noveltoon logo noveltoon
Get Wild (Fatal Attraction Series 2)

Chapter 11

Ch. 11 / 39 Mar 23, 2025

C hapter 11

PAGKATAPOS mamili ng sapatos sa shop ni Leila—pinsan ni Tres sa mother side—nagpunta sila sa isang fast-food chain. Sa McDo, iyon ang request ni Geallan nang tanungin niya kung saan nito gustong kumain.

Parang batang tuwang-tuwa ang babae. Ngayon lang daw ito makakakain sa McDo. Wala raw McDo sa lugar ng mga ito. May Jollibee naman sa kabisera, pero dalawang oras ang biyahe kaya hindi rin ito nagkaroon ng pagkakataong makapunta roon. Kasama nila si Tres.

Dock took Geallan’s hand and kissed it. She looked genuinely happy. “Nag-e-enjoy ka ba?”

Geallan nodded with a sweet smile on her face. Hahalikan sana niya ito sa mga labi nang bumalik si Tres na nagpunta sa counter para bumili raw ng latest toy collection ng McDo para kay Geallan. Nabanggit nga kasi ng babae na never itong nagkaroon ng laruan galing sa sikat na mga fast-food chain.

“Look at these, Geallan.” Inilapag ni Tres ang mga McDo toys sa harap nito.

“Wow!” namamanghang sabi ni Geallan habang nakatingin sa laruang inilabas ni Tres sa supot. “Ang cute!” she said as she picked one of the toys up from the table.

As Geallan looked at the toy, a smile slowly faded from her face. The sudden spike of sadness spread across her face. Tumingin ito kay Tres at ngumiti. A weak one.

“Ibibigay mo talaga `to sa akin?” Dinala ni Geallan ang laruan sa dibdib nito.

“Oo, para sa `yo `yan.”

“Salamat. Iingatan ko `to, pangako. Maiingatan ko na `to ngayon. Wala na kasing magtatapon o sisira.”

“Alam mo, Geallan, ang sarap-sarap mong pasayahin. You appreciate even the little things,” Tres said.

“Lahat ng biyaya ng Diyos, dapat naman talagang naa-appreciate natin. Saka, hindi maliit na bagay `to, ah. Buong buhay ko, ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong laruan. Kaya huwag mo itong nila-‘lang.’” Hinawakan ni Geallan ang pisngi ni Tres, saka iyon pinisil.

“Ikaw talaga.”

Nagtawanan ang dalawa, saka sabay na kumuha ng French fries. Sabay rin iyong isinubo kaya muling nagtawanan ang mga ito.

Noon unti-unting nalukot ang mukha ni Dock. What the heck was happening? The last time he remembered, Tres had already forgotten how to laugh, even to smile, since Mhelanie, his wife, left for California. Ngayon, kung tumawa, iba. He was genuinely happy at dahil iyon kay… Geallan?

“Alam mo, hindi ako makapaniwalang kayo ang may-ari ng mall na `to. Grabe! Hindi ko naisip na magkakaroon ako ng kaibigan na may-ari ng mall. Friends na tayo, `di ba?”

Falcon Ulysses “Tres” III was the CEO of Grandeur Holding Inc. Hindi lang mall ang negosyo ng pamilya nito kundi pati na rin hotels.

“Of course. It’s my pleasure to be your friend, Geallan,” Tres said through a laugh.

May suspetsang nagpalipat-lipat ang tingin ni Dock sa dalawa. Was Tres attracted to Geallan? Posible. May similarities sina Geallan at Mhelanie. Ang pagiging sweet at very innocent ng dalawa ay magkatulad na magkatulad.

“Kapag mayaman ba, mga guwapo talaga?” Geallan asked as she looked at Tres intently. Parang sinusuri ang bawat detalye ng mukha nito. “Sobrang guwapo mo. Parang mas guwapo ka pa kay Dock.”

What the fuck! Did Geallan tell that in front of her boyfriend’s face?

In front of my face!

“You are so honest, Geallan.” Tres chuckled.

“Pero guwapo rin si Dock. Magkaiba ang kaguwapuhan n’yo.”

Pero mas guwapo siya para sa ` yo! gusto niyang isigaw.

Dock started to feel annoyed.

