noveltoon logo noveltoon
Get Wild (Fatal Attraction Series 2)

Chapter 27

Ch. 27 / 39 Mar 23, 2025

C hapter 27

HINDI makapaniwala si Geallan. Si Dock ang magiging trainer nila sa swimming? According to Coach Jax, Dock was the best swimmer during their college days. He even competed internationally and won a gold medal. He shattered the record in the men’s one hundred meter butterfly in the Southeast Asian Games before. Iyon nga lang, mas piniling maging negosyante kaysa ipagpatuloy ang swimming career after he graduated.

Pero ang malaking tanong, bakit ito ang substitute coach? May kinalaman kaya siya doon o assumera lang siya?

“Coach Del Fierro, what kind of swimming style are you good at?” tanong ni Mika.

Ang shunga naman! Sinabi na nga ni Coach Jax kanina na nanalo ito sa men’s one hundred meter butterfly. May paghagod pa ng buhok ang bruha. Kanina nakasuot na ito ng swimming cap, pagkatapos biglang tinanggal para lang ipakita ang ash blonde na buhok.

“Butterfly,” Dock answered, flashing Mika a sweet smile.

“Oh, the hardest one. It requires the most strength and effort. That’s why you have a magnificent body worth drooling over.”

Gustong paikutin ni Geallan ang mga mata. Ang landi kasi ng boses ni Mika, eh. May intimacy ang tono. Eh, siya nga, hindi man lang pinapa-sexy ang boses kapag inaakit-akit si Dock noon.

“Eh, sumisid, Coach, magaling ka ba?” tanong ni Zandra, isa sa pinakamalandi sa team.

Minsan na itong pumasok sa men’s shower room. Sabi sa kuwento, nakipag-make out ito sa isa sa mga swimmer. Mga kabataan nowadays. Magaling din si Zandra sa swimming. Kailangan talaga nitong maging magaling dahil ang pagiging swimmer ang dahilan kung bakit ito nakakapag-aral sa Primrose University. Scholar ang babae katulad niya.

Kumuha talaga siya ng scholarship. Since magaling naman siya sa larangan ng swimming, ginamit iyon ni Geallan para makapag-aral nang libre. Kung tutuusin, hindi naman iyon kailangan dahil kaya naman siyang pag-aralin ng mga magulang. Pero masarap sa pakiramdam at nakaka-proud na nagawa niya iyon.

“ Omgeee ! For sure, magaling si Coach sa sisiran!” tili ni Nadia.

Sa mga babae sa team, kay Nadia siya malapit. Mabait ito at hindi malandi. Slight lang. Magaling naman talagang sumisid si Dock. Kaya nga nitong sisirin ang magkabilang dulo ng pool nang walang ahunan noong nagsasama pa sila.

“OMG, Coach! I would allow you to make sisid in between my parted legs!” Nadia giggled and that generated laughter.

Anyare kay Nadia?

“Hey, huwag ngang marumi ang isip n’yo. We often played that. Sisid in between parted legs at ang sumayad, taya,” parang batang depensa ni Nadia kahit wala namang pumuna sa sinabi nito.

Madalas naman talaga nilang laruin iyon kapag late na dumarating ang coach nila. Ang matalo ang manlilibre.

Oh, wait! Nanlaki ang mga mata ni Geallan nang may biglang maalala. Sisid sa pagitan ng mga hita? May dirty version nga pala iyon. Madalas sabihin sa kanya ni Dock noon na “sisisirin kita.” Bigla na lang siya nitong huhubaran ng panties at kakainin ang pagitan ng mga hita niya.

Nag-init ang mukha ni Geallan sa naalala. Agad siyang umiling para alisin ang maruruming bagay na pumapasok sa isip niya.

“Let’s start,” Dock demanded.

“ Yown! Sisiran na!” sigaw ni Zandra na muling nagpatawa sa team.

“I wanna see your swimming style and technique. But before that, let’s do the different drills first. Ladies first.” Itinuro ni Dock ang apat na babae. Sina Zandra, Gwen, Meriam and Janet.

“Okay, the first drill I would like you to try is the thumb drill or zipper drill.”

Umupo ang ilan, kasama siya, habang ang ilan naman ay nanatiling nakatayo. Pumuwesto naman ang apat na babae sa starting block. Nang magbigay ng signal si Dock, sabay-sabay na nag-dive ang apat.

“Great body lined, great head position, great six feet kick. Beautiful elbow!” nasisiyahang komento ni Dock habang pinapanood ang pag-uunahan ng apat.

