinapik ni Wilson ang hita ni Dock at may itinuro sa pinakamadilim na bahagi ng bar.

“Si Nyke `yon, `di ba?”

Dock squinted his eyes to get a better view of the smooching silhouettes in the dark.

“Damn, pare. He was fucking dating Samantha’s stepmom. Nasisiraan na ba ng ulo ang kapatid mo? Kapag nalaman `to ni Mr. Swift, delikado siya. Mr. Swift is a dangerous man.”

Kung may nakakakilala man kay Mr. Swift, si Wilson iyon. Kaibigan ng pamilya nito ang Swift family. Kasosyo sa negosyo at financier ng lolo at ama ni Wilson sa eleksiyon.

That kid must be out of his fucking wits.

Tatayo na sana si Dock para lapitan ang nakababatang kapatid nang lumapit si Javan sa kanila.

“Uuwi na ako,” sabi nito.

“Mamaya na, pare. Dito ka muna, maraming chicks dito. Sagot ko ang hotel n’yo,” sabi ni Wilson kay Javan.

“Salamat na lang, pero hindi na.” Itinaas ni Javan ang isang kamay bilang pagpapaalam. Umalis na ito.

Dock got up from the seat. “Mauna na rin ako, dude. Kailangan kong bantayan ang isang `yon. Alam n’yo na ang gagawin kay Nyke.”

“Isasako na ba namin ang kapatid mong tirador ng mga inahin?”

Nagtawanan ang mga kaibigan nila sa sinabi ni Alford.

“Do it if it’s needed,” Dock said and headed for the exit. He was on his way out when Princess suddenly blocked his way.

“Hey, babe.” Agad nitong ipinaikot ang mga bisig sa batok niya. “Where are you going?”

“Uuwi na. Sige na, Princess.” Inalis ni Dock ang naka-lock na braso nito sa leeg niya.

“It’s too early to go home. C’mon, let’s have some drink.”

“I need to go home. Naghihintay sa akin si Geallan. And can I ask you something, Princess?”

“Oh, sure. Anything, babe.” Princess reached for his face and caressed it intimately.

“Tell your mother to stay away from my brother. May asawa na siya, but she’s still flirting with somebody else.” Pagkasabi niyon, iniwan na niya ang babae at sumunod kay Javan sa labas.

Nilapitan niya ang lalaki na nakatayo sa gilid ng kalsada. “Sumabay ka na sa akin.”

Nilingon siya ni Javan.

“Tara.” Nauna na siya sa sasakyan. Sumunod naman ang lalaki.

Kung hindi lang nakakahiya kay Geallan, iniwan na niya si Javan at hinding-hindi na talaga papapasukin sa bahay niya.

Nang makasakay, nilingon niya si Javan na sa likod sumakay. “Balak mo akong gawing driver mo?”

“Kung handa kang mabangga tayo, ako ang magmamaneho.”

“That’s not what I mean. Dito ka sa harap.”

Nagkibit-balikat si Javan. Sa halip na bumaba, ipinikit nito ang mga mata.

Dock gritted his teeth to stifle the anger churning in his gut. Kung paandarin kaya niya ang sasakyan nang paatras at ibangga? Nabubuwisit man, wala siyang nagawa kundi ang patakbuhin ang sasakyan at magmukhang tsuper ng lalaking ito.

Nang marating ang condo, para silang hindi magkakilala na naglakad hanggang sa marating ang pinto. Walang imikan. Hindi naman talaga sila magkakilala ng lalaki. Wala siyang balak na makipag-close dito. Nang buksan ang pinto, napatayo bigla sa kinauupuan si Geallan habang nanonood ng TV.

“Geallan, my loves!”

Napakunot-noo si Dock nang bigla, parang lasing na lasing na si Javan. Kung kanina, kahit yata palakarin ito sa wire ay magagawa nang hindi nahuhulog, ngayon ay daig pa ang lasing na lasing sa alak. Pasuray-suray itong naglakad.

“Javan!”

