C hapter 32
FINALLY , Geallan wore the ring. Hesitant at first, pero tinanggap pa rin nito ang singsing. Nang isuot niya sa daliri nito ang singsing, hindi naman nito tinanggihan. Ipinaalam na rin ni Dock sa mama niya ang ginawang pag-aalok ng kasal kay Geallan. Nakitaan niya ito ng takot. Pero nang siguruhin niya na hindi siya mawawala sa mga ito, napanatag ito. Ang mama pa niya mismo ang nag-insist na gustong makausap si Geallan at ang pamilya nito para pormal na mamanhikan.
“Dock, Dock, talk to me!” Princess demanded.
Ang isang ito na lang ang problema niya. Nalaman ni Princess ang binabalak niyang pagpapakasal kay Geallan. Ang kanyang ina mismo ang nagsabi sa babae. Ipinakiusap na sa kanya ng mama niya na kausapin si Princess nang mabuti. Pero hindi niya iyon magawa dahil alam niyang kukulitin lang siya ng babae. Hindi marunong tumanggap si Princess ng pagkabigo. Alam niyang ipipilit lang nito ang sarili sa kanya.
Hindi nga siya nagkamali. Sumugod si Princess sa opisina niya. Pero kahit anong subok niyang ipaintindi rito na mahal niya si Geallan, sarado ang isip ng babae kaya nilayasan na lang niya.
Hindi niya pinansin ang pagtawag ni Princess. Tuloy-tuloy siyang naglakad papunta sa nakaparadang sasakyan. Pero bago pa man niya mabuksan ang pinto, nahawakan na ni Princess ang braso niya. Humarang ito sa pinto.
“Princess, not now.”
“Magpapakasal ka kay Geallan? Paano ako?”
Dock rubbed his temple with his finger. “Princess, matagal nang tapos kung ano mang relasyon mayroon tayo. From the very start, you know what kind of relationship we have. And that’s it.”
“But I love you,” she said, almost begging, tears gathering in her eyes.
Dock suddenly felt a pang of guilt. Umasa si Princess. Pero simula pa lang naman, alam na nito ang pinasok na relasyon.
Hinawakan ni Dock ang balikat nito, saka bahagyang pinisil. “I’m sorry, Princess. I’ve greatly appreciated you, but I can’t love you back.”
She stepped aside when he opened the car door. Inihagis niya sa kabilang upuan ang attaché case. Natigil ang pagpasok ni Dock nang muling magsalita si Princess.
“Alam ba ni Geallan na magkasama tayo sa Europe in your entire stay there? Alam ba niyang may nangyari sa atin?”
Tumiim ang mukha niya at galit itong hinarap. Ang guilt na nararamdaman niya ay nawala bigla sa nakikitang aura ng mukha ng babae. Matapang iyon at kahit anong oras, parang may gagawing masama.
“Walang nangyari sa atin, Princess,” he said roughly.
“Sige, paniwalain mo ang sarili mong wala nga.”
“Lasing na lasing ako noon. Pero kahit na kailan, alam ko ang ginagawa ko kahit lango ako sa alak. Tigilan mo ako, Princess.” Muli niya itong tinalikuran.
“May nangyari sa atin at nabuntis mo ako, Dock!”
“Shut up, Princess!” He grabbed her by her shoulders and squeezed them as hard as he could until she groaned in pain. “Don’t you dare ruin my relationship with Geallan or else I’m gonna fucking kill you.”
“Dock, you hurt me.”
Nahimasmasan siya nang dumaing si Princess. Binitawan niya ito, saka sumakay sa sasakyan. He cursed under his breath as he sped out of the parking lot and merged onto the street. His chest heaved, and he took a deep breath, trying to calm himself.
Dock pulled up the car at the curb. He took his cell phone from his pocket and browsed through his contact list until he found the number he was looking for and hit dial. He sighed as he waited for Brixx to answer his call. Si Brixx ay anak ng isa sa major shareholder ng kompanya at siyang namamahala sa headquarter sa Europa.
“Del Fierro?”
“Brixx, I need your help.”
“About?”
“You know Princess, right?”
