C hapter 28
NIYAYANG lumabas ni Brent si Geallan. Pumayag naman siya. Kasama nila si Nadia na nagpunta sa isang club. Gusto nina Brent at Nadia na ma-experience naman niya ang night life.
Nakapag-club naman na siya noon. Ang unang punta niya ay nang isama siya ni Dock. Ang mga sumunod ay si Lyca na ang kasama niya. Kaya lang nang magbuntis, pinagbawalan na ito ni Alford maging ng mga magulang nila.
Hindi akalain ni Geallan na matindi ang gusto sa kanya ni Brent. Handa raw itong maghintay at manligaw nang matagal. Tingin niya, unfair iyon sa parte ni Brent dahil kaibigan lang ang tingin niya rito.
Iniharap niya ang kinauupuang bar stool kay Brent. Hinawakan niya ang dalawang kamay ng lalaki na nakapatong sa mga hita nito. “Makinig ka, Brent. Isa ka sa mababait na nakilala ko simula nang mag-aral ako sa Primrose. Kung papasok man ako sa isang relasyon, gugustuhin kong ikaw na lang. Pero…”
“Pero… A word that can slice my heart,” Brent growled.
Pinisil niya ang kamay nito. “Hindi pa kasi ako handang magmahal uli. Medyo hindi maganda ang experience ko sa dalawang past relationship ko kaya medyo nadala na ako. Gusto ko munang mag-focus sa pag-aaral at sa pamilya ko.”
Mataman siyang pinakatitigan ni Brent. Nanunuri ang titig na ibinigay nito. “Isa ba sa dalawang nakarelasyon mo ay si Coach del Fierro?”
Geallan was completely taken aback by his query. Paano nito nalaman iyon?
“It was obvious. The way he looked at you. The way you scolded him kapag walang nakakakita. Parang kilalang-kilala n’yo ang isa’t isa. Parang may nakaraan kayo.”
Binitawan ni Geallan ang kamay ni Brent, saka mapait na ngumiti.
“And you still love him. Don’t you? ”
“Hindi! Hindi na!” pagde-deny niya.
“It’s easy to say. It’s easy to lie. But true feelings are easily reflected in a person’s eyes because the eyes never lie. You still love him.”
Geallan lowered her head as she gnawed her bottom lip. “Sinaktan niya ako,” she said in a soft voice.
Brent put his finger under her chin and made her look at him. “Why don’t you give yourself a chance to be loved again by someone else?”
“Brent…”
He cupped her face with both hands. “Brielle, look. I like you so much. Just give me a chance. I’ll show you that I’m totally different from those bastards who hurt you.”
“ Echos mo! Ang dami-dami mo na nga raw pinaiyak, eh.”
“And this time, I could sense that you are the one who’s gonna make me cry.”
Inalis ni Geallan ang kamay nitong nakahawak sa mukha niya. Ang mukha naman nito ang hinawakan niya. “Brent, I love you as a brother.”
“I have four sisters. I don’t need another one. I need a wife.”
Malakas na tumawa si Geallan. Marahan niyang sinampal ang pisngi nito bago pinakawalan. “Wife? Agad-agad?”
“Brielle, I’m serious. I’m in love with you!”
Muli niyang hinawakan ang kamay ng lalaki. “Brent, hindi mo deserve ang katulad ko na hindi pa rin maka-move on sa past. May sasaktan tayo kapag pinayagan kong maging tayo. Ang taong secretly in love sa `yo.”
Nagsalubong ang mga kilay nito sa confusion. “Who?”
Hinawakan ni Geallan ang kabilang pisngi nito at ipinaling sa dance floor kung nasaan si Nadia. Aware siyang kanina pa ito nakatingin sa kanila. Agad na inilayo ng babae ang tingin nang tumingin sila sa gawi nito.
“Si Nadia?” nakakunot-noong tanong ni Brent.
“Uh-huh! Napansin ko lang `to noong nagpunta tayo sa bahay.”
Nang minsang imbitahan niya si Brent sa bahay nila, sumama si Nadia. Napansin niyang nagpapapansin ito sa lalaki. Panay ang bida nito kay Dock. Na sila ang bagay ni Dock. Kulang na lang, sabihin ni Nadia na hindi sila bagay ni Brent at huwag itong bibigyan ng chance.
“Really?” tanong ni Brent nang ibalik ang tingin sa kanya.
“Hay! Ang manhid mo. Gusto ka niya, sigurado ako. Tingin ko, mas bagay kayo.”
