noveltoon logo noveltoon
Get Wild (Fatal Attraction Series 2)

Chapter 30

Ch. 30 / 39 Mar 23, 2025

C hapter 30

THE CALM beat of his heart and slow breathing blended together, producing a mellifluous sound that made her feel relaxed. His hand had flattened against her exposed back and the other on her ass as her cheek lay on his bare chiseled chest.

Nakahiga sila ni Dock nang magkapatong sa backseat. Pilit pinagkasya ng lalaki ang sarili sa hindi naman kalakihang upuan habang siya ay nasa ibabaw nito. Mahimbing na natutulog si Dock. He dozed off after having his second round at the back of the car. There were too many whys and hows circling inside her head. Why would she let him touch her, kiss her again and let him squirt inside her cored, not just once but twice?

Ngayon, iniisip ni Geallan ang mga paliwanag ni Dock kung bakit ito umalis noon nang hindi nagpapaalam. He had explained everything. She had listened, but didn’t react, didn’t give even a single word. Isinaloob na lang ang mga tanong.

Naiintindihan ni Geallan ang mga dahilan nito. Natural, kailangan nitong unahin ang pamilya, lalo na ang mama nito. Sa sitwasyon ng lalaki noon, wala itong maipapangako sa kanya kaya mas ginusto nito na tapusin na lang ang relasyon nila kaysa umasa siya sa bagay na hindi sigurado kung maibibigay nito—ang mag-commit at panindigan siya habang-buhay.

May point, pero masama pa rin ang loob ni Geallan. Nagdesisyon ito nang mag-isa at nang hindi kinukuha ang saloobin niya. Tingin ba ni Dock, hindi niya maiintindihan ang sitwasyon nito? Kung sana lang, nagpalaam ito nang maayos, eh, di sana hindi siya nagtanim ng galit at nasaktan nang sobra. Baka sinuportahan at dinamayan pa niya ang lalaki. Hindi naman siya humihingi ng higit pa sa kaya nitong ibigay. Masaya siya sa kung ano ang mayroon sila noon.

Geallan sighed deeply and slowly got up. Hinawakan niya ang damit na nalaglag sa balikat. Suot niya ang damit, pero walang underwear. Lumipat siya sa unahang upuan para hanapin ang underwear na ipinagtatapon lang ni Dock kanina. Masyadong madilim. Hindi sapat ang dim light para makita ang sulok ng sasakyan. Hindi niya alam kung nasaan ang switch ng mga ilaw ng sasakyan.

Bakit nga ba hindi niya naisip na magpaturong magmaneho? O magkalikot man lang sa loob ng sasakyan?

Binuksan ni Geallan ang drawer kung saan kinuha ni Dock ang flashlight kanina. Kinapa niya ang loob at inilabas ang flashlight. Sinalat ng kamay niya ang switch ng flashlight. Pero napakunot-noo siya nang walang masalat. Inikot-ikot niya iyon, pero wala talagang button. May takip din ang pinakamukha ng flashlight.

Instinctively, Geallan twisted the cap and released it. Her forehead wrinkled even more when she touched it. It wasn’t a glass lens usually found on a flashlight face. It felt like flesh. Itinuon niya nang mabuti ang mga mata roon. Her eyes widened. It looked weird. Plum lips with slit on the center. It looked like a pussy. Sinundot niya ang gitna niyon. Tuloy-tuloy na pumasok sa butas ang daliri niya. Soft.

Diyos ko, ano ba ito?

“Baby…”

The sound of Dock’s voice made her pull her finger out of the hole. Nilingon ni Geallan ang lalaki. Bumangon ito. Inihilamos ang kamay sa mukha.

“Come here.” His hand motioned to her to come over him. She followed. Ipinaikot nito ang mga braso sa kanya, saka siya hinalikan sa pisngi.

“Ano `to?” Geallan couldn’t help but ask.

Kinuha ni Dock ang bagay sa kamay niya, saka tiningnan. “Oh, it’s a fleshlight.”

“Flashlight na mukhang ari ng babae? Paano ito umiilaw?”

Dock chuckled. “Fleshlight, baby, not flashlight.” He emphasized the word flesh for her to understand. But the thing he had in his hand was still foreign to her.

“Para saan `yan?”

“It helps me when I’m horny and need release.”

“How?” she curiously asked, determined to know the use of that thing.

Dock chuckled again and pressed a kiss on her lips. “You want me to show you how it works?”

Geallan nodded with a soft hum.

“Okay. Let’s cure your curiosity.”

Her eyes widened again, mouth opened in awe when Dock pulled his semi-hard cock out of his briefs.