“Ahm, babe, Geallan—”

“Try this, Geallan. Masarap kapag isinasawsaw ang French fries sa sundae.”

Mariing ipinikit ni Dock ang mga mata sa pagkuha na naman ni Tres ng atensiyon ni Geallan.

“Mmm… Masarap nga,” Geallan hummed as she munched the fry after dipping it into her sundae.

Dock was quite irritated by now.

“I told you.”

Nag-enjoy na talaga ang dalawa. Siya naman, parang nakalimutan na. Hindi ba alam ng dalawang ito na kasama siya ng mga ito?

Bumuntong-hininga si Dock, saka tumayo. “Let’s go, Geallan.”

They both looked up at him in unison. Both had fries in their mouths.

“Uwi na tayo.” Dock was aware of the expression on his face. Alam niyang hindi na maipinta ang kanyang mukha.

“Uwi na agad?”

Hindi niya pinansin ang paglungkot ng mukha ni Geallan.

“Mamaya na lang, dude. Dalhin natin si Geallan sa ice skating rink.”

“May ice skating dito?”

Muling bumakas ang matinding excitement sa mukha ng babae, pero ayaw iyong pagtuunan ng pansin ni Dock.

“Hindi na. Let’s go, Geallan.”

Isa-isa niyang kinuha ang mga paper bag na naglalaman ng sapatos. Hinawakan niya ang sampung paper bag sa isang kamay. Hinawakan niya rin ang kamay ni Geallan, saka ito hinila patayo kahit parang ayaw pang umalis.

“Sandali, ang mga laruan ko.”

Nagmamadaling ibinalik ni Tres ang mga laruan sa paper bag at iniabot iyon kay Geallan.

KAPANSIN-PANSIN ang pananahimik ni Geallan hanggang sa marating nila ang condominium. Mukha itong malungkot. Bigla naman siyang nakonsiyensiya. Nagtanong din kasi si Geallan kung bakit sila umuwi agad, pero hindi niya nabigyan ng dahilan.

Ano ang sasabihin niya? Na naiirita siya sa closeness nito kay Tres?

Sa halip na tumuloy sa elevator na nasa parking space, nagpunta sila sa lobby. May natanggap siyang mensahe from the receptionist na may naghihintay raw sa kanya sa lobby. Hindi niya kilala ang pangalang sinabi.

They were about to approach the receptionist desk when someone called Geallan’s name in an excited tone, causing them to stop in their tracks. Nang lingunin nila ang pinanggalingan ng boses, isang singhap ang narinig niya kay Geallan kaya niyuko niya ang babae. Nasa mukha nito ang gulat, bahagyang namilog ang mga mata at nakaawang ang bibig.

“Geallan!” Malalaki ang ginawang hakbang ng lalaki. Nilapitan nito si Geallan at walang sabing niyakap. “Salamat at nakita rin kita.”

“Ano’ng ginagawa mo rito, Javan? Paano mo nalaman kung nasaan ako?”

Kung ganoon, ito ang lalaking itinawag sa kanya ng receptionist. Bumitaw ang lalaki sa pagkakayakap kay Geallan at ang mukha ng babae ang hinawakan.

“Agad akong lumuwas nang tawagan mo ako. Pumunta ako sa club na sinabi mo. Nalaman kong kinuha ka ng isang lalaki.” Tumingin ang lalaki sa kanya at muling tumingin kay Geallan.

Bahagyang kumunot ang noo ni Dock nang unti-unti, parang naging pamilyar ang lalaki. Tama. Kilala nga niya ito. Ito ang lalaking napagtanungan niya noon sa Isla Liwanag. Kung ganoon, kilala ng lalaki si Geallan, pero itinanggi nito iyon. Kaano-ano ito ni Geallan?

“Sobra akong natakot, Geallan.” Muli nitong niyakap si Geallan, saka mariing inilapat ang bibig sa ulo ng babae. “Nandito na ako. Isasama na kita.”

Awtomatikong nagtagis ang mga bagang ni Dock sa narinig. Tumikhim siya para putulin ang madramang tagpo sa pagitan ng dalawa. Nagbitaw ang mga ito sa pagyayakapan, saka bumaling sa kanya.

“Kaano-ano ka ni Geallan?” tanong niya sa lalaki. Sadya niyang ipinakita ang disgusto sa mukha.

“Kaibigan ko siya, Dock.”

Tiningnan niya ang lalaki. Hindi lang kaibigan ang tingin nito kay Geallan. Sigurado siya sa bagay na iyon. Lalaki siya kaya alam niya iyon.

“Geallan can’t go with you. Nasa poder ko na siya ngayon. Nasa akin ang lahat ng karapatan kung pasasamahin ko siya sa `yo o hindi. And I decided not to.”

“Pare, salamat sa pagtulong kay Geallan. Pero wala ka naman sigurong karapatang pigilan siyang umalis.”

Hinawakan ni Dock ang kamay ni Geallan. “Nasa akin ang lahat ng karapatan because I’m her boyfriend. I own her,” may diin niyang sabi.

“Geallan?”

Nagtatanong na tumitig ang lalaki sa girlfriend niya. Marahang tumango si Geallan bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ni Geallan. Hinila niya ito papuntang elevator na eksaktong kabubukas lang dahil may lumabas kaya agad silang nakasakay. Pasara na ang pinto ng elevator nang may pumigil niyon. Agad na pumasok ang lalaki. Si Javan. May nakasukbit na isang knapsack sa kabilang balikat nito.

“Sasama ako,” sabi nito. Hindi iyon pakiusap.

“Pare, ano ba’ng problema mo?” Hindi alam ni Dock pero hindi niya gusto ang lalaki. Parang ang bigat ng loob niya rito.

“Dock, puwede bang doon na muna kami sa lobby? Kakausapin ko lang si Javan.”

“No. Isama mo na lang siya sa pad. Doon kayo mag-usap.”

“Salamat.”

Inakbayan ni Dock si Geallan. Ipinaikot niya ang bisig sa balikat ng girlfriend habang nasa harap niya ito. Nakasandal siya sa dingding habang ang babae ay nakasandal sa katawan niya. Sadya niya itong inilayo kay Javan para hindi makatabi.

Matalim niyang tinitigan ang lalaki na nakatiim ang bagang at nakatitig sa kanya. Nang marating ang palapag kung nasaan ang unit niya, magkahawak pa rin sila ng kamay ni Geallan. Naglakad sila papunta sa pad habang nakasunod ang lalaki. Binitawan lang niya ang kamay ng girlfriend nang nasa tapat na sila ng pinto.

“Hey, guys!”

Nabitin ang pag-punch ni Dock sa passcode ng pad nang marinig ang boses ng babae mula sa katapat na unit. “Princess? What are you doing here?” tanong niya sa ex na nakasandal sa frame ng pinto.

“My new place. We’re neighbors now. Exciting, right?”

Dock just shook his head before punching in the code. Ano naman kaya ang trip ngayon ng babaeng iyon? Kung bakit ba naman kasi binalik-balikan pa niya.

Inilapag ni Dock ang lahat ng paper bag sa sofa. Umupo silang magkatabi ni Geallan sa mahabang sofa. He motioned Javan to take a seat. Umupo ito sa pang-isahang sofa na katapat nila.

“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin sa girlfriend ko.”

“Puwede bang mag-usap kami nang sarilinan?”

Tatanggi sana si Dock, pero hinawakan siya ni Geallan sa braso.

“Mag-uusap lang kami,” pakiusap ni Geallan.

Isang mabigat na paghinga ang pinakawalan ni Dock, saka tumayo at iniwan ang dalawa kahit hindi niya gusto.

“Boyfriend mo `yon?” narinig niyang tanong ng lalaki hindi pa man siya nakakalayo.

“Oo,” sagot ni Geallan.

“Sumama ka na sa akin. Lumayo na lang tayo, Geallan.”

Hindi tuluyang pumasok si Dock. Pinakinggan niya ang pag-uusap ng dalawa. Na-curious siya sa sinabi ni Javan. Ito ba ang ex-boyfriend ni Geallan? Hindi siya puwedeng magkamali.

“Javan, hindi puwede.”

“Alam kong hindi mo mahal ang lalaking `yon. Geallan, sige na. Sumama ka na sa akin.”

Ikinuyom ni Dock ang mga kamay at tuluyang pumasok sa kuwarto. Umupo siya sa gilid ng kama.

That fucker! Tingin naman ng lalaki, papayagan niyang isama nito si Geallan?

Pero paano kung sumama si Geallan? Alam naman niyang kailangan na kailangan ng babae ng tulong kaya ito pumayag na maging mag-boyfriend sila. Geallan was just using him and it was fine with him. Not a big deal. Kung tutuusin, napakalaking kapalit naman ang ibinigay nito sa lahat ng tulong niya. She had given herself to him without hesitation.

Itinukod ni Dock ang dalawang kamay sa kama sa likuran niya at itiningala ang ulo. Hindi niya gusto ang ideya na aalis si Geallan sa poder niya. Hindi pa man, parang nakakaramdam na siya ng pangungulila. Weird! He had never felt this way with any girl he had been with before.

Ibinaling niya ang tingin sa pinto nang bumukas iyon. Pumasok si Geallan.

“Dock, puwede ba tayong mag-usap?” Isinara nito ang pinto at humakbang palapit sa kanya.

Fuck! He didn’t like the appearance of her face. Parang may sasabihin itong hindi niya magugustuhan.

“Kasi… Ahm…”

“You have to pay me a million before you can leave, Geallan.” Muli niyang itiningala ang ulo.

Naiirita siya nang sobra. He was her boyfriend. Pero dahil dumating ang lalaking iyon, iiwan na siya nito. Anong klase iyon?

Nang hindi magsalita si Geallan, muli niya itong tiningnan. Nakayuko ito habang nilalaro ang sariling kamay. Malungkot. Hinilot niya ang pumipintig na sentido bago umayos ng pagkakaupo. “Gusto mo na bang sumama sa lalaking `yon?” he asked.

Nag-angat ng mukha si Geallan. Marahan itong umiling. “Hindi. Sinabi ko na sa kanyang hindi ako sasama. Gusto kong manatili rito kasama ka.”

“Talaga?” Gumaan ang mabigat na nararamdaman ni Dock dahil sa narinig.

“Kaya lang, may ipapakiusap sana ako. Puwede bang manatili muna rito si Javan kahit ilang araw lang? Na-hold-up daw kasi siya habang naghahanap sa akin kaya walang-wala siya ngayon. Pati ATM card niya, napasama sa nakuha. Babalik naman daw agad siya sa isla. Hihintayin lang niya ang padala ng mga magulang niya.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Dock. Ilang araw ba ang inaabot ng pagpapadala ng pera sa isang money remittance?

That fucker! Siguradong hindi ito na-hold up. “I can give him money para makabalik na siya sa kung saang lupalop man siya nanggaling.”

“Sinabi ko na sa kanya na uutang na lang ako sa `yo kasi nakakahiya kung dito siya tutuloy, pero ayaw niya. Aalis na lang daw siya kung hindi ko gustong nandito siya.”

“`Yon naman pala, eh. Di hayaan mo siyang umalis.”

“Dock, hindi ko naman siya kayang pabayaan. Nandito siya dahil sa akin. Kahit ilang araw lang.”

That fucker! Tingin ba ng lalaking iyon, mauuto siya nito? Alam niyang nagsisinungaling lang ito. Gusto nitong manatili roon, puwes pagbibigyan niya. Ipapakita niya ritong para lang sa kanya si Geallan.

Tumayo si Dock, inilahad ang kamay sa babae. Inabot naman nito iyon, saka sila muling lumabas ng kuwarto. Agad na tumayo si Javan nang makita sila.

“Pumapayag akong manatili ka rito. Kaibigan ka ni Geallan.”

“Kahit doon na lang siya sa kuwarto ko,” Geallan suggested.

“Sige. Kunin mo ang mga gamit mo at ilipat sa kuwarto ko. Doon ka sa akin.”

“Hindi,” kontra ni Javan. Tumalim ang mga mata nito. “Magsasama kami sa iisang kuwarto. Kung mayroon man ditong rerespeto kay Geallan, ako `yon. Matagal ang pinagsamahan namin, natutulog nang magkatabi. Pero sobra ko siyang inirespeto.”

“I’m glad to hear that, pare. Thank you for respecting my girlfriend. But I wouldn’t allow my girlfriend to have a male roommate. Kung mayroon man siyang dapat makasama, ako lang `yon.”

Ano ang karapatan ng lalaking ito na kontrahin siya sa sarili niyang pamamahay?

“Irespeto mo si Geallan. Hindi por que kayo na, eh, puwede na kayong magtabi sa iisang kama.”

“We already slept together. So, ano ang masama na magtabi kami sa pagtulog?”

“Dock!” pigil ni Geallan. Parang ayaw nitong malaman ng lalaki ang sensitibong bagay na ginagawa nila. Bahagya pa itong ngumiwi na parang nahihiya.

“Totoo ba ang sinasabi ng lalaking `yan, Geallan?” nanunumbat na tanong ng lalaki. Itinungo lang ng girlfriend niya ang ulo. “Geallan naman. Kakakilala mo lang sa tao, ibinigay mo na ang sarili mo? Hindi ka ganyan! Pinilit ka ba niya dahil sa utang-na-loob mo—”

“Hindi! Ginusto ko `yon. Gusto kong ibigay ang sarili ko sa kanya. Javan, pakiusap, tigilan mo ang pagtatanong sa akin ng mga ganyang bagay.”

Ang tanging nagawa ng lalaki ay humugot at magpakawala ng malalim na hininga.

“YOU HAVE to pay me a million before you can leave, Geallan.”

Hindi mawala sa isip ni Geallan ang sinabing iyon ni Dock. Habang nagluluto siya ng hapunan, iyon ang gumugulo sa isip niya. Ang laki ng isang milyon. Kung patuloy siyang tutulungan ni Dock, lalo siyang mababaon sa utang. Isang milyon kapalit ng kalayaan niya.

Natigil ang pag-iisip niya nang yakapin siya ni Dock mula sa likuran habang nasa harap siya ng gas range.

“I’m sorry,” bulong nito sa likod ng tainga niya. “`Yong sinabi ko sa `yo kanina, wala lang `yon. Nabigla lang ako. Wala kang dapat bayaran, Geallan.” Hinalikan ni Dock ang likod ng tainga niya. “Ayaw lang kasi kitang umalis kaya ko nasabi `yon. Forgive me, babe.” Lalong humigpit ang yakap nito.

Bahagya niyang inihilig ang gilid ng mukha sa pisngi ni Dock. “Wala naman `yon sa akin. Saka, babayaran naman talaga kita kapag nakapagtrabaho na ako. Kaya lang, hulugan lang, ah.”

Marahang natawa si Dock, saka ipinihit ang mukha niya paharap dito. “I’m sorry, Geallan.” Hinalikan siya nito sa mga labi.

“Okay lang talaga, Dock.”

Naghiwalay lang ang mga labi nila dahil sa isang tikhim. Si Javan.

“Nagluluto ka ba, Geallan? Tutulungan na kita. Dati sa isla, nagluluto tayo, `di ba?”

Lumapit sa kanila si Javan. Ikinabahala ni Geallan ang naging ekspresyon ni Dock. Naiirita ito sa presensiya ni Javan. Hindi ito nagsasabi, pero nararamdaman niya iyon.

Kinuha ni Dock ang sandok na iniwan niya sa kawali at ibinigay kay Javan. “Tutal may kusa ka naman at parang magaling ka namang magluto, ikaw na lang ang magtuloy niyan.” Ipinaikot nito ang isang braso sa baywang niya. “Let’s go, babe. Sa kuwarto muna tayo. Let’s make love while that fucker is cooking for us.”

Ugh! Nakakainis ang bibig ni Dock. Pero hindi na nakapagreklamo si Geallan nang hilahin siya nito palayo sa kusina.

“Sarapan mo, pare, ah? Tawagin mo na lang kami kapag luto na.”

Alam niyang nang-aasar si Dock dahil nakangisi ito.

“Dock, naman, eh. Nakakahiya kay Javan. Bakit kailangan mong sabihin ang make love?”

He snorted. “I hate that man. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya sa isla noon.” Binuksan ni Dock ang pinto ng kuwarto. Nauna siyang pumasok.

“Isla? Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Nakilala ko siya sa isla. Siya `yong napagtanungan ko tungkol sa `yo. Sinabi niyang hindi ka niya kilala.” Umupo si Dock sa kama. “Sino ba siya sa buhay mo? Kababata mo ba siya?”

Mabilis na nag-iwas ng tingin si Geallan. Baka lalo itong mainis kapag nalamang si Javan ang naging boyfriend niya nang tatlong taon.