“Si Nadia? May gusto sa akin?” hindi makapaniwalang sabi nito. “But…”
Brent drew his gaze toward the dance floor where everyone was dancing, including Nadia. Nakapikit ang mga mata ng babae habang nakataas ang dalawang kamay. Nasa likuran nito ang isang lalaki, nakahawak sa baywang habang malanding iginigiling ang katawan. Ang medyo curly at mahabang buhok ni Nadia ay nakasabog. Medyo tumaas na rin ang laylayan ng bodycon nito kaya naman lumantad ang mapuputing hita.
“She’s hot!” sabi ni Brent sa namamanghang boses.
“Sabi ko naman sa `yo.”
Tumalon si Geallan pababa ng stool at hinawakan ang lalaki sa pupulsuhan. “Tara. Bantayan mo na at baka makuha pa ng iba.”
Hinila niya si Brent papunta sa dance floor. Hindi niya mapigilang kiligin nang atakihin ng pagiging possessive si Brent nang makita ang paglingkis ng ibang lalaki kay Nadia.
Hinila ni Brent si Nadia palayo sa lalaki. Parang pag-aari nito ang babae na ipinaikot ang mga braso sa maliit na katawan. Nang magmulat ng mga mata si Nadia, gulat ang bumalatay sa mukha nito nang makita si Brent. Gahibla na lang ang distansiya ng mukha ng dalawa.
“HEY! HEY! Hey!”
Mabilis na nahawakan ni Tres ang hood ng hoodie ni Dock nang tatayo sana siya para sana lapitan sina Geallan at Brent na naglalambingan sa bar counter.
“Ang usapan natin, hindi ka manggugulo. Let my sister do what she wants. Kung magiging masaya si Brielle kay Brent, magiging masaya at susuportahan namin ang desisyon niya.”
“Pare naman.” Kulang na lang ay lumuhod siya kay Tres na huwag papayagan si Geallan na sumama kay Brent.
Since hindi siya nakasama sa bahay ng mga Cabral, pinakiusapan niya si Nadia na ibalita sa kanya ang ganap. Parang nase-sense ni Nadia na may gusto siya kay Geallan kaya pinagbigyan naman siya nito. Ibinigay niya ang numero sa babae.
Nang mabalitaang lalabas ang mga ito ngayon, kinaladkad niya ang mga kaibigan para samahan siya. Mukha silang mga akyat-bahay na nagtago sa halamanan kanina sa labas ng mansiyon ng mga Cabral. Lahat ay naka-hoodie habang nag-aabang sa pag-alis nina Geallan at Brent.
Pinapak sila ng hantik kaya panay ang reklamo ng mga kasama niya, lalo na si Alford na napasukan ng hantik sa briefs at nakagat ang itlog. Naghubad ito ng pantalon sa sasakyan. May nakuha nga itong hantik sa loob ng briefs. Pero hindi ang kagat ng hantik ang iniinda ni Dock kundi ang pakikipag-date ni Geallan kay Brent.
This was frustrating! Wala siyang magawa habang nakikitang unti-unting nakukuha ng iba si Geallan. Pero kasalanan naman niya. Umalis siya noon. Hindi siya nagpaalam nang maayos. Kaya ano ang aasahan niya? Na tatanggapin siya ni Geallan nang ganoon-ganoon na lang?
Bumalik ang matinding depresyon ng kanyang ina. Mas matindi kaysa sa una. Tumawag sa kanya si Viel habang nasa resort siya kasama si Geallan at ibinalita na nagwawala ang kanyang ina. Umalis siyang hindi na ginising pa ang girlfriend. Binalak niyang tawagan na lang ito at hintayin ang pagbabalik sa Maynila. But Dock didn’t expect that another problem would come.
Muntik nang lumubog ang isang cruise ship nila na naglalayag sa Europa. Thankfully, hindi iyon tuluyang lumubog dahil malapit sa isla. Sumayad lang iyon sa mababaw na bahagi, which resulted in its fuel tank being damaged, leading to the spillage of thousands litres of oil into the ocean.
One of the greatest threats to the shipping company was the accidental oil spill. Puwedeng ikalugi ng isang shipping company ang ganoong aksidente. Malaking multa ang kailangang bayaran at maraming kasong haharapin. Iyon na nga ang nangyari kaya kinailangan niyang pumunta sa Europa para ayusin ang problema. Harapin ang kaso ng kompanya at ipagamot ang ina.