Ngumiti ito bago itinutok ang bagay na iyon sa tuktok ng pagkalalaki nito. She swallowed hard as Dock pierced his cock into the hole. His cock disappeared as the thing swallowed it completely. A low growl rumbled in his throat.

“Grabe, Dock. Ang bastos mo, ah.”

Marahang natawa si Dock. “Sabi mo, gusto mong makita kung paano ito ginagamit.”

Marahan nitong itinaas-baba ang fleshlight. Kung sa babae, dildo ang ginagamit para parausin ang sarili, sa lalaki ay fleshlight.

“Bakit `yan ang ginagamit mo kung may babae ka naman?” The thought of Dock fucking another woman made her heart ache. Hindi niya dapat iyon nararamdaman, eh.

Hinawakan ni Dock ang kanyang pisngi. “I’ve never been with any woman since I left for Europe. Believe it or not. This fleshlight is the only thing I have to at least satisfy my sexual needs. And of course, our wild memories we had shared and your picture. I’m contented with that.”

Isang marahas na hininga ang ginawa ni Geallan dahil sa narinig. Nawala na ang paninikip ng dibdib. Pero parang tumalon ang puso niya. Totoo ba ang sinasabi nito?

Naku, Geallan! Nagpapauto ka na naman. Sa landi ng lalaking `yan, hindi gagalaw ng ibang babae? Kalokohan!

“Fuck! My cock wants to be buried again inside you,” sabi nito habang itinataas-baba ang fleshlight sa kahabaan nito.

“Magtigil ka nga. Iuwi mo na ako.”

Hinugot ni Dock ang fleshlight at itinabi iyon. “The pleasure is less powerful than your pussy had given to me.” Muli nitong ipinaikot ang mga bisig sa katawan niya. “Round three,” paglalambing nito.

“Iuwi mo na ako,” sabi niya.

“In my place.”

“Dock, hindi.”

Ibinaon ng lalaki ang mukha sa leeg niya, saka siya hinalikan doon. “I love you,” bulong nito.

Sa kabila ng pagwawala ng puso niya, nagmatigas si Geallan. “Iuwi mo na ako!”

“I love you so much. I love you. I love you,” Dock repeated as he continued kissing her neck to her ear. “In my place, please, baby.”

Mariin niyang ipinikit ang mga mata, his sweet pleading voice making her heart pound loudly.

Ipinaling ni Dock ang mukha niya paharap dito. Inilapat ang mga labi sa mga labi niya. He kissed her sweetly, almost innocently. Geallan felt herself falling in love again with the man who had hurt her.

“Dock,” she muttered against his lips as she touched his cheek gently.

“Baby,” he uttered back.

“Ay, pesteng yawa!” sigaw niya. Halos mapalundag si Geallan sa kinauupuan. Ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso sa matinding gulat nang hindi sinasadyang may mahawakang mainit, pero matigas na bagay.

“Shit, Dock! Akala ko daga!” Akala talaga niya, nakakadiring hayop.

Niyuko ni Dock ang sariling ari na nakalabas pa rin, saka malakas na humalakhak. Maging si Geallan ay natawa. Pero ramdam pa rin niya ang kilabot na nararamdaman. She was so stupid para mapagkamalang daga ang ari ni Dock.

Ugh! Nakakakilabot talaga. Mainit, matigas at may buhok-buhok.

“Oh, baby. You are so adorable.” He cupped her face and pressed a sweet kiss on her lips, chuckling.

DOCK kept on staring at her. Naiilang si Geallan sa ginagawa nito. Nakakahalata na ang mga kasama niya sa swimming team dahil sa lantaran nitong pagpapakita ng interes sa kanya. Siyempre, ipinagbabawal ang pakikipagrelasyon sa mga teacher. Ayaw niyang matsismis, though they weren’t in a relationship.

Pagkatapos kumuha ng ice cream, umikot si Dock sa kung saan siya nakaupo, saka pasimpleng tumabi sa kanya. Kakatapos lang ng training nila. Kasalukuyang nagme-merienda ang lahat sa loob pa rin ng swimming facility. Nagpa-pizza at ice cream si Dock.

“Salted caramel is your favorite, right?”

Iniabot nito sa kanya ang isang apa ng salted caramel ice cream. Naging paborito lang naman niya iyon noong nasa poder na siya ni Dock. Noon lang siya nakatikim niyon. Totoong nasarapan siya.

“Salamat,” Geallan said softly.

“Can we have a little chat over coffee later?” he whispered, making sure na hindi maririnig ng mga kasama. “Ako na ang maghahatid sa `yo.”