Bigla itong yumakap kay Geallan. Agad namang napayakap dito si Geallan sa pag-aakalang lasing ang lalaki. Halos ang bigat ng katawan nito ay sinalo ni Geallan.

“Sandali lang, Javan. Ang bigat mo. Bakit ka naglasing?”

Inalalayan ito ni Geallan papunta sa sofa, saka pinaupo roon. Akala yata ng Javan na iyon, ito lang ang marunong umarte. Kaya rin kaya niya iyon.

“Geallan, babe.”

Pasuray-suray na naglakad si Dock. Dinoble niya ang acting na ginawa ni Javan. Aabante siya at aatras na parang isa talagang lasing. Nang kunwari ay matutumba na, tinakbo siya ni Geallan at niyakap.

Hindi mapigilan ni Dock na ngumiti. Kusang pumaikot ang mga bisig niya sa napakaliit at napakalambot na katawan ng girlfriend. Binalot ng init na nanggagaling sa katawan ni Geallan ang kanyang katawan. Napakalma niyon ang sistema niya. Napakasarap sa pakiramdam kapag yakap niya ang magandang mangingisdang ito.

Hindi sinasadyang madaanan ng paningin niya si Javan na nakatiim ang mukha habang nakatingin sa kanila. Lalong lumapad ang ngisi sa mga labi niya. Sadyang nang-iinis.

“Sino ang naghatid sa inyo? Bakit kayo naglasing?”

Dinala siya ni Geallan sa sofa at inihiga roon.

“Sa kuwarto na tayo,” sabi niya sa lasing na boses.

“Geallan!” epal ni Javan na sadyang inihulog pa ang sarili sa sahig.

“Javan!”

Mahigpit niyang hinawakan ang pupulsuhan ni Geallan nang lalapitan sana nito si Javan. Lumuhod ang babae sa sahig sa gilid niya. Hinaplos nito ang pisngi niya.

“Ipapasok ko lang si Javan sa kuwarto. Hintayin mo ako rito.” Masuyo siyang hinalikan ni Geallan sa mga labi bago tumayo at nilapitan si Javan na nag-iinarte lang naman.

Sinipa ni Dock ang coffee table nang dalhin nga ni Geallan si Javan sa kuwarto. Mas inuna pa talaga nito ang lalaking iyon.

Tumayo si Dock at sumunod sa dalawa. Nang dumungaw siya sa pinto, nakita niya ang dalawa na magkapatong sa kama. Nasa ibabaw ni Javan si Geallan habang mahigpit na nakayakap ang lalaki rito. Nanikip ang dibdib niya sa inis.

“Javan, ano ba?”

Buong puwersa ang ginawa ni Geallan para makawala sa pagkakayakap ng lalaki. Papasukin na sana niya ang dalawa at balak bigyan ng malakas na suntok si Javan. Pero hindi na niya nagawa nang yumakap ang lalaki sa baywang ni Geallan.

“Sumama ka na sa akin, Geallan. Lumayo na tayo. Alam kong ako pa rin ang mahal mo. Please, Geallan?”

Pamilyar na pamilyar sa kanya ang ganoong tagpo. Isang lalaki na nagmamakaawa sa isang babae. Si Tres lang ang nakita niyang naging ganoon dahil kay Mhelanie. Mahal nga ng lalaking ito si Geallan.

“Javan, huwag ka namang ganyan, o. Pinapahirapan mo ako.” Pumiyok ang boses ni Geallan. Itiningala nito ang ulo at ikinurap ang mga mata.

Umupo si Javan at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Geallan. “Mahal na mahal kita. Sige na, Geallan. Sumama ka na sa akin.”

Isinandal ni Dock ang likod sa dingding sa labas ng kuwarto.

“Kahit na sabihin kong mahal pa rin kita, hindi ko na magagawang sumama sa `yo. Javan, asawa ka na ng kapatid ko. Ayaw kong maging dahilan pa `yon para lalo siyang magalit sa akin. May boyfriend na rin ako at nirerespeto ko siya. Kaya, Javan, tama na. Mas mabuting bumalik ka na sa isla. Pareho lang tayong nahihirapan sa ginagawa mo. Hindi ako sasama sa `yo.”