“Your girl,” he said lazily.
“She’s not my girl. But she’s kinda obsessed over me.”
“Hmm… So, what about her?”
“She’s claiming that I was the father of her unborn child who’s already dead. Princess suffered a miscarriage when we were still in Sweden.”
“W-what? She got pregnant, but she lost the child?”
“Like what I’ve said. I just wanted to know the truth. I’m pretty sure I wasn’t the father of that child. She’s just lying. I’ve never slept with her after we broke up.”
Damn! Siguradong walang nangyari sa kanila ni Princess.
Nang magdesiyon siyang magpunta sa Europa kasama ang ina, hindi naging madali para kay Dock ang lahat. Kahit siya, hindi akalain na ganoon katinding pangungulila ang mararamdaman para kay Geallan. Gustong-gusto niyang bumalik sa Pilipinas noon. Pero tuwing makikita ang lagay ng ina at problema sa negosyo, sapat na iyon para mas piliing manatili na lang sa Europa pansamantala.
Alak ang naging karamay ni Dock sa gabi. Princess was there, too. She took a short course in Fashion Design. Pero sigurado siyang dahilan lang nito iyon para sundan siya. Ang alam niya, nag-aral na ito sa London ng kursong iyon. Hindi rin ito pumapasok at halos inuubos ang oras sa pagdalaw sa kanilang mag-ina. Hanggang sa alukin ito ng kanyang ina na doon na lang tumira sa kanila sa halip na sa mamahaling apartment.
Gusto man niyang ipagtabuyan si Princess, hindi niya nagawa. Aminado siyang malaki ang naitulong nito sa recovery ng kanyang ina. Mabilis itong naka-recover dahil sa presensiya ni Princess. Masayahin ang babae. Lagi nitong ipinapasyal ang kanyang ina, minsan ay kasama pa siya.
Minsang malasing si Dock, sinubukan ni Princess na akitin siya at sumiping sa kanya. Pero paulit-ulit niyang sinabi sa babae na si Geallan ang mahal niya. Kinabukasan, nagising na lang siyang kasama ito sa kama. Pareho silang walang suot na kahit ano. Pero sigurado siyang walang nangyari.
Hindi naman kataka-takang hubo at hubad siya. Dock used to sleep in his birthday suit. Kung sakali mang may nangyari sa kanila ni Princess, malalaman niya iyon. He had sex with numerous women in his lifetime. Walang kahit isa sa mga iyon ang hindi niya naalala kinabukasan kahit lasing pa siya.
“Brixx? Still there?” tanong niya sa kabilang linya nang matahimik ito nang matagal.
“Yeah, yeah. Still here. Uhm, so you want me to snoop?”
“Sort of. I just really want to know the truth. Maybe, Princess had been with another man when we were in Sweden.”
“Don’t worry, buddy. I got this. Just provide me some info about her that will help in this investigation like which hospital she was confined after her miscarriage.”
“Thanks, buddy. I’ll send it later.”
Dock disconnected the call and leaned back on the chair and released an audible sigh.
“Kailangang malaman ni Geallan ang tungkol kay Princess.”
His grip on the steering wheel tightened. Bakit binale-wala niya ang bagay na iyon? He was focusing on how to win Geallan back. Binale-wala niya ang bagay na puwedeng maging conflict sa kanila ng babae. So fucking stupid.
“I’M SO sorry, Princess. I like you a lot and I’ll be very happy if you will be my daughter-in-law. But Dock’s heart belongs to Geallan. I respect that. My son’s happiness is also mine. I’m sorry, darling.”
Princess’s hands fisted into a ball under the table where she and Adeline were sitting. Pilit niyang pinapakalma ang sarili para hindi sumabog ang nararamdamang galit.
Dahan-dahan siyang bumuntong-hininga. Dinala ang kamay sa ibabaw ng mesa, hinawakan niya ang kamay nito. “Mama Adeline, I can accept that if that woman is deserving of Dock’s love. But no. She was never faithful to your son. While Dock was drowning his sorrows in the wrong way in Sweden, Geallan was flirting with her ex-boyfriend here.”