Hindi na niya sinusungitan ang lalaki. Sumama rin siya sa condo nito nang gabing dalhin siya ni Dock sa Antipolo. Inihatid siya nito kinabukasan. Kahit ayaw niya, wala naman siyang magawa. Talagang dinala siya ng lalaki sa bahay nito. And there, naulit pa ang pag-angkin nito sa kanya na hindi naman niya tinutulan.

“Dock, baby!”

Halos magkapanabay na napatingin ang lahat sa pinanggalingan ng boses ng isang babae. Ang pagkain sana ni Geallan sa ice cream ay nabitin nang makita si Princess. Nang magtama ang mga mata nila ng babae, tumaas ang kilay nito. Marahan itong naglakad habang nakatingin sa kanya. Umupo ito sa tabi ni Dock.

“I’ve been ringing you, but you were ignoring my calls,” malambing nitong sabi. Inilingkis ng babae ang kamay sa braso ni Dock.

“What are you doing here?” Dock asked.

“May lakad tayo ngayon, `di ba? Have you forgotten? You promised Mama, your mom, na ipapasyal natin siya ngayon after seeing her doctor.”

“I forgot. Tatawagan ko na lang siya. Hindi mo na kami kailangang samahan, Princess. I can take care of her.”

“Really? Eh, ngayon pa nga lang nakalimutan mo na. Dock, alam mo namang maselan ang lagay ni Mama. Any time, puwedeng bumalik ang depression niya. She needs more attention. She needs me. Gusto rin niya akong kasama. Siya ang tumawag sa akin para hanapin ka.”

Mama? Mama ang tawag ni Princess sa ina ni Dock? Close ito sa mama ni Dock? The way Princess talked, parang hindi naputol ang ugnayan ng dalawa.

“I got this, Princess. Thank you.”

Umirap si Princess at matamis na ngumiti nang ituon ang atensiyon sa mga kasamahan nila. “Hi, everyone,” bati nito na ginantihan naman ng bati ng ilan.

“You are Princess Balcita, right? The young fashion designer who’s making her own name in Manhattan,” Mika commented.

“And Dock’s girlfriend,” dagdag ni Princess na may landi sa boses. Natural ng ganoon ang boses nito.

“She was my girl—” Naputol ang sasabihin ni Dock nang halikan ito ni Princess sa mga labi. “Princess!” mariing sabi nito sa babae na ikinatawa ni Princess.

Binitiwan ni Geallan ang ice cream. Ipinatong niya iyon sa tissue nang mapansing nadurog na pala ang apa sa higpit ng pagkakahawak niya. Tumayo siya at isinukbit ang duffle bag sa balikat.

“Mauna na ako sa inyo. Nandiyan na ang sundo ko.”

Hindi na niya sinulyapan pa si Dock. Tuloy-tuloy siyang umalis sa lugar na iyon. Ang tibok ng puso niya ay hindi makalma sa samut-saring emosyong kumakain sa buong sistema niya. Matinding iritasyon ang nangingibaw.

“Geallan!”

Narinig niya ang boses ni Dock kaya mas binilisan niya ang mga hakbang hanggang sa makalabas. Pero natigilan siya nang makita ang isang motorsiklong nakaparada sa labas, sakay ang isang lalaki.

“Hey, beautiful. Miss me?”

Malapad na ngumiti si Geallan. “Ano’ng ginagawa mo rito, Javan?”

“Sinusundo ka.”

“Geallan!”

She froze as she heard Dock’s voice. Napansin niya ang pagsasalubong ng mga kilay ni Javan nang makita si Dock.

Mabilis siyang lumapit kay Javan at umangkas sa motorsiklo. “Tara na! Bilis!”

Iniabot sa kanya ni Javan ang helmet. Agad niya iyong isinuot. Habang binubuhay ang makina, matiim na nakatingin si Javan kay Dock. Pero doble ang talim ng titig ni Dock sa lalaki. Umandar na ang sasakyan, pero hindi niya magawang sulyapan man lang si Dock.

“Parang mahaba-habang usapan `to,” sabi ni Javan nang makalabas sila sa unibersidad.

Labas-masok si Javan doon kapag ang security guard na bantay ay si Mang Nelson na tagaprobinsiya rin. Sa katabilang isla ng Isla Liwanag. Nakakuwentuhan at naka-close na ito ni Javan.

“Gusto mong pumunta sa Antipolo?”

“Naku, hindi! Ayoko na roon,” mabilis niyang tanggi.

“Pero paboritong lugar mo `yon.”

“Hindi na ngayon. Sa iba na lang. Ilibre mo na lang ako. Mag-unli chicken wings na lang tayo.”