Hindi raw sinasadyang nakita ni Adeline ang ama niya at ang bago nitong asawa. Masaya at parang walang makikitang pagsisisi. Kinailangan niyang ilayo muna ang ina at ayusin ang iba pang problema.
Hindi niya kayang magpaalam kay Geallan at sabihing kailangan niyang umalis. Ayaw niyang ikulong si Geallan sa relasyon nilang hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan.
Mahal niya si Geallan. Sigurado si Dock sa bagay na iyon. Pero ang hindi niya masiguro, kung maibibigay ba niya ang buong oras sa babae kung maikakasal sila. He wanted to settle down and get married and have babies with Geallan before. But the situation of his family and business stopped him from doing so.
Noong nasa resort sila, binalak sana niyang alukin ng kasal si Geallan. Pero nakakaramdam siya ng takot na baka hindi niya mapanindigan ang pagiging asawa sa babae. Tuluyan na nga niyang kinalimutan ang plano dahil sa mga problemang dumating.
Dock didn’t have enough courage to choose one or the other—family and business—since both were permanent parts of his life. Both demanded more attention than he had to give. As a result, Geallan was not going to get what she needed or deserved from him. He had to give her up for awhile habang inaayos ang sariling pamilya.
Takot siyang matulad sa mga magulang. His mother spent all of her time at work. She could never find the time to complete an entire week of vacation with them. Napabayaan nito ang ama nila, kaya nagloko hanggang sa tuluyan silang iwan.
Hindi alam ni Dock kung sino ang dapat sisihin. Ang kanyang ina na ibinuhos ang buong oras para patunayan sa lolo niya na kaya nitong pamahalaan ang negosyo o ang ama na naging mahina at sinukuan sila? Paano kung ganoon ang mangyari sa sarili niyang pamilya?
Dock wanted to create a healthy family environment. But he finds it very difficult dahil sa obligasyon sa pamilya.
Ngayong okay na ang kanyang ina at problema sa negosyo, siguro naman dapat na niyang harapin ang sariling buhay. Ready na ang kanyang ina na pakawalan siya, na harapin naman niya ang sariling buhay. Pero ngayon, nahihirapan siyang mapalapit uli kay Geallan. Lahat ng bulaklak na ipinapa-deliver niya sa klase nito, tinatapon lang ng babae. She hated him so much.
“Alam mo, pare, that young boy is not really a problem. Alam mo kung sino ang dapat mong problemahin?” Alford said, sprawling out on the crimson couch across from him.
His brows shot up. “Who?”
Alford took a sip of his drink. “Si Javan.”
“Javan?”
“Si Javan lang ang lalaking pinapayagan ni Brielle na puntahan siya sa bahay. Ang tanging lalaking sinasamahan niya at ang tanging lalaking nagpapangiti sa kanya bukod sa pamilya niya.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Dock. Ipinatong niya ang forearm sa ibabaw ng hita habang nakatingin kay Alford. Pinipilit niyang i-process ang mga sinabi nito.
“Javan? His ex? Nagkikita sila?”
“Uh-huh. Madalas silang magpunta sa isa sa mga overlooking spot sa Antipolo. Ilang beses na rin kaming sumama ni Lyca para mag-picnic. Malapit na nga kaming maging bff ni Javan, eh. He’s a good man.”
“Bakit walang nagsasabi sa akin ng tungkol dito?” tanong niya sa mabubuting kaibigan.
“First of all, sino ka ba para i-report namin ang mga ginagawa ni Brielle?” Tres asked from his right.
Madalas niyang tanungin ang mga kaibigan. Pero ang sabi naman ng mga ito, single pa rin si Geallan. Walang nabanggit ang mga ito tungkol kay Javan.
“We’re best friends.” Muli siyang sumandal.
“But you made my sister sad. I know she had been masking the pain you’ve caused. And this Javan is a big help. Napapasaya niya si Brielle.”
“Dude, ikaw ang nagsabing ayusin ko muna ang buhay ko at hayaan ko munang makasama n’yo si Geallan.”
“You told me you are not yet ready to get married. Ano, papaasahin mo ang kapatid ko?”
“I love her. Sinabi ko sa `yo na mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.”
“Love isn’t enough if you are afraid to commit.”
Dock huffed, massaging his temple. Ang huling pag-uusap nila ni Tres ay sa resort. Sinabi niya sa kaibigan na mahal niya si Geallan. Iyon nga lang, hindi pa siya handa sa usaping kasal dahil nga sa itinawag ni Viel na problema na naman sa kanyang ina. Pinakiusapan siya ni Tres na ayusin muna ang problema sa pamilya bago ipagpatuloy ang pakikipagrelasyon sa kapatid nito. Marami pa rin namang kailangang ayusin si Geallan sa buhay.