“Mahal mo ba siya?”

Dock’s heart suddenly gave a violent spasm at that question. Matagal na sandali ang lumipas bago sumagot si Geallan.

“Hindi na importante kung mahal ko siya o hindi. Masaya naman ako sa desisyon ko, eh.”

Dahan-dahang pinakawalan ni Dock ang hiningang hindi man lang niya namalayang kanina pa pala pinipigil. Nagdesisyon na siyang magpunta sa sariling kuwarto. Itinapon niya ang susi, cell phone at wallet sa kama, saka dumeretso sa banyo at nagtanggal ng damit. Walang ingat niyang inihagis ang mga damit na hinubad sa clothes hamper.

When Dock stepped into the freezing cold jet, he shivered as the cold water hit him. He thought to put some heat, but changed his mind. The cold water might calm him down.

Dock lifted his head and let the water run over his face. Images of those two didn’t leave him. Sinaktan ni Javan si Geallan, pero pinapahalagahan pa rin ni Geallan ang lalaki. Siya ang pinipili ni Geallan, pero bakit hindi siya masaya?

Shit! Hindi niya nagugustuhan ang nararamdaman. Fucking shit! Nagseselos ba siya?

Nang matapos maligo, nakita niya si Geallan na nakaupo sa gilid ng kama habang matiim na nakatingin sa cell phone. Nang maramdaman ang presensiya niya, nag-angat ito ng tingin. Nasa mga mata ang lungkot. Lungkot dahil siguro kay Javan.

Inilagay ni Geallan ang cell phone sa nightstand katabi ng cell phone niya na inilagay niya sa kama kanina. Siguro, ito ang nagpatong ng gamit niya roon. Nahiga ito patalikod sa direksiyon niya.

The good vibes that surrounded the home had suddenly gone. He could feel Geallan’s sadness. Nakaka-frustrate iyon.

MULA nang dumating si Geallan sa bahay niya, laging maganda ang gising ni Dock. But today was kinda different. He felt the heaviness in his head and chest. Hindi naman siya nalasing kagabi, pero hindi talaga maganda ang gising niya ngayon. Baka nabigla siya sa paggising.

Nang magising kasi si Dock kanina at hindi makita ang girlfriend sa kanyang tabi, bigla siyang napabangon. Biglang pumasok sa isip na baka umalis na si Geallan at sumama na kay Javan. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makita itong nasa kusina at naghahanda ng almusal kasama ang housekeeper ng unit niya na si Florida.

Kapansin-pansin pa rin ang pagiging matamlay ni Geallan kahit na nasa hapag-kainan na sila.

“Nasaan si Javan?” tanong ni Dock nang mapansing hindi nila kasalo ang lalaki.

“Umalis na. Babalik na raw siya sa isla,” sagot ni Geallan sa matamlay na boses.

Sa halip na ikatuwa ang narinig, parang lalong nairita si Dock. Kaya pala parang namatayan si Geallan.

“`Buti hindi ka sumama?” irita niyang tanong, saka ipinagpatuloy ang pagkain.

Nang mag-angat ng tingin si Dock, napansin niyang titig na titig sa kanya si Geallan. Lalong binalot ng lungkot ang mga mata nito.

Bahagyang iniiling ni Dock ang ulo, saka nagpatuloy sa pagkain. Hindi niya malasahan ang kinakain. Nagngingitngit ang kalooban niya. He was Geallan’s boyfriend. May karapatan siyang mainis sa ikinikilos nito.

Hindi na siya muli pang nag-angat ng tingin maging nang tumunog ang doorbell. Nabubuwisit siya sa katamlayan ni Geallan. Alam kasi niyang dahil iyon sa pag-alis ni Javan.

“Good morning!”

A cheerful voice made him lift his face. Pag-angat ng mukha, isang halik sa pisngi ang lumapat sa kanya mula kay Princess.

“Can I join you for breakfast? Nakakasawa na ang cereal.” Umupo si Princess sa kabilang bahagi ng mesa, sa tapat ni Geallan.