Kumunot ang noo ni Adeline sa sinabi niya. “What do you mean?”
Sinulyapan ni Princess ang puting envelope na nasa mesa. Kinuha niya iyon at inilabas ang laman. Ipinatong ang tatlong piraso ng larawan sa mesa at itinulak palapit sa babae. Kinuha naman iyon ni Adeline, saka tiningnan isa-isa. Ang dalawa ay larawan nina Javan at Geallan na magkayakap. Ang isa ay close-up photo ni Javan.
“Siya po ang ex-boyfriend ni Geallan. Nang magpunta si Dock sa Sweden, muling nagkabalikan ang dalawa. Alam mo po bang pinatira pa ni Geallan ang lalaking `yan sa bahay ng anak n’yo noong mga panahong nagsasama pa ang dalawa? Walang kaalam-alam si Dock na ex-boyfriend `yan ni Geallan. Kaibigan. `Yon ang pakilala ni Geallan sa lalaking `yan. They lied to Dock para lang magkasama sila.”
Thanks for having a great private investigator. Princess learned so much important information about Geallan and Javan’s personal life that can be used to ruin Dock and that bitch’s relationship.
“That man is Geallan’s sister’s husband.”
Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Adeline nang muling tumingin sa kanya. Confusion was written all over her face.
“Yes, Mama Adeline. She’s totally disgusting para patulan ang sariling bayaw. Pero actually, sina Geallan at Javan naman talaga ang totoong magkarelasyon. Pero inagaw ng kapatid ni Geallan si Javan. At dahil nga first love niya si Javan and up until now ay mahal pa rin niya, kaya madali niyang napatawad at nakipagbalikan.”
“Pero hindi. Kung mahal pa rin ni Geallan ang lalaking ito, bakit siya magpapakasal kay Dock?”
Princess fought the urge to roll her eyes. She wanted to slap this woman for being so stupid.
“Dahil si Dock po ang nagpupumilit. Ipinagsisiksikan niya ang sarili kay Geallan kahit hindi siya mahal. And maybe, Geallan wants to impress her family. It is obviously a wise decision na magpakasal sa isa sa mga pinakamayamang lalaki sa bansa kaysa sa isang dukha na may asawa. Oh, and there’s more.”
Kinuha ni Princess ang natitirang larawan sa loob ng envelope at pataob na iniabot sa babae. When Adeline flipped the picture over and stared at it, a sharp gasp escaped from her. Her eyes flitted back to her who was rejoicing inside for the sweet taste of victory. But she was masking it. Sympathy ang makikita sa panlabas na hitsura niya.
“He’s the son, Mama,” she said softly.
Ang mga sumunod pang sinabi ni Princess ay tuluyang nagpaiyak sa babae hanggang sa magpaalam na ito, dala ang ilang larawan. Muntik pa itong matumba habang naglalakad sa panghihina sa mga nalaman.
Nang tuluyang makaalis, lumapit kay Princess ang kaibigang si Andrea na umupo sa kabilang mesa para bigyan sila ng privacy ni Adeline.
“You are so evil, Princess. Tingin mo ba sa ginawa mo, mapapasa`yo na si Dock? God, bitch. You are so obsessed with him. Ginawa mo na ang lahat, pero walang nangyari.”
“Not this time. Dock will be mine. Nagkabalikan na kami n’on. Ako lang ang binalikan niya sa exes niya.”
“And also Geallan. Si Geallan lang din ang hinabol-habol niya.”
“Shut up!” Princess snarled at her.
“Pero tama bang idamay mo ang mama ni Dock? She is suffering from depression. Hindi biro `yon.”
“I don’t care. Idadamay ko ang dapat idamay just to have him back. Ang laki ng naging sakripisyo ko para kay Dock. I took care of that crazy old woman. `Yong offer sa akin sa Manhattan, kinalimutan ko muna para sa kanila. Para mag-alaga ng isang baliw na babae na hindi maka-move on sa past.”
Andrea shook her head in disapproval. “At nakikita kong magiging katulad ka rin niya. Baliw ka na rin. Mas baliw at nakakatakot ka na. Ang daming lalaki, Princess. Maraming nagkakagusto sa `yo. Why don’t you give at least one of them a chance and move on from Dock? He doesn’t even deserve you.”