Nagalit sa kanya si Tres nang umalis siya nang hindi nagpapaalam kay Geallan. Hindi siya kinausap ng kaibigan kahit isang beses tuwing susubukan niya itong tawagan. Isang suntok ang pang-welcome nito sa kanya nang bumalik siya at magpakita. Pero nanaig pa rin ang pagkakaibigan nila. Pinagbigyan siya nitong makita si Geallan at mapalapit sa kapatid. Pero kung ipagtatabuyan daw siya ni Geallan at hindi na tatanggapin, huwag na huwag niyang pipilitin ang babae.
“But I’m ready now.” He was ready now. Alam niyang handa na siyang lumagay sa tahimik.
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Tres. Itinaas ang baso. “Then, good luck. Win her back if you can. A piece of advice, buddy. You don’t get unlimited chances to win her back. So don’t screw it up.” Straight na ininom ni Tres ang alak sa baso.
Dock would do everything to get Geallan back. Para lang sa kanya ang babae. Hinding-hindi siya papayag na hindi makausap si Geallan ngayon.
Ibinalik niya ang tingin sa bar counter. Nag-iisa na lang si Geallan, nakatayo habang nakasandal sa counter at umiinom ng ladies drink. Nakatingin ito sa dance floor.
She was different now. All of her movements were not the same as before. She was languid in a way that screamed elegance. Prim and proper. But Dock missed the old Geallan. Iyong bungisngis at inosente. Kapag tumawa, walang pakialam sa paligid. And it was contagious. She was a kitten, but a tigress in bed.
Nakangiting itinaas ni Geallan ang baso habang may ngiti sa mga labi. Nang tingnan niya ang dahilan ng pagngiti nito, nakita niya sina Brent at Nadia na nagsasayaw. Parang nakatayo lang ang dalawa, magkadikit ang katawan habang nakatitig sa isa’t isa samantalang ang tugtog ay hindi tugma sa uri ng sayaw na ginagawa. They were dancing in a slow motion, though the music was pop.
What was going on? Bakit ang dalawang iyon ang nagsasayaw?
Ibinalik ni Dock ang tingin sa direksiyon kung nasaan si Geallan. Inilapag nito ang wala nang lamang baso sa counter at nilapitan ang direksiyon kung nasaan ang restroom. Kinuha niya ang basong nasa tapat niya at ininom ang laman. Tumayo siya pagkatapos ilapag ang baso sa mesa.
It was now or never.
Iniwan ni Dock ang mga kaibigan, saka sinundan si Geallan. Sumandal siya sa dingding at hinintay ang paglabas ng babae ng restroom. Hindi naman ito nagtagal sa loob.
Kumuyom ang kamay ni Dock nang makita ang lalaking lumapit kay Geallan. Napansin na niya ito kanina na parang may hinihintay rin. At parang si Geallan yata ang inaabangan nito.
Tinabig ni Geallan ang kamay ng lalaki nang hahawakan sana nito ang mukha ni Geallan. Umalis siya sa pagkakasandal at nilapitan ang dalawa. Mabilis niyang hinawakan ang balikat ng lalaki nang hawakan nito si Geallan sa braso. Hinila niya paharap ang lalaki. Isang malakas na suntok ang ibinigay niya sa mukha nito. Nagulat si Geallan habang nakatingin sa nakahigang lalaki, wala na itong malay.
“What the heck?! What happened?” Dock heard Alford’s voice from behind.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Geallan nang makabawi sa pagkabigla.
Sa halip na sagutin ang tanong nito, hinawakan ni Dock sa pupulsuhan ang babae, saka hinila papunta sa exit na nasa likod ng bar.
“Ano ba, Dock? Bitiwan mo nga ako!”
Hindi niya pinansin ang pagpupumiglas ni Geallan hanggang sa makalabas sila.
“Hey, dude! Saan mo dadalhin si Brielle?”
Noon siya tumigil. Nilingon niya si Alford na sumunod sa kanila. “Bubuntisin ko para wala nang kawala.”
“Wew!” tanging nai-react ni Alford sa sinabi niya.
Damn it! Dock was desperate to make Geallan want him again. He was willing to use all the strategies he knew to get her back as quick as possible. If impregnating her was the possible way to make her stay with him forever, then he would propel his billions of actively swimming armies up into her uterus and find her egg.