“Ate Florida, pakikuha naman po ng plato si Princess, please,” magalang niyang utos sa housekeeper.

Agad namang sumunod ang babae. Nang makapaglagay ng plato si Florida sa mesa, tumayo naman si Geallan.

“Sasama ako kay Ate Florida na mamalengke,” sabi nito, saka umalis dala ang sariling plato at baso papuntang kusina. Pero napatigil ito at muling bumalik. Ibinalik ang plato sa mesa. “Mga binata at dalaga pa nga pala kayo. Baka hindi na kayo makapag-asawa kapag iniligpit ko ang pinagkainan habang kumakain pa kayo. Kasabihan `yon ng matatanda.”

Tumaas ang kilay ni Princess. “Oh, well, it won’t affect Dock. Wala naman siyang balak mag-asawa. He is just flirting around. And when he’s done with his bitches…” Itinaas ni Princess ang kamay habang nakatukod ang siko sa mesa at iginalaw ang palad. “Bye-bye na.”

Medyo pabagsak na inilapag ni Geallan ang basong hawak sa mesa habang masama ang tingin kay Princess.

“Paghugas pud, dili puro kaon lang! Animala!” (Maghugas ka, hindi puro kain lang! Animal!)

Pagkasabi niyon, sinabayan iyon ng talikod ni Geallan. Natigilan at nagkatinginan na lang sila ni Princess.

“What did she just say?” tanong nito.

Nagkibit-balikat lang si Dock, saka ipinagpatuloy ang pagkain. Wala rin siyang maintindihan.

HABANG nakaupo si Dock, malalim siyang napapaisip habang nakatingin kay Geallan na abalang naghuhugas ng pinagkainan nila. Pagkatapos maghapunan, hindi na siya tumayo sa pagkakaupo.

Paharap siyang nakaupo sa sandalan ng upuan, nakapatong ang mga braso sa sandalan habang ang baba ay nakapatong sa braso.

Hindi talaga siya pinapansin ni Geallan. Bakit parang LQ sila at siya ang may kasalanan? Dapat nga siya ang nagtatampo dahil mas pinili nitong si Javan ang tulungang ipasok sa kuwarto kagabi.

Nakaka-frustrate! Nagtatampo-tampuhan siya, pero siya naman ang nahihirapan dahil sa hindi pagpansin ni Geallan.

Nararamdaman ni Dock ang lungkot ng girlfried niya. Pero parang naiinis din ito tuwing mapapatingin sa kanya.

Ano ang ginawa niya? Hindi kaya galit ito dahil umalis si Javan? Kung hindi ba niya ginigipit, sasama ito sa lalaki?

Pambihirang buhay ito!

Napahilamos si Dock sa mukha nang paulit-ulit. Napapasabunot din sa sariling buhok. Habang naiinis na pinagdidiskitahan ang sariling mukha at buhok, napatigil siya nang mapansing nakatitig sa kanya si Geallan. Nakatayo ito hindi kalayuan sa kanya, may pagtataka sa mukha.

Bumuka ang bibig ni Geallan na parang may gustong sabihin, pero nagdesiyong itikom na lang iyon. Nilagpasan siya nito.

Marahas na nagkamot sa ulo si Dock, saka tumayo. Sumunod siya kay Geallan sa kuwarto. Kasalukuyan itong nasa harap ng nakabukas na cabinet at kumukuha ng damit. Hindi niya kayang hindi sila nagpapansin. Hindi niya ugaling nanunuyo ng babae, lalo na at walang kuwenta ang ikinagagalit nito o nag-iinarte lang. Nanunuyo si Dock kung siya ang may mali. But now was different. He might end up in a mental hospital kung ipagpapabukas pa iyon.

He slowly walked over to Geallan and gently wrapped his arms ar ound her and held her tightly. Isinubsob niya ang mukha sa gilid ng ulo nito, saka bumulong.