“Si Dock lang ang gusto ko. Hindi mo kasi ako naiintindihan, Andrea. He treated me like a queen. He made me feel special. Siya lang ang tanging lalaking nagtrato sa akin nang ganoon. He fits all my requirements in a guy,” she insisted.
“Princess, he treated you the same way he treats others. Kilala si Dominick del Fierro sa pagiging pa-fall. Since you are not in a place of mutual passionate love, your efforts are useless. You are wasting your time, bitch. Believe me. At isa pa, ikakasal na siya.”
“Mapaghihiwalay ko sila. Napaghiwalay ko na sila, `di ba? Ang mama niya ang kahinaan ni Dock, `yon ang gagamitin ko. Babaliwin ko uli siya.”
“Poor woman,” Andrea uttered.
“She deserves it. Akala niya, hindi ko alam na hindi naman talaga niya ako gusto? Wala siyang interes na makilala ako noon pa man dahil sa reputasyon ng pamilya namin.”
“Paano ka naman kasing magugustuhan, eh, ang nanay mo, pinag-iinteresan si Nyke? Diyos ko! Kahit naman siguro ako, hindi ko gustong ma-involve sa pamilya n’yo. Oops, sorry. Kidding aside,” bawi nito nang matalim niyang titigan.
“Wala akong pakialam kung hindi niya ako gusto. Mapapasaakin si Dock. I swear to hell.”
Si Princess ang dahilan ng pagbalik ng depresyon ni Adeline noon. Siya ang dahilan kung bakit nag-cross ang landas nito at ng dating asawa at babaeng ipinagpalit dito. Manipulado niya ang lahat ng nangyayari. Pero ang hindi niya mamanipula ay ang puso ni Dock.
Buong akala ni Princess, mamahalin na siya ng lalaki pagkatapos ng lahat ng sakripisyong ginawa niya. Sumunod siya sa Sweden at pinalabas na mag-aaral ng Fashion Design doon. Pero nang gumaling si Adeline—na dahil lang din naman sa kanya, dahil sa lahat ng effort niya—babale-walain pa rin siya.
Si Dock lang ang lalaking gusto niyang makasama habang-buhay. Alam niyang magiging mabuting asawa ito at ama sa mga magiging anak nila. Hindi niya gustong matulad sa sariling ina na walang kuwentang mga lalaki ang sinasamahan.
Tatlo silang magkakapatid, pero iba-iba ang ama. Iniputan ng nanay niya ang unang asawa nito, ang ama ng panganay niyang kapatid na si Khaylene. Buong akala niya, isa silang Balcita ng sinundan na kapatid na si Queenie. Iyon din ang pagkakaalam ng kawawang matanda. Iyon pala, anak sila sa labas.
Nang magkabukingan, hayun, minaltrato na silang magkapatid ng itinuring nilang ama. Pagkatapos ng mahigit isang buwan matapos malaman ang kalokohan ng kanyang ina, namatay ang ama nila. Unti-unti kasi itong nanghina. Only God knows what really happened, or maybe, also her mother knew. But eventually, Princess had thought that that man deserved to be cheated on and deserved to die dahil hindi rin naman ito naging mabuting asawa.
Naiintindihan din ni Princess ang ina sa panlalalaki nito. Babaero din naman ang ama nila, saka maraming bisyo. He even fucked their servants sa kung saan-saang parte ng bahay noong nabubuhay pa ito. Mismong siya ay nakita iyon. Mula rin nang malaman nitong bunga sila ng pagtataksil ng ina, nag-iba ang tingin nito sa kanila. Nagkaroon ito ng pagnanasa sa kanilang magkapatid.
Ang sarili niyang ama naman, hindi siya matanggap. Damn him! Hindi niya ito kailangan sa buhay niya. Si Dock lang ang kailangan niya. Sisiguruhin niyang magkakaroon siya ng isang masayang pamilya na hindi naibigay ng mga magulang sa kanilang magkakapatid. Princess would do everything to have Dock back.