Malayang pinagmasdan ni Geallan si Dock. Propesyonal na propesyonal ang datingan nito. Hindi niya akalain na isang champion swimmer pala ang lalaki. Nakasama niya si Dock nang ilang buwan noon, pero hindi ito masyadong naging open sa kanya. Marami siyang hindi alam.

Pero bakit ba niya pagtatakhan iyon? Hindi siya ang babaeng gusto nitong sabihan ng kuwento at experience nito sa buhay. That was one of the saddest parts of their relationship.

“Miss Cabral? Miss Cabral?”

The sound of a baritone voice ripped her out from her deep thought.

“You are ogling his arse, friend,” Nadia chuckled.

Geallan’s face heated up with embarrassment, lalo na nang makita ang ngiting nakatago sa natural na mapupulang labi ni Dock. Ito ang tumatawag sa kanya.

“It’s your turn,” Dock said softly.

Mabilis siyang tumayo at nilapitan ang starting line. Nandoon na sina Mika at Maggie. Sumunod naman sa kanya si Nadia. Inayos niya ang goggles, saka humugot at bumuga ng hininga. Hindi para sa paghahanda sa paglusong sa tubig kundi para bawasan ang tensiyong nararamdaman.

“Okay, ladies, show me the fish drill. Ready. Go!”

Sabay-sabay silang nag-dive. They glided seamlessly through the water like fishes. Sabay-sabay nilang narating ang dulo ng pool. Pero pagbalik, nauna nang kaunti si Geallan na ikinatuwa niya. Hindi naman niya talaga pinangarap na maging swimmer o sumali sa malalaking swimming competition. Pero kung sakaling mabibigyan siya ng pagkakataon, bakit hindi?

Geallan was the one who reached the finish line. Nakangiti siyang umahon. Pero pagtingala niya, ang ngiti sa mga labi ay unti-unting nawala nang mabungaran si Dock na naka-squat sa gilid ng pool.

“Nice one, baby.”

Inilahad nito ang kamay para tulungan siyang umahon, pero hindi niya iyon tinanggap. Ano ang akala ng lalaking ito? Weak siya? Duh! Hindi siya katulad ni Princess na ubod ng arte. Na tuwing magsu-swimming, may yaya pang magsusuot ng roba.

Iniahon ni Geallan ang sarili sa tubig nang walang tulong ng lalaking ito pagkatapos alisin ang goggles. Sa mismong harap siya ni Dock umahon. Pero ang hindi niya napaghandaan ay ang aksidenteng paglapat ng knuckles nito sa dibdib niya. Habang itinatayo ang sarili, dumausdos ang kamay nito pababa sa katawan niya hanggang sa pagitan ng hita niya. His knuckles brushed against her pussy lips through the material of her swimwear.

Her skin suddenly broke into goosebumps, clit suddenly ached as she felt the familiar sensation of swelling inside of her. Nagulat sila ni Dock dahil sa aksidenteng pagdadaiti ng parte ng katawan nila.

Si Geallan ang unang nakabawi. Agad siyang umatras, pero muntik na siyang mahulog sa pool nang mawalan ng balanse. Sa pagkakataong iyon, naging maagap si Dock. Mabilis itong nakatayo at nahapit siya sa baywang.

Her slim wet body crashed against his hard frame. His arms muscles bulged as he held her tight against him, their eyes locked. Geallan read something in his familiar gleaming eyes that made her heart calm. Iyon ang titig ni Dock na hindi niya matukoy noon pa man. Pero tuwing ganoon siya nito titigan, nagugustuhan niya. Iyong parang may gustong sabihin, pero hindi kayang i-voice out. Parang puso lang niya ang nakakabasa dahil iyon ang nagre-react. Napupuno iyon ng tuwa.

Geallan suddenly felt the urge to lean her head against his bare chest, close her eyes, wrap her arms around his body and let herself drown in the warm sensation as the heat from his bare body radiated throughout her system. Ang sarap sa pakiramdam na pagkatapos lumusong sa malamig na tubig, yayakapin ng mainit na hubad na katawan. Mas naging mainit para sa kanya ang singaw ng katawan ni Dock dahil basa ang katawan niya at ang kay Dock ay tuyo.

But feeling the bulge of his manhood against her soft stomach, poking her belly like a hard spike was enough for her to rip her out from her dreamy bliss. Agad niya itong itinulak at mabilis na nilapitan ang upuan. Geallan pushed down the sensation and gathered her lost wits. Agad naman siyang sinalubong ni Brent. Ibinalabal nito sa kanya ang tuwalya.

“Thank you,” she said softly.