“Unli chicken wings na hindi naman iniinit.”

Sabay silang nagkatawanan. Naengganyo silang kumain ng unli wings sa isang restaurant. Unli kung unli, pero hindi man lang mainit nang inihain kaya mauumay ka agad. Ang iced tea, tamang-tama ang timpla sa unang ibigay. Pero kapag nagpa-refill ka, parang isang kilong asukal ang inilagay sa tamis. Style siguro iyon ng may-ari para maumay agad ang kumakain at hindi na magpa-refill. Hindi man lang naisip ng mga ito na nakakadala na ring bumalik kapag ganoon.

“NAKIKIPAGBALIKAN siya?”

Mula sa paghihimay ng sugpo, nag-angat ng tingin si Geallan kay Javan na nakaupo sa harap niya. Sa halip na mag-unli wings, nag-unli sugpo at alimango sila.

“Wala akong balak na makipagbalikan.”

“Mabuti naman. Sinaktan ka niya. Saka…” Isinubo nito ang binalatang sugpo. “Mas mawawalan ako ng pag-asa niyan.”

Inikutan niya ng mga mata si Javan. “Wala ka nang pag-asa noon pa man. Mas malala ang ginawa mo sa akin, baka nakakalimutan mo. Pasalamat ka nga at nakikipagkaibigan pa ako sa `yo.”

“Wala naman akong kasalanan.” Iniumang ni Javan sa kanya ang sugpong kababalat lang nito. Tinanggap naman niya iyon.

“Alam ko. Naniniwala naman ako sa `yo. Pero mas masaya ako na magkaibigan na lang tayo.”

“Ayaw mo ba talagang subukan uli natin?”

“Ayaw kong maging kabit,” biro niya, saka sinundan ng mahinang tawa.

“Hiwalay na kami ni Alice.”

“Legal mo pa rin siyang asawa,” she reminded him.

Javan sighed. Sadness flickered across his face.

Ilang buwan na rin nang maghiwalay sina Javan at Alice. Si Alice na mismo ang gumawa ng dahilan para tuluyan itong iwan ng lalaki. Hindi naman na nakialam ang ama ni Javan dahil sa eskandalong ginawa ni Alice.

Nagkaroon ng lihim na relasyon si Alice sa anak ng mayor. Nalaman iyon sa buong isla. Iyon ang ginamit ni Javan para hiwalayan nang tuluyan si Alice. Balita niya, umalis na si Alice sa isla kasama si Alma. Sumama na raw si Alice sa anak ng mayor.

“Oh.” Iniumang niya rito ang binalatang sugpo. Tipid itong ngumiti at tinanggap iyon.

“Tigilan mo ang ganyang mukha, Javan. Naiinis ako.”

“Pasensiya na. Akala ko kasi—Hay! Asado!”

Marahan siyang natawa. “Gusto kitang maging kaibigan habang-buhay.”

Ayaw niyang masira uli ang pagkakaibigan nila ni Javan. Isa ito sa mga importanteng tao sa buhay niya. Ayaw niyang mawala ang lalaki. Kaya ayaw na niyang sirain ang samahan nila. Naibalik na ang dati nilang pagkakaibigan, masaya na siya roon.

“Hindi ba puwedeng maging asawa?”

“Javan!”

“Seryoso ako, Geallan.”

“Javan!” mariin niyang saway na muli nitong ikinabuntong-hininga. “Javan, naman, eh.”

“Mahal mo pa ba siya?”

Nakatitig ang malulungkot na mata ni Javan sa kanya. Nandoon ang kaba sa puwede niyang maging sagot. Matagal na sandali ang lumipas bago siya umiling bilang sagot. Yumuko siya at itinuon ang atensiyon sa pagkain.

You lied! sigaw ng bahagi ng isip niya.

Hindi ko na siya mahal! sabi niya.

“Ahm, nga pala, naibalik na sa amin ang isla.”

Muli siyang nag-angat ng tingin kay Javan. Bahagyang tumaas ang kilay.

“`Yong isla na inangkin ni Mayor. `Yong sinabing ibinenta ni Lolo sa kanya. Nasa amin na uli. Naipanalo namin ang kaso.”

“Wow! Mabuti naman. Magandang balita `yan. Ano’ng balak mo ngayon sa isla? `Di ba, plano `yong patayuan ni Mayor ng resort?”

“Hindi ko gagalawin ang isla. Mananatili `yon sa kung ano `yon.”

“Good.”

Madalas silang pumunta ni Javan sa islang pag-aari ng ninuno nito. Naliligo sila sa talon na nandoon. Napakaganda niyon. May mga ligaw na hayop pa ring naninirahan.