“Baby…”

Nanatiling walang imik si Geallan. Humaplos ang isang kamay niya sa braso ng girlfriend pataas sa balikat nito hanggang sa abutin ang gilid ng leeg. Pumisil ang kamay niya sa gilid ng leeg ng babae habang hinahalikan sa buhok.

“Bakit hindi mo ako pinapansin? Hay, Geallan, mababaliw ako sa ginagawa mo.”

“Hindi mo rin naman ako pinapansin, `di ba?” malungkot nitong sabi.

Pinihit niya paharap si Geallan. “Pero ikaw ang nagsimula. Hindi mo ako pinansin kagabi. Dahil ba kay Javan kaya parang ang lungkot-lungkot mo? Galit ka ba sa akin dahil sa panggigipit ko sa `yo? Gusto mo na bang sumama sa lalaking `yon?”

“Walang kinalaman si Javan dito.”

Kumawala si Geallan sa pagkakahawak niya. Nilapitan nito ang kama at pabagsak na umupo sa gilid niyon habang hawak ang damit pantulog na kinuha sa cabinet. Nakasimangot.

“Then,­ why are you acting like that?” Pa-squat na umupo si Dock sa harap ni Geallan. “Bakit parang galit ka sa akin? Wala naman akong ginagawa.”

Nag-iwas ito ng tingin. Lalong hindi na maipinta ang mukha sa pagkakasimangot.

“Geallan?” malambing niyang tawag. He couldn’t stand seeing her like this. Hinawakan ni Dock ang magkabilang kamay ng babae. “Tell me what’s wrong, babe.”

Hinalikan niya ang magkabilang kamay nito. Sa halip na matuwa, lalong nalukot ang mukha ni Geallan.

“Geallan, naman. Ano ang nagawa ko?”

“Ayaw mo na ba sa akin? Tapos na ba ang relasyon natin? Sabihin mo naman ang status ng relasyon natin, Dock.”

Naguluhan siya sa sinabi nito. Umupo siya sa tabi ni Geallan. “Bakit mo `yan nasabi?”

“Sabi ni Viel, kapag may karelasyon ka, faithful ka. Hinding-hindi ka tumitingin sa ibang babae.”

“Hindi nga. Hindi naman ako tumitingin sa ibang babae.”

Umingos si Geallan. Kinuha nito ang cell phone sa nightstand, saglit na may kinalikot bago iniabot sa kanya. May pagtataka iyong kinuha ni Dock. Tiningnan niya ang larawang gustong ipakita ng babae.

“Eh, ano `yan? Kagabi, nagpunta si Princess dito. Hiningi ang number ko para lang i-send `yan.”

Larawan nila ni Princess sa club kagabi. Ang tagpo kung saan humarang ang dating nobya at lumingkis sa kanya. Ang pag-aalalang nararamdaman ay unting-unti nawala at napalitan ng tuwa. Unti-unti siyang napangiti nang maisip ang dahilan kung bakit nagkakaganoon si Geallan. Nagseselos ba ito?

“Nagagawa mo pang ngumiti.”

Nag-angat ng tingin si Dock. Ang ngiti niya ay lalong lumawak. “Nagseselos ka?” he couldn’t help but ask.

“Alam ko namang wala akong karapatan. Pero kasi… umaasa talaga akong kahit fling-fling lang tayo, magiging faithful ka naman. Sinunod ko naman ang sinabi ni Viel. Ginagalingan ko naman ang performance ko pagdating sa kama. Willing to learn naman ako kung kulang pa rin.”

Hindi makapaniwalang napatitig si Dock sa babae dahil sa mga narinig. “Ano’ng sinabi sa `yo ni Viel?”

Kinagat ni Geallan ang ibabang labi, saka nahihiyang yumuko. “Galingan ko raw ang performance para mag-stick ka sa akin.”

Ang kapatid talaga niyang iyon, ang daming alam. Puro talaga kalokohan.

Hinawakan ni Dock ang ilalim ng baba nito, saka hinuli ang mga mata. “Dahil dito kaya hindi mo ako pinapansin?” nakangiti niyang tanong.

Pinatulis ni Geallan ang nguso at bahagyang iginalaw ang kilay bilang sagot sa tanong niya.