Brent had always been gentleman and nice to her. Sabi ng marami, player ito. Wala naman siyang pakialam sa kung ano ang pagkatao ng lalaki. Wala naman siyang balak na makipagrelasyon dito.

DAHIL sa pangungulit ni Brent, napilitan si Geallan na pumayag sa pagyayaya nitong magkape. Nang umoo siya, nagmadali itong pumasok sa shower room para magbihis. Siya naman, kasama si Nadia na naghintay sa labas.

“Coach del Fierro is smoking hot!”

Kanina pa itong si Nadia. Hindi maka-get over sa presensiya ni Dock.

“Did you notice the way he looked at you? Parang may something. Parang attracted sa `yo si Coach.”

Jesus! Why, this young lady was very observant!

“And you… you seemed uncomfortable around him yet your eyes were glowing with appreciation and desire.”

Nag-init nang todo ang mukha ni Geallan sa sinabi ng babae. Ganoon ba siya ka-obvious?

“Hmm… You like him, don’t you?” Nadia teased her, wiggling her eyebrows.

Ipinaling na lang ni Geallan ang tingin sa kung saan para makaiwas sa mas matinding kahihiyan. Baka makita pa ni Nadia ang pamumula niya na parang teenager. Sa pagpaling niyang iyon, lalong parang nag-init ang kanyang mukha nang makitang nakatayo sa hindi kalayuan si Dock habang nakatingin sa kanya. Suot nito ang isang jeans at puting T-shirt na hapit sa katawan. Basa ang buhok.

Tumayo siya nang makita ang pagsulpot ni Brent sa likuran ni Dock. Ngumiti siya sa lalaki nang kumaway ito at tinawag ang pangalan niya.

A dark emotion made Dock’s face clench. He didn’t move at all. Only his eyes had moved, glaring at Brent through the corner of his eyes when he approached.

“Ay!” sigaw nila ni Nadia nang bigla na lang madapa si Brent.

Tiningnan niya nang matalim si Dock. Nakita niya kung paano nito pinatid si Brent. He just shrugged his shoulder, but a restrained smile was on his face. She could even notice the humor that was lurking behind those hazel-eyes. Dock actually seemed like he was on the verge of laughter.

Mabilis na tumayo si Brent at napakamot sa ulo. Para itong napahiya.

Lumapit siya sa lalaki. “Cute ka pa rin.” Hindi iyon biro. Mas nagmukha pa itong cute dahil sa pamumula ng mukha.

“Talaga?” nahihiya nitong tanong.

Marahan siyang natawa. Bakit ngayon lang niya napansin na sobrang cute ng lalaking ito? Mestizo ito, perpekto ang ilong at mga labi. Ang mga mata, parang laging inaantok dahil sa mahahabang pilik-mata.

Ang pagtawa ni Geallan ay natigil nang tumingin siya kay Dock. Nakatiim ang mukha nito habang nakatitig sa kanila ni Brent.

“Let’s go, Brielle.” Inilahad ni Brent ang kamay sa kanya.

Geallan was staring at Brent’s hand before she lifted her gaze up to his face. Maliwanag ang mukha nito. Ayaw naman niyang sirain ang mood nito. Ayaw naman niya itong mapahiya kaya ipinatong niya ang kamay sa nakalahad nitong kamay. Lumawak ang ngiti ng lalaki, lalo na nang hindi siya nagreklamo nang idikit nito ang mga daliri sa kanya.

Isang marahas na buga ng hininga ni Dock ang muling nagpabaling ng tingin niya rito. Mas dumilim na ang mukha nito.

Humigpit ang hawak ni Geallan sa kamay ni Brent. Hindi niya gustong pagselosin si Dock. Hindi rin naman siya sigurado kung nagseselos nga ito. Nagmamahal lang ang nagseselos. Sigurado siyang walang pagmamahal sa kanya si Dock mula noon hanggang ngayon. Kung para saan ang iritasyon sa mukha nito, hindi niya alam. Kung bakit siya nito kinukulit ngayon, hindi siya sigurado. Siguro, gusto nitong maging fuck buddy uli niya.

Gusto lang niyang ipakita kay Dock na bukas siya sa pakikipagrelasyon. Na hindi naging dahilan ang ginawa nito noon para isara niya ang sarili sa mga gustong magmahal sa kanya.

Kinuha ni Brent ang duffle bag sa kanya at isinabit iyon sa balikat nito. Kung nasaan ang sariling gamit nito, hindi na niya pinagkaabalahang alamin. Iniwan siguro nito sa locker room.

Magkahawak-kamay sila ni Brent na naglakad. Lumingon si Brent kina Dock at Nadia. Napa-yes pa ito na lalong ikinairita ni Dock.

“Let’s go, Nadia. Sumama na tayo sa kanila. Medyo nagutom ako.”

Mabilis siyang tumingin kay Dock. May warning niya itong tinitigan. Pero isang matamis na ngiti lang ang iginanti nito.

HINDI talaga nagpaawat si Dock. Sumama talaga ito sa kanila ni Brent sa isang café sa loob ng university.

“Do you have a girlfriend, Coach?” tanong ng katabi niyang si Nadia kay Dock.

“Ahm… I am now trying to win her back.”

Her heart flipped over at his answer. Hindi niya sinubukang mag-angat man lang ng tingin.

“Oh, I see. Then why are you still attracted to Brielle?”

Noon siya nag-angat ng tingin. Parang gusto niyang kurutin si Nadia dahil sa kadaldalan nito.

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Dock, saka tumitig sa kanya. “Am I that obvious?” Kahit para kay Nadia ang tanong, ang mga mata naman nito ay nakatuon sa kanya.

“Oh! So, do you admit that you are really attracted to her?” Nadia exclaimed excitedly.

“Who wouldn’t be? Gea—Brielle is incredibly beautiful. Amazing. No wonder if men will do everything to capture her attention,” Dock stated while looking straight in her eyes without a blink. He was confident enough to be able to keep a strong, steady gaze na akala mo, wala itong kasalanan sa kanya.

This time, Geallan’s heart flipped into triple time. Hindi niya gustong maging ganoon ang reaksiyon sa mga sagot ni Dock, pero hindi niya mapigilan. Hindi niya kinaya ang intense ng titig nito kaya nag-iwas siya ng tingin.

Pagtingin niya kay Brent—na katabi lang ni Dock at kaharap niya—napansin niya ang hindi na maipintang mukha ng lalaki.

“Aw! Sabi na nga ba. You have your eyes on her all the time. And that intense gaze of yours. Geez! It’s as if you are taking her soul out of her body.” The chair made a loud screech on the floor as Nadia bounced up on the seat.

Walang respeto ang dalawang ito. Alam naman ni Nadia na nanliligaw sa kanya si Brent. Alam naman siguro ni Dock na nakakalalaki ang ginagawa nitong pag-amin na attracted ito sa kanya.

“Bagay kayo ni Brielle. I guess, hindi naman nagkakalayo ang edad n’yo. Isa pa, mas okay kung mas matanda ang lalaki kaysa sa mas matanda ang babae sa lalaki.”

“Tumpak!” pagsang-ayon ni Dock sa opinyon ni Nadia.

Hindi na nakatiis si Geallan kaya sumali na siya sa usapan ng dalawa. “Hindi rin. Ako, mas gugustuhin ko ang lalaking mas bata sa akin kaysa sa lalaking mas may edad na wala namang pinagkakatandaan.” Umirap siya. Nang tumingin siya kay Brent, matamis siyang ngumiti. “May klase ka pa ba, Brent?”

“Wala na.”

“Good. Puwede mo ba akong ihatid? Wala na rin kasi akong klase. Masarap ang cheesy beef casserole na ginagawa ni Mommy. Gusto mo bang tikman?”

Lumiwanag ang mukha ni Brent. “Y-you are inviting me to your house? F-for real?”

Marahan siyang natawa dahil sa pagkautal nito. Matagal na nitong gustong pumunta sa bahay nila para pormal na manligaw, pero hindi talaga niya pinagbibigyan.

“Kung gusto mo lang.”

“G-gusto. Gustong-gusto.” Nauna pa itong tumayo. Agad na isinukbit ng lalaki ang bag niya sa balikat nito.

“Sama ako, please?”

Hinawakan siya ni Nadia sa braso nang patayo na siya. Nakalabi ito. Ngumiti at tumango si Geallan na ikinatuwa ng babae.

“Ako—”

“Hindi! Close ba tayo?” tanong niya kay Dock. Wala siyang pakialam kung nagmumukha siyang bastos sa coach nila na dapat ay inirerespeto.

“Ako… uuwi na.” Binitin pa ni Dock ang sumunod sa unang salita habang may asiwang ngiti sa mga labi.

“Sorry, Coach. Hindi tipo ni Brielle ang matandang walang pinagkatandaan,” biro ni Brent na sinundan ng malakas na tawa.

“Gusto mong tanggalin kita sa team?” Dock hadn’t raise his voice, but there was an unmistakable note of warning in it.

“Joke lang, Coach,” mabilis na bawi ni Brent.