Isa iyong isla, pero dalawa ang nagmamay-ari. Sa pagkakaalam ni Geallan, naibenta ng kapatid ng lolo ni Javan na siyang may-ari ang kalahati sa congressman, pero ibinenta rin nito sa iba. Ang bagong may-ari ang hindi na niya kilala, pero mayamang negosyante raw.

IT HAD BEEN a week since she saw Dock. Hindi muna siya sumama sa training. Sadya niya rin itong tinataguan nang makitang papunta ang lalaki sa building nila. Ayaw niya itong makita. Sana lang, bumalik na si Coach Jax para matapos na ang pagiging substitute nito.

Inalis ni Geallan ang brasong nakapatong sa mga mata habang nakahiga sa kama nang may marinig na mahihinang katok sa pinto. Pagkatapos, bumukas iyon. Sumilip si Nanay Emang, kasambahay nila.

“Ipinapatawag ka ng daddy at mommy mo. Nasa `baba ang Kuya Tres mo at si MM.”

Agad siyang bumangon nang banggitin ang pangalan ng kapatid at hipag. Ilang araw na rin niyang hindi nakikita ang dalawa.

Nag-ayos lang si Geallan ng sarili, saka agad na sumunod kay Aling Emang. Patakbo siyang bumaba ng hagdan. Malapad ang ngiting pinuntahan niya ang receiver room. Pero ang maliwanag na ngiti ay unti-unting nawala nang makita ang lalaking sobrang kinaiinisan.

“Brielle, come here,” tawag ng amang si Seg na nakaupo sa mahabang sofa. Katabi nito ang kanyang ina dahilan para maputol ang matalim niyang titig kay Dock.

Tumayo sina Tres at MM na nakaupo sa love seat, saka humalik sa pisngi niya. Agad namang sumunod si Dock. Hahalik din sana ito, pero binasag na niya agad.

“Hindi kita kamag-anak!” pagtataray niya sa mahinang boses.

Malakas na tumawa si Tres habang si MM, pigil ang tawa. Kakamot-kamot sa ulong muling umupo si Dock.

Umupo siya sa pang-isahang sofa, sa katapat ni Dock. Muli niya itong inirapan nang ngitian siya.

“Okay, nandito na si Brielle, hijo. Ano nga’ng gusto mong sabihin?” pagbubukas ni Seg sa usapan na bahagyang ikinakunot-noo ni Geallan.

Ano ba ang mayroon? Naku! Huwag nitong sabihin na magpapaalam ito sa mga magulang niya para manligaw sa kanya? Hinding-hindi iyon uubra sa kanya. Sa tingin ba ni Dock, kapag ginawa nito ang bagay na iyon, papayagan na niya itong manligaw sa kanya? Natuto na siya at hinding-hindi na magpapauto.

“Ahm, Tito, Tita, dude Tres. Kasi po… Ahm…”

Tumaas ang kilay ni Geallan sa nakikitang pagkabalisa ni Dock. Panay ang hugot at pagpapakawala nito ng hininga habang pinipisil ang sariling mga kamay. Parang anytime soon, butil-butil na pawis ang lalabas sa noo nito. Muli itong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga bago nagsalita.

“Ahm… I know you might kill me dahil sa sasabihin ko, but I have to tell you this.”

Ang dalawang kamay ni Geallan na nakawak sa armrest ay pumisil. Habang sina Tres at Seg, seryosong nakatitig kay Dock na para bang maiihi na sa nerbiyos.

“Go on.” Matigas ang boses ni Seg na para bang may nase-sense na hindi maganda.

“Whoa!” Dock huffed. Binasa nito ng dila ang mga labi at pinatatag ang ekspresyon. Matapang nitong sinalubong ang ngayon ay matalim na titig ni Seg. Kahit hindi alam ni Geallan ang patutunguhan ng usapan, bigla siyang kinabahan.

“Geallan and I have… We’ve… Ahm…”

“Speak!” Seg demanded eagerly.

“W-we’ve slept together. Wthout protection. We did that more than a week ago. Four times in a day. So, it may be possible for her to get pregnant anytime soon. Kaya gusto ko po sana siyang pakasalan as soon as I can.”

Para iyong tubig na tuloy-tuloy na lumabas sa bibig ni Dock. Kung gaano iyon kabilis na nasabi ng lalaki, siya namang pagbagal ng pag-function ng utak ni Geallan. Maging ang pamilya niya, walang imik na nakatitig kay Dock. Parang panandaliang nagka-mental block ang mga ito.