“Nagseselos ka ba?”

Muli itong nag-iwas ng tingin at hindi sumagot.

“I just want to know, Geallan. Tell me you’re being jealous.”

Marahang natawa si Dock nang muling igalaw ni Geallan ang kilay habang naka-pout. Such a cute lady.

Binitawan niya ang cell phone at masuyong ikinulong ang maliit na mukha ng babae. Hindi na mawala ang ngiti sa mga labi ni Dock. Parang sadyang in-stretch ang mga labi niya at nilagyan ng pandikit ang magkabilang dulo.

“Nagseselos ka talaga? Hmm, babe?”

Marahang tango lang ang sagot ni Geallan. Hinalikan niya ito sa mga labi. Nanggigigil siya rito.

“Wala kang dapat ipagselos. Wala na kami ni Princess. Wala akong balak na balikan siya. Nagkita kami sa club kagabi, pero hindi naman ako nakipag-usap sa kanya. Pauwi na ako noon. Believe me, Geallan.”

“Naniniwala ako.”

“Please, Geallan. Kung may problema ka, just tell me. Confront me, snarl at me or slap me if I did something wrong. Do everything you want. You can be a snagging girlfriend. Huwag lang ganito. Your silence is killing me. Mababaliw ako sa ginagawa mo.” Muli niya itong dinampian ng halik sa mga labi. “As my girlfriend, you can demand from me. Sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mo at ayaw mo,” bulong niya sa mga labi nito.

“Talaga? Puwede akong mag-request?”

“Anything, but except one thing. Please don’t ask me to let you go. Hindi kita mapagbibigyan sa bagay na `yon.”

Unti-unting ngumiti si Geallan. “Hindi naman `yon ang hihilingin ko, eh.”

“Then tell me. Ano ba ang hiling ng napakaganda kong girlfriend?”

Kapansin-pansin ang pamumula ng mga pisngi ni Geallan at pilit na itinago ang ngiti. “Puwede bang huwag mo na akong tawaging babe?”

“Ayaw mong tinatawag kitang babe?”

Umiling si Geallan. “` y on kasi ang tawag sa `yo ni Princess.”

“Oh!” Tumango-tango si Dock. “Anong endearment ang gusto mong itawag ko sa `yo?”

Yumakap si Geallan sa leeg niya at inilapit ang bibig sa kanyang tainga. Bumulong ito na akala mo naman, may ibang makakarinig sa kanila. “`Yong sinabi mo kanina.”

Mahigpit niyang niyakap si Geallan. “Sinabi ko?”

“`Yong baby.” Mas humina pa ang boses nito.

Marahang natawa si Dock, saka lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa girlfriend. “Why are you so adorable, baby?” he whispered, making Geallan giggle.

He pulled away from the hug only to see Geallan’s flushed face. Nakatikom ang mga labi, pilit na itinatago ang ngiti. Matamang pinakatitigan ni Dock ang mukha ng babae. She looked so sweet and innocent.

Hinawakan niya ang pisngi nito at marahang hinaplos bago muling niyakap. “I want you to stay with me. Just stay with me, baby.”

Ipinaikot ni Geallan ang braso sa katawan niya.

Buong maghapon silang hindi nagpansinan ni Geallan, pero parang ang tagal na niyon. Parang ilang buwan niya itong hindi nakita sa higpit ng yakap niya. He was completely intoxicated by her smell, by the warmth of her body.

Hindi mapigilan ni Dock na mapangiti habang hinahaplos ang mabangong buhok ni Geallan. Wala namang espesyal sa amoy nito. Ayaw ngang gumamit ng babae ng mamahaling shower gel. Ang gusto nito, Safeguard dahil nakakamatay raw ng ninety-nine point nine percent germs.

Walang sinabi ang mga mamahaling pabango ng mga babaeng nagdaan sa buhay niya sa natural na bango ni Geallan. The light, sweet scent of soap, mixed with her natural honey smell was his favorite scent now. The only scent that drove him insane with desire, making his pulse race. His baby